CHAPTER ONE
“Sir, here are the papers that you’ve asked me to. Kasama na rin po diyan ang mga mails na naka-address po sa inyo,” saad ng sekretarya ni Jordan.
Marahang tango lang ang tinugon niya dito. Inilapag ng sekretarya ang lahat ng papeles at sulat na dala nito sa lamesa niya bago ito tuluyang lumabas ng kaniyang opisina. Agad niyang hinarap ang mga iyon, at isang sobre ang nakatawag ng pansin niya. La Concordia High School– iyon ang logong nakatatak sa likuran ng sobre. Agad niyang binuksan ang sobre– it was an invitation for him to attend their high school reunion.
“Natanggap mo na pala iyan.” ikinabigla pa ni Jordan ang biglang pagsulpot mula sa pinto ng kaniyang kaibigang si Carlos– kaklase niya ito sa La Concordia High School, at ngayon ay business partner niya.
Nagsimula lang siya noon sa isang maliit na shop kung saan siya rin ang technician ng mga electronic devices na ibinebenta niya. Si Carlos ang kauna-unahang taong nagtiwala sa kakayahan niya nang maisipan niyang i-expand ang negosyo at sakupin ang machineries industry. Ngayon nga, sa edad niyang bente-otso ay isa na siya sa maituturing na business magnate ng bansa, dahil sa mabilis na paglaki ng kaniyang negosyo, ang Perez Group of Companies.
“Did you receive the invitation also?”
“Taon-taon naman ay mayroon silang pinapadalang invitation sa atin. Remember, ikaw lang naman ang laging umiiwas na dumalo sa reunion. Lagi kaya akong present doon,” nakangising sambit ni Carlos at dire-diretso na itong umupo sa isa sa mga upuan sa harapan ng mesa niya.
“So what do you mean by that?”
“What I mean is, may nagbago na ba sa plano mo? A-attend ka na ba sa reunion ngayong taon na ito?”
“Should I need to?”
“Kapag sinabi ko bang dadalo ngayong taon si Caitlyn sa reunion, will it change your mind?”
Nahinto ang akmang pagkuha niya ng isa sa mga papeles at napatingin nang diretso sa kaibigan. Ang tinutukoy nitong Caitlyn ay ang ex-girlfriend niya noong high school. Ang babaeng minahal niya nang buong puso, ngunit siya ring nagwasak nito.
“Are you sure about it?”
“Certainly! Kasali kaya ako sa gc ng batch natin.”
“And what make you say na a-a-attend si Caitlyn? Ilang taon siyang wala ring paramdam sa batch natin, hindi ba? Simula nang grumaduate tayo ay wala ng balita sa kaniya.”
“Recently ay ini-add siya sa gc ni Jacky. At si Caitlyn mismo ang nag-message na a-attend siya ngayong taon sa reunion.”
Inilagay ni Jordan ang kamay sa ilalim ng baba.
“Hmmm… I guess I will attend.”
“Really? Is it because of Caitlyn kung bakit naisipan mong umattend? Tayong dalawa lang naman dito. I know you and Caitlyn’s history, at alam ko rin na siya ang dahilan kung bakit ka nagsumikap at binago mo ang lahat sa iyo. Malayo na ang narating mo, and yet hindi ka pa rin ba nakakapag-move on sa ginawa ni Caitlyn sa iyo?”
“You know how much I hate that girl,” matiim ang bagang na sambit ni Jordan sa kaibigan.
“Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin siya nagagawang patawarin sa ginawa niya sa iyo? It’s been ten years.”
“Yes, it’s been ten years, pero nandito pa rin sa puso at isip ko ang ginawa niya. I love her deeply, sa loob ng halos dalawang taong relasyon naming dalawa, pagpapanggap lang pala ang lahat ng ipinakita niya.”
Mahal na mahal niya ang babae at ito lang ang tanging ninais niyang makasama habang buhay, pero hindi niya akalain na ginawa lang pala siyang pustahan ng mga ka-cheering squad nito. Hindi siya totoong minahal ng babae dahil sa itsura niya at status nila sa buhay noon. And worst, halos dalawang taon ding humaba ang relasyon nila– dalawang taon siyang naging tanga dahil sa babae.
“How would you know na nagpapanggap lang si Caitlyn ng nadarama niya sa iyo noong mga panahong naging kayo? Ni hindi mo nga narinig ang paliwanag niya hindi ba?” untag ni Carlos sa kaniya.
“Alam mong hinanap ko siya, but for some reason, naglaho na lang siyang parang bula at hindi man lang siyang nagtangkang magpaliwanag sa akin. Which makes me hate her even more. Siya ang dahilan kung bakit ako nagpursige. Naipatayo ko ang kompanyang ito upang patunayan sa kaniya na malayo ang mararating ng isang hampaslupa at nerd na kagaya ko.”
Tumango-tango ang kaniyang kaharap. “I understand. Sikat na sikat ka sa business world at marinig pa lang ang pangalan mo, halos hindi na magkamayaw ang mga negosyanteng gustong makipag-business deal sa iyo. Although, walang mailabas ang media na picture mo dahil sobrang ilap mo sa camera.”
Napangisi si Jordan. “That’s part of my plan.”
“What kind of plan?” tanong ni Jordan na salubong ang mga kilay.
“Avenging myself.”
“Are you sure?”
Tumango siya. “Alam kong sa mga oras na ito ay alam na niyang malayo na ang narating ko. But still, I want to see the reaction on her face. And for ten years, I’ve waited for this moment.”
Napailing na lang si Carlos sa mga sinabi niya. “You’re hopeless, bro. You still think and act like a broken teenager pagdating kay Caitlyn. I do hope na kung anuman iyang pinaplano mo ay huwag mag-back fire sa iyo,” paalala nito.
“Don’t worry, matagal ko ng pinaghandaan ito, and I can finally say na matatahimik na ang buhay ko, once na naisakatuparan ko ang plano ko kay Caitlyn.”
Napapalatak na lang ang kaniyang kaibigan.