CHAPTER SIX

842 Words
Ilang minuto rin ang tinagal niya sa pagligo, bago tuluyang lumabas ng shower room na nakatapis lang ng tuwalya. “J-Jay. Nahinto ang kaniyang paghakbang patungo sa kaniyang dressing room nang ang mahinang pagtawag sa kaniya ni Caitlyn. Paglingon niya dito ay muling nabuhay ang init na pilit niyang inaampat. Basang-basa ang buhok nito at tumutulo pa sa makinis nitong mga balikat. Kahit ang tuwalyang nakabalot sa katawan nito ay hindi rin nakatulong dahil bumabakat doon ang katawan nito. He looked her in the eyes. Pero parang mali naman ang ginawa niya dahil nakikita niya roon ang pagiging helpless nito. “What is it?” tanong niya sa pinatatag na tinig. “W-wala akong pamalit na damit,” mahinang sambit nito na agad nag-iwas ng tingin. “M-maari mo ba akong pahiramin ng damit mo?” “Iyon lang ba? Wait here.” f**k, Jodan! What are you doing? You’re making yourself miserable in front of her! Abot kamay mo na pero hindi mo pa rin magawa ang nais mo sa kaniya! You’re an idiot! Sigaw niya sa isip habang kumukuha ng damit na puwede nitong isuot. T-shirt na kulay itim iyon at shorts niyang de-tali. Huminga muna siya nang malalim bago binalikan si Caitlyn. “Here. Wear this.” Nang kunin iyon ng babae ay agad siyang tumalikod. Dahil kung hindi niya gagawin iyon, baka nga tuluyang humulagpos ang pagpipigil niya. Gaya ni Caitlyn ay nagbihis din si Jordan. Paglabas niya ay hawak na nito ang cell phone nito. “Thanks for this. Salamat din sa pagpapatuloy mo sa akin sa bahay mo, but I have to go.” “CJ is waiting?” tanong niyang hindi napigilang lakipan ng pait ang tinig. Alanganin itong tumango, lumikot din ang mga mata. “Y-yes.” Nagtaka siya. Hindi ganoon ang babae kanina nang lasing pa ito. Bigla ay parang nawalan ito ng confidence. Siguro, mahigpit ang CJ na iyon. O di kaya naman ay masyadong seloso, sa loo-loob ni Jordan. “Alright. Ihahatid na ki–” “No!” Para itong tinakasan ng kulay sa mukha at mahigpit na umiling. Hindi na niya napigilang ipakita ang pagkadisgusto sa mukha. “Akala ko ba ayos na tayo? Bakit parang ngayon ay hindi pa rin kita ang maabot?” Nagyuko ito ng ulo. “I-I’m sorry. Natawagan ko na si Jacky. Magkasama sila ni Carlos at malapit na sila dito. Sa kaniya na lang ako magpapahatid. Nakakahiya naman kasi sa iyo,” katwiran nito. Napabuntonghininga siya. “Okay.” Hindi na sila nito nag-usap. Tahimik lang itong naupo sa sofa at hinintay ang pagdating nina Jacky na hindi rin naman natagalan. “Thank you, Jay. I mean it,” sabi pa nito bago tuluyang umalis. Pagkasarang-pagkasara ng elevator ay mabilis siyang nagtungo sa mini bar at pabastang dumampot doon ng isang boteng alak. Hindi na siya nag-abala pang kumuha ng baso at inisang tungga iyon mula sa bote. Kaagad na gumuhit ang mainit na pakiramdam sa kaniyang may lalamunan. “You’re still into her, idiot! Hindi maikakailang apektadong-apektado ka sa kaniya sa mga reaksyon mo ngayon,” sabi niya sabay tungga muli sa boteng hawak. “Dammit!” Mahigpit niyang naikuyom ang kamao at malakas na ibinato ang bote. Now, everything backfired on him. Tama si Carlos. Lahat ng pinagplanuhan niya sa loob ng sampung taon ay nawala na lamang parang bula. At iisa lang ang ibig sabihin niyon, kailangan niyang alamin ang lahat-lahat sa babae, kahit pa nga may CJ na ito. “She’s not wearing any wedding ring. Ibig sabihin, hindi pa siya kasal sa lalaking iyon.” Madali siyang tumayo at kinuha ang kaniyang cell phone. “Carlos, are you still with her?” Bungad niya nang sagutin nito ang cell phone nito. “No. Si Jacky ang naghatid sa kaniya. Nag-convoy lang kami papunta sa penthouse mo. Why? What is it?” “I have a proposition for you.” “Proposition? And what is it?” Kahit hindi nakikita ni Jordan ang kaibigan ay alam niyang nangungunot ang noo nito. “I’ll give you what you want. In return, you’ll tell me everything about Caitlyn.” Sandaling natahimik ang kabilang linya bago ito sumagot. “Bumalik bang lahat sa iyo?” “Yes! At kung hindi mo sasabihin sa akin ang mga nalalaman, kalimutan mo na ring magkaibigan tayo at makasosyo sa negosyo,” banta niya. “Whoa! Wait lang naman. Mabigat ang hinihingi mo at kailangan kong pag-isipan ito. I need to talk first to Jacky, ayoko namang ako ang malilintikan sa girlfriend ko, at isa pa siya naman ang nakaaalam ng lahat.” “Hanggang kailan?” “Tomorrow. I’ll invite Jacky to my office.” “Okay. Good. Salamat, pare.” “Walang anuman. At kung anuman ang mangyari bukas– pumayag man si Jacky o hindi, kailangan mong ihanda ang sarili mo. At sana, sa pagkakataong ito, mauwi na sa maayos ang lahat.” Iyon lang at nagpaalam na ang kaniyang kaibigan. Napaisip si Jordan sa narinig. “Ano ang kailangan kong paghandaan?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD