Araw ng high school reunion nina Caitlyn. Kakabog-kabog ang kaniyang dibdib habang nag-aayos. For the first time after their graduation, ngayon lang siya a-attend ng reunion nila.
“You look pretty, Mommy. You don’t need to worry,” sincere na sambit ng siyam na taong gulang niyang anak na si CJ. Ipinanganak niya ito sa probinsiya nila sa Cuyo, ilang buwan pagka-graduate niya ng high school.
Yes, she got pregnant with CJ during her teenage years. Pinalaki niya itong mag-isa at hindi na niya nagawang ipaalam pa sa dating kasintahan na si Jordan ang kalagayan niya dahil bukod sa naghiwalay silang magkagalit, nagkaroon pa ng malaking pagbabago sa buhay ng pamilya niya. Nawalan ng trabaho ang kaniyang ama at nasunugan sila, kaya napilitan silang iwan ang dating buhay na kinalakihan niya sa Manila at sumama sa mga magulang na umuwi sa probinsiya nila sa Cuyo. Simula noon ay nawalan na siya ng tuluyan ng balita at komunikasyon kay Jordan.
“Talaga ba, anak? Ayos lang ang suot ni mommy?” Nakangiting tiningnan niya ito.
“Opo naman, Mommy. Hindi mo na po kailangan ng kahit na ano pang kolorete, dahil maganda ka na po. At lalo ka pa pong gumanda ngayon kasi nakaayos ka. Lagi nga po kayong napagkakamalang kapatid ko lang, eh.”
“Sus, binola mo naman ang Mommy. Oh siya, baka ma-late na ako. Malamang din ay naiinip na ang Tita Jacky mo sa kahihintay sa akin. You behave yourself, ha. Pakabait ka kina lolo at lola. Huwag kang magpapasaway sa kanila. At dahil big boy ka na, ikaw na dapat ang nagbabantay sa kanila kapag umaalis ako. Okay?” Pinisil ni Caitlyn ang pisngi ng anak at hinalikan ito sa buhok.
“Opo, Mommy. Ilang beses niyo na pong sinabi sa akin iyan. Why don’t you just enjoy yourself first. Kayo po muna ngayon. Have fun,” sagot ng kaniyang anak.
Inalalayan pa siya ni CJ hanggang sa makalabas sila ng gate ng maliit na bahay na inookupa nila. Saktong paglabas niya ay nandoon na si Jacky– ang nag-iisang bestfriend niya at dati ring kaklase noong high school.
Ito ang tumulong sa kaniya para makahanap sila ng maayos na bahay na matitirhan nila sa Maynila. Kinailangan kasi nilang bumalik sa lungsod upang maipagamot ang kaniyang ama sa mas maayos na ospital, dahil na-stroke ito at hirap ng makabangon. Ang kaibigan rin ang nagpasok sa kaniya bilang Team Leader sa isang call center company kung saan ito naman ang HR head. Kahit hirap sila noon ay nagawa pa rin niyang makapag-aral ng two-years course sa college sa Cuyo. Kaya ngayon ay isa na siya sa mga top notch Team Leader sa kompanyang pinagtatrabahuan.
“Oh my, you look stunning!” papuri sa kaniya ni Jacky nang makasakay na siya sa passenger seat. Ito ang nasa harap ng manibela.
“Naku! Akala ko si CJ lang ang bolero, ikaw rin pala.” Namumula ang pisnging ikinabit niya ang seatbelt.
“Sus! Eh, sa totoo naman ang sinasabi ko,” wika nitong nagsimula ng magmaneho patungo sa venue kung saan gaganapin ang class reunion nila ngayon.. “Siya nga pala, did you know?”
“Know what?”
“Did you know na a-attend din ngayon sa reunion si Jordan?” may pananantiya sa tonong tanong sa kaniya ni Jacky.
Napasinghap si Caitlyn sa narinig. Binalot ng matinding kaba ang puso niya. “I-I g-guess this is a mistake. Stop the car, Jacky. Uuwi na lang ako.”
“What?! No!” Sandali siya nitong nilingon bago muling itinutok ang mga mata sa daan. “It’s been ten years, Caitlyn. Sa tingin mo ba relevant pa kay Jordan ang mga nangyari sa inyo noon?”
“Well–”
“He is a successful businessman now. I think kung anuman ang ikinagalit niya sa iyo noon ay limot na niya iyon. Malamang nga ay nakapag-move on na iyon. With all his fame and money, I wonder kung maalala pa niyang may isang Caitlyn Sanchez na minsang dumurog sa puso niya,” may himig pagbibirong putol ni Jacky sa pagpoprotesta niya.
Napahagod siya sa noo. “I know, pero hindi naman si Jordan ang kinatatakutan ko, eh. Mas natatakot ako sa magiging reaksiyon ng sarili ko sa kaniya. Dahil kung siya nagawa na niyang mag move on, ako hindi pa.” Lumamlam ang kaniyang mga mata nang maalala ang mga nangyari sa kanila ni Jordan.
“Girl, he is Jordan Perez. Kung sakaling may pake pa siya sa iyo, dapat matagal ka na niyang ipinahanap. He have a lot of means to do that. Kung mayroon mang dapat na magalit sa pagkakataong ito ay ikaw iyon. Dahil hindi niya man lang nilingon ang responsibilidad niya sa iyo.”
“Hindi ko naman siya sinisisi sa bagay na iyon. Isa pa, alam mo ang rason kung bakit hindi ko nagawang ipaalam sa kaniya na buntis ako noon.”
“Pero matagal na iyon. Sampung taon na ang lumipas. And now, he has everything. Kapag ipinaalam mo sa kaniya na may anak kayo, I’m sure, he will help you. May responsibilidad rin naman siya kay CJ, ano!”
Umiling siya. “No, Jacky. Hindi ko gagawin iyon. Ayokong isipin niya na hinahabol ko siya ngayon dahil may pera na siya. I still have my pride. I will stay off of his radar kung kinakailangan. Isa pa natatakot din ako sa isiping baka kunin niya sa akin ang anak ko.”
Matagal na hindi sumagot si Jacky, pagkuwa’y huminga ito nang malalim. “Don’t get me wrong, Caitlyn. Suhestyon lang naman ang sa akin. After all, ama pa rin siya ni CJ. Why don’t you think in a positive side, kesa sa isipin mong kukunin niya sa iyo si CJ. He remains bachelor all these years. Baka nga ikaw naman talaga ang hinihintay niya,” may halong panunudyong wika nito.
“Tse! Huwag mo nga akong binibiro ng ganiyan! Maalala ko lang ang galit niya sa akin noon alam ko na agad na imposible ang sinasabi mo. And besides, although he remained single all these years, sa status niya ngayon, malabong wala siyang ibang babaeng nagustuhan.”
Sumulyap si Jacky sa kaniya saglit na may mapanuksong ngiti. “Why do I sense a hint of jealousy in your tone?”
“Magtigil ka nga!” irap niya rito. “Lalo mo lang dinadagdagan ang anxiety ko. Isipin ko pa lang na makikita ko mamaya si Jordan, hindi ko na alam ang gagawin ko.”
“Relax, Caitlyn. Para saan pa at kasama mo ako ngayong gabi? Ako ang bahala sa iyo.”
Matiim niya itong pinagmasan. “Are you sure? Baka naman ipahamak mo lang ako.”
“Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Ewan ko, Jacky . . . Basta hindi pa rin ako mapalagay.”
“Huwag kang mag-alala. Sigurado naman na nakalimutan na ni Jordan ang lahat. Matagal ka ring nawala sa sirkulasyon. It’s time to move on, and get back on your feet. At kung sakali mang mangyari ang iniisip mo, siguro ito na ang tamang panahon para harapin mo si Jordan,” pangungumbinse pa sa kaniya ng kaibigan.
Wala ng nagawa si Caitlyn kung hindi magpakawala ng hangin sa dibdib upang bahagyang pawiin ang kabang kaniyang nadarama.