Dahan-dahang lumapit ang mukha ni JM kay Heart. Magaan nitong hinaplos ang pisngi niya at magaang hinalikan ang noo niya…ang dulo ng ilong niya. She could feel her warm breath across her cheek. Binibigyan siya nito ng pagkakataon na itulak ito palayo at tumakbo. Na sabihing nasa tamang huwisyo na siya at ayaw na niyang ulitin pa ang mga nangyari nang nagdaang gabi. Subalit nanatili siyang nakatayo doon. Her breath was ragged and the beat of her heart accelerated. She could smell him in the air… taste him. Pumikit siya at kinuyom ang palad. He was building the anticipation. Hanggang kailan ba ito maglalaro? Pakiramdam niya ay mababaliw siya kapag di pa nito inangkin ang labi niya. The small kisses stopped. Naramdaman na lang niyang nakatitig ito sa kanya. Idinilat niya ang mga mata. Halos

