PUMALAKPAK si Heart nang makita kung paano makipaglaro sa malalaking alon si JM. Isa ito sa mga lalahok sa mga organizer sa nalalapit na surfing competition na gaganapin sa dadating na mga araw. Maging ang ibang mga foreign surfers ay pinalakpakan din ito. Saka lang niya nalaman na dati palang surfing champion si JM at lumalaban sa mga local at international surfing competition. May advantage ito dahil nakaharap sa Pacific Ocean ang bayan ng Aurora kung saan ito lumaki. At ang mga prestihiyosong surfing sites ay nasa gilid ng Pacifici Ocean. Iba ang sayang nakikita niya sa mga mata ni JM kapag nakikipaglaro ito sa alon. Na parang sa tubig ito nakatira at hindi sa lupa. He was born to battle the waves. Kinamayan ito ng ibang mga surfer at surfer wannabees matapos ang exehibition nito.

