Namangha si Wong Ming sa mga lugar na nasa paligid ng Norest Tribe at maya-maya pa ay napansin nito ang isang kakaibang lugar sa paanan mismo ng Norest Tribe.
Kakaiba ang nasabing bukal na napapalibutan ng mga ligaw na halaman.
"Little Devil, ano ang tinitingnan mo diyan?!" Ani ng dalagang si Earth Dawn na animo'y nagtataka.
"Ano ang lugar na iyan?!" Seryosong tanong ni Wong Ming habang makikitang nagtataka ito lalo pa't parang pinabayaan.
"Matagal na ang lugar na iyan at ipinagbabawal kami na pumunta riyan. Minsan ng kinain ng lugar na iyan ang iilan sa mga ka-tribo namin at misteryoso silang nawala. Ang lugar na iyan ang minsang kumain sa kapatid kong lalaki noong musmos pa lamang ito." Malungkot na saad ni Earth Dawn habang napaluha pa ito sa huling bahagi ng pangungusap nito.
Makikitang tiningnang maigi ni Wong Ming ang pagmumukha ng dalaga.
Dito ay agad na napagtanto niya na tila magkahawig ng pagmumukha ang nasabing dalaga sa maharlikang kaibigan niyang tinatawag na Lord Damon.
"Kapatid mo ba mismo? Anong kinain? Mukhang nagkakamali ka ata ng inaakala Earth Dawn, hindi niyo ba alam na isang pambihirang lagusan ito patungo sa ibang mundo?!" Tila gulat na sambit ni Wong Ming na halatang hindi na nagpatumpik-tumpik pa.
Mabilis na tumalon si Wong Ming sa nasabing lugar na iyon mula sa pagkakasakay nito sa flying beast.
Mula sa kamay niya ay tila nagmaterialized ang isang kakaibang halaman, halamang minsan na niyang nakita sa pambihirang Giant Spring sa pambihirang kagubatan ng Ashfall Forest sa mismong teritoryo ng Wind Titan Tribe, ang Poseidon Phlox Herbs na nagtataglay ng extreme cold herbs.
Nilagay niya ito sa gitna ng mismong maliit na lawa.
Nakita naman ito ng iilan sa mga napapadaang mga miyembro din ng Norest Tribe.
Kitang-kita ang tila pagkakaroon ng interes ng isa sa kinakapatid sa tatay ni Earth Dawn na tanyag sa pangalang Destructive Water.
Napakalakas ng isang ito lalo pa't anak ito sa unang concubine ng tribe leader na ama ni Earth Dawn.
Sa loob-loob ni Wong Ming ay mukhang gusto ng nilalang na ito na pahiyain siya o gagawa ng bagay na ikasasama niya upang idamay si Earth Dawn.
"Saan mo nakuha ang ligaw na halamang iyan? Talagang ang kapal ng loob mong ilagay iyan sa pipitsuging bukal na iyan!" Bulyaw ni Destructive Water kay Wong Ming habang nakangisi ng nakakaloko.
Hindi aakalain ni Wong Ming na may itinatagong baho ang isang nilalang na ito. Halatang pakitang-tao lamang ang ipinakita nito noong nakaraang araw.
At hindi siya karapat-dapat sa titulo bilang destructive water.
At bakit pa ito nananatili sa Norest Tribe, palibhasa ay nasisiyahan itong nakukuha ang benenpisyo ng pagiging unang concubine ng ina nito.
Nakita naman ni Wong Ming na halos sumabog na sa inis si Earth Dawn at kitang-kita kung paanong bigla na lamang itong nakarating sa kinaroroonan ni Destructive Water at binigyan niya ito ng malakas na suntok sa sikmura.
BANG!
Kitang-kita kung paano'ng tumilapon at napasuka ng sariwang dugo si Destructive Water sa isang tabi.
Kitang-kita ang kakaibang galit sa mukha ng binatang iyon habang hindi nakatakas kay Wong Ming na lihim pa itong napangisi.
"Earth Dawn, ano ang ginawa mo sa kapatid mo, hindi ka man lang naawa sa lampa kong kapatid!" Sambit ng bagong dating na dalaga.
Maganda ang dalagang ito ngunit halatang hindi man lang ito kamukha ni Earth Dawn. Kung titingnang maigi ay mas maganda pa nga si Earth Dawn sa paningin ni Light Prime.
Hindi naman nakapagpigil si Light Prime na magsalita.
"Mawalang-galang na binibini ngunit hindi ba't nagkakamali ka ng paratang. Masyado lang matabil ang dila ng kapatid mo kaya nararapat lamang na parusahan ang walang modo mong kapatid!" Seryosong wika ni Light Prime at halatang nagpipigil lamang ito ng kaniyang gigil na gawin din ang nagawa ni Earth Dawn mula rito.
"At sino ka naman upang mangialam sa away naming magkakapatid?! Wala kang karapatang sumabat at hindi porket bisita kayo ng babaeng walang inang dukhang ito ay mag-aasta na kayo na parang kayo pa ang naagrabyado?! Hmmp!" Naiinis na saad ng dalaga habang pinanlisikan pa nito ng tingin si Light Prime lalong-lalo na si Earth Dawn.
Lalo namang uminit ang ulo ni Earth Dawn sa pinagsasabi ng babaeng ito kaya hindi nito mapigilang magsalita laban sa kapatid niyang ito.
"Mahiya ka naman Manchu at Mèng yáo sa pinagsasabi niyo. Hindi ko aakalaing napakawalanghiya niyo pa rin. Msgkapatid nga ksyong dalawa!" Turan ni Earth Dawn na tila sumabog na ito sa labis na galit sa dalawang ito.
Kapatid niya man ito dahil sa ama nilang isang tribe leader ngunit makikitang parang hindi sila tinuruan ng magandang asal.
"Ano ang kaguluhang ito, Manchu?! Méng yáo?! at Xiaodan?! Bakit kayo nagkakaganito?!" Saad ng tribe leader na bagong dating lamang habang kasa-kasama nito ang lola nila at mayroon pang isang ginang na katabi lang rin ng tribe leader.
"Tribe Leader!" Sabay-sabay na sambit ni Earth Dawn, Wong Ming at Light Prime at yumuko pa ito bilang paggalang.
"Ama, buti at narito ka!" Sambit ni Méng yáo at tinulungan ang tila sugatan nitong kapatid na si Manchu.
"Sila ama ang gumagawa ng gulo, hindi ko aakalaing pagtutulungan nilang tatlo na pinsalain si Manchu, kung hindi lamang ako dumating ay baka napaslang na nila ang nakababatang kapatid ko. Dapat ay parusahan mo sila Ama dahil sa ginawa nilang kapangahasan!" Seryosong ani ni Méng yáo na animo'y aping-api talaga sila sa mga oras na ito.
Nagkatinginan naman sina Earth Dawn, Light Prime at Wong Ming dahil sa inaasta ng babaeng Méng yáo na ito na akala mo naman ay inapi talaga.
Lihim namang napaismid si Light Prime dahil sa Inasta at pagsumbong ng babaeng ito. Grabe, napahanga siya sa bangis ng pag-uugali nito.
Nang makita ito ng isang ginang ay makikitang nanlisik ang mga mata nitong tiningnan sina Wong Ming, Light Prime at lalong-lalo na nang dumako ang tingin nito kay Earth Dawn.
"Ikaw Xiaodan, hindi ka pa rin talaga nagbabago! Pinayagan ka na ngang gumala at magliwaliw sa labas ng tribo ay ito pa ang gagawin mo sa kapatid mong halos lumpuhin niyo na. Dapat ay may gawin ka dito Mùchén!" Saad ng babaeng ginang habang dumako ang tingin nito sa Tribe Leader.
Matiim namang tiningnan ng matandang ginang si Earth Dawn na ngayon ay tila inaakusahan naman ng babaeng concubine na ito na kapwa ina nina Manchu at Méng yáo.
"Hahaha... Mga kabataan nga naman, masyado mo namang sineseryoso ito Yù míng, isa lamang itong away-bata. Dapat ay palampasin mo na lamang ito anak." Nakangiting sabat naman ng matandang ginang.
"Ahahaha... Tama ka ina, maliit na bagay lamang ito. Masyadong lampa talaga itong si Manchu, nararapat lamang na bigyan din ito ng sakit ng katawan upang matuto. Manchu, hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo nitong nakaraang araw." Turan ni Tribe Leader Mùchén habang inaalala ang kabulastugan ng anak nitong si Manchu.
"Pero----!" Kontrang saad ni Méng yáo ngunit mukhang pinatigil na siya ng ina nito sa sasabihin nito.
"Méng yáo, sundin mo ang sinasabi ng ama mo. Manchu, kahit kailan talaga ay wala ka ng ginagawang mabuti, dinamay mo pa ang ate mong si Méng yáo." Seryosong turan ng babaeng ginang habang tinataboy nito ang mga anak niya dahil batid niyang hindi maganda ang mood ng tribe leader.
Ayaw niyang saluhin ang problemang binibigay ng lintik na anak niyang si Manchu na palaging ikinakagalit ng tribe leader.
Sumenyas pa ito sa anak nitong si Méng yáo gamit ang kamay nito dahil mukhang magpupumilit pa ito sa gusto nito.