Chapter 10

2274 Words

“Nandito po sana kami para sa meeting,” depensa agad ni Alondra kay Mrs. Echague. Hindi siya komportable na masingit sa usapan sa ex ni Micah at maugnay ang pangalan sa binata nang walang kinalaman sa trabaho. “That’s okay, sweetie. You don’t have to explain. You two look good together,” wika ni Mrs. Echague. “Saka binata naman si Micah at dalaga ka.” “That’s enough, Precy. Nagba-blush na si Alondra,” amused na wika ni Mr. Echague. Bigla niyang nasapo ang pisngi. “Naku, Sir! Hindi po!” Tumawa lang ito at nagtungo na ang mag-asawa sa mesa ng mga ito. Hanggang makauwi sila ng bahay ay di siya makatingin ng diretso kay Micah. Nang maisara ang pinto ay nagulat siya nang pakatitigan siya nito at ilapit ang mukha sa kanya. Nanlaki ang mata niya dahil sobrang lapit nito at parang hahalika

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD