Hindi rin nagtagal ay narating na nila ang venue ng kanilang reunion. It was a classy restaurant na malapit sa dati nilang paaralan.
“Dito pala gaganapin ang reunion,” sambit niya sa isipan.
“Oh my… It’s true! Sa wakas, you finally showed up at our reunion. Kumusta ka na, Caitlyn? Lalo ka yatang gumaganda! Mukhang walang epekto sa iyo ang stress ng adulthood,” bating-salubong sa kanila ni Carlos, isa sa mga kaklase niya noon. “I hope you still remember me,” dagdag pa nito.
Bahagya siyang ngumiti rito. “Hi, Carlos. Of course I still remember you. Sino ba ang makakalimot sa pinaka-makulit naming classmate?” biro niya sa lalaki.
“Ouch! Now I know na iyan pala ang pagkakatanda mo sa akin.” Humawak pa sa pusong kunwaring nasaktan si Carlos sa sinabi niya. “Hi, Jacky,” bati nito sa kaibigan niya.
Tanging tango lang naman ang isinagot ni Jacky dito.
“May sumpong ba ang kaibigan mo at hindi man lang marunong ngumiti?” pabulong na tanong ni Carlos sa kaniya. “Sayang ang ganda niya kung sisimangutan niya ako buong gabi,” dagdag pa nito.
“I am still here, Mr. San Diego. I can hear you perfectly,” may inis na sambit ni Jacky dito.
“Oh, I thought hindi mo ako papansinin buong gabi,” nakalabing sabi ni Carlos dito sabay akbay at halik sa pisngi ni Jacky.
“Kuh, may kasalanan ka pa sa akin. Kaya huwag mo akong kausapin,” irap ni Jacky dito pero hindi naman nito tinanggal ang pagkakaakbay ng lalaki.
Natawa na lang si Caitlyn sa usapan ng dalawa. Matagal ng magkasintahan sina Carlos at Jacky. Nagpaplano na ring magpakasal ang dalawa ngayong taong ito. Alam niyang kaibigan ni Carlos si Jordan, pero kahit girlfriend nito si Jacky ay wala itong kaalam-alam sa whereabouts niya, na siyang ipinagpapasalamat niya nang sobra sa kaibigan.
“He isn’t here yet, kung si Jordan ang hinahanap mo. Na-miss mo na ba siya?” pabirong bulong ni Carlos sa kaniya nang makita nitong naglulumikot ang kaniyang mga mata at waring may hinahanap.
Alanganin ang ngiting ipinukol ni Caitlyn sa lalaki, pero hindi niya ito sinagot.
“C’mon, let’s enjoy the night. Nasa loob na ang ibang classmates natin, and I’m sure na matutuwa sila kapag nakita ka. They will be pleased to see you, lalo pa at wala pa ring kakupas-kupas ang ganda nang nag-iisang campus crush noon.”
“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, Carlos. Bolero ka pa rin,” pairap na sambit niya sa lalaki hanggang sa marating nila ang lounge kung saan naroon na ang iba pa nilang classmates.
Lumipas ang ilang minuto na walang anino ni Jordan na dumating kaya naman tuluyan ng na-relax si Caitlyn.
“Male-late ng dating si Jordan. May mga importanteng meeting pa siya together with our investors. Ewan ko ba sa taong iyon, napakayaman na eh ayaw pa ring magpahinga,” pagbabalita ni Carlos sa kanila pagpasok nito. Lumabas ito sandali at doon kinausap ang tumawag dito na wala naman palang iba kung hindi si Jordan.
“Mabuti na rin iyon. Makakahinga na akong tuluyan,” masayang bulong ni Caitlyn sa isipan. “Marahil ay nakauwi na ako pag dumating siya. Tamang hindi talaga magtatagpo ang aming mga landas.”
Nagawa ni Caitlyn na muling i-enjoy ang gabi kasama ang mga dating kaklase at kaibigan. Sa gitna ng kasiyahan ay nag-excuse si Caitlyn at nagpaalam na sasaglit lang sa banyo.
“You didn’t change a bit. You still look stunning even with your age, Cee,” anang isang baritonong tinig sa likuran niya.
Nahinto siya sa paghakbang at humarap sa pinanggalingan ng tinig. Napasinghap siya nang tuluyang makaharap ang may-ari tinig.
“J-ja… I mean . . . Jordan?” hindi makapaniwalang tanong niya upang kumpirmahin kung ito nga ang kaharap.
“In the flesh,” malawak ang ngiting sambit nito.
Hindi niya napigilan ang sariling hagurin ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi siya makapaniwala na ang dating chubby at nerdy niyang ex-boyfriend noon, ngayon ay mala-Adonis na.
Nakasuot lang naman ito ng simpleng blue polo shirt at straight cut slacks na pantalon, pero napakalakas ng dating nito. Idagdag pang bumabakat sa manggas ng polo nito ang ma-muscle nitong braso.
Hindi napigilan ni Caitlyn na manatiling nakatitig sa impis nitong tiyan. Kahit kasi hindi niya nakikita ang nakatago roon ay na-i-imagine na niyang matitigas ang mga pandesal nito roon.
“Are you satisfied with what you see?” mapang-uyam nitong tanong.
Ipinilig niya ang kaniyang ulo at tiningnan ito. “I-I'm sorry, I didn’t mean to gawk—”
“It’s okay. Kung ikaw din naman ang titingin sa akin ng ganiyan– walang problema. But I still wanted to know, nagustuhan mo ba ang nakikita mo ngayon?” May halong panunuksong ngumisi ito.
Napatingin nang diretso sa mga mata ni Jordan si Caitlyn.
“Maybe what Jacky said was true. Nakapag-move on na nga si Jordan,” sambit niya sa isipan. “Pero bakit ganito na lang ang kabog ng dibdib ko? Bakit parang nakakalunod ang mga titig niya sa akin ngayon?” tanong niya sa isip bago nag-iwas ng mga mata.
“I don’t know. I don’t have time to answer your questions right now, because I’m on my way to the powder room. The others are in the VIP lounge. I’m sure alam mo na ang papunta roon at hindi ko na kailangan pang ituro sa iyo. Sorry, I have to go.” Ngumiti pa siya rito nang pilit para hindi nito mahalatang halos mag-umalpas na ang puso niya sa matinding kabang nararamdaman. Pagkatapos, tinalikuran na niya ito at binagtas ang daan patungo sa banyo ng mga babae.