Nakaupo si Heart sa buhanginan habang nagsusulat. Hindi niya makuha kung paano paiikutin ang istoryang naisip niya. At dahil di siya gumagawa ng draft kaya matagal na sandali na siyang nakatitig sa screen pero wala pa siyang naisusulat na matino. Alas onse na ng gabi noon at mangilan-ngilan na lang ang mga tao sa beach. The sound of the waves were calming her. Tensiyonado pa rin kasi ang atmosphere sa resort. Bukas pa ng umaga ang alis nina Gracia sa resort. Di na dadalo ng surfing competition si Vermont para matahimik na ang nanay nito. Hangga’t di yata nakakaalis si Gracia ay di sila matatahimik. Parang wala itong gagawin kundi ang maghasik ng lagim sa resort. “Perfect place para makapagsulat, no?” anang si Janis na di niya napansin na nakalapit na pala sa kanya. “Sorry sa pang-aabal

