Gulantang na nakatingin si Earth Dawn sa kaanyuan ng isang pambihirang nilalang sa harapan niya maging ang binatang si Light Prime ay kitang-kita na pumunta ito sa tabi ni Earth Dawn na animo'y pinoprotektahan ang nasabing dalaga.
"Halimaw! Isa kang halimaw!" Pasigaw na saad ni Light Prime na tila nanginginig pa ito sa presensya ng pambihirang nilalang.
Walang duda, kagaya ni Earth Dawn ay nasaksihan rin nito ang nasabing pambihirang transpormasyon ng binata na walang iba kundi si Little Devil.
"Li-Little Devil, i-ikaw ba iyan?!" Nanginginig na tanong ni Earth Dawn habang nilalakasan ang loob nito.
Sa harap ng nilalang na ito ay pawang mga insekto lamang sila.
Sino ang hindi magugulat kung ang nasa harap nila ay isang napakalakas na elemental demon ng Demon World.
Hindi sila tanga upang hindi mabatid ang presensya ng isang God Level Existence ng Demon World.
Humarap ang nasabing nilalang sa kanila at unti-unting bumalik ang kaanyuan nito sa pagiging tao.
Maging ang puting buhok nito ay nagbalik na rin sa dati maging ang mata nitong tila humati sa tatlo ang eyelid nito.
Mataman lamang na nakatingin sa kanila si Wong Ming at tila hindi nito maiusal ang mga gusto niyang sabihin.
Pakiramdam niya ay ang sama-sama niya lalo na sa uri ng mga tingin na ibinibigay nina Light Prime at Earth Dawn.
Hindi aakalain ni Wong Ming na matapos ang lahat sa kaganapang ito ay mauuwi sa hindi pagkakaunawaan ang lahat.
Dali-dali namang binuhat ni Light Prime si Earth Dawn upang lisanin ang lugar na ito.
Walang lingon-likod ang pag-alis nila sa lugar ito habang bitbit nito ang nasabing dalaga sa mga braso niya.
Gulat at intimidasyon ang nararamdaman niya. Napakadelikado ng binatang akala nila ay kilala nila.
Nang makalayo na sila ay lumapag si Light Prime sa tila abandonadong kwena upang doon ay gamutin ang nasabing dalaga.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kaniyang nasaksihan at alam niyang ganoon din ang dalagang si Earth Dawn.
...
Habang naglalakad-lakad si Wong Ming sa teritoryo ng Colossal Werebear ay ginamit niya ang kakayahan ng kaniyang Demon Eyes.
Kinolekta niya na rin ang bangkay ng Colossal Werebear dahil masasabi niyang mapapakinabangan niya rin ito sa hinaharap.
Pambihira ang kakayahan ng nasabing halimaw at tiyak siyang magagamit niya ito sa kabutihan para sa sarili niya.
Iwinaksi niya muna ang mga iniisip niyang mga bagay lalo pa't kailangan niyang magbigay ng atensyon sa kasalukuyang gagawin niya.
Dito ay may napansin siya sa teritoryo ng halimaw na mayroong mga ancient runes na nakatanim rito na batid niyang matagal na panahon ng naririto.
Mayroong isinulat sa papel si Wong Ming, sa isang iglap ay ipinalipad nito sa ere at sinunog.
Kitang-kita ang tila paggalaw ng hangin sa kung ano'ng bagay sa ere at tila isa itong invisible wall na gawa sa tubig.
Dito ay napagtanto ni Wong Ming na isa itong pambihirang portal.
Parang namuo sa kaisipan ni Wong Ming ang mga baagy na gusto niyang malaman sa nawasak na Holy Land.
Masasagot ba ang katanungan niya sa loob ng portal na ito?! Iyon ang masasabi niyang hindi siya sigurado.
Ang paglitaw ng nawasak na Holy Land na ngayon ay parte na lamang ng Grimpass Barren Land ay isa na lamang kasaysayan.
Ngunit handa siyang tuklasin ito ng buong tapang.
Walang sabi-sabing pumasok na si Wong Ming sa loob ng kakaibang portal at handa na siyang suongin ang nasabing lugar na patutunguhan ng portal na ito.
Kitang-kita kung paanong sa pagpasok ni Wong Ming sa portal ay bigla na lamang nawala ang nasabing protal tanda na ito ay sumarado na ng tuluyan.
...
Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang nasa isang kakaibang lugar.
Masasabi niyang isa itong tila paraisong lugar lalo pa't ang lugar ay gawa sa mga pambihirang materyales na bato.
Kakaiba ngunit ang ganitong klaseng disenyo ay tila katulad ng mga sinaunang mga lugar na maiihalintulad sa mga cultivation places.
Sa pagtingala niya ay nakita niya ang isang malaking estatwa ng isang dambuhalang dragon. Kahit na napakaluma na ng estatwang ito ay tila naglalaman pa rin ito ng pambihirang awra ng isang pambihirang nilalang na may gawa nito.
Ngunit nang dumako ang mga mata ni Wong Ming sa parte ng katawan ng dragon sa isang direksyon ay napansin niya ang tila nawasak na estraktura nito maging ang parte kung saan mayroong mga silid ata doon.
Agad namang naglakad si Wong Ming sa loob ng nasabing holy land na ito.
Kapansin-pansin ang isang Giant Boulder na tila mayroong mga bitak-bitak na rin. Masasabing ang giant Boulder na ito ay tila nakita na nito noon pa man, yun lang ay hindi niya maalala.
Mayroon din siyang nakitang mga bungo ng kung sinumang nilalang na naririto na binawian ng buhay.
Ngunit paano? Iyon ang dahilan kung bakit tila nakaramdam ng kakaibang takot si Wong Ming para sa sarili niyang kaligtasan.
Mayroong isang estatwang nasa itaas ng Giant Boulder at makikitang unti-unting gumagalaw ito. Hindi ito nakatakas sa mga mata ni Wong Ming.
Naging alerto naman si Wong Ming dahil batid niyang misteryoso pa rin ang pagkakilanlan ng nasabing nilalang na ito.
"Magandang araw sa iyo binata. Hindi ko aakalaing muli akong makakatagpo ng isang binata mula sa aking mahimbing na pagkakahimlay." Masayang wika ng nasabing estatwa na para kay Wong Ming ay tila nakakatakot.
Sino ba naman kasi ang hindi, isang estatwa ang nagsasalita habang mayroong enerhiya ang lumalabas sa katawan nito.
Kahit nag estatwang ito ay mayroong cultivation level. Ngunit naniniwala siyang hindi isang buhay na nilalang ang estatwang ito dahil gawa sa clay lamang ang kabuuang katawan nito.
Wala rin siyang napansing bloodline na mayroon ito o kung ano'ng klaseng race ito nabibilang.
"Tapos mo na bang eeksamin ang aking katawan binata?! May napala ka ba?!" Ani ng estatwa na tila walang kabuhay-buhay.
Napailing na lamang si Wong Ming at nagsalita.
"Paumanhin sa aking nagawa. Ano ba ang lugar na ito?!" Ani ni Wong Ming at hindi nito mapigilang magtanong.
Sa tono ng pananalita ng estatwa ay wala siyang mabatid na emosyon rito. Parang nagsasalita lamang ito sa normal na pamamaraan.
Ito ang Stonebeard Holy Land. Lahat ng naisin mong makuha ay maaari mong makuha rito binata. Mula sa kasangkapan ng pambihirang mga alchemy resources, armaments, cultivation scrolls ng mga core martial art skills at iba pa. Siguradong hindi ka bibiguin ng lugar na ito hehehe." Ani ng nasabing estatwang nilalang.
Napakamot pa si Wong Ming dahil parang sirang laruan kung magsalita ang nasabing estatwang ito. Kahit ang emosyon ng estatwang nilalang na ito ay hindi man lang maidala ng tama.
Buti ay naiintindihan niya ang pinagsasabi nito kahit na nagsasalita ito sa pamamagitan ng ancient language.
"Ano ang kailangan kong gawin upang maging karapat-dapat na pumasok sa loob ng Stonebeard Holy Land?!" Seryosong tanong ni Wong Ming habang makikitang gusto na nitong galugarin ang nasabing lugar na ito.
"Kailangan mo lamang na eeksamin ang iyong martial talent sa pamamagitan ng paglagay ng iyong blood essence sa itaas ng boulder upang mapagana ito." Sagot naman ng estatwang nilalang na animo'y nagbibigay ng instruction.
Walang ano-anong sinugatan ni Wong Ming ang sia sa daliri niya sa kaliwang kamay at mabilis na pumatak ang dugo niya roon.
Kitang-kita kung paanong bigla na lamang bumukas ang nasabing malaking tarangkahan ng Stonebeard Holy Land.