Kabanata 8

2641 Words
Iniayos ko ang pagkakaupo nang mapansin ang mga nakakalusaw na mga tingin na binibigay ng lahat sa akin. Wala na rin akong ibang nagawa kundi ang bigyan sila ng maliliit na ngiti. Bakit ba kasi ang tagal ni Ralph? Bakit ba kasi naging ganito ang sitwasyon? Bakit ba kasi sumama ako dito? Napangiwi ako nang maalala ang nangyari kanina. They are supposedly in a club right now for it is their monthly out pero dahil may pagka-abno sila, pinili nilang sumama sa amin mag dinner ni Ralph dito lang din sa Viex imbis na magpakasaya sa club. "So, saang club tayo ngayon?" tanong nung isa habang nakangiti sa kanyang mga teammates na medyo nakakainis na dahil nasa akin nakapukol ang kanilang mga tingin imbis na kay Ralph. "Sa ano, sa North!" presenta nung isa na hindi maiwas-iwas ang tingin sa akin. Napapayuko ako nang wala sa panahon. Hindi ko na  talaga papansinin ulit ang mga tingin nila. Mabilis na sumang-ayon ang buong team sa sinabi nya. "I will just give you my ATM. Hindi ako makakasama, mag di-dinner kami n--" "Saan?" sulpot nung isa na hindi ko makita ang mukha dahil ayokong itaas ang ulo ko mula sa pagkakayuko. "Dudes, sobrang gutom na pala ako at bawal ako magpagabi ngayon... So, sasama ako kila Ralph." Pagpapatuloy nya na nag paangat talaga ng ulo ko. He's smiling widely at me. Kung pwede lang talaga manuntok dito, ay talaga naman. "Ako din, pass muna ako sa bar." "Naririnig ko na ang tyan ko, oh. Gutom na talaga ako." "Kain nalang tayo sa Viex!" "Saan ka galing, Thea?" the pale guy with a blue cap asked. Wala akong naalala sa mga pangalan nila kahit nakapagpakilala naman na sila kanina sa akin. "Ano ka ba! Syempre sa sinapupunan ni tita," sabat nung isa. Umingay na naman. Tumawa ako ng kaonti. "Tangna ka, maka-tita ka kay mother in law, ha." Kumento nung isa na mas nagpatawa sa lahat "I'm from Bacolod." nakangiti kong sagot at inayos ang nagulo kong buhok. Napayakap ako ng kaonti sa aking katawan nang makaramdam ng ginaw. Ang lakas ng aircon dito at naka sleeve less lang ako. Shet. Nagulat ako nang may pumatong na jacket sa likod ko at nang paglingon ko ay nakita ko si Ralph na seryosong nakatingin sa akin. Salamat at nandito na sya. Kinuha ko ang jacket at sinuot iyon ng maayos. Sumunod ding dumating ang sandimakmak na pagkain. Oh, well... This is Ralph's resto after all. Ang ingay at ang saya nilang kumain. Pa minsan-minsan ay napapatawa ako sa mga jokes at pick up lines nila, na wala namang ginawa si Ralph kundi barahin ang mga 'yon. Masaya talang itong team nila. Masyadong generous na captain si Ralph upang bigyan ang mga teammates nya ng monthly out na sagot nya ang lahat ng gastosin. Mayaman nga talaga si Ralph, sobrang yaman. "Busog ka na?" tanong ni Ralph sa akin. Tumango naman ako sa kanya. We look like we are siblings talking, and sobrang komportable na rin ako sa kanya kaya pwede ko na rin syang ituring na kuya, siguro? "Uy! Kumain ka pa, Thea! H'wag ka nang mahiya sa akin," sabi nung isa dahilan upang hampasin sya ng lahat. Napansin ko rin iyong lalaking may hawak ng mga towels at gatorade kanina ang palaging kawawa dahil sya iyong punterya ng lahat. "Busog na talaga ako. Andame ko kayang nakain," sabi ko nang nakanguso. Halos mapahawak na nga ako sa aking tyan sa sobrang