Ngumiti siya at tumango. Di na niya napigilan ang sarili na yumakap din sa baywang nito. She didn’t want to let him go. Maaring dahil sa impluwensiya ng alcohol kaya malakas ang loob niya na gawin iyon pero wala siyang pakialam. It felt so good. Tama ang lahat ng ginagawa niya basta manatili lang siya sa tabi ni JM. Suddenly she felt suffocated by the crowd. Parang ayaw na niyang may mga tao pa sa paligid nila ni JM. At mas lalong ayaw niya na may ibang babaeng lumalapit, humahawak at ngumingiti dito. “Are you okay?” tanong nito. “Nakasimangot ka na.” “Parang gusto kong pumunta sa malayo. Doon sa di masyadong maingay,” nanulas sa labi niya. “Medyo nahihilo na ako sa dami ng tao.” “Come. Maglakad-lakad muna tayo.” Nag-request ito ng flashlight sa isa sa mga security staff at iginiya s

