Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Naramdaman ko kaagad ang pangingirot ng aking leeg nang subokan kong galawin iyon. Pinilit ko ang aking katawan'g gumalaw at umupo ng maayos. Kumunot ang aking noo nang ma-realisa na nasa kotse ako... Wait... What happened? Inilibot ko ang aking tingin sa kotse, at sumilip sa bintana. Ang buong akala ko'y panaginip lang iyon. So, totoo pala? Napahawak ako sa aking dibdib nang bigla na lamang itong kumirot. "Bakit ako sumama sa kanya?" Mahinang tanong ko sa aking sarili at inayos ang pagkakagulo ng buhok ko. I thought it was just a dream kaya hinayaan ko sya... Hinayaan ko syang dalhin ako sa kung anong lugar man papunta ang barkong ito... at higit sa lahat... "OMG!" Sambit ko at nailagay ang dalawang kamay ko sa aking pisngi. Mas bumilis a

