“Why, why?”
“Bakit mo ako ipinapahanap? The last thing I remember is galit na galit ka sa akin, you don’t even give me a chance to apologize to you and explain my side.” Nahimigan ni Jordan ang hinampo sa tinig nito.
Huwag kang magpapadala . . . Huwag kang magpapadala. Para iyong sirang-plakang paulit-ulit sa kaniyang isipan.
Ngumiti siya. “Yeah, I was angry at you, but it’s all in the past now. Mga bata pa tayo noon at may mga desisyon tayong nagagawa nang padalos-dalos. So, how have you been these past ten years, Cee?”
Hindi agad nakasagot ang kaharap dahil pumasok ang waiter dala ang inorder nila.
“Thank you,” wika ni Jordan sa waiter bago ito tuluyang lumabas. “Let’s eat?” alok niya sa babae na mabilis namang tumango. Mukhang gutom na ito dahil ilang beses din itong lumunok habang nakatingin sa mga pagkaing nasa harapan nila.
As a true gentleman, ipinaglagay niya ito ng pagkain sa plato. Pagkatapos ay nagsimula na silang kumain. Manaka-naka ay nagkukwentuhan sila at hindi niya maiwasang pagmasdan ang bawat galaw ng babae, kahit yata ang mabining paglipad ng buhok nito ay hindi niya pinaligtas.
Revenge, huh? I doubt it! Anang tinig sa kaniyang isipan na madali niyang iwinaksi.
“I remember, nangako nga pala ako sa iyo noon na dadalhin kita sa mga mamahaling restaurant,” patuloy niya sa usapan nila na ikinasamid nito. “Ayos ka lang?” Akmang tatayo na sana siya, pero madaling kinuha ni Caitlyn ang baso sa tabi nito at inisang tungga iyon. Mariin itong napapikit nang malasahan ang lamang ng baso.
“That was the vodka. Ayos ka lang?” muling tanong ni Jordan.
“Yeah . . .” sagot nitong pulang-pula ang mukha.
Nagpatuloy sila sa pagkain at pagkukwentuhan, at napansin ni Jordan na tila nag-iba ang mga kilos ni Caitlyn.
“Alam mo ba, Jay . . . I was thinking . . .” Hinagip nito ang baso ng tubig at ininom ang laman niyon, pagkuwa’y ang baso naman niya ang kinuha nito.
Napailing si Jordan. “You’re drunk.”
Mariin itong umiling. “No, I’m not! Hehe! Maybe a little.”
“Yes, you are. Dahil tinatawag mo na ulit ako sa palayaw ko.” Dumukot siya ng pera sa kaniyang wallet at inilagay iyon sa lamesa. Pagkatapos, tumayo siya at lumipat sa tabi nito. “Halika na. Ihahatid na kita.” Inalalayan niyang makatayo ang babae na kusa namang sumunod.
“I’m sorry . . .” Mahina lang iyon pero nakaabot sa pandinig niya.
Natigilan siya sa paghakbang at napatitig sa mukha nito. Nakapikit ito. “What did you say?” Subalit, wala na siyang narinig na tugon mula rito kaya napailing na lang siya.
Inakay niya ito hanggang sa kotse niya at isinakay doon. Nang nasa driver seat na siya ay nilingon niya ito. “Can you tell me your address?”
“Yeah . . . CJ . . .” sagot nito.
Napakunot siya ng noo. “CJ? Is that even an address?”
“No. He is the most special man in my life.”
Naikuyom ni Jordan ang kamao sa narinig. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Galit siya pero naroon ang mumunting kirot sa kaniyang puso. He’s jealous for Christ’s sake!
“Where is he?” tanong niya sa kontroladong tinig.
“Nasa bahay siya ngayon kasama sina mama at papa. Anong oras na ba?”
“It’s almost midnight.”
Napamulat ito ng mga mata. “Ha? I need to go home now, CJ is waiting for me.”
“Yeah. Kaya nga kanina ko pa itinatanong ang address mo.” Umiling ito at hindi sumagot bago muling pumikit. “What do you mean by that?”
“I can’t go home like this. Ayokong makita niya akong ganito.”
Napabuntonghininga si Jordan. “Magpahulas ka muna.” Tumango ito. “Do you know any place?” tanong niya.
“No. Ikaw na lang ang bahala.”
Sa sinabi ni Caitlyn ay isang lugar lang naman ang pumasok sa isipan ni Jordan at doon niya nga dinala ang babae. Nakatulog na ito, kaya maingat niya itong binuhat pagka-park niya sa basement parking kung saan naroon ang kaniyang penthouse. Naramdaman pa niyang gumalaw ang babae at sumiksik sa dibdib niya.
Napatitig siya sa maamong mukha nito habang sakay sila ng elevator. “You’re light as a feather and still very gorgeous. Parang hindi man lang nadagdagan ang edad mo sa itsura mo ngayon.” Hindi niya napigilang komento sa isipan.
Napabuntonghininga siya. Mabuti na lang at bumukas na ang elevator dahil baka kung ano pa ang magawa niya sa babae.
Saktong pagpasok niya sa loob ng kaniyang penthouse ay bahagyang gumalaw si Caitlyn sa mga bisig niya. Unti-unti nitong iminulat ang mga mata.
“Jay?” tawag nito sa pangalan niya sa mahinang boses.
“Yes?”
“Where are—” Pero bago pa nito naituloy ang sasabihin ay bigla na lang itong sumuka sa dibdib niya.
“Great!” tanging naibulalas niya.
“I am sorr–” Pero muli ay natutop nito ang bibig.
“Stay still,” utos niya dito saka dali-dali itong ipinasok sa banyo. Marahan niya itong ibinaba malapit sa toilet, saka niya hinawakan ang buhok nito habang patuloy ito sa pagsuka. “Are you alright now?” tanong niya nang huminto na ito sa pagsusuka.
“Y-yeah . . .” Lambot na lambot itong kumapit sa gilid ng toilet bowl.
Napailing na lang siya. “Wait for me here.” Tinungo niya ang bathtub at binuksan ang tubig sa tamang temperatura. Hindi rin niya nakalimutang maglagay ng lavender essence para guminhawa ang pakiramdam nito. “I prepared a bath for you, can you stand?”
Naku, Jordan! Ganiyan ba ang paghihiganti? Kuntudo asikaso na animo’y isa siyang prinsesa? Kastigo ng isang tinig sa isip niya.
“Go away!” mahinang asik niya.
“H-ha?”
Napatingin siya sa babae na nangungunot ang noong nakatingin din sa kaniya. “I said, kaya mo bang tumayo? Aalayan na kita.”
“No. I’m fine.” Mabilis ang naging pag-iling nito at saka dahan-dahang tumayo. Pero hindi pa man ito tuluyang nakatatayo ay gumewang na ito. Agad naman niyang nasalo ang babae.
“Careful . . . Sabi ko naman sa iyo aalalayan na kita.”
Hindi naman na nagprotesta pa si Caitlyn. Subalit pagdating nito sa may bathtub ay hindi naman ito bumibitaw sa kaniya.
“What? Huwag mong sabihin sa aking gusto mo pang paliguan kita.”
“N-no . . . It’s not that. C-can you help me pull this zipper?” Itinuro nito ang nasa likod na zipper ng suot nitong damit.
Tinitigan naman muna iyon ni Jordan bago nakuhang gumalaw ng kaniyang mga kamay. “Sure.” Umakyat-baba ang kaniyang adams apple nang tuluyang mabuksan ang zipper ng damit nito at tumambad sa kaniya ang makinis nitong likod. “It’s open. Kailangan mo pa ba ng tulong?” tuksong bulong niya rito.
Hindi naman p’wedeng ako lang ang apektado! At matagumpay siyang napangiti nang makitang bahagya itong nanginig.
Humarap ito sa kaniya. “No. Kaya ko na.”
“Okay. Tawagin mo lang ako kapag tapos ka na.” At dali-dali siyang lumabas ng banyo. Tinungo niya ang isa pang silid at doon nagmadaling maligo. Kitang-kita niya sa katawan niya ang epekto hatid ni Caitlyn.
“Dammit! Mukhang ako ang nahuhulog sa patibong na nilikha ko.” Marahas niyang naihaplos ang mga daliri sa buhok at pilit na iwinawaksi sa isip ang itsura ni Caitlyn.