Halos dalawang oras ang naging paglalakbay nina Wong Ming patungo sa bungad ng tila masukal na kagubatan. Mayroon nga napansing matatarik na mga land formations na alam namang delikadong daraanan ng sinuman. Gayunpaman ay ligtas silang nakarating sa nasabing lugar kung saan ang sinasabing Grimpass Barren Land.
Halatang hindi lamang sila ang naririto maging ang iba pang mga kapwa nila mga martial arts expert.
Kakaiba ang nangyayari sa kasalukuyan lalo pa't nababalot ng black fogs ang buong kapaligiran na nasa loob ng kagubatan maging sa pinakabungad nito.
Imposibleng makadaan ang sinuman sa mga oras na ito dahil naglalaman ng matinding lason at tila may corrosive effect ito.
Ang mga naunang sumubok na pumasok sa maitim na usok ay
Kakaiba ang suot na roba nila Wong Ming dahil pinili nilang magsuot ng kulay itim na robang tatlo. Iyon ay base lamang sa kanilang gustong suotin.
Hindi rin angkop sumuot ng mga matitingkad na kulay dahil baka maka-attract sila ng mga mababangis na mga magical beasts.
Misteryoso ang paglitaw na lamang bigla ng Grimpass Barren Land. Ni wala pa ngang nakakapagsabi kung ano ang nasa loob ng nasabing dating holy land ngunit ngayon ay naging isang delikadong lugar para sa lahat.
Napansin ni Wong Ming ang mga hindi pamilyar na mga mukha ng mga Martial Art Experts at sa tingin niya ay mga bihasang adventurers na rin ang mga ito.
Malaki ang pagkakaiba ng isang martial arts expert at ng adventurers lalo pa't hindi maituturing na adventurer ang sinuman na wala pang karanasan sa paglalakbay ng mg delikadong lugar habang ang martial art experts ay mga nilalang na may kakayahan ngang lumaban ngunit hindi pa nito nakakaranas na maglakbay sa iba't-ibang parte ng mundong ito at sumuong sa mga delikadong mga lugar.
Karamihan sa mga martial art experts na mayroong mataas na kakayahan at katayuan sa kani-kanilang Sect ay hindi na naglalakbay at kokonti lamang ang mga bilang ng mga ito ang gustong maglakbay.
Sa kanilang tatlo ay si Wong Ming lamang ang maituturing na may karanasan sa paglalakbay habang ang dalawang kasamahan niya na sina Earth Dawn at Light Prime ay tila bagong sibol pa lamang na mga indibidwal na nagmula sa marangyang pamilya.
Ngunit magkaiba ang sitwasyon nina Earth Dawn at Light Prime. Layunin ni Earth Dawn na maglakbay kasama si Little Devil habang si Light Prime naman ay gusto lang sumama at tila walang balak na magpaiwan. Wala rin siyang pagpipilian dahil kung gusto niyang bumalik ng sapilitan at mabuhay ng mahaba ay kailangan niya munang magpalakas. Ito ay ayon na rin sa kaniyang sariling instinct na mauuwi sa wala ang kaniyang pagpupumilit na bumalik sa kaniyang maharlikang pamilya. Ni wala nga itong ideya kung sino ang gustong itakwil siya o ipadala sa ibang lugar.
Kung magulo ang kinagisnang tribo nina Earth Dawn ay mas lalong magulo ang labanan sa pagitan ng mga maharlikang mga pamilya na higit na malakas kumpara sa alinmang tribo na maituturing na mababa kumpara sa mga pamilyang magkakadugo.
Mula sa himpapawid ay nakaramdam sina Earth Dawn, Light Prime at Wong Ming ng mga naglalakasang mga enerhiya na patungo sa lugar na ito.
Nagmumula ito sa mga lahi ng tao at hindi sukat aakalain ni Wong Ming na mataas ang kumpiyansa ng mga ito na magpamalas ng kanilang mga lakas ng cultivation maging ng kapangyarihang taglay.
Hindi lubos aakalain ni Wong Ming na pangahas ang mga ito.
Mula sa ere ay nakita niya ang tatlong lalaking mayroong matitikas na mga pangangatawan. Kumpara sa tila payat at balingkinitang pangangatawan nilang tatlo ay magmumukha silang mahina sa mga mata ng mga ito.
Dragon Brothers!
Iyon ang tila narinig niyang salita mula sa isang ekspertong malapit lamang sa kinaroroonan nila.
Tila sa isang iglap ay magtipon-tipon ang mga martial art experts na gusto ring galugarin ang lugar na ito mula sa bungad ng masukal na kagubatan.
"Sila ba talaga ang Dragon Brothers?! Ngayon ko lang sila nakita ng personal, Woahhhh!!!" Ani ng isang binata na isa sa nagtipon-tipon sa lugar na ito.
"Hindi ba't sinasabing napakalakas ng tatlong magkakapatid na ito na mayroong dragon bloodline eeeeehhhhhh!" Maharot na saad ng isang babae na animo'y kinikilig sa presensya ng tatlong magkakapatid na bagong dating.
"Tama ka, malalakas at napakagwapo ng Dragon Brothers na ito. Balita ko ay napagtagumpayan nilang paslangin ang napakalakas na gang nitong nakaraang araw lamang!" Ani ng isang babae na tila nanginginig pa at animo'y humahanga rin lalo na sa mata nitong tila nagniningning habang sinasabi ang mga katagang ito.
Halos mga babae ang nagkukuwento patungkol sa lakas at kagitingan ng tatlong magkakapatid na tanyag sa palayaw na Dragon Brothers.
Kapwa umasim ang mukha nilang tatlo dahil sa pinagsasabi ng mga ito. Alam nilang tatlo kung gaano kalakas ang existence ng isang ordinaryong dragon at napakalakas ng mga ito base sa bloodline na taglay ng iba't-ibang mga uri ng magical beasts na ito.
Masyado lamang exaggerated ang pinagsasabi ng mga ito. Di porket may dragon sa palayaw ng mga ito ay may dragon bloodline na. Malalaman pa rin iyon kapag lumaban ang mga ito.
Mula sa ere ay tila kapansin-pansin ang presensya ng tila kakarating lamang na limang babaeng nilalang na tila nag-aapoy ang mga buhok ng mga ito.
Grabe, hindi magkamayaw ang mga grupo-grupong mga kalalakihan na tila hindi maalis ang mga tingin ng mga ito sa lumilipad na mga kababaehan. Mula pa lamang sa mga malayo ay napansin na talaga ng mga ito kung sino ang mga bagong dating.
"Bakit naririto ang mga Phoenix Princesses?! Hindi ko aakalaing tila makikipagkompetensya ang mga prinsesa para sa paggalugad ng Grimpass Barren Land!" Bakas sa boses ng lalaking nagsasalita ang tila pagkahumaling sa bagong dating na mga sinasabi nitong mga prinsesa.
"Para saan pa edi para makuha ang interes ko sa mga prinsesa. Sakin pa rin ang bagsak ng limang prinsesa." Tila malaking kumpiyansang saad ng isang lalaki sa nagkakatipon-tipon na mga indibidwal.
"Hinaan lang natin ang pagiging mahangin. Ngunit ang isa sa mga iyan ang aking magiging kabiyak!" Confident ding sambit ng isa pang eksperto.
At tila nagkakaroon pa ng bangayan at girian sa mga grupo ng mga kalalakihan kahit nakalapag na sa lupa ang mga Phoenix Princesses. Tila walang pakialam ang mga ito.
Marami pa ang dumating katulad ng mga Snake Group na grupo ng mga babae at lalaking mayroong mga balat ng ahas lalo na sa pisngi hanggang sa leeg ng mga ito.
Meron ding mga grupo ng eksperto na katulad ng Electric Disciples, Enormous Killer Beast, Heartland Genius at iba pa.