NAGHAHANDA na pauwi si Alondra nang tatlong nagguguwapuhang kalalakihan ang nakita niyang nakatayo sa harap ng desk niya. Pawang matatangkad ang mga ito at maganda rin ang pangangatawan. She was speechless for a while. “Yes, Sir?” “We are here to meet Micah. Pinatuloy na kami ng reception,” sabi ng lalaking may gray na mga mata. “I will just send him a message. Nasa boardroom pa po siya ngayon. Just wrapping up a presentation. Hindi po kasi ako aware na may appointment pa siya ngayon,” sabi ng dalaga. “Ano pong pangalan ang sasabihin ko?” “I am Cougar,” pagpapakilala ng lalaking kulot ang buhok. Itinuro nito ang lalaking may abuhing mata. “That’s Steele. The other one is Arice,” tukoy nito sa lalaking may single dimple sa pisngi. “Are you Tracy’s assistant?” tanong ni Steele. “Yes.

