Pinagpapawisan akong malamig habang nakaupo sa passenger's seat ng bagong biling kotse ni Ralph. Ang higpit na rin nang pagkaka-kapit ko sa aking seatbelt habang dire-diretso ang tingin sa harap. Napapalunok ako ng aking sikmura sa tuwing mapapasilip sa salamin na nasa itaas at makikita ang Wrangler na sumusunod sa likod namin. Hindi ko alam kung pansin ito ni Ralph pero ako, alam ko... Alam kong sasakyan iyon ni Brent. Mula dati pa naman ay magaling na talaga si Brent sa pagtatago at pag spa-spy, iba-iba ang ginagamit nyang sasakyan at magaling talaga sya magpanggap at magtago sa t'wing may tina-target syang sinusundan, pero ngayon... Dahil hindi nya ini-expect ang pagbabalik ko, he's using his signature and favorite car, his Wrangler. Hindi man lang sya nag-iisip na hindi tinted yung f

