NAGUSTUHAN ni Alondra ang lilipatang apartment. Maluwag iyon at dalawa lang silang nakatira. Sa Boni, Mandaluyong lang iyon kaya malapit lang sa Makati. Kasamahan ni Marlowe sa center ang makaka-share niyang si Roxenne. Umalis na ang ka-share nito sa apartment kaya kailangan nito ng kasama. Friendly ito at kikay. Masinop din sa gamit kaya walang problema. Sa palagay niya ay magkakasundo sila. Naiwan niya ang bag sa sala ng apartment kaya nang bumaba sila mula sa tour ni Roxenne ay ring na iyon ng ring. Tumatawag si Micah. "Sir?" "Kanina pa ako tumatawag. Bakit hindi mo sinasagot?" pagalit nitong tanong. "Sir, naiwan ko ang bag ko at..." Kailangan ba niyang magpaliwanag dito? Day off niya ngayon. Hindi ba siya malayang pumunta kung saan niya gusto? "Nasaan ka? Sinong kasama mo?" "Si Ma

