Chapter 1.14

1166 Words
Napasinghap na lamang sina Light Prime at Earth Dawn nang makita nila mula sa hindi kalayuan ang tila pagkakaroon ng disadvantages ni Wong Ming sa nasabing pagkompronta sa halimaw ng harap-harapan. SLASH! s***h! Dalawang pagwasiwas ng mga kuko ng Colossal Werebear ang ginawa nito patungo kay Wong Ming. Ang unang atake nito ay tila daplis lamang ngunit sa pangalawang atake ng halimaw ay kitang-kita ang pagguhit ng sakit sa mukha ni Wong Ming nang mapansing bumaon ang nagtatalimang mga kuko ng halimaw sa likurang bahagi ng katawan niya. ARRGGGHHHHH! Napa-aray sa labis na sakit si Wong Ming dahil sa natamo nitong sugat. Bago pa man siya bumulusok sa lupa ay agad na nakontrol nito ang pagbagsak niya at matamang inayos ang sarili nito. Tutulong pa sana sina Earth Dawn at Light Prime ngunit matiim silang tiningnan ni Wong Ming na animo'y pinigilan sila sa balak nila. Nasa Level 6 ang lebel ng halimaw na ito ngunit ang nasabing atake nito ay maikukumpara sa Level 7 or Level 8 na magical beast. Isa pa ay batid rin ni Wong Ming na hindi siya kayang protektahan ng protective essences nito lalo pa't mayroong kung anong espesyal sa halimaw na ito o sa mismong lugar na ito. GRRRRR! GRRRR! Tumingin si Wong Ming sa nasabing halimaw na kinakalaban niya. Nagulat si Wong Ming nang mapansin niyang tila tumataas ng tumaas ang enerhiyang inilalabas ng katawan ng halimaw na ito. Sa isang iglap ay tila nangayayat ang nasabing halimaw ngunit naiisip ni Wong Ming na kabaliktaran ang nangyayari sapagkat ang nasabing nilalang ay lumalakas ang bloodline nito na batid niyang itinatago lamang ng halimaw. Naging humanoid ang nasabing Colossal Werebear na sobrang payat habang makikitang lumalabas ang kulay pulang enerhiya sa bawat parte ng katawan nito at mas kapansin-pansin ang tila pagtigas ng balat nito sa katawan. Ito ay dahil ang mga natamong sugat ng Colossal Werebear ay tila nawala at sumarado ng kusa. Maging sina Earth Dawn at Light Prime ay nagulat sa pagbabagong ito ng pambihirang Colossal Werebear dahil na rin sa transpormasyon nito ay nakaramdam sila ng panganib na hindi nila inaakala. WHOOSH! Tila ngumiti ang nasabing Colossal Werebear at sa isang iglap ay nakita na lamang ni Earth Dawn at Light Prime na nasa kanila na ang atensyon ng halimaw. Maging si Wong Ming ay nagulat rin. Xiaodan! Tanging naisigaw ni Wong Ming nang mapansing si Earth Dawn ang tila pangunahing puntirya ng halimaw. Sa buong buhay ni Earth Dawn ay ngayon lamang siya nanginig sa pagharap sa halimaw. Bago pa man makarating ang nasabing halimaw sa kinaroroonan nito ay makikitang pumwesto si Light Prime sa harap ng dalaga habang inihahanda nito ang hawak nitong scepter. Ktang-kita kung paanong sa isang iglap ay naroroon na sa harap ni Light Prime ang nasabing halimaw na nakadamba na ang mga kuko nitong nasa ere. SLASH! s***h! s***h! Bago pa man gumawa ng atake si Light Prime ay pinagsasaksak na siya ng halimaw gamit ang naghahabaang mga kuko nito dahilan upang tumilapon ito sa kalupaan. Duguan si Light Prime nang makita ito ni Earth Dawn. Hindi niya aakalaing ililigtas pa siya ng binata sa atakeng tatamuhin niya sana sa Colossal Werebear. Naawa siya sa kalagayan nito dahilan upang buong tapang na hinarap ni Earth Dawn ang nasabing halimaw ngunit pakiramdam niya ay hindi niya kayang manlaban sa presensya nito. May kung anong pumipigil sa kaniya na atakehin ito. Naguguluhan siya. Kailangan niya itong paslangin. Nakita na lamang nitong bigla na lamang bumulusok pailalim ang nasabing halimaw nang kungmay ano'ng bagay ang bigla na lamang