Chapter 1.10

1109 Words
"Pamilyar ang lugar na ito ngunit sa pagkakaalala ko ay ngayon lang ako nakarating sa lugar na ito. Diba tama ako Demoness Crea, Guard Chief Saleos?!" saad ni Lord Damon na makikitang gusto nitong ikumpirma sa dalawang kasamahan nito. "Tama ka Lord Damon. Kailan pa tayo nakarating sa pipitsuging lugar na ito, mukhang napakahina rin ng nakatira rito." Pagkumpirma naman ni Demoness Crea at walang prenong sinasabi ang negatibong opinyon nito sa nasabing lugar na ito. Napangiwi naman sina Earth Dawn at Light Prime sa piangsasabi ng babaeng Water Demon na nagngangalang Demoness Crea. Grabe, hindi man lang ito nagpapapigil sa opinyon nito. Ramdam nilang malalakas ang mga ito at kung gugustuhin ng mga ito ay baka mapaslang sila. Minabuti na lamang nilang manahimik. Agad na siniko naman ng matandang ginang si Tribe Leader Mùchén na kanina pa tahimik. Siguro ay na-intimidate ito sa bagong dating na mga bisita. Bisitang galing sa ibang mundo kung hindi siya nagkakamali. Ngayon lamang siya nakakita ng mga purong lahi ng Water Demon Race, ito pala ang kaanyuan ng mga ito. Nakakamangha at di niya mapigilang manliit. Mula sa pagkakasabi pa lamang ng babaeng Water Demon na nagngangalang Demoness Crea ay mukhang wala lamang sa kanila ang presensya ng Norest Tribe. At sino naman ang binatang ito na mukhang may koneksyon sa mga Water Demon Race?! Pakiramdam niya ay hindi ordinaryo ang background ng binatang ito na tinatawag na Little Devil. Mukhang may naisip naman siyang plano. Iyon ay nakadepende pa rin kung tutupad ang anak niyang si Xiaodan. "Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo, mga butihin naming mga bisita?!" Saad ni Tribe Leader Mùchén habang nagsalita ito gamit ang demon language. Agad namang na-agaw nito ang atensyon ng tatlong water demon. "At sino ka naman?!" Saad ni Demoness Crea habang ipinakita nito ang nasabing maliit na punyal na hawak-hawak nito kani-kanina pa. Napalunok naman sa takot si Tribe Leader Mùchén ngunit tinapangan niya ang kaniyang loob. "Wag niyong alalahanin ang anak kong iyan. Isa siyang Tribe Leader ng aming Norest Tribe. Maligayang pagdating sa aming munting tribo. Kung may mga katanungan kayo ay marapat na sa akin magtanong lalo pa't ako ang pinakamatanda rito." Pahayag naman ng matandang ginang sa pamamagitan ng pagsasalita gamit ang demon language. ... Naging maayos naman ang lahat ng pangyayari lalo pa't nagkaroon ng interes si Lord Damon na alamin ang iba pang bagay sa mundong ito lalo na sa Norest Tribe. Pakiramdam niya ay pamilyar talaga ang lugar na ito ngunit wala naman siyang natatandaang pangyayari na nakapunta na siya sa lugar na ito o tinatawag na Martial World. Ang huling punta niya ay ang makaharap ang binatang si Little Devil. Naalala niya pa ang mukha nito ngunit labis siyang namangha na isa o dalawang taon lamang ang nakalilipas rito ay katumbas na ng ilang mga taon doon sa Demon World. Sadyang magkaiba ang oras at daloy ng panahon dito sa mundo ng Martial World at sa Demon World na labis na nagpamangha sa kaniya. Sa huli ay napagdesisyunan na nilang umalis lalo pa't nababahala din si Demoness Crea at Guard Chief Saleos sa maaaring kahihitnan kung mananatili sila ng matagal sa mundong ito. Napagdesisyunan naman nilang magkaroon ng Blood Contract upang mapanatili ang kaayusan at sikretong lagusan na nag-eexist pala sa Norest Tribe. Ito ay upang protektahan na rin ang bawat panig sa magkabilaang mga mundo. Mahigpit na ipinapaalala ni Lord Damon na hindi maaaring maisapubliko ito dahil kung sinuman ang lumabag nito ay magkakaroon ng mabigat na kaparusahan. Nag-usap ng ilang mga minuto sina Wong Ming at Lord Damon hanggang sa nagkapaalamanan sila lalo pa't hindi pwedeng magtagal rito sina Lord Damon. Napag-alaman ni Wong Ming na stable na ang lagay ng Poseidon Phlox Demon Clan sa Demon World lalo pa't nagkaroon ng breakthrough si Lord Damon maging ang mga elders ng kanilang angkan. Ang Cultivation level ni Lord Damon ay napakataas na siguro dahil kaya na nitong mamuhay ng matagal dahil sa karagdagang sampong libong taon nito. Grabe, hindi nito inaasahan na malakas pala ang isang Lord Damon na nakilala niya lamang noon. Hindi rin inaasahan ni Wong Ming na bibigyan siya ng regalo ni Lord Damon maging sina Earth Dawn, Light Prime, Tribe Leader Mùchén at ang lola ni Earth Dawn ay bibigyan ay mabibigyan rin. Nakalagay ang mga ito sa isang matigas na pabilog na bagay. Isa daw itong pambihirang sisidlan ng isang pambihirang bagay upang hindi mapinsala man lang ng kung sinuman. Hindi aakalain ni Wong Ming na bibigyan siya ng regalo ni Lord Damon. Mukhang pambihira nga ang lahat ng ito. Gusto man sanang humindi ni Wong Ming ngunit hindi naman siya pinakinggan ni Lord Damon. Isa pa ay kailangan din niyang magbigay ng regalo lalo pa't nagkaroon sila ng kasunduan mula sa mundong ito sa pamamagitan ng Norest Tribe. Ipinaalala naman ni Wong Ming na mag-ingat pa rin sila ni Lord Damon lalo pa't wala naman siyang kaugnayan sa Norest Tribe, tanging si Earth Dawn lamang ang mayroong kaugnayan sa tribong ito. Buti naman at nakinig si Lord Damon sa mga payo at paalala niya. Hindi pa rin dapat magtiwala ng lubos at ayaw naman ni Wong Ming na magkaroon ng kaaway sa Demon World sa katauhan ni Lord Damon ng Poseidon Phlox Demon Clan. Matapos ang pag-uusap nila ay agad na bumalik sina Lord Damon kasama sina Demoness Crea at Guard Chief Saleos sa mundo nila, ang Demon World. Umalis na rin ng maaga sina Wong Ming kasama sina Light Prime at Earth Dawn. Masasabing isang malaking regalo ang natanggap ng lola ni Earth Dawn lalo pa't isang longevity pill ang natanggap nito, makakaya nitong mabuhay ng isang libong taon kahit na hindi ito magcultivate. Ngunit isang malaking epekto nito ay hindi na ito makakapagcultivate pa. Hindi na nagdalawang-isip pa ang matandang ginang na kainin ang nasabing pill dahil kahit magcultivate siya ay hindi na siya aabot ng isang libong taon kapag nagkataon. Hindi rin nagsabi ng kung ano ang Tribe Leader na si Mùchén patungkol sa natanggap nitong regalo na hindi naman inusisa nina Earth Dawn maging ng lola nito. Wala rin namang pakialam si Earth Dawn patungkol rito dahil napanatag na ang loob niyang mabubuhay pa ng matagal na panahon ang lola niya. Masayang nilisan nina Earth Dawn, Wong Ming at Light Prime ang Norest Tribe at nagpatuloy na sa orihinal nilang plano; ang simulan ang paglalakbay nila sa iba't-ibang mundong ito upang lumakas pa lalo, magpataas ng kanilang lebel ng cultivation at maghanap ng mga bagay na maaaring maghatid sa kanilang tagumpay sa hinaharap. Positibo nilang haharapin ang bukas kasama ang layuning tuklasin ang marami pang lugar upang hanapin ang sariling tadhanang kanilang minimithi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD