Chapter 1.9

1106 Words
Padabog namang nilisan ni Méng yáo ang lugar na ito habang inaalalayan ang sugatan nitong kapatid. Sa isang iglap ay nawala ang presensya ng mga ito. "Totoo bang pinagtulungan niyong tatlo ang kapatid mo Xiaodan?! hindi ko aakalaing magagawa mo ito!" Seryosong tanong ng tribe leader kay Earth Dawn na ngayon ay tila tahimik lamang na nakatingin sa kaniya. "Paano'ng gagawin ko iyon sa anak niyo Tribe Leader, isa lamang akong sampid sa tribong ito na walang ina, nagmula na mismo sa bibig ni Méng yáo ang mga katagang ito. May sasabihin pa kayo Tribe Leader?!" Matapang na wika ni Earth Dawn nang harap-harapan mula sa ama nito. Magmula ng yumao ang ina niya mula ng isilang ang kapatid niya maging ang pagkawala ang kapatid niya sa lugar na ito ay pakiramdam niya ay hindi talaga siya nabibilang sa mundong ito. Sa dami nilang magkakapatid ay pakiramdam niya ay nag-iisa siya, nangungulila sa pag-aaruga at kalinga ng isang ina maging ng isang ama. Pakiramdam niya ay sobrang malas niya. Hindi niya man lang maipagtanggol ang sarili niya mula sa iba lalo na sa kagagawan ng mga kapatid niya. She was the weakest of them all. Sa lahat ng magkakapatid, siya lang ang napag-iwanan. Ganon ang pakiramdam niya, ngunit ngayon ay parang wala na siyang pakiramdam pa, wala na rin yung sinasabi nilang expectations. Siguro ang pagpunta niya lamang rito ay para klaruhin ang nasa isip niya, ngunit mukhang nakuha niya na ang sagot sa mga katanungan sa puso't-isipan niya. Napatahimik na lamang ang Tribe Leader sa sinabi ng anak nitong si Xiaodan, wala ng bakas ng ekspektasyon sa mga mata nito. Ni walang bakas ng takot sa mga mata nito na dapat ay paniwalaan niya ito. Dito niya napansin na lumaki na talaga ang anak niya. Bilang tribe leader, inaamin niyang hindi siya naging patas sa nangungulila niyang anak. Gusto niya pa sanang bumawi ngunit mukhang huli na siya. Mukhang masaya na ito, masaya sa kung anuman ang buhay nito sa labas. Bilang isang ama na nagkulang at pinaniwalaan ng matagal ang anak nitong si Manchu at Méng yáo upang gawin itong kawawa si Xiaodan, isa iyon sa pinagsisihan niya. Napansin ni Wong Ming maging nina Earth Dawn at Light Prime ang unti-unting pagbalot ng yelong galing mismo sa natural na properties ng Poseidon Phlox na inilagay ni Little Devil sa gitnang bahagi ng maliit na bukal na ito. Maya-maya pa ay naramdaman nilang lahat ang pag-uga ng lupa at tila nagmumula ito sa mismong maliit na bukal. "Ano'ng ginawa niyo?! Ano ang bagay na iyan?! Tribe Leader, tama ako ng sinasabi, nandito lamang si Xiaodan upang manggulo!" Saad ng babaeng ginang habang napakapit pa ito sa kaliwang braso ng Tribe Leader. Walang tigil ang malakas na pag-uga ng lupa at kapansin-pansin ang malaking pagbabago sa maliit na bukal na tila naging isang Giant Spring. Hindi ito pinansin ng Tribe Leader dahil mukhang may mangyayaring kakaiba. Masasabi ni Wong Ming na katulad na katulad ito ng Giant Spring na nasa teritoryo ng Wind Titan Tribe sa Ashfall Forest. Hindi maipagkakailang napatingin sina Earth Dawn at Light Prime kay Wong Ming na kalmado lamang na tinutunghayan ang mga pagbabagong ito. Naramdaman naman ng lahat ng naririto ang tila may paparating na presensya mula sa mismong loob ng Giant Spring, isa, dalawa, tatlo... Tatlong nilalang at napakalakas ng demonic aura ng mga ito. Mula sa nasabing Giant Spring ay namumuo ang pigura ng tatlong nilalang. Nang magmaterialized kung sino ito ay halos ipulupot na lamang ng nasabing ginang ang katawan nito kay Tribe Leader. Habang si Light Prime naman ay pumunta sa pwesto ni Earth Dawn upang protektahan ito habang si Wong Ming ay nanatili lamang sa pwesto nito. "Sino kayo?! Ano ang ginagawa niyo sa teritoryo namin?!" Seryosong tanong ni Tribe Leader Mùchén na halatang nababahala sa lakas ng presensya ng bagong litaw na mga nilalang. Subalit hindi man lang siya pinansin ng nasabing nilalang kundi ay dumako ang tingin nito sa isang binata na ikinapagtataka naman ng Tribe Leader. "Maligayang pagbabalik muli sa mundo namin, Lord Damon!" Magalang na saad ni Wong Ming habang makikitang yumuko pa ito tanda ng paggalang sa bagong dating na nilalang. Nagbigay-galang din sina Earth Dawn maging si Light Prime na kapwa niya mga kaibigan. May tiwala si Earth Dawn at Light Prime sa binatang ito at batid nilang ayaw rin nilang magmukhang bastos sa kakadating lamang na tatlong nilalang. Pansin niyang mga Water Demon ang mga ito. Nang mapatingin si Earth Dawn sa nilalang na tinawag ni Wong Ming na Lord Damon ay masasabi niyang napakapamilyar sa kaniya ang pakiramdam na ito, pakiramdam na mayroon siyang malalim na koneksyon mula rito. Nakaramdam naman ng kung anong umusbong na emosyon si Light Prime nang mapansing napako ang tingin ni Earth Dawn sa nasabing nilalang na tinatawag ni Little Devil na Lord Damon. Agad na iwinala ni Light Prime ang negatibong emosyong ito. Tiwala, iyon ang pinakaimportanteng bagay na nais niyang gawin sa kasalukuyan na wala siya. Nagbigay-galang naman ang matandang ginang sa pamamagitan ng pagyuko. "TRIBE LEADER, Sino sila!!!! Hindi kaya gustong sakupin ng tatlong nilalang na ito ang ating tribo?! Xiaodan, kasalanan mo to at ng kasama mong mga binata. Mga traydor kay----!!!!!" Histerikal na saad ng babaeng ginang ngunit nawalan ito nang malay nang mapansing nakarating na sa pwesto nito ang isang babae at ginamit nito ang matigas na bahagi ng patalim upang patulugin ang nasabing babaeng ginang. Umakto pa na tila narindi sa boses ng ginang ang nasabing bagong dating na babaeng isang Water Demon. "Napakaingay mo! Matulog ka muna diyan, sumasakit ang tenga ko sa boses mong parang palaka, aish!" Reklamo ng babaeng Water Demon na agad ding lumakad pabalik sa pwesto ng dalawa pa nitong kasamahan. "Nagkita tayong muli binata, ikaw nga! Hindi ko aakalaing magkikita tayong muli mula sa mahabang panahon." Nakangiting saad ni Lord Damon habang lumapit ito sa pwesto ni Wong Ming na animo'y magkaibigan sila na hindi nagtagpo ng mahabang panahon. "Mahabang panahon?! Ilang taon lamang taon lamang tayo na di nagkita eh." Saad ni Wong Ming habang makikitang dumistansya ito sa nasabing nilalang. "Kung ganon ay doble pala ang bilis ng panahon sa mundo namin at dito sa mundong ito. Buti at naisipan mong buksan ang lagusan. Teka, parang iba ang lugar na ito ah." Ani ni Lord Damon habang napakamot pa ito sa kaniyang ulo nang mapansin na nasa ibang lugar sila. "Kumalma ka muna Lord Damon, nasa teritoryo tayo ng mga Water Demon Practitioner at Earth Demon Practitioner. Kung ganon ay ngayon ka lamang nakarating sa lugar na ito?!" Seryosong tanong naman ni Wong Ming na animo'y nagtataka rin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD