Kabanata 28

2289 Words
"You enjoyed it?" Tanong nya habang kumakain kami ngayon sa katapat na Japanese restaurant sa firing range. Mabilis akong tumango-tango sa kanya. "Grabe! Hindi ko ini-expect na mangyayari 'to sa buhay ko. Learning how to shoot, how to use a gun, this is just so amazing!" I said while smiling widely at him. Meron talaga akong attraction sa Japanese food, I am so inlove with these pero dahil sobrang naging busy ako sa school ay hindi na ako nagkapanahon pang humanap ng Japanese restaurant. "You have to know how to use a gun, you need it. We don't know what danger could be in our way... I can't control everything. That is for emergencies like that night." At napahinto ako sa pagsubo sa karneng nasa chopsticks ko. Ibinagsak ko ang chopsticks sa mess at hinarap si Ralph ng maayos. "What happened?" Seryoso kong sabi. "It's a sniper pointing on me. That is ver—" "Stop." Putol ko sa kanya at hinawakan ulit ang chopsticks ko. "Grabe dalawang araw talaga ako sa ospital, no?" Bagkus ay sabi ko at pinagpatuloy ang pag kain. "It's because of the syringe that's been injected—" Napahinto sya sa biglaang pagbagsak ko ulit ng aking chopsticks. "I don't want to hear any of those, Ralph." Seryoso kong wika at umiwas ng tingin sa kanya. Natapos kaming kumain na wala man lang umimik. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto kong marinig. Takot akong malaman kung ano ang katotohanan sa gabing 'yon, ayokong matuklasan ang kung ano man ang totoong nangyayari kay Ralph, kung ano pa ba ang ginagawa nya... *** "Bakit ba kasi absent ka ng dalawang araw? 'Yan tuloy nahihirapan kang mag catch-up. 3rd quarter exam is a week from now." Wika ni Emy habang ako'y kumu-kopya sa notebook nya. Alas singko na ng hapon ngunit nandito pa rin kaming dalawa sa classroom. Alas kwatro pa ang uwian namin kung kaya't kaming dalawa nalang ang nandito ngayon sa classroom. "May practice ka pa sa gymnastics mamaya, pero mukhang pagod ka na." "Siguro ay pagpapatuloy ko nalang ulit ang gymnastics after the exam." Wika ko at napa-unat ng katawan. Sa wakas ay natapos ko rin. Itinago ko kaagad ang mga gamit ko at tumayo, gano'n rin sa Emy sa tabi ko. "Nga namern. Asan nga pala ang hari mo? Ba't hindi ka nya nahatid kanina?" She asked at humabol sa akin sa paglabas. "Busy daw sya ngayon." Sagot ko. 'Yon nga rin ang rason bakit medyo bad mood ako dahil hindi ko pa rin sya nakikita ngayong araw. Unti-unti nang nagiging busy ang Ralphy ko at wala akong ibang magawa kundi ang malungkot. Hindi naman maaaring pigilan ko sya dahil negosyo nya 'yon, e. Only son ng napakayamang angkan... Kaya he needs to be responsible. Hindi ko maaaring galawin ang mga bagay na wala pa ako sa buhay nya ay nandya'n na. Hindi ko naman sya matanong kung ano ba ang problema sa negosyo nya bakit mukhang balisa sya palagi, sa tingin ko ay wala naman akong maitutulong dahil isang hamak na high school student lang naman ako. "Puntahan kaya natin si Tyler? Try natin'g tanongin kung ano ba ang nangyayari kay hari mo?" Suhestyon ni Emy na nagpangisi sa akin. "Ano? Naku! Thea Mae Castillo don't give me that look!" At dinuro nya pa ako. Tinawanan ko na lamang sya. "Ikaw babs, ah! Nakita kita no'ng isang araw, kasama mo si Tyler!" At kiniliti ko pa sya. Natadtad naman ako ng mura galing sa kanya. Bwesit 'to! Pag sya nga ang maka-tukso sa akin ay wala akong magawa pero sya, sya pa 'tong super angry samin. "Syempre! Kung pwede lang s'yang pagtaguan forever ay gagawin ko pero we have this thing ni tadhana na ang hilig nya talagang ipakita ang mukha 'yang Tyler na yan sa akin! So, 'pag nasa labas at nasa paligid sya kailangan kong magpaka-feeling close incase na may mga kampon nya sa paligid at maisipan nilang patayin ang hater na katulad ko kuno! So, no choice! Kailangan kong maging sunod-sunuran nya for the sake of my precious life!" Super effort na explanation nya. Mas natawa na lamang ako sa kanya. "Bakit ba kasi pinakalat mo ang disgusting pics nya? 'Yan tuloy!" Wika ko at hinampas sya. "Throwback pics nga 'yon! High school pictures nya! Atsaka hindi naman 'yon disgusting..." At napakamot pa sya sa kanyang ulo. "Ano ba klaseng throwback pictures 'yon?" "No'ng sumali sya sa Miss Gay sa school namin dati," "Oh? Schoolmate kayo dati? Dito sa Era?" Tanong ko. "Yep. Parang tukling lang 'yan no'ng high school kami sa Misamis, e!" Wika nya habang nangunguso. "Puberty loves him," kumento ko at hinawakan ang likod nya't binigyan ng nakakaawang look for her. "Hindi mo kasalan kung hindi ka pa tinatamaan ng puberty—Aray!" Reklamo ko nang bigla nya akong binatukan. "Who you ka talaga sakin 'pag pumayat ako, Thea Mae!" "Mula dati pa naman ay rich kid na 'yan, e! May ari ba naman ng isang napakalaking mall sa amin! Lapitin na talaga sya ng chics dati pa pero syempre hindi pa gano'n ka laki 'yang katawan nya." Pagkwe-kwento nya kahit hindi ko naman sinabi na mag kwento pa sya tungkol kay beloved nya. Hinayaan ko nalang din. "Isang taon lang ang inabutan ko sa kanya no'ng high school, grade 7 ako at grade 10 sya. Nag transfer sya dito for senior high school, ako naman noon'g grade 9 ako." "So, sinundan mo talaga sya dito sa Era?" At tinaas baba ko ang aking kilay sa kanya. Binatukan nya na naman ulit ako. "Uuwi ka ng puno ng batok 'pag hindi ka pa talaga huminto d'yan, Thea Mae! Wala pa naman dito ang yummy hari mo." At siniko nya ako. Nakakaiyak na talaga! Torture na torture na talaga ako kay Emy! Napahinto ako sa paglalakad sa tabi ng field nang makita ang soccer team doon. Hinanap kaagad ng mata ko ang crush kong kapitan nila. "Sino 'yong babaeng 'yon?" Tanong ni Emy at tinuro ang babaeng kausap ni Cedric. Pamilyar ang tindig ng babae pero hindi ko sya ma-determine dahil masyado silang malayo. "Lapitan natin," at nauna na akong maglakad papunta sa sulok kung nasaan ang mga players. Sunod-sunod naman kaming binati ng mga players nang unti-unti na kaming lumapit sa kanila. "Wala dito si boss, Thea." Wika ni Boy sa akin habang nakangiti. "Ahhh." Hindi ko maiwasang hindi madismaya. Nanlaki ang mata ko nang makita ng malapitan ang babaeng kausap ni Cedric. Parang gusto ko na lamang tumakbo papalayo at baka makita nya pa ako dito. Nakaka-trauma ang mukha nya. Geez. "Si Lucky Yap, teh! 'Yong naka-away mo sa canteen!" Malakas na bulong ni Emy sa akin kaya kaagad ko syang siniko. Napatawa naman si Daim na nasa malapit lang samin nang marinig si Emy. "One of Cedric's fangirls." natatawang sambit ni Daim habang nakatingin kay Lucky at Cedric. Ang kaisa-isahang anak ng Yap, fangirl ng isang soccer player? Huwaw. "Hindi gf?" Tanong ko. Mas tumawa lang si Daim at umiling-iling. "Si Cedric? Asa. Ayaw na ayaw n'yan kay Lucky, e. Pero ito naman'g Lucky habol ng habol sa kanya kaya mas nainis itong si Cedric. Atsaka, may ibang gusto 'yang si Cedric." Mahabang wika ni Daim na ikinatango namin ni Emy. Kung gano'n ay naaawa ako kay Lucky... Mukhang minsan na nga lang sya magkagusto sa isang tao, hindi pa masuklian. Actually, maganda naman talaga si Lucky, eh. Iyon nga lang... Ang mga lalaki kasi ayaw nilang hinahabol-habol sila kaya siguro naiinis si Cedric sa kanya. Nakita kong umiling si Cedric sa sinabi ni Lucky, pero ito naman si Lucky todo pilit pa rin. Kahit sino na man'g lalaki siguro'y maiinis, knowing Cedric na napaka-suplado pa naman at sobrang tahimik. Pasimple kaming lumakad papalapit kina Cedric upang maka-eavesdrop sa pinag-uusapan nila. Hindi naman sa pagiging chismosa, naku-curious lang. "Na sige na! You'll have the chance to meet and greet the whole soccer team of Argentina and Barcelona! At mae-enjoy rin natin ang Barcelona! Ang ganda do'n!" Wika ni Lucky habang nakangiti ng malapad. Walang ka-rea-reaksyon si Cedric sa sinabi nya't unti-unti na lamang umiling. Wow namern! Itre-treat ni Lucky si Cedric papuntang Barcelona at manunuod ng live sa laro nina Messi? Wow! Sa ticket pa lang at stay sa Barcelona ay ang mahal na! 'Yung ticket pa sa laro? Grabe! Napaka-generous naman ni Lucky. Ang yamern-yamern. Naramdaman ko naman ang pag-kurot ni Emy sa akin. "If you're thinking na madadala mo ako d'yan, Lucky... No. Umalis ka na. May training pa kami." Malamig na wika ni Cedric. Nakita ko paano nanlumo ang ekspresyon ni Lucky. Hindi ko alam pero ako ang nasasaktan para sa kanya. "How about a dinner for the whole team ngayon? Treat ko?" And then she pushed a smile again. Parang gusto ko na lamang yakapin si Lucky ngayon. Ba't ba sya nagpapaka-tanga sa isang taong ayaw sa kanya? Napaka-pathetic! Nasa kanya na ang lahat bakit nagkaka-ganito pa sya over a guy? "Umalis ka na, Lucky. H'wag mong punuin ang pasensya ko kung ayaw mong tuloyan kitang kalimutan at umaktong hindi ka na kilala. Stop doing this." At tinalikuran sya ni Cedric at pinulot ang bola sa kanyang paanan. Nakita ko paano unti-unting namuo ang luha sa mata ni Lucky. Kanina nya pa ito pinipigilan. Kaagad kaming nagtago ni Emy nang tumingin si Lucky sa gawi namin. Maya-maya pa ay umalis na rin kami ni Emy at pumuntang gymnasium. I waved at the bench players na kumaway sa akin. Nasa kalagitnaan sila ng practice game. Malapit na rin kasi ang Finals ng basketball inter-school. Umupo kami ni Emy sa mga bleachers at nanunuod ng kanilang laro. Walang palya! Sa bawat 3-points ni Marcos, lay up, at maging dunk ay puro pasok! Grabe! Napapa-palakpak nalang talaga kami ni Emy sa galing nya. "Sayang ang ZarCos, noh?" Nakangusong wika ni Emy habang nanunuod kay Marcos sa court. "Kung sila, sila talaga." Maikling wika ko at pumalakpak nang mai-shoot na naman ni Marcos ang bola. Walang duda bakit MVP at captain sya ng team. "Pawis na pawis ka." Kumento ko nang lumapit si Marcos sa amin dala-dala ang isang towel at pinupunas iyon sa kanyang basang katawan. Gusto ko man'g matawa sa panginginig ni Emy sa aking tabi ay hindi ko magawa. Baka anong sabihin ni Marcos na pinagpapantasyahan namin ang kanyang katawan. "Buong game kasi ako naglaro." Wika nya habang pinapunasan ang kanyang mukha't leeg. "Hatid na kita? Uhm, kayo pala." At naramdaman ko ang paghigpit ng pagkaka-kapit ni Emy sa akin. Alam ko naman'g may fantasy talaga si Emy kay Marcos, fan na fan kasi sya ng ZarCos. Sa buong byahe ay walang tigil ang pag-uusap namin ni Marcos habang si Emy naman ay halos hindi ko marinig kahit ang paghinga man lang. Buhay pa ba 'tong lokang 'to sa backseat? Natawa ako nang paglingon ko sa kanya ay sobrang straight nang pagkakaupo nya at diretso lang ang tingin sa nagmamanehong si Marcos. Mukhang hindi sya makapaniwala na ihahatid talaga sya ng idol na idol nyang si Marcos. Unang inihatid ni Marcos si Emy. Nahihiya pa nga si Emy dahil sa tapat talaga ng bahay nila. I didn't know na ganito pala ka-laki ang bahay ni Emy at nasa exclusive subdivision pa. "Baka gusto nyong pumasok muna?" Alok ni Emy sa akin. Gusto ko rin naman sana dahil hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila, pero paano namin si Marcos? "You want?" Nagulat ako nang magsalita si Marcos at tumingin sa akin. Hindi ko alam kung tatango ako o ano. "Uhm, depends on you." Wika nya kaya napatango na lamang ako. Ang lapad naman ng ngiti ni Emy sa akin. Sa pagpasok namin ay kaagad na kinuha ng isang katulong ang bag ni Emy. Ay! Ang bongga! "Sosyalin," sambit ko nang makita ang buong sala nila at stairs papunta sa ikalawang palapag. May malaking chandelier sa taas at ang lalaki ng picture frames na naka-sabit sa pader. "S-sige... Bihis muna ako sa taas." Wika ni Emy at patakbong umakyat na sa hagdanan. Lumapit ako sa pinakamalaking picture frame at napangisi ako nang makitang sobrang cute ni Emy dati. It's their family picture. Tatlong magkakapatid pala sila ni Emy, dalawang lalaki at sya iyong bunsong babae. Asan na kaya ang dalawang lalaking kapatid nya? Masyado kong na-enjoy ang pagtingin sa mga litrato kaya hindi ko na naalala si Marcos. Kaagad ko syang nilingon at nakita kong nasa likod ko lang pala sya at nakatingin rin sa mga litrato. "Ma'am, sir, handa na po ang hapunan." Tawag ng katulong sa amin at tinuro ang silid kung nasaan ang dining area ata nila. Kaagad naman kaming sumunod sa kanya. Maya-maya pa ay pumasok na rin si Emy sa dining area at umupo sa tabi ko. Nasa tapat naming dalawa si Marcos. "Shet, ang guwapong nilalang talaga ni Marcos." Bulong ni Emy sa akin na nagpahagikhik sa akin. Pinagmasdan ko naman si Marcos... Hindi ko naman iyon maipagkakaila. Gwapo naman talaga si Marcos, kahit no'ng unang pagkikita pa lang namin ay kaagad nyang nahuli ang atensyon ko dahil sa angking godlike features nya. "Emy! Nasan ka?" Napahinto ako sa pag kain nang makarinig ng boses ng lalaki mula sa living room. "Si Kuya!" Kaagad naman'g tumayo si Emy at lumabas sa dining area. Rinig hanggang dito ang pag-echo nga mga boses nila habang nag-uusap sa sala. Unti-unting lumapit ang mga boses nila sa amin at, "Thea, Marcos, si Kuya Emuel nga pala..." Rinig kong sabi ni Emy at unti-unti kong nilingon sina Emy sa b****a ng dining room. Napaawang ang bibig ko nang makita ang Kuya nya. A-anong... Kuya sya ni Emy?! Bakit sya nandito? WHAT?! Napatayo kaagad ako at lumapit sa kanila. Oh, gosh. I can't believe this!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD