Chapter 1.11

1290 Words
Ilang araw ang ginawang paglalakbay nina Wong Ming, Light Prime at Earth Dawn gamit ang pagsakay sa iba't-ibang flying beasts. Pupunta sila ngayon sa Lion's Land City. Isang pambihirang siyudad iyon kung saan mismo nagsisimula ang mga martial art experts galing sa iba't-ibang organisasyon upang magparehistro ng kanilang mga pangalan. Kontektado ang nasabing siyudad na ito sa iba't-ibang mga ruta at ito ang pinakamataong siyudad sa mundong ito. Iyon ay ayon lamang sa sinasabi nina Earth Dawn at Light Prime. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Wong Ming ang nasabing siyudad. Misteryoso ang nasabing nilalang na nagmamay-ari at namamahala sa siyudad na ito na hindi nauubusan ng mga dayo at bisitang galing sa iba't-ibang mga lugar. Golden Lion Family, isa sa maharlikang pamilya na nagtataglay ng Earth Attribute at Light Attribute. Mula sa sinaunang lahi ng leon ang sinasabing dugo ng mga ito. Masyadong sikreto ang pamilyang ito at ilang mga siglo na ang nakalilipas matapos ang unang paglitaw ng mga ito sa publiko. Maya-maya pa ay tila pabulusok na paibaba ang flying beast na sinasakyan nila. Kapansin-pansin na nag-iiba ang kulay ng balahibo nito. Noong nasa ibabaw sila ng himpapawid ay tila kulay puli ito na kakulay ng mga kaulapan ngunit ng pagbulusok na ito sa lupa ay bumalik sa dati ang kulay ng balat na kayumanggi na may mga itim na mga patches. Patunay na pamilya ito ng Seven Colored Phoenix. Pagkababang-pagkababa ng ibon pailalim ng kaulapan ay namanghas silang tatlo. Tanaw na tanaw nila kasi ang nasabing siyudad lalo pa't makikita ang dalawang magkaibang kulay ng mga estatwang hawig sa halimaw na Leon. Ito na nga, ang Lion's Land City na pinapangangarap na puntahan ni Wong Ming maging ni Earth Dawn at Light Prime. Ang estatwa ng Light Attribute Lion at ng Earth Attribute Lion ay masasabing taas-noong nakatingala sa langit. Mula sa siyudad ay tanaw na tanaw nila ang napakaraming mga tao. Masasabing si Wong Ming ay tila hindi pa rin makapaniwala. Pagkababang-pagkababa nila ay umalis na kaagad ang nasabing dambuhalang flying beast na sinasakyan nila. Kahit maamo ang nasabing ibon ay bakas pa rin ang takot nito sa kung anumang pwersa na nararamdaman nito sa kaniyang kapaligiran. Tama nga si Wong Ming, hindi ordinaryo ang siyudad na ito na maging sina Earth Dawn at Light Prime ay tinaasan din ang guwardiya ng kanilang sarili lalo pa't kahit sabihin na ligtas ang nasabing siyudad ay hindi dapat magpakampante. Pumunta sila sa nasabing registration hall at mabilis na ipinasa ang kanilang mga papel na naglalaman ng kanilang impormasyon. Sa loob ng tatlong buwan ay kailangan nilang tumanggap ng mga misyon upang makapag-ipon ng puntos. Mayroong mga misyon na nakalagay sa Mission Board at iyon ay kailangan nilang mamili upang tanggapin. Hindi naman kailangan na tumanggap ng misyon ngunit isa na rin itong pormal na pahayag na isang kang tunay na nilalang na may paninindigan at sa hinaharap ay hindi ka maaakusahan ng sinuman ng walang ebidensya. Dito ay susubukin ang tatag ng bawat isa. Sisimulan nila ang mga simpleng misyon na mayroong limampong bilang. Tumira silang tatlo sa isang maliit na Inn sa siyudad ng Lion's Land at tumanggap ng mga solo missions. Hindi namalayan nina Wong Ming, Earth Dawn at Light Prime na isang buwan na ang nakalilipas at natapos na nila ang nasabing paunang pagsubok na ito. Halos simpleng misyon lamang ang pinagpipilian nila at naririto lamang sila sa siyudad. Dito sinubok ang kanilang katatagan na manatili sa isang lugar habang nakikipaghalubilo sa iba't-ibang mga tao sa loob ng nasabing siyudad. Maraming bagay ang natutunan ni Wong Ming at masasabi niyang hindi lang siya ang natututo maging sina Earth Dawn at Light Prime rin. Grabe ang pagbabago sa kanilang mga kaisipan at halatang naka-adjust na rin sila ng tuluyan sa pabago-bagong panahon maging ng pamumuhay sa Lion's Land City. Hindi lubos maisip ni Wong Ming na ang mga naririto sa Lion's Land City ay malalakas at pambihirang mga nilalang lalo pa't karamihan sa mga ito ay mga Golden Realm Experts at mayroong pambihirang mga abiliad lalo na sa pagtago ng kanilang mga cultivation levels. Hindi rin maipagkakaila kay Wong Ming na mayroong mga nilalang na napakalakas talaga lalo na at tila kung titingnan ay mga ordinaryong mga nilalang lamang. Kung hindi siguro sa kakayahan ng demon eyes niya at matalas na senses niya ay hindi niya mapapansin ang konting energy fluctuations ng mga ito. Si Light Prime naman ay sumasali sa martial tournament na ginaganap isang beses sa isang linggo. Hindi maipagkakailang malaki ang na-improve nito kumpara sa nakaraang buwan. Silang tatlo ay masusing tumatanggap ng misyon at matiim na nagcucultivate din upang lumakas ang lebel ng kanilang cultivation. Grabe ang ensayo nila ay hindi nila nakakaligtaan na magkaroon ng oras upang magtipon-tipon silang tatlo. ... Kapwa nagising ng maaga silang tatlo at inihanda ang kanilang sarili sa panibagong hamon na hatid ng misyon ng Lion's Land City. Ngayon ay magkakasama silang tatlo upang tumanggap ng group mission. Ito ang pangalawang bahagi ng Lion's Land City para sa mga ekspertong katulad nila. Habang nakatingin sila sa Mission Board ay naagaw ang atensyon ni Wong Ming sa isa sa maaaring misyon nila. Isang treasure hunting ang nasabing misyon na ito at maaaring manggalugad sila sa bagong tuklas lamang na forbidden Area. Ang nasabing forbidden Area ay ang Grimpass Barren Land na noon ay isa sa maituturing na Holy Land. Misteryoso pa rin ang tila pagkabura nito sa mapa sa kasaysayan maging ang kasalukuyang pagkakadiskubre rito. Dalawang siglo na ang nakakaraan ng masilayan ang nasabing Holy Land ngunit ang paglitaw nito ilang linggo mula ngayon ay talagang nangangahulugan na mayroong pambihirang nangyayari dito. Kaso nga lang ay mayroong mga usap-usapan na hindi na nakakabalik ang sinuman mula rito at kung nakabalik man ang iba sa mga ito ay nababaliw o nasisiraan na ng bait na kung ano-ano na ang pinagsasabi ng mga ito. Maraming mga tagong kayamanan at lost treasures ang bali-balitang nakuha ng mga di kilalang ekspertong ligtas na nakabalik ngunit karamihan daw sa mga ito ay nasawi rin. Hindi rin maipagkakaila na mayroong mga bandido o grupo ng mga masasamang mga nilalang ang nagkainteres sa hiwagang bumabalot sa Grimpass Barren Land. Nakatingin si Wong Ming sa kasamahan niyang sina Earth Dawn at Light Prime matapos nitong mapili ang Grimpass Barren Land bilang una nilang misyong sasabakin. Nakatingin lamang ang dalawa kay Wong Ming at animo'y nag-iisip din ng malalim kung worth it ba ang desisyon nila kung pupunta sila sa nasabing Barren Land. Isa ang Barren Land sa pinakadelikadong lugar na maaaring galugarin ng sinuman. Wala rin silang masyadong ideya sa Grimpass Barren Land lalo pa't matagal ng nag-eexist ang nasabing Holy Land noon ngunit sa isang iglap ay naging burado na sa kasalukuyang panahon. Isa din sa iniisip ni Earth Dawn at Light Prime ay ang posibleng internal conflict sa loob ng dating Holy Land o di kaya ay ang tila pagka-offend ng sinumang malakas na eksperto at sinira ang nasabing pambihirang lugar. "Little Devil, payag ako sa gusto mong tanggapin ang misyong ito!" Determinadong sagot ni Earth Dawn habang makikitang gusto niyang tuklasin ang misteryong bumabalo sa Grimpass Barren Land na ito. Tiningnan naman ni Wong Ming si Light Prime na ngsyon ay tumingin na rin sa binata. "Ano pa ba ang magagawa ko hindi ba?! Alangan namang hindi ako sumama." Balewalang wika ni Light Prime na tila nakisunod na lamang sa desisyon nina Earth Dawn at Wong Ming. Makikitang naglalakad na ang tatlo patungo sa labas ng tarangkahan patungo sa Grimpass Barren Land na ilang kilometro ang layo nito mula sa nasabing siyudad. Maraming katanungan ang namumuo sa kaisipan ni Wong Ming ngunit inaasahan niyang hindi masasayang ang pagtanggap ng misyong ito at may maiuwi silang bagay na maaaring pakinabangan nilang tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD