"Tagal mo, Thea." Mahinang sabi ni Emy sa aking tabi habang nakatakip ang test papers sa mukha nya upang hindi makita ng aming guro. "Number 46," mahinang wika ko at kaagad nya naman'g ni-check ang test paper nya. "Letter B, bilis na!" Nanggigil nyang sabi at ibinaba ang test paper sa mukha. "Tara na," sabi ko at tumayo sa aking upuan, gano'n rin si Emy. Sabay namin'g ibinigay sa aming guro ang pinakahuling exam paper na meron kami. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagngiti. It's friday, last day of the exam week and last day of school. Holiday break na. "So, sa'n tayo ngayon?" Full of joy na wika ni Emy habang lumulundag-lundag pa habang tinatahak namin ang daan pababa ng building. "Uwi." Sagot ko at dinukot ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking uniform. "Ha?! Are you serious

