Chapter 1.13

1162 Words
Batid nina Wong Ming na malalakas ang mga ito. Ngayon lamang siya nakakita ng mga nilalang na halos kaedaran niya lamang ngunit hindi magkalayo ang lebel ng cultivation niya sa mga ito kung ibabase sa dating cultivation level niya. Hindi nais ni Wong Ming na magpakampante, mayroon pa ring mga nilalang na nag-eexist na malakas pa kumpara sa kaniya. Napakaimposible ring magbreakthrough sa susunod na boundary lalo pa't hindi lahat ay pinapalad na makatungtong sa Mortal Sea Realm, ang iba nga ay tumanda na at nagkaedad ngunit hindi maitatawid ang ganitong lebel ng cultivation. Hindi lubos aakalain ni Wong Ming na nag-eexist ang mga grupong ito. Mula sa grupong ito ay pamilyar sa kaniya ang isang grupo na tiantawag na Red Knights. Tatlo lamang ang mga ito ngunit batid niyang matataas ang lebel ng mga cultivation ng mga ito. Nakasuot ang mga ito ng maskara upang itago ang kanilang pagkakakilanlan. Dahil sa kuryusidad ni Wong Ming ay mabilis niyang ginamit ang kaniyang demon eyes at inalam ang pagkakakilanlan ng mga ito. Sa taas ng cultivation niya sa kasalukuyan ay hindi siya mahihirapang alamin ang gusto niyang alamin lalo na ang totoong pisikal na kaanyuan ng isang indibidwal na naririto. Dito niya nalaman ang sagot sa mga katanungan niya. Tila nagimbal siya sa kaniyang nalaman. Kaya pala pamilyar sa kaniya sng dalawang nilalang na ito dahil na rin sa nakasalamuha niya na ang mga ito. Nauna pa nga itong dumating sa kanila ang mga ito. Ang nasabing babae ay si Huang Mei na galing sa prestiryosong tribo na tinatawag na Peacock Tribe na nasa pangangalaga ng Wind Fury Kingdom habang ang isang lalaki naman ay si Li Gumu ng Hollow Earth Kingdom. Hindi makapaniwala si Wong Ming sa existence ng mga ito lalo pa't sa kasalukuyan ay kapwa mga Golden Realm Experts ang mga ito kasama ang isa pang lalaki na hindi niya kilala kung sino ang mga ito. Ngunit sa dami ng mga ekspertong naririto ay tila hindi kapansin-pansin ang existence ng mga ito na nasa Golden Realms din. Halatang hindi magpapatalo ang mga indibidwal na naririto. Liban sa mga kilalang mga grupo ng mga ekspertong tila galing din sa mga malalakas na mga pamilya, angkan o tribo. Walang binatbat ang Red Knights sa mga ito sa pangkalahatan. Nagulat si Wong Ming nang mapansing nakahalata ang nasabing kasama nina Huang Mei at ni Li Gumu. Hindi inaasahan ni Wong Ming na napakatalas ng pandama ng isang ito na hindi nalalayong hindi talaga ito ordinaryong nilalang lamang. Kung nasa Golden Vein Realm ang cultivation level ni Huang Mei at Li Gumu ay tila nasa Middle Stage Golden Bone Realm naman ang nasabing nilalang na kasamahan ng dalawang ekspertong ito. Luminga-linga pa ito na animo'y may nararamdamang panganib dahilan upang itigil ni Wong Ming ang ginagawa niya. Masyadong nakaka-offend ang ginawa niya lalo pa't hindi siya humingi ng permiso. Ngunit hindi niya ito pinagsisihan lalo pa't nakatulong ito upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga ito. Halos maghiyawan ang mga nagtitipon-tipon na mga ekspertong naririto sa bungad ng kagubatan nang mapansing unti-unti ng nawawala ang makakapal na itim na mga hamog na bumabalot sa nasabing lugar. Kahit na tila nakaadopt na ang mga punong nakapaloob sa kagubatang ito ay masasabing nagkakaroon ng itim na mga likidong naiiwan sa mga dahon nito. Kailangan pa rin nilang mag-ingat. Nag-uunahang pumasok naman ang mga ekspertong naririto na animo'y alam na alam na nila ang kagubatang ito. Mataman lamang na naglalakad sina Wong Ming at mas tinibayan pa ang protective essences sa buong katawan nila. Hindi mainam na maging padalos-dalos sila. ... Napakalawak ng Grimpass Barren Land, talagang maituturing na hindi masukat ang nasabing teritoryong kinaroroonan ng nawasak na Holy Land noon. BANG! BANG! BANG! Kasalukuyang nasa isang lokasyon sa malawak na kagubatan sina Wong Ming habang nakarinig sila nang malalakas na mga pagsabog hindi kalayuan mula sa kanilang pwesto. Halos mapasinghap sila nang mapansin ang isang dambuhalang halimaw na agresibong nakikipagbuno sa isang grupo ng mga martial art experts. Dito ay napagtanto ni Wong Ming na ito ay isang Colossal Werebear, isang uri ng magical hybrid beast na mayroong katangian ng isang Werewolf at ng oso. Kitang-kita ang mga nagtatalimang mga metal spikes na nasa iba't-ibang parte ng katawan nito. Sumugod ang isang eksperto sa kinaroroonan ng Colossal Werebear ngunit sa lakas ng magical beast na ito ay nahati sa dalawa ang katawan nito at wala na itong buhay nang tumalsik ang katawan nito sa lupa. Nahintatakutan ang mga kasamahan nito dahil hindi nila inaasahan ang nasabing lakas ng Colossal Werebear. Masyadong delikado ang nasabing halimaw na ito lalo pa't magpapanggap itong isang payat at napakahinang lobo ngunit kapag sinaktan at gusto ka nitong kainin ay siguradong walang makakapigil rito. Ngunit kung mayroon kang sapat na lakas upang matalo ito ay siguradong makakaligtas ka. Bibihira lamang makakita ng species na ito ng magical beast dahil kokonti lamang ang bilang ng mga ito. Gayon pa man ay namangha sina Wong Ming, Earth Dawn maging si Light Prime sa nasabing katangian ng halimaw. Sa Grimpass Barren Land ay posibleng magkaroon ng halimaw na ganito. Gusto din ni Wong Ming na matuklasan ang nasabing nilalang na tinatawag na Colossal Werebear dahil sa matagumpay na ebolusyon ng magical beast na ito. Sa huli ay makikitang nagsitakasan ang mga grupo ng mga martial art experts upang iligtas ang kanilang sarili laban sa Colossal Werebear na tila nanghahasik ng lagim dahil sa labis na taas ng lebel ng depensa at opensa ng nasabing halimaw. GROOOOWWWLLLLL!!!! Nang makatakas ang nasabing mga eksperto ay walang ano-anong tumungo si Wong Ming sa kinaroroonan ng nasabing Colossal Werebear. Pansin ni Wong Ming na tila wala namang espesyal sa lugar na kinaroroonan ng mabagsik na halimaw ngunit ni hindi man lang nito iniiwan ang nasabing pwesto nito. Little Devil! Sabay na saad nina Earth Dawn at Light Prime nang mapansing patungo si Little Devil sa nasabing lugar kung saan naroroon ang Colossal Werebear. WHOOSH! WHOOSH! WHOOSH! Mabilis ang pagtungo ni Wong Ming sa kinaroroonan ng Colossal Werebear. GROOOOWWWLLLLL!!! Umatungal ng malakas muli ang Colossal Werebear at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Wong Ming na animo'y isa lamang itong kapirasong karne na pwede ng gutay-gutayin. Napakaliksi ng magical beast na ito lalo pa't sa isang iglap lamang ay nagawa nitong natawid ang distansya patungo kay Wong Ming. Hindi naman nagpakampante si Wong Ming at sa isang iglap ay kitang-kita ang pagbabago sa kamay nito na tila pumangit at tumalas ang mga kuko nito na animo'y isang demonyo. SLASH! s***h! s***h! Walang awang pinagsasaksak ni Wong Ming ang mga kuko nito sa iba't-ibang parte ng katawan ng Colossal Werebear at kitang-kita kung paanong nahiwa ng napakalalim ang mga balat nito sa katawan. GROOWWWLLLL!!!! Kitang-kita ang mabilis na pag-ikot ng katawan ng halimaw sa ere habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Wong Ming. Nagulat naman si Wong Ming nang mapansing tila napakatalino ng halimaw na ito at sa isang segundo lamang ay tila siya na ang aatakehin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD