"GOOD MORNING, Mrs. Aragoncillo." Nakapikit pang mahinang sabi ni Aki na ikinangiti ko ng maliit."Fvck, ang sarap pakinggan." May maliit na ngiti ring gumuhit sa mga labi nito, habang pikit pa rin ang mga mata. Kanina pa ako gising. Nasisiyahan lang akong panoorin ang mahimbing ng pagtulog nito, habang nadapa sa tabi ko at nakapaling paharap sa akin ang mukha. Hindi ko maitatanging napaka-gwapo talaga ng asawa ko, at napaka-swerte ko, na ako ang napili nitong mahalin, at makasama sa habang-buhay. Hanggang ngayon, ay parang panaginip pa rin sa akin ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala, na sa wakas, ay naikasal na kami nito sa simbahan. Kasal na kami sa mata ng Diyos, at sa lahat ng mga taong nakapaligid sa amin. Hindi katulad noon, na iilan lang ang nakasaksi ng kasal namin. Katula