tumama rito. Sa bilis ng mga pangyayari ay tila pakiramdam ni Earth Dawn ay napakahina niya. Ngunit mayroong kamay ang bigla na lamang siyang pwersahang inilayo sa lokasyon niya. Aalma pa sana siya ngunit nakita niyang si Little Devil ito. Grabe ang pagkakahila sa kaniya dahilan upang magpaubaya siya. "Dumistansya kayo mula rito Xiaodan. Napakadelikado ng halimaw na iyan. Uunahin niya kayong puntiryahin bago ako! Naramdaman mo rin ba ang negatibong enerhiyang tila hindi ka paaatakehin?!" Ani ni Wong Ming sa nasabing dalaga. Tanging tango lamang ang naisambit ni Earth Dawn at hindi nito nagawa pang magtanong. Ngunit bago pa man sila makalayo ay mabilis siyang itinulak ni Wong Ming sa kabilang direksyon na labis niyang ikinagulat. BANG! Isang malakas na pagsipa ang ginawa ng halimaw kay Wong Ming dahilan upang manlaki ang mga mata ni Earth Dawn. Kitang-kita kung paanong pwersahang lumabas ang sariwang dugo sa bibig ng binata bago itong tumilapon sa kalupaan. Little Devil! Pakiramdam ni Earth Dawn ay sobrang hina niya dahil nakita lamang niya ang sarili niyang bumagsak sa lupa. Pakiramdam niya ay nabugbog siya ng todo sa pagkakabagsak pa lamang niya. Mula sa kinaroroonan niya ay nakatingin sa kaniya ang Colossal Werebear na animo'y siya ang puntirya nito noong una pa lamang. Nakaramdam si Earth Dawn na tila nahihilo siya habang nakatingin sa gawi ng halimaw. Pakiramdam niya ay mayroong espesyal sa pagkatagpo niya sa halimaw na ito ngunit alam niyang hindi siya bubuhayin ng napakalakas na Magical Beast na ito. Nakita naman ni Wong Ming ang tila pagbabago sa pisikal na kaanyuan ni Earth Dawn. Nagimbal siya sa kaniyang natuklasan. Unti-unti ng lumalabas ang kakayahan ng dalaga bilang isang Seer. Kaya imposibleng hindi ito naaamoy o napapansin ng sinuman lalong-lalo na ng isang malakas na Magical Beast. Hindi alam ni Wong Ming kung bakit nagiging ganito. Buhay pa naman ang lola ni Earth Dawn ngunit ganito ang nangyayari sa dalaga. Siguro nga ay tama ang sinabi ng lola nito na hindi matatakasan ni Earth Dawn ang kapalaran nito na itinadhana itong maging susunod na Seer ng tribo nila. Nagbabago ang buhok ng dalaga, nagiging itim at nagiging asul at nagiging puti. Nakita ni Wong Ming na nahihirapan si Earth Dawn dahil tila nabibiyak ang ulo nito dahil nakakapit ang nasabing dalaga rito. Sinubukan ni Wong Ming na bumangon kahit nananakit ang pangangatawan nito. Hindi lubos maisip ni Earth Dawn ang nangyayari sa kaniya, sobrang sakit ng ulo niya na animo'y mabibiyak. Lumalabo na rin ang paningin niya. Kahit ganon man ay pinilit niyang gumapang kahit papaano. Ano'ng nangyayari sa kaniya? Katapusan niya na ba?! Ito ang namutawi sa isipan niya. Napalingon siya sa harapan niya kung saan ay patungo na sa kaniya ang nasabing halimaw at nakaamba na rin ang mga kuko nitong kikitil sa buhay niya. Ngunit bago pa man siya maatake ng Colossal Werebear ay kitang-kita ang paglitaw ng isang pamilyar ng bulto ng binata na ang buhok ay unti-unting naging kulay puti. At sa isang iglap ay nagimbal siya nang magbago ang kaanyuan nito na tila isang Elemental Demon at tumubo ang naglalakihang mga pakpak nito sa likod. Nakakamangha ngunit nakakatakot ang enerhiyang umalpas sa katawan nito. Bigla na lamang itong nawala sa pwesto nito at sa isang iglap ay hawak-hawak na nito sa leeg ang nasabing Colossal Werebear. PLAACCKKKK! Walang pag-aalinlangan nitong dinurog ang nasabing ulo ng Colossal Werebear gamit ang isang kamay nito. Kitang-kita kung paano'ng tila napisa ang ulo ng nasabing halimaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD