Kabanata 21

2052 Words
Alam kong nakakagulat at hindi kapani-paniwala pero totoo, isinama talaga ako ni Ralph sa victory party ng team nila dito sa isang high class bar sa QC lang din. Ayun kay Boy, nirentahan daw ni Ralph ang buong club kaya puro NEU students na imbitado at mga kaibigan ng players sa ibang schools ang nandito. Nakaupo lang ako dito sa 2nd floor ng bar, kung saan tahimik at iilang tao lamang ang nandito, nasa ground floor kasi ang dancefloor. Kasama ko ngayon si Boy. Pinabantayan ba naman ako ni Ralph kay Boy, mukhang todo kumpyansya sya ngayon para iwan ako sa isang lalaki. "Kulang nalang talaga ay pagawan ako ni boss ng insurance," natatawang sabi ni Boy. Nalaman kong scholar ni Ralph si Boy, oh diba? Studyante pa lamang sya pero may scholar na ito. Nagtratrabaho si Boy sa Viex Dine tuwing sabado't linggo para daw makabawi man lang kay Ralph pero sinisweldohan pa rin daw sya ni Ralph sa mga araw na 'yon. Idol na idol nya talaga si Ralph sa sobrang kabaitan daw nito sa kanya. "Naku! Thea, pag ikaw talaga sinaktan mo si boss, maiinis talaga ako sa'yo." Sabi nito at dinuro-duro pa ako. Natawa na lamang ako sa kanya. Maya-maya pa ay bumalik na rin si Ralph sa amin. May inasikaso raw kasi sya tungkol sa rent ng club kaya umalis sya muna. Namaalam na rin kaagad si Boy nang dumating si Ralph upang pumunta sa soccer team. "Did you text your dad na?" Tanong ni Ralph sa akin. Masaya naman akong tumango. "Basta raw ay ihatid mo ako sa unit nya mamaya. Doon ako tutuloy ngayong gabi." "Okay. By 9PM." "What? No. Ang aga naman!" At sumilip ako sa aking wrist watch. Alas otso na. "What do you think your dad would think when I make hatid you ng alas 10 ng gabi?" Nakataas kilay nyang sabi sa akin. Napanguso naman ako. Napaka-conyo. "Galing tayo sa party, it is as expected." "I know what I'm doing, Thea. Believe me, this would make difference." Then he smiled. Wala na rin ako nagawa kundi ang tumango. "Tara, sayaw tayo Ralph! Thea!" Sigaw ni Ferds sa amin na nasa soccer team din na mukhang lasing na. May hawak-hawak itong alak. "Get out of my sight poor tolerance asshole," wika ni Ralph habang pinagmamasdan ang paalon-along si Ferds. Humagikhik si Ferds at unti-unti nang naglakad paalis. "Come on, girls! I'm hot!" Sigaw pa nya habang kumakaway sa mga babaeng nakaupo sa kabilang table. Napatawa na lamang ako, ganoon rin si Ralph. "I'm sure he'll gonna regret this tomorrow." Natatawang sabi ni Ralph. "Cedric will be a millionaire tomorrow." Tuloy nya pa. "Bakit naman?" "Videos of Ferds being a b***h will be posted on social media tomorrow morning, watch out." "Ibl-blockmail ni Cedric si Ferds?" "Mamumulubi si Ferds bukas." At tumawa ito, napasabay nalang din ako sa pagtawa nya. "Baba tayo Ralph!" At tumayo ako't hinatak-hatak mula sa pagkakaupo si Ralph. "What? No. The crowd is too wild down there." "Let me just experience it one time, and nandya'n ka naman, e. Sige na!" At mas hinatak ko pa ang kamay nya. "Maraming bastos do'n," wika nya habang kalmadong nakaupo lang. Mukhang hindi ko man lang sya nahahatak ng kahit konti. "I am the King's girl! Sino ang magtatangkang mambastos sakin do'n?" I said while smiling at him. Nakita ko paano pumungay ang mata nya. Bull's eye! "King's girl..." bigkas nito. Nagagalak naman akong tumango sa kanya. "You're the King and I'm your girl. No one would dare to touch your queen, Ralphy." And mas hinatak ko ang kamay nya nang maramdamang nanghina sya sa sinabi ko. Kinilig na naman ang mukong. Tama nga ako. Halos tatlong talampakan ang layo ng mga tao sa akin habang nasa dance floor kami ni Ralph. Ngayon, nagsisisi na ako sa mga pinangsasabi ko kanina. Napangiti ako ng pilit nang makitang naka-kunot lang ang noo ni Ralph at naka-cross arms sa akin habang pinapanood ako. Nakakahiyang sumayaw dahil mukhang naging plaza ang kinatatayuan namin. Pakiramdam ko'y lahat ng mata ay nasa amin ngayon. "So?" And itinaas nya ang kabilang bahagi ng bibig nya. Humugot ako nang napakalakas na hininga at.... Jump in the Cadillac Girl, let's put some miles on it Anything you want And I started moving my hips to the rhytm. I love this song. Just to put a smile on it You deserve it, baby, you deserve it all And I'm gonna give it to you And then I swayed my hand up and down, side to side. I am starting to dance! Ralph's just there watching me. Gold jewelry shining so bright Strawberry champagne on ice Lucky for you, that's what I like, that's what I like Lucky for you, that's what I like, that's what I like And then I pointed him while moving my body. I don't know pero mas napapakunot ang noo nya sa pag-usad ko sa pagsasayaw. He is starting to blush, too. Sex by the fire at night Silk sheets and diamonds all white Lucky for you, that's what I like, that's what I like Lucky for you, that's what I like, that's what I like And nakita ko ang paglundag ng crowd nang mas lumakas ang beat ng music. Unti-unting lumapit ang crowd sa amin then I started screaming while dancing to the beat. Nanatili lamang nakatayo si Ralph sa harap ko na wari ay ini-obserbahan ako. "Move, Ralph!" Sigaw ko sa kanya. Masyadong maingay ang sound system at ang crowd. Hindi pinansin ni Ralph ang sinabi ko at inilibot ang tingin nya sa mga taong naka paligid sa amin. Nagulat na lamang ako nang in a swift may hawak na syang lalaki. Pulang-pula iyong lalaki na halatang lasing na lasing na ito. Napakahigpit nang pagkakahawak ni Ralph sa palapulsuhan nito na halos sumisigaw na ang lalaki sa sakit. "Ralph, anong ginagawa mo?!" Taranta kong tanong at pilit na inaalis ang kamay nya sa palapulsuhan ng lalaki. His tight grip on the guy's wrist can possibly kill. I can sense it. "You don't dare touch her." Mariin nyang sabi bago binitawan ang lalaki. "I'm sorry." Sabi ko sa lalaki at hahawakan pa sana ang kamay nya pero hinatak na ako papalayo ni Ralph. "What was that?!" Agaran kong tanong nang makalabas kami sa bar. Nakita ko paano nya ginulo ang kanyang buhok at malutong na nagmura. "I'm sorry I'm sorry I'm sorry." Paulit-ulit nyang bigkas at hinawakan ang aking kamay. "He was looking at you full of lust and when he dared touching you... f**k it! I lost it!" "You almost killed him..." Kalmado kong sabi. Ang bilis ng t***k ng puso ko. "I know. I'm sorry..." At ginulo nya na naman ang kanyang buhok out of frustrations. His grip could break that guy's wrist. It is really possible. Sobrang lakas nya, konting-konti nalang talaga ay alam kong mapapatay nya ang lalaking 'yon. "It's okay. Just, just don't do it again. Nakakatakot ka." I said and held his hand. Dahan-dahan nya akong tiningnan with frustrations in his eye. "Do you think I'm scary?" Kalmadong tanong nya sa akin. "Yes, Ralphy. But I trust you. Hindi mo ako sasaktan." And I smiled at him. Pumikit sya ng mariin bago ako niyakap. Inihatid ako ni Ralph sa unit ni Papa. Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil ito ang unang pagkikita ni Ralph at Papa. Baka kung anong sabihin ni Papa kay Ralph! Kinakabahan talaga ako. Nanginginig kong kinatok ang pintuan ni Papa habang si Ralph naman sa aking tabi ay kalmadong-kalmado lang. My gosh. Napahinga ako ng maluwag nang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ay si Tita. I kissed her cheeks at ngumisi ito nang dumapo ang mata nya kay Ralph. "Pasok kayo," nakangiting sabi ni tita sa amin at pinapasok kami sa loob. Gumapang na naman ang nerbyos sa aking katawan nang maalala si papa. "Si Papa, po?" Tanong ko kay Tita habang nililinga ang paligid. "Nagluluto." Nakangising sabi ni tita at humagikhik pa. "Ang guwapo ng boyfriend mo, ah." Nanlaki naman ang mata ko sa kanyang bulong. "Tita! Hindi ko sya boyfriend. Disisais pa lang po ako..." Sabi ko sa kanya habang naiiling. Napaka-konsentidor talaga ni Tita. "Sus. Okay lang naman iyon sa amin ni Papa mo as long as mabuting lalaki. Tingnan mo nga 'yang kasama mo, oh. Mukhang mabait at mayaman." At humagikhik na naman ulit sya habang sinisilip si Ralph na naka upo sa sofa. "Hay naku ka talaga Tita. Natatakot ako kay Papa..." I said at sumilip ng konti sa kusina. Tumawa naman si Tita sa akin "Bakit naman? Ano ka ba. Okay lang 'yon." At hinampas nya ako ng mahina sa balikat. "Kilala naman natin si papa, iban--" "Sir Ralph nandito po pala kayo," wika ni papa at dali-daling pinunasan ang kamay nya upang kamayan si Ralph. Masayang tinanggap naman ni Ralph ang kamay ni Papa. Wait lang... Ano ang nangyayari? "Don't call me sir, po," nahihiyang sabi ni Ralph habang nakangiti. Sumulyap pa ito sa akin. Mas kumunot lamang ang noo ko. "Ay, hindi po. Bakit po kayo napadayo dit--Wait nga lang... Ikaw ba ang sinasabi ni Ayet na hahatid sa kanya?" And I can see in Papa's face kung gaano ito ka gulat. Kahit ako rin naman. "Yes, po." Ralph said. Ibang klase! Napapa-po sya! "Ayet, bakit hindi mo sinabi na si sir Ralph Jimenez pala iyong maghahatid sa'yo, edi sana ay nakapaghanda ako ng haponan," wika ni Papa sa akin na nagpaawang sa bibig ko. Si Papa ba talaga 'to? Bakit nya ipaghahain ng pagkain ang lalaking naghatid sa anak nya? He isn't like this. "Hindi ko po alam na ikaw po pala ang Dad ni Thea." Sabi ni Ralph na nagpangisi kay papa. "Ay, oho. Ako ang Papa nya. Nanliligaw ka po sa anak ko?" At napalapit nalang talaga ako sa kanila dahil sa tanong ni Papa. "Ano ka ba, pa!" At hinampas ko sya ng mahina't tumawa ng plastic. Gulong-gulo na talaga ako sa mga nangyayari. "Bakit, Ayet? Plano mo bang isekreto sa akin at relasyon nyo?" Wika ni Papa na nagpa-shut up sa akin. "I like your daughter, po, but I know she's still a minor. Handa po akong maghintay sa kanya." Ralph said while smiling. Narinig ko naman ang mahinang tili ni Tita sa likod namin. "Talaga? Aba, mabuti iyan. Nasa inyo ang basbas ko. May tiwala ako sa'yo, Ralph! Take good care of my daughter." And papa even patted his shoulder. Anong nangyayari? Bakit mukhang binebenta ako ni Papa kay Ralph? Iiyak na ba dapat ako? "Salamat, po." Magalang na sambit ni Ralph habang ang ngiti nya'y abot langit. "Tara, sabay ka na samin'g mag haponan. Pasensya ka na sa ayos ng bahay, ah, at sa magiging ulam natin, wala talaga akong ka ide-idea na ikaw 'yong tinutukoy ng anak ko." At inakbayan pa talaga ni papa si Ralph habang naglalakad sila papasok sa kusina. Naiwan akong nakatayo habang nakaawang ang bibig sa mga nangyari. "San mo ba na bingwit 'yan, Yet? Rinig ko kay Papa mo, 'yan daw ang may-ari ng building ng firm na nirerentahan namin ngayon. Mega rich 'yang si Ralph Jimenez, Yet." Nakangiting sabi ni tita. Napapikit na lamang ako. What a small world. Sa buong dinner namin ay si Papa't Ralph lang ang nag-uusap. Nakaka-amaze nga'ng tingnan si Ralph na nakangiti at masayang sinasagot ang mga tanong ni Papa tungkol sa business. Tanong ng tanong si Papa tungkol sa negosyo dahil may plano raw syang mag tayo ng isang boutique dito lang din samin at nangako naman agad si Ralph na mag i-invest dito kaya sobrang saya ni Papa. Ang sarap panooding ganito ka saya si Papa't Ralph. Hindi mapigilan ng puso ko ang maging masaya sa aking nakikita. "Meron akong available unit malapit sa Era, Tito. Uhm, kung hahayaan nyo po ay gusto ko po sanang ibigay iyon kay Thea. Hindi ko na rin po--" "No, Ralph! Okay naman ako sa dorm!" Putol ko sa sinasabi nya. Sinamaan naman agad ako ng tingin ni Papa. "Why not? It's a great gift for your birthday 'nak! Maraming salamat, Ralph." Galak na galak na sabi ni Papa. Napangiwi na lamang ako. "No problem, sir. Basta sa anak nyo po." At tumingin si Ralph sa akin at ngumisi. Aba't! Pasalamat ka lang talaga dahil tenant mo si Papa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD