"Ibang klase ka, babs! Ang gwapo ng kuya mo! Sya 'yung Mr. USLS sa Bacolod last year, e! Crush na crush ko 'yan!" Batid ko habang palabas na kami sa gate ng bahay nila. Kumunot naman ang noo ni Emy sa akin. "Naging crush mo 'yong unggoy na 'yon? 'Kala ko pa naman high standard ka, Thea Mae." Sabi nya habang nakangiwi, sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Uy! Sikat 'yan sa Bacolod! At bakit nga pala sya nadapo sa Bacolod?"
"Nando'n crush nya, e." Wika nya't nagkibit balikat. Napa-"Wow! Yamanin! Para lang kay crush? Wow talaga!" Wika ko habang natatawa.
"Nasa Taiwan si Mama't Papa. So, ito kami, freedom." At ngumiwi sya. Nakita kong pinagbuksan na ako ng pinto ni Marcos kaya wala na rin akong nagawa kundi ang lumapit na sa kotse.
"Sige na. Pumanhik na kayo, alas-nwebe na, e. Mag-ingat kayo, ah!" Wika ni Emy habang pinagmamasdan kaming pumasok sa kotse. "Thanks for the dinner, Emy." Kalmadong wika ni Marcos habang nakapamulsang hinarap si Emy. Nakita ko paano nasindak si Emy sa pag mention ni Marcos sa pangalan nya. "A-ay, no problem." Nauutal nyang sabi at pasimpleng napa-kamot pa sa kanyang batok. Naku! Fangirl talaga ni Marcos.
"Salamat, babs! See you tomorrow." And I waved at her bago tuloyang pumasok sa sasakyan. "Mag-ingat kayo!" Rinig kong wika pa ni Emy bago pinaandar ni Marcos ang kotse.
"Nakita mo si Faith kanina?" He suddenly asked. Napalingon naman ako sa kanya. "Hindi. Bakit?"
"It's been a month mula nung huli syang pumasok sa Era and kanina lang... Bumalik sya." He seriously said. Pasimple akong bumuntong hininga.
"Why're you telling me this? Not as if may pakealam ako sa kanya." I said at ibinaling ang tingin sa bintana. "But I think you should be aware of this, he's with Jime—"
"Stop, Marcos. Kung sa tingin mo ay hindi magandang balita iyan para sa akin ay h'wag mo nalang i-kwento." Mariin kong sabi at pumikit. I am full of shits, ayokong nang madagdagan pa ang mga 'yon.
Hindi na ako umimik sa buong byahe hanggang maka-abot kami sa unit ko. "Salamat." At kaagad na akong bumaba sa kotse. Papasok na sana ako sa loob ng building nang magsalita sya. "I'm sorry." Hindi na ako sumagot pa at pinagpatuloy ang pagtahak papasok ng building ko.
Inihagis ko kaagad ang aking sarili sa sofa pagkarating na pagkarating ko sa unit. Hindi ko alam pero napakasensitibo ko these past few days. Ayokong makarinig ng mga negatibong bagay especially kung may connect sa akin. Kung pwede lang sana na puro saya lang at walang pagbabago ay 'yun ang gugustohin ko.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, ini-unat ang aking katawan at pinatay ang alarm clock na nasa tabi ng kama ko. Friday na, weekend na bukas, thank God.
Tumayo ako sa kama at kaagad na pumasok sa CR na nasa loob ng kwarto ko. Papikit-pikit pa ang mata ko habang nag sho-shower nang maalala kong... "Paano ako napunta sa kama? Diba sa sofa ako nakatulog?" Tanong ko sa salaming nasa harap ko. Mas binilisan ko ang pag sho-shower at nagbihis kaagad.
Pag labas ko sa kwarto ay naamoy ko kaagad ang niluluto galing sa kusina. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa aking mga labi at mabilis akong dumapo sa kusina. Hindi ko alam pero bigla ko na lamang naramdaman ang pangingiligid ng aking luha nang makita ko sya. Sobrang bumilis ang t***k ng puso ko... Bigla na lamang akong nanghina nang makita syang nakatayo't nagluluto. Isang araw lang kaming hindi nagkita pero bakit ganito kalakas ang pagkakasabik ko sa kanya? Bakit ang hapdi na ng bawat t***k ng puso ko? Bakit ako nagkakaganito?
Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya pero sobra akong nanghihina at tila'y napako na ako dito at ang kaya ko lamang gawin ay ang pagmasdan sya.
"Try this one." Wika nya at lumingon sa akin. Unti-unti akong naglakad papalapit sa kanya... Sa bawat hakbang papalapit sa kanya ay mas lalo lang bumibilis ang t***k ng puso ko at unti-unting nilalamon ang aking buong katawan ng kalambutan. Sa unti-unting pag amoy ko sa usual scent nya ay may kung ano akong riot na naramdaman sa aking loob. Lumala na talaga ako. Lumalala na.
Wala sa sarili kong tinikman ang nasa sandok na hawak nya. "Is it fine?" Nakangiti nyang tanong, napatango na lamang ako.
"Are you okay?" He asked at idinapo ang kanyang kamay sa noo ko. "O-okay lang ako," at naupo na lamang ako sa dining chair. Nakahain na ang kanin at ang dalawang pinggan sa lamesa. I don't know pero I will surely miss this when he's gone. I shouldn't be thinking like that pero... Ayun ang naisip ko, e.
"Busy ka ngayon'g araw?" I suddenly asked him sa kalagitnaan ng pag kain namin. "Ihahatid lang kita tapos may pupuntahan ako. Susunduin kita late--" "No. Okay lang. Kaya ko naman umuwi ng mag-isa. I know you're busy." And I pushed a smile. Natahimik sya pagkatapos kong mag salita.
"We can have lunch together," he said while driving. "Okay."
"I'll fetch you in your room later." And ipinarada nya ang kanyang sasakyan sa harap ng gate ng school. This is the first time na hanggang dito nya lang ako mahahatid. Wala na rin akong nagawa kundi ang lumabas sa kotse nya. Isasarado ko na sana ang pinto nang pigilan nya iyon. "Take care, Mae." Sabi nya bago inialis ang kamay nyang nakaharang sa pinto. Unti-unti ko namang isinirado ang pinto.
"Pretty face! Good morning!" At bigla na lamang may umakbay sa aking balikat. "Morning," sagot ko kay Tyler na mukhang good mood. Ini-alis nya rin agad ang kamay nya sa balikat ko.
"Nasan 'yong kaibigan mong si Chubs?" Tanong nya't kumaway sa mga babaeng ngumisi sa kanya. "Gwapo ko talaga." Mahinang sambit nya, napa buntong hininga na lang talaga ako. "Nasa classroom na siguro. Ano kailangan mo sa kanya?"
"Wala lang. Tara, hatid na kita."
Pag may nadadaanan kaming babaeng nakatingin sa kanya ay talaga naman'g kinakawayan nya talaga lahat. Ano sya? Mayor? Loko talaga 'tong si Tyler.
"Babs! Nandito si beloved mo." Tawag ko kay Emy na busy sa kakachismis sa kaklase namin. Kumunot naman ang noo at lumapit sa amin sa pinto. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Tyler upang magtago muna.
"Sinong beloved?" Tanong nya at tinuro ko naman ang aking katabi na nakatago sa pader. "Hello, Chubs!" Full of energy na bati ni Tyler sa kanya. Muntik nang matumba si Emy sa gulat. "Putragis! Ang aga mong manira ng araw, ah!" Bulyaw nito kay Tyler. "Ayan, buo na araw mo. Nakita mo na ang pinakagwapong si Tyler John Valderama." At nag pogi sign pa sya. Weird! Nag-inarteng nasusuka naman si Emy sa harap nya, natawa nalang talaga ako sa kanilang dalawa.
Nauna na akong pumasok sa loob at hinayaan silang maglampungan do'n.
Dumating ang lunch ay nagpaiwan ako sa loob ng classroom. Ang sabi ni Ralph ay susunduin nya raw ako so I'll wait for him here. Ngunit lumipas na ang 30 minutes pero walang Ralph na dumating. Halos hindi ako makatayo dahil sa bikat ng aking nararamdaman...
Hindi na ako tumayo pa upang mag lunch at pinili na lamang mag-aral para sa darating na exam next week. I was busy reading my math book nang may kumalabit sa akin sa likod. Paglingon ko ay nakita ko si Marcos. Matipid akong ngumiti sa kanya.
May ipinatong syang lunch box sa table ko at umupo sya sa tabi ko. "Kumain ka." Wika nya. Iiling pa sana ako pero ayokong sumama ang loob nya sa akin, he came here to give me this so dapat i-appreciate ko ito.
"Ang hirap talaga nito!" Turo ko sa isang topic sa general math namin sa libro. Kaagad naman iyon tiningnan ni Marcos habang ako'y kumakain.
"It's not." Sabi nya at kinuha ang kwaderno ko at nagsimulang mag sulat. "Wow!" Sambit ko nang ma-solve nya agad ang pinakanahihirapan kong problem sa halos isang minuto lang. Nga naman, engineering student nga pala sya.
Pagkatapos kong kumain ay sinagad ko nalang talaga at nagpaturo sa kanya sa mga topics sa math na nahihirapan ako. Sobrang saya ko dahil sa wakas ay naintindihan ko rin! Ang galing nyang mag turo. Tinuruan nya ako sa mga madadaling formula, at shortcuts sa solving.
Nang dumami na ang mga kaklase ko'y pinilit ko nalang din syang umalis at baka may klase pa sya. "Thank you sa lunch at pagturo, Marcs!" I said at tumango na lamang sya't tuloyan nang umalis.
Nang matapos ang klase sa hapon ay napagdesisyonan namin ni Emy na umuwi na kaagad. Sa pagdating ko sa unit ay kaagad akong nagbihis at naglinis ng buong unit. Pagkatapos mag linis ay naligo ako sa pool and lumabas ako sa building ng alas dyes ng gabi.
Dinala ako ng aking mga paa sa isang parke hindi kalayuan sa unit building ko. Umupo ako sa swing at inilibot ang tingin sa paligid. Puro lovers nalang ang makikita sa paligid, may iilang batang kalye na naglalaro at mga street food carts.
Tinulak ko ang aking sarili upang gumalaw ang swing. Hindi ko alam pero ang lungkot ng loob ko. Hindi ko ma wari kung ano ba talaga ang gusto ko, basta gusto ko na lamang manahimik. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung masaya ba ako o nalulungkot. Ano ba talaga ang nagpapabalisa sa akin? Ano ba ang problema ko?
11pm na nang tumayo ako sa swing at bumalik sa unit. Nadatnan ko si Ralph na nakaupo sa sofa habang nakapikit. Ngayon ko lang napansin ang malalaking itim na eyebags nya, he looks so tired. Dumiretso akong naglakad sa kusina at kumuha ng tubig sa fridge. Bumalik ako sa sala at naabutan kong nakamulat na si Ralph at nakatingin ito sa akin. Matipid akong ngumiti sa kanya at ibinigay ang baso ng tubig na hawak ko.
Uminom lang sya ng konti at inilapag din kaagad sa center table ang baso. Kukunin ko na sana ang baso upang ibalik sa kusina nang hawakan nya ang kamay ko. Bigla na lamang nagsitindigan ang mga balahibo ko at lumakas ang pintig ng puso ko. He is looking intensely in my eyes.
"Why are you so pale?" He asked me. Umiwas ako ng tingin at kinagat-kagat ang aking labi upang pumula iyon. "Hindi naman, ah." Wika ko at dahan-dahan'g inalis ang kanyang kamay.
"Nakapag-haponan ka na?" Tanong nya at tumayo. Pinagmasdan ko ang kanyang mata't bibig. Sya nga itong mukhang zombie at sobrang putla, e.
"May sakit ka ba, Ralph?" I suddenly asked habang pinagmamasdan ang kanyang paggalaw. Ang tamlay-tamlay nya't halos hindi nya maayos ang kanyang buhok.
"No. I'm fine. Stress lang ako. What do you want me to cook?" At naglakad sya papasok sa kusina. Napabuntong-hininga ako't hinabol sya.
"Sige na, Ralph. Umuwi ka na. Kailangan mong magpahinga." At hinawakan ko ang braso nya. Napahinto sya sa paglalakad at hinarap ako.
"I'm sorry, Mae." Bigla nya na lamang sabi at hinawakan ang aking mga pisngi. "I'm so sorry..." Unti-unting pumupungay ang kanyang mga mata. Ramdam ko ang hapdi at sakit sa bawat salita nya. Napapikit ako nang maramdaman ang pangingiligid ng aking luha.
"Everything's a mess now. I don't think I can handle this anymore..." At hinatak nya ang dining chair at umupo doon. Nanatili akong nakatayo sa harap nya. Hindi ko kayang nakikitang ganito si Ralph...
"You are the greatest thing that ever happened to my life, Mae. Please always remember that..." And a tear fell down from my eyes. Alam ko na ang patutungohan nito.
"Alam kong kaya mo, Ralph." Wika ko at hinawakan ang mga kamay nya. "H'wag ka naman'g sumuko..." Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko habang sinasabi iyon. Ayokong mawala sya. I don't think I can handle such heartbreak kung ngayon palang na nakikita ko s'yang nasasaktan ay unti-unti nang napupunit ang puso ko.
"I can't lose you. Ayoko. Hindi ko kaya." Matigas kong sabi habang mahigpit na hinahawakan ang kamay nya. Nabibingi na ako at ang tanging t***k na lamang ng puso ko ang aking naririnig, ni ang sarili kong boses ay hindi ko na ma wari sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko.
"But I'm not perfect, Mae. You don't deserve me. I'm an asshole... Isa akon—"
"I don't care. Just stay with me, Ralph. I can't afford another heartbreak." Umiiyak kong sabi dahilan upang tuloyang bumagsak ang mga tuhod ko, mabilis naman akong nahuli ni Ralph sa mga bisig nya. Mas lalo lang naging mahapdi ang bawat t***k ng puso ko nang maramdaman ko ang kanyang katawan.
I chose to ignore reality for the past days dahil ayokong umabot ito sa ganitong punto. I chose to pretend that I'm a deaf. I chose not to ask. I chose not to entertain facts... Pero dito pa rin pala ang bagsak ko. Sa madugong putikan pa rin pala ang bagsak ko.
Ang laki ng tiwala ko sa kanya at sa sarili ko... I thought we can work it out, kakayanin namin. Pero bakit gan'to ang nangyayari ngayon?
"Faith's 5 months pregnant, Mae..."