DALI-DALING inayos ni Alondra ang mga folder files sa mesa. Kailangan pa niyang bumalik sa apartment niya sa Boni para makapagpahinga saglit at pumunta sa Shangri-La Mall sa Mandaluyong para sa date nila ni Micah. Ipapakilala daw kasi ni Cougar ang bagong girlfriend nito. Mukhang serious girlfriend daw kaya gustong mag-celebrate ng mga kabarkada nito. “Nagkukumahog ka diyan,” puna ng kasamahan niyang si Rica nang sumilip sa cubicle niya. “Mukhang may date kayo ni Sir Micah.” “Kailangan ko pa ngang bumalik sa apartment ko,” sabi niya. “Weird din kayo, no? Kung kailan mo siya naging boyfriend, saka ka pa lumipat ng apartment. Dapat nga di ka na umalis sa condo niya.” Isang tipid na ngiti lang ang ibinigay niya. Iyon din ang opinion ng lahat kahit na si Tracy. Mas maganda daw kung bakuran

