Chapter 4 Status

1424 Words
“AYOS ka lang ba?” Napukaw sa malalim na pag-iisip si Aljane sa tanong ni Ria. Kasalukuyan sila nasa lunch break. “Kanina ko pa napapansin na para wala ka sa sarili. May problema ba sa pamilya mo?” Mabilis siyang umiling sa tanong nito saka uminom ng tubig. “Ayos lang ako. Pasensiya na medyo na-nanibago lang siguro ako, da-dalawang gabi na kasi ako hindi makatulog nang maayos. Namamahay yata ako,” wika ni Aljane na sinamahan niya pa nang mahinang pagtawa. Mukhang nakumbinse naman niya si Ria dahil tumango ito saka ipinagpatuloy na ang pagkain. Habang si Aljane naman ay muling pumasok sa isip niya ang nangyari kagabi. Alam niyang masamang magsinungaling at ang sinabi niyang namamahay ay isang kasinungalingan dahil ang ginawa ni Dr.Salazar ang gumulo sa kanyang isipan. Akala niya nga ay hindi na siya patutulugin no’n mabuti na lang at kahit paano ay nakatulog naman siya. “May bago raw na doctor sa OB-GYNE department at ang balita ay anak ng isa sa mga may mataas na posisyon,” wika ni Emily na kasama nila sa lamesa. “Talaga? Babae o lalaki?” tanong naman ni Rocky. Isa si Rocky sa mga bagong nurse sa hospital at masasabi ni Aljane na mahusay ito. Ang nasagap niyang chika sa madaldal na si Ria ay may balak daw itong ituloy ang pag-aaral ng medisina parang siya lang. Kung may pagkakataon talaga ay gusto niyang maging isang doctor, sadyang kapos lang sila at mabuti nga ay natapos niya pa ang Nursing. “Babae raw at ayon sa chika na nakalap ko,” yumuko pa si Emily bago muling nagpatuloy, “maganda raw. Sigurado talo na naman ang beauty natin. ”Napangiti si Aljane sa tinuran ni Emily. Maganda naman ito pero may pagka-chubby nga lang. “Akala ko si Nurse Aljane lang ang karibal ko sa kagandahan tapos ngayon meron daragdag. Hays.” Patuloy nito na ikinasamid niya dahil saktong umiinom siya ng tubig. “Ayos ka lang ba?” Inabutan si Aljane ni Rocky ng tissue habang si Ria naman ay hinagod ang kanyang likuran. Nang makabawi si Aljane ay tiningnan niya si Emily. “Bakit pati ako nasali?” tanong niya. Umismid naman si Emily bago siya sinagot, “Talagang tinatanong mo pa? Tingnan mo nga ‘yang beauty mo pwede ng ilaban sa beauty pageant.” “Tama na nga ‘yan, Emily. Puro ka kalokohan, bilisan na natin at baka ma-late tayo,” awat ni Ria rito kaya naman pinagpatuloy na lang nila ang kanilang pagkain. Nagpapasalamat nga si Aljane dahil hindi pa nagku-krus ang landas nila ni Dr.Salazar dahil hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan matapos niya itong iwanan kagabi. Bakit kasi pati daliri niya kailangan pang isubo? “MAAYOS na ba lahat?” tanong ni Dominic sa secretary. Kanina pa siya naiinip at gustong lumabas para makita si Nurse Aljane pero pinatawag siya ng ama at talang nanigurado na hindi ito mapapahiya sa mga Gallegos. As if he cares! “Yes, doc. Maayos na po lahat sa conference room at hinihintay na lang ang pagdating ni Dra.Gallegos,” tugon nito. Tinanguan niya ito at sinenyasan na lumabas na pero bago pa ito makalabas ay tinawag niya muli. “Do we have instant coffee here?” tanong niya. Hindi nakatakas sa kanya ang pagbakas ng gulat sa mukha ni Jeremy. “Do-doc? Ano po ‘yon?” nautal pa nitong tanong. “I said I want instant coffee, now.” Napakurap-kurap pa si Jeremy at nagdadalawang-isip kung tama ba ang sinabi niya. Inaasahan na naman ni Dominic ‘yon dahil mula naging secretary niya ito ay never pa siya nag-request ng ganoon. “Do you know what instant coffee is?” tanong niya at baka hindi naman nito alam ‘yon. “Yes, doc,” mabilis naman nitong sagot. “‘Yon naman pala, then get me some.” “Are you sure, doc?” Napapikit si Dominic sa paulit-ulit. “Sasabihin ko ba kung ayaw ko? Kukuha ka ba o papalitan na lang kita?” “Kukuha na po,” pagkasabi no’n ay mabilis pa sa alas-kwatro ito lumabas. Nang maiwan siya mag-isa ay hindi niya naiwasan na maalala kung ano ang nangyari kagabi. Ang hindi inaasahan na pagkikita nila ni Nurse Aljane at ang