MASAYANG pinakinggan ni Heart ang kwento ng bagong kasal na nagdesisyong mag-honeymoon sa Bahia de Aurora. Nagkukwentuhan sila sa garden. Naging kaibigan din ni JM ang mga ito at ipinakilala sa kanya dahil baka daw magamit niya ang love story ng mga ito sa nobela niya. “Dito kami nagkakilala last year,” sabi ni Mia na nakahilig sa asawa nitong si Teddy. “Kaya sabi namin dito na rin kami magha-honeymoon. Napaka-romantic kasi ng lugar na ito.” “I agree,” sabi ni JM na nakaupo sa tabi niya. “May magic talaga dito.” Saka hinaplos ang buhok niya. Hindi na niya maitago pa ang ngiti. Sino ba ang mag-aakala na sa lugar na iyon niya matatagpuan ang lalaking magpapabago ng buhay niya? Nang tumapak kasi siya doon ay gusto lang niyang makatakas sa ex-boyfriend niyang nanakit sa kanya. At tingin p

