HINDI MAWALA sa isip ni Dominic ang nakita kanina at hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagagalit. Ano naman ngayon kung may something sa dalawang ‘yon? Pakialam niya ba!
“Ang layo ng tingin…”
Nabalik sa sarili si Dominic nang marinig ang wala sa tonong pagkanta ni Kenneth kaya naman binalingan niya ito at sinamaan ng tingin. Doon niya lang napansin na nasa kanya ang tingin ng mga kasama.
“What?” Asik niyang tanong saka tinungga ang kanina pa pala niyang hawak na baso na may lamang alak.
“Mukha ka kasing wala sa sarili. Ano na naman problema mo? Samantala kanina ang bilis mo pormahan si Nurse ganda. Nabasted ka ba?” pang-aasar ni Kevin sa kanya. Kasalukuyan sila nasa Royal Palace at nagpapalipas ng oras.
“Gágo! Ako mababasted? Asa!” inis na sagot ni Dominic pero napatiim bagang siya nang muling maalala ang kamay ng Ocampo na ‘yon sa baywang ni Nurse Aljane.
“E, ano problema mo?” tanong pa rin ni Kenneth. Sa kanilang magkakaibigan ay mas malapit sila ni Kenneth dahil mula pagkabata ay magkasama na sila.
Isinandal ni Dominic ang likod sa sofang kinauupuan matapos ilapag ang basong wala ng laman. Alam niya na hindi siya titigilan ng mga ito. Masyadong tsismoso dinaig pa ang mga babae.
“It's about my father…” Huminga siya nang malalim. “In-arrange marriage ba naman niya ako,” nagmukha siyang nagsusumbong sa mga kaibigan pero mas okay na ‘yon kaysa malaman ng mga ito ang tunay na dahilan kung bakit wala siya sa sarili. Hinding-hindi niya sasabihin ang bagay na ‘yon at siguradong walang katapusan na panunukso ang maririnig niya.
Bumakas ang gulat sa mukha ng mga kaibigan na para bang hindi ‘yon inaasahan, maliban lang kay Kenneth.
“Matagal ko ng sinasabi sa ‘yo ang bagay na ‘yan, ‘di ba? I learned from my parents that arrange marriage ang nangyari sa kanila ni Tita Cecilia. At imposibleng hindi niya gawin din sa ‘yo ‘yon,” wika ni Kenneth sabay kibit-balikat.
“Ayoko maniwala na gagawin niya ‘yon lalo pa at nagawa niyang ngang talikuran ang mga magulang niya para sa babaeng mahal. Tapos heto siya at bigla na lang sasabihin sa akin na pakasalan ko ang napili niyang babae,” asar na wika ni Dominic at talagang naasar na siya nang maalala ang bagay na ‘yon. Kahit na tinanggap na niya ay may bahagi ng pagkatao niya ang biglang nagsisisi.
“Who's the unlucky woman to marry you?” nakangising tanong naman ni Anthony.
Kumunot ang noo ni Dominic at binalingan ang nagtanong. “What are you doing here? Buti pinayagan ka ni Clara?” taka niyang tanong. Mula kasi ma-engage si Anthony ay madalang na lang nila ito makasama lalo pa at buntis si Clara. Hindi nga niya akalain na pinana na ito ni Kupido at sumunod naman ang pinsan nito na si Andrew.
“Siya mismo nagpalayas sa akin at ayaw niya raw ako makita. Ewan ko ba sa buntis na ‘yon ang hirap intindihin. Pasalamat siya at mahal na mahal ko siya,” pagdadrama ni Anthony na nakatanggap ng kanya-kanyang angal mula sa kanilang mga kaibigan na mga certified single tulad niya. “Shut up, Fvckers! Hintayin n'yo lang talaga kapag kayo naman ang mabaliw sa pag-ibig,” banta nito saka nagsalin ng alak sa baso at diretsong tinungga. Nanahimik naman ang mga kasama na para bang natakot sa tinuran ni Anthony.
“Sino ang gustong ipakasal sa ‘yo, bro?” tanong muli ni Kenneth para alisin ang bigla bigat ng hangin sa paligid.
“Someone named Addilynn Gallegos,” walang gana sagot ni Dominic saka umayos ng upo at muling nagsalin ng alak.
Habang si Kenneth naman ay mabilis na hinanap ang pangalan na ibinigay ni Dominic at hindi ito nabigo noong may lumitaw na article sa pangalan na hinahanap nito.
“She's beautiful,” komento ni Kenneth dahilan para mapatingin sina Dominic dito. Kumunot ang noo niya.
“Nag-stalk ka na naman ng babae, ‘no?” natatawang tudyo ni Kevin.
Ngumisi lang si Kenneth saka itinaas at iniharap ang phone nito sa kanila kung saan may isang naka-zoom na picture. Napamura si Dominic nang mamukhaan ang babae sa cellphone nito.
“Dominic fiance,” wika pa ni Kenneth na ikinasinghap ng mga kasama. “Beautiful, right? Tapos doctor pa at talagang may sinasabi sa buhay kaya naman pala siya ang napili.” Bakas ang pang-aasar sa boses nito na ikinailing na lang ni Dominic at muling nagsalin ng alak sa baso.
“Bawi ka naman pala Dom, e. Sunggaban mo na,” paghihikayat ni Kevin at ang mokong ay tumayo pa saka inaya ang mga kasama na tumayo rin saka sabay-sabay na itinaas ang mga baso. “Cheers para sa kasal ni Dominic!”
“Cheers!”
“Mga gágo!” Singhal niya sa mga kaibigan na tinawanan lang siya. Napailing na lang siya at sigurado na wala naman siya mapapala katinuan sa mga ito.
Hindi na rin sila nagtagal pa at nagsiuwian na. Sadyang nagpalipas lang sila ng oras. Habang nasa daan ay hindi maiwasan ni Dominic na mapapikit at kapag ganito ang pakiramdam niya ay kailangan niya muna huminto para ayusin ang sarili kaysa maaksidente siya. Natanaw niya ang kanilang hospital pero wala siyang balak na roon mag-stay kaya naman nang madaanan ang isang 24/7 na store ay pinarada niya ang kotse saka bumaba.
“Makapagkape nga muna,” bulong niya sa sarili saka pumasok sa loob. Pinasadahan niya ang loob na pinasukan saka kumunot ang noo niya. Kape ang gusto niya pero para itong isang mini grocery. Lalabas na sana siya para lumipat nang may matanaw ang kanyang mga mata. Pinakatitigan niya ang bulto na kasalukuyang may hawak na tong at nasa harap ng isang maliit na cabinet na mukhang may pagkain sa loob.
Pinagmasdan niya ito hanggang sa makita niya ang pagkuha nito ng pahabang tinapay sa loob at sinundan ng isang… sausage? Ipinatong nito ang sausage sa gitna na nakabukas na tinapay. Hindi malaman ni Dominic pero the way she moved made the corner of his lips tug upward. She's cute. Lalo pa at ang suot nito ay isang terno na pajama na may design ng isang cartoon charter na hindi niya kilala basta maikli ang buhok noong babae at may kasama pang unggoy.
Mabilis na iniwas ni Dominic ang tingin dito nang dumako ang tingin nito sa gawi niya. Hindi niya alam kung ano ba ang gagawin. Tuluyan lalabas o ano ba kasi?
“Dr. Salazar, ano po ginagawa n'yo rito?” Tumikhim si Dominic nang marinig ang tanong ni Nurse Aljane saka dahan-dahan na nilingon ito. “Ano po ginagawa niyo rito?” Sunod nitong tanong.
Ano nga ba kasi ginagawa niya rito?
“Coffee. Yes, I need coffee,” nakahinga siya nang maluwag nang may maisagot at hindi niya malaman kung bakit siya kinakabahan.
‘Fvck it!’
“Uminom po ba kayo? Tapos nagmaneho kayo? Delikado po ‘yan, Doc.” Natigilan si Dominic nang mabakasan ng pag-aalala sa magandang mukha nito.
Dominic cleared his throat once again to regain himself for drooling to the girl in front of him.
“I told you to remove that po and opo especially since we are outside. Saka, bata pa ako. By the way, I just drank a little, nagkayayaan lang. May kape ba rito?” Sa wakas ay nabalik na rin siya sa sarili at nagawang kausapin ito nang maayos.
“Meron po kaso instant coffee lang.”
“In-instant coffee? Like the one in a sachet and just put it in the cup with hot water?” Paninigurado niya tanong. Honestly speaking, he never tries one.
Napakurap-kurap si Nurse Aljane at mukhang hindi inaasahan ang sinagot niya rito pero kalaunan ay tumango rin ito.
“Hindi ka pa ba nakainom no'n?” Umiling siya. “Mabuti pa umupo ka roon sa dulo, ako na ang bibili ng kape para matikman mo naman.” Hindi siya agad nakakilos at tiningnan lang ito. “Doc,” untag nito sa kanya saka tinabig pa ang balikat niya. “Upo ka muna roon at halatang may tama ka ng alak. Hindi ka pwede magmaneho at baka ikapahamak mo. Wait mo ako roon, ah.” Nang tumango siya ay ngumiti ito saka siya tinalikuran.
MABILIS NA KUMUHA ng isang instant coffee si Aljane saka kumuha na rin siya ng cup noodles dahil mukhang kailangan ni Dr.Dominic ‘yon. Mukha kasi itong wala sa sarili o lasing pala. Mabuti na lang at sobra ang dala niyang pera. Hindi kasi niya dinadala lahat ng pera at card at cellphone kung bibili lang naman siya ng pagkain. Natatakot kasi siyang manakawan.
“Salamat,” wika niya nang makumpleto ang order niya at binuhat ang tray. Agad niyang nakita ang doctor na nakatanaw sa labas.
“Layo ng tingin natin, ah,” biro niya rito matapos ilapag ang tray na mukhang ikinagulat pa nito. Dumiretso ang tingin nito sa tray kapagkuwan ay lumipat sa kanya. “Bumili na rin ako ng cup noodles, siguro naman ‘yan nakakain ka na,” wika niya habang kinukuha sa tray ang cup noodles at inilagay sa tapat nito, sinunod niya ang kape at isang bottled water. “There, perfect na pampawala ng ispirito ng alak.”
Sinimulan naman niyang buksan ang kinuha na sandwich saka niya nilagyan ng cheese sauce at hot sauce pero natigilan siya nang maramdaman ang mga matang nakatitig sa kanya. Kaya naman nilingon niya ang katabi at nagtama ang kanilang mga mata.
“May kailangan ka pa ba? O, may gusto ka pa maliban diyan?” tanong ni Aljane. Umiling ito saka tumingin sa pagkain na nasa harap. “Hindi mo ba gusto? Pasensya na, naisip ko lang kasi na makakatulong ‘yan para mawala ‘yong kalasingan mo at makapagmaneho ka nang maayos at ligtas. Kung ayaw mo, hayaan mo na lang—” Naiwan sa ere ang iba pang sasabihin niya nang buksan nito ang takip ng cup noodles saka kinuha ang disposable na spoon at nagsimula nang kumain.
Ibinalik ni Aljane ang atensiyon sa sariling pagkain saka nagsimulang kumain na rin. Namayani ang katahimikan sa pagitan nila pero panaka-naka na sinusulyapan niya ang doctor na maganang kumakain at hindi nga yata alintana na mainit ‘yon. Ang tunog nang pagbukas ng pinto, ang iilang boses na nag-uusap, ang pagbukas ng kaha sa counter at iilang mga asaran ang pumuno sa kanyang tainga.
Napatitig si Aljane sa maliit na piraso ng sandwich na naiwan sa kanyang kamay. Isang subo na lang ‘yon pero parang mas gusto niya muna ‘yon titigan.
“Isusubo mo ba ‘yan o ako na ang susubo?” Napakurap si Aljane sa sinabi ng katabi at wala sa sariling nilingon ito. “Ang messy mo naman kumain,” may ngiti sa labi na sabi pa nito saka niya naramdaman ang pagpunas sa gilid ng kanyang labi gamit ang hinlalaki nito. Bigla na lang niya naramdaman ang pagkabog ng dibdib niya sa ginawa ng doctor lalo pa nang isubo nito ang hinlalaki na ginamit para punasan ang sauce sa gilid ng labi niya. “Akin na lang ‘to, ah.” Yumuko ito saka isinubo naman ang huling parte ng sandwich niya na ikinasinghap niya dahil pati ang thumb at index finger niya ay pumasok sa bibig nito. “Ang sarap.”
“U-uuwi na ako at oras na.” Nagmamadali na kinuha ni Aljane ang vitamilk na binili saka hindi na hinintay na sumagot ang doctor. Mabibilis ang kanyang mga hakbang na nilisan ang lugar na ‘yon. Subalit hindi niya napigilan lumingon at sa pagtama ng kanilang mga mata ay kinindatan siya nito.
“Oh my gulay!”