ginawa nito. Talagang na-appreciate niya ang panlilibre nito sa kanya at ang concern na pinakita nito. No one has done that before. Iyon nga ang unang beses na may nanlibre sa kanya na babae. Siya kasi talaga ang laging nagbabayad. Hindi man masasabing date ang nangyari kagabi ay masaya pa rin siya na kahit naiinis na siya sa dami ng bilin ng ama ay hindi niya tuluyan magawang magalit. Lalo pa sa tuwing sumasagi sa isip niya ang pagsubo niya sa daliri ni Nurse Aljane. Iyong sandwich lang naman ang balak niyang isubo kaso natukso siya at nang makita ang namumulang mukha nito ay gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa ginawa. Kaya kahit gusto niya pa ito sundan at ihatid ay hinayaan na lang niya makaalis. Imbes magpasalamat siya ay tinakot niya pa yata. “Mamaya na lang ako magpapasalamat sa kanya saka babawi rin ako sa panlilibre niya sa akin,” kausap niya sa sarili na may ngiti sa labi. 3 PM ang dating ni Dra.Gallegos at dahil hindi naman sila pwedeng gumawa ng eksena sa baba dahil may mga pasyente ay ang conference room ang pinaayusan ng ama ni Dominic para sa pag-welcome raw dito. Nagpacater pa nga siya at para sa lahat ang pagkain na inayos sa may employees canteen. Sinilip ni Dominic ang oras at dahil ala-una pa lang ay may dalawang oras pa siya para pag-aralan ang kaso ng isang pasyente na kailangan maoperahan at palitan ang puso. Ang gusto ng kanyang ama ay siya ang mag-opera no’n dahil anak ng isa sa kumpare nito. Patunayan niya raw na karapat-dapat siya sa posisyon na ipapasa nito. Minsan talaga gusto na niyang kwestyunin ang pagiging anak dito kaso ay wala siyang laban dahil nga kitang-kita ang genes ng ama. Ibinalik ni Dominic ang atensiyon sa hawak na folder kasabay ng pagkatok mula sa pintuan. “Come in,” walang gana niyang tugon. Bumukas ang pinto pero hindi niya ‘yon nilingon. Kung sino man ang pumasok ay wala naman siyang pakialam. “Doc, heto na po ang co-coffee niyo.” Napangat siya ng tingin nang marinig ang may pag-aalinlangan sa boses ni Jeremy. Napalunok pa ito habang hawak sa kamay ang isang tray na may tasa pero kumunot ang noo niya nang makita ang isang garapon na sa tingin niya ay kape nga ang laman at isa pa garapon na asukal naman at isa pa na mukhang creamer. “What is that?” puno nang pagtataka niyang tanong kay Jeremy. “D-Doc… sabi n’yo po ay kailangan n’yo ng instant coffee kaya heto na po.” Mas lalong kumunot ang noo niya sa sagot nito. Pilit inaalala ang usapan nila kagabi ni Nurse Aljane. Wala siyang matandaan na may garapon. “Go to Nurse Aljane and ask her what kind of coffee she gave to me last night,” utos niya na ikinalaki ng mga mata ni Jeremy. Gulat na gulat lang. “Hurry up, Jeremy!” “Yes, doc.” Nagmamadali na itong lumabas dala-dala pa rin ang tray. Napasandal si Dominic sabay hilot sa kanyang sentido. “Ano ba kasi mayroon sa kape na ‘yon? May gayuma yata?” Marahan siyang natawa. “Really, Dominic? When did I believe that horrible idea.” Kausap niya sa sarili at naiiling na lang. Mukhang hindi maganda ang epekto ni Nurse Aljane sa kanya. Oo nga pala at gusto niya makita ang record nito. Kaya naman muli siyang umayos ng upo saka binuksan ang laptop para hanapin ang file ni Nurse Aljane. Na-request na niya kahapon ‘yon nawala lang sa isip niya dahil sa pagpapatawag ng kanyang ama at na-busy na ang isip niya sa pag-check sa Bio ni Dra.Gallegos. Sinimulan niyang basahin ang impormasyon tungkol kay Nurse Aljane at sa bawat pagbaba ng mga mata niya ay ang pagkunot ng kanyang noo. Hanggang sa matapos niya mabasa ‘yon ay nanatili siyang nakatitig sa screen. Para bang pinoproseso pa ng isip niya ang mga nabasa pero ang mas tumatak sa isip ni Dominic ay ang estado nito. Nurse Aljane was from a middle-class family. Hindi nga siya sure kung masasabi bang nasa middle dahil walang trabaho ang ina nito habang ang ama naman ay isang factory worker. “What the fvck!”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD