Hindi mapigilan ni Jordan ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa manibela ng kaniyang sasakyan habang pinanonood ang siyam na taong gulang na bata na kamukhang-kamukhan niya at nasa labas ng hindi kalakihang apartment na iyon. May hawak itong garbage na kulay itim, walis tingting at tali. Alam na niya kaagad na gagawa ito ng saranggola.
Gusto niyang magsisigaw. Gusto niyang magalit. Pero kanino? Sa sarili niya?
“Dammit! Dammit!” Malakas niyang pinukpok ang manibela bago isinubsob doon ang ulo kasabay ng pagyugyog ng kaniyang mga balikat. Hindi na niya mapigilan ang emosyong kanina pa niya pinipigil, buhat noong makausap niya si Jacky at malaman dito ang totoo.
“How could I do this to her? Paano ko siya nagawang kamuhian sa loob ng sampung taon, while in fact, siya dapat ang mamuhi sa akin dahil sa ginawa ko? Dapat hindi ako tumigil sa paghahanap sa kaniya. Dapat hindi ko siya hinayaang mawala. Dapat hinayaan ko siyang magpaliwanag. Dapat–”
“CJ!” Napaupo nang tuwid si Carlos nang marinig ang tinig ni Caitlyn. Papasok ang babae sa gate at agad namang sumalubong ang anak nila rito.
“Mom!” Kaagad na yumakap si CJ dito bago humalik sa pisngi nito.
“What are you doing?” narinig niyang tanong ni Caitlyn sa anak nila.
“A kite. Maganda po ba?” Ipinakita nito ang gawa kay Caitlyn. Para namang sasabog ang dibdib niya sa tagpong iyon. Kapiling sana siya ng dalawa kung hindi siya naging bingi noon.
“Of course! Pero hapon na. Wala ka rin namang pagpapaliparan niyang dito.”
Ngumuso si CJ. Kung nakuha nito ang itsura niya, nakuha naman nito ang mannerism ni Caitlyn.
“Punta na lang po tayo sa park sa weekend,” yaya nito sa ina.
“Uhmmm . . . Pag-iisipan ko muna. Pero kapag wala akong gagawin, sige.”
“Yehey!”
“At bago ka po magtatalon diyan, maglinis ka na ng katawan mo. Nangangasim ka na.” Sininghot pa ni Caitlyn ang ulo ni CJ, pagkuwa’y sabay na nagtawanan ang dalawa at pumasok sa loob.
Matagal pa ang inilagi roon ni Jordan bago nagpasyang umuwi. May ilang araw niya ring pinag-isipan ang gagawin bago nagawang tawagan si Caitlyn para kausapin ito.
****
Kinakabahan si Caitlyn habang papasok ng restaurant na iyon kung saan napag-usapan nila ni Jordan na magkikita sila. Nagulat siya nang tawagan siya nito kanina at sabihing gusto nitong makipagkita sa kaniya. Nang tanungin niya ang dahilan, wala naman itong sinabi kung hindi mag-uusap lang daw sila.
“Pero bakit hindi naman ganoon ang nararamdaman ko. Bakit parang hindi naman kami talaga mag-uusap lang?” kausap niya sa sarili. Agad niyang hinanap kung nasaan si Jordan nang makapasok siya sa loob ng restaurant.
“Ma’am, can I help you?” tanong ng babaeng receptionist.
“Yeah . . . May I know where’s the table of Mr. Jordan Perez?” Nasa isang Chinese restaurant siya. At may mga private rooms iyon kaya hindi niya malaman kung saan ba naroon si Jordan.
“Ah, this way, Ma’am.” Iginiya siya ng babae sa isang private room. Nang bumukas iyon ay naroon na si Jordan at tahimik na umiinom ng tsaa. Tumayo agad ito nang pumasok siya.
“Sit down.” Ipinaghila siya nito ng upuan.
“Thanks,” kiming wika niya saka naupo.
“I already ordered for us– if you don’t mind. Pero kung may gusto ka pang orde–”
“No. Kung ano ang inorder mo, ayos na ako roon,” mabilis niyang putol. Ang kabog sa kaniyang dibdib ay hindi niya maipaliwanag lalo na nang tuluyan makita ang lalaki sa malapitan. Nangangalumata ito at tila hindi nakatulog ng ilang araw. At hindi niya alam kung bakit, pero parang may maliliit na karayom na tumutusok sa dibdib sa itsura nitong iyon. Nasasaktan siya sa hindi niya malamang dahilan!
“Alright. Do you want some tea?” tanong nito na hindi maikakaila ang pagiging aligaga sa itsura. Uupo-tatayo kasi ito. “Jordan, please . . . Just sit down.”
“H-ha? Yeah. How about tea?”
Hindi na niya napigilan ang pagkunot ng noo. “Are you okay? May problema ka ba?”
“A-ako? No! Wala naman. I just wanted to talk with you,” sagot nito.
“Talk about what?”
“Ha? Ah . . .” Napatingin ito sa bumukas na ito bago tumayo. “Nandito na ang mga pagkain natin,” masayang wika nito.
Napailing siya. At hinayaan na lang ang lalaki na tulungan ang waiter. Subalit, ang akala niyang tapos na ang pagdadala ng pagkain sa kanila ay hindi pa pala. Dahil dalawa pang waiter ang pumasok doon.
“A-ang dami naman nito, Jordan. Baka hindi natin ito maubos,” sabi niya na nagtatakang napatingin dito. Abala ito sa paglalagay ng pagkain sa plato niya.
“Then you can bring all the leftovers home.”
Hindi naman na siya nagsalita. Pero nang lalagyan pa nito ng sweet and sour pork ang kaniyang plato ay agad niya itong pinigilan.
“Baka naman hindi na ako makahinga sa dami nito,” biro niya. At sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niyang ngumiti ang lalaki. Para tuloy umihip ang malakas na hangin at napapikit siya. Lalo kasi itong gumwapo sa itsura nitong iyon.
Tahimik silang kumain. Ramdam niya ang paglingon-lingon sa kaniya ni Jordan subalit hindi naman niya ito masaway. Sa kabilang banda kasi, masaya siyang nakasama niya ito. In fact, lihim niyang inaasam na sana ay tawagan siya nito at ayaing lumabas. Ewan ba niya, basta mula noong magkasama sila, palagi na niyang hinahanap-hanap ang presensya nito. Kahit na sabihin niya sa sarili na malaki ang kasalanan niya rito, lalo at may inililihim pa siya sa lalaki, nakuha pa ring umasam ng puso niya.
“May I know the real purpose of this meeting?” lakas loob niyang tanong nang nagtsatsaa na sila.
Nakita niyang lumikot ang mga mata nito. Matagal itong tumitig sa tasang hawak, bago seryoso siyang tinitigan sa mga mata.
“I already know everything,” pag-uulit nito sa sinabi.