"Can't I just take special exams?" I asked Emy in the phone call. Gusto ko munang umuwi ng Bacolod...
"No, Thea Mae! Hindi pwede 'yon! Ano bang problema mo, ha?" Napapikit na lamang ako sa ginawang pag sigaw nya sa akin. "I am sick, Emy. Uuwi muna ako sa Bacolod..."
"Aish! After exam week ay holiday break na rin naman. Mahihirapan ka nang makakuha ng special exam 'pag bakasyon na..." She said that made me sigh. I bit my lower lip and stood up from the bed. Napaiwas ako ng tingin sa salamin na nasa harap ng kama at naglakad ng diretso palabas ng kwarto. "Oo na, oo na. I'll hang up now, call you later." I said then ended the phone call. I was about to put the phone on the dining table when someone called again. Padabog kong sinagot iyon without looking at the caller ID.
"Hm?" Iritadong sambit ko at binuksan ang fridge upang maghanap ng makakain. Kaagad kong hinablot ang isang dark chocolate at isinirado ang fridge. "Where are you? Can we meet?" Napahinto ako sa paglalakad and checked the caller ID. "Marcos?" Naka-kunot noo kong sambit pagkatapos ibalik sa taenga ko ang cellphone.
Ipinasok ko ang aking dalawang kamay sa bulsa ng suot kong jacket. Sobrang ginaw at dalawang araw din akong hindi nakakalabas sa unit kaya medyo naninibago ako sa pakiramdam sa labas.
Unti-unti akong lumapit sa lalaking naka-pink shirt at nakaupo sa sofa dito sa ground floor ng building. Nakatukod ang kanyang dalawang siko sa kanyang tuhod at nakatakip ang mga kamay sa mukha. "Marcs," sambit ko nang tuloyang makalapit sa kanya. Mabilis nyang itinaas ang kanyang ulo't tumayo upang... yakapin ako?
Napakahigpit ng pagkakayap nya sa akin na hindi na ako nakaalma. I can smell his manly scent and I can clearly feel his hard chest pressing on me. Hindi ko alam pero bigla na lamang akong nahirapan huminga. I don't know if it's because of the tight hug or what.
"What happened?" Tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng yakap nya sa akin. "Don't speak. Let me just hug you." And then I decided to be quiet and just let him hug me. Seems like everyone's stares are on us pero wari ay walang pakealam si Marcos at ang higpit pa rin ng pagkakaakap sa akin na para ba'ng sobrang nami-miss nya ako o may kasalan ito'ng nagawa at humihingi ng kapatawaran sa akin. He's weird right now.
After a couple of minutes ay humiwalay rin sya sa yakap at sinalubong ako ng kanyang mapupungay na mata. "Are you okay?" I asked him and even touched his neck kung mainit ba ito but he's in normal temperature naman. "P'wede ba tayong lumabas?" Bagkus ay tanong nya at inayos ang pagkakagusot ng kanyang shirt. "S-sure," sagot ko at nauna nang maglakad papalabas ng building. Hindi maalis-alis ang pagkakakunot ng noo ko.
"So, where are we going now?" Tanong ko sa kanya nang makapasok kami sa kanyang kotse. He's moving uncomfortably and I can sense he has a problem or may kung anong concern sya na gusto n'yang ilabas. Baka broken hearted na naman dahil kay Zarrah or problema sa kung ano man.
"Jollibee," he said na nagpa-"What?!" sa akin, ngunit hindi nya na lamang ako pinansin at pinaandar na ang kotse. Is this really Marcos? He is not into fast food chains like Jollibee! I could still remember dati, no'ng kami palagi ang magkasama ay iilang beses ko s'yang pinilit na kumain sa Jollibee pero ayaw nya talaga at isa pa raw, hindi type ng tastebuds nya ang mga pagkain do'n. Maarte si Marcos so why of all the sudden?
Napangiti ako nang ihinto nya ang sasakyan sa harap ng Jollibee. Sobrang na-miss ko na ang fast food chain na ito... Way back when I was in Bacolod, halos araw-araw akong napupunta dito just to buy burger, sobrang gusto ko kasi ang burger ng Jollibee. He opened the door for me na nagpangiti sa akin. I am still wondering bakit gano'n nya nalang ako yakapin kanina?
I can see how girls turned their heads the moment Marcos entered the area. I was about to fall in line on the counter nang bigla na lamang syang pumunta sa harap ng counter not minding the girl na nag o-order. Hahatakin ko na sana sya ngunit nang makita ko ang pag kislap ng mga mata ng babae't cashier ay napa-iling na lamang ako. After all, he's still the popular Marcos na sobrang guwapo, dagdag pa na isa s'yang MVP player ng basketball team ng Era. He's not just famous around Era, pero maging sa ibang school nationwide. The ZarCos loveteam is all over the social media. Sobrang sikat nilang couple and everybody loves them.
Naghanap na lamang ako ng available table na hindi naman talaga ako nahirapan dahil iilan lang ang tao sa loob ng Jollibee sa oras na ito. It's already 10pm.
Napangisi ako nang magpa-picture sa kanya ang babaeng inagawan nya ng linya sa counter at nagpa-autograph pa. Hindi nga talaga ako nagkamali, kilala nga talaga ng babae ang lalaking sumulpot sa harap nya. Nang makita ng iilang babae ang ginawa ng babaeng nasa counter ay nagpalitrato na rin sila kay Marcos. Hindi ko alam kung kilala ba talaga nila si Marcos or sunod sa uso lang dahil may nagpalitrato sa kanya at inakalang artista.
Lumapit si Marcos sa akin na halos hindi maguhit ang kanyang mukha habang may hawak-hawak na tray. Inilapag nya iyon sa lamesa at umupo sa harap ko. "This is why I don't want to enter this kind of place." Mahina nyang wika at ini-ayos ang kanyang shirt, napatawa na lamang ako. "Famous ka kasi," natatawang suhestyon ko at kumuha ng burger sa tray.
"Oh, come on!" Iritado nyang sambit at sumubo sa kanyang fries. Mas natawa lamang ako.
Pagkatapos namin'g kumain ay bumalik ulit kami sa sasakyan at hinayaan ko si Marcos kung saan nya man ako gustong dalhin. Dalawang araw na rin akong nagmumukmuk sa unit, maybe it's time for me to unwind a bit?
Inihinto nya ang kanyang kotse sa harap ng bakanteng lote at bumaba sya sa sasakyan. Bumaba rin naman ako at napangiti nang maramdaman ang ihip ng hangin.
"I discovered that you're a big fan of the night sky. Ito 'yung may pinakamagandang sight ng stars dito sa QC." He said at itinaas ko naman kaagad ang tingin sa kalangitan. Napaawang ang bibig ko sa sobrang ganda nito. Sa sobrang ganda nito'y gusto ko na lamang magpakalunod dito at h'wag nang bumalik pa. Nakakaiyak ang kagandahan ng kalangitan... Breathtaking.
Napapunas ako sa aking luha na lumandas sa aking pisngi. "Haha grabe ang ganda haha..." At pinilit kong tumunog natatawa pero... Nabibiyak ang boses ko. Sunod-sunod sa pumatak ang aking mga luha na wari ay hindi mapigil-pigilan, walang katapusan, walang kapaguran. Buong akala ko ay nailabas ko na ang lahat ng likidong meron ako sa aking katawan sa halos dalawang araw kong pagmukmuk at pag-iyak, pero mali pala ako... Marami pa pala sila. No matter how I pretended to be fine... That everything's doing well 'pag nasa harap ng ibang tao... Sa pagmumukhang kawawa pa rin pala ang bagsak ko, pagiging mahina pa rin pala ang kalalabasan ko.
"Nakakainis!" Bigla ko na lamang sigaw at buong pwersa kong pinigilan ang aking mga luha pero wala talaga...
"Sa mga oras na sobrang basag ako ay nandya'n ka para makinig sa akin, ngayon na ikaw naman ay ayaw mo man lang makita kitang umiiyak. Spill it out, Ayet, I'm here." And I turned my head on him. Gusto ko na lamang syang suntokin at para magkaro'n ako ng excuse upang umalis na kami dito't umuwi. Gusto kong magtago... Gusto kong tumakbo papalayo, papalayo sa lahat... Ayokong makita nilang ganito ako ka-hina. Mas lalo lang akong naiiyak 'pag may taong umaaktong gusto nyang punasan ang mga luha ko, kaya ko naman kasi. Kaya ko ang sarili ko, kaya kong punasan ang sariling luha ko. Ito ang forté ko, dito ako magaling. Sa pag-ayos ng sariling problema, kayanin ang bawat sakit ng mag-isa, at mahalin ang aking sarili dahil sino pa ba? They just see me pretty, hindi nila ako mahal. They only care kung isang araw bigla na lamang akong madisgrasya at magasgasan ang aking mukha... I'm worthy because I'm pretty and really, that's not a good feeling. Far from fair... Masakit maramdamang gusto ko lang nila dahil maganda ka.
"Marcos, umuwi na tayo." Wika ko at ambang babalik sa sasakyan ng hawakan nya ang braso ko. Napapikit ako. "Marcos, kaya ko ang sarili ko." Mariin kong sabi. Kung pwede lang takbuhin ang distansya mula dito papunta sa unit ko ay ginawa ko na makalayo lamang kay Marcos. Ayokong umiiyak sa harap nya, sa harap ng kahit kanino man. Somebody failed to wipe it till the end and I don't think I can trust anyone else, not again.
"Ayet, wala ka bang tiwala sakin?" Mariin'g sabi nya na nagpalingon sa akin sa kanya. "Marcos, I need time for mys—"
"'Yun rin ang akala ko dati. I've been keeping all for myself. I thought it was fine... na okay lang. But no, when you came, I realized one thing: there's nothing wrong on trusting someone, we don't need to trust everyone, few will do. I trust you, Ayet... I never opened up to someone before even on Zarrah. We broke up without me saying any valid reason and that really made her furious. Please appreciate it." Seryoso nyang wika na nagpabilis sa pagpatak ng luha ko. Ini-alis nya ang pagkakahawak sa braso ko. Unti-unti kong niyuko ang aking ulo. "I'm sorry, M-marcos," I felt his hand on my head, mas lalo lamang humapdi ang bawat hikbi ko.
"Marcos... Sobrang basag ako ngayon. Sobrang sakit." I said on my loudest cry. Inilagay ko ang aking kamay sa aking dibdib... Sobrang sakit ng bawat t***k ng puso ko. Sa tingin ko'y nasa critical situation ang puso ko... Kung pwede lang syang mag shut down sa sobrang hapdi ng bawat pintig ay siguro'y tumigil na ito sa pag tibok... The pain in my chest is too much, it's unbearable.
"Sobrang sakit Marcos na gusto ko na lamang dukutin ang puso ko mula sa aking dibdib at punitin ito dahil hindi ko na kaya ang sakit! This pain is torturing me... This stinging pain is invading my whole being... Hindi na ako makapag-isip ng tama. Gusto ko na lamang tumakbo papalayo at h'wag nang bumalik. Hindi ko na alam kung paano haharapin ang mundo. Marcos, what should I do?" I said while looking straight in his eyes. Sobrang blur na ng aking paningin dahil sa mga luhang walang pigil na pumapatak mula sa aking mga mata pero hindi ko magawang punasan iyon dahil sa sobrang panhihina.
"Lahat ng bagay na nakikita ko ay bigla na lamang nakokonekta sa kanya... Naaalala ko sya kahit sa simpleng pagtingin man lang sa bituin. Marcos... I like him so much and right now, I just want to disappear and comeback again... fixed. Dahil sa tingin ko'y hindi ako buo. Sobrang kulang ako 'pag wala sya. He filled me with every love I've been longing to receive. I don't know where—how to start, Marcos. Ano ang gagawin ko?" Dire-diretso kong wika sa pagitan ng bawat malalakas na hikbi. My voice is so crashed and broken, as well as my chest. Everything's in my being is a pure mess.
"Marcos! Naririnig mo ba ako? Ano ang gagawin ko?! Marcos!" At iniabot ko ang balikat nya't inalog iyon. Wala na akong pakealam kung masaktan man sya o ano, pero kailangan kong ilabas ang lahat ng aking puot. Hinampas ko ang kanyang dibdib. Ang unfair kasi! Bakit ang sakit-sakit ng puso ko? Kahit sa pag hampas ko man lang ay masaktan sya para kahit papano ay maramdaman nya ang sakit na aking nararamdaman.
"Marcos—!" Then he suddenly pushed me in his arms. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak sa dibdib nya. Naiwan ang mga kamay ko sa kanyang dibdib habang iniiyak ko ang aking buong puso.
"Everything will be fine. I'm here." And I felt his lips against my head. "Marcos..." I mumbled and hugged him back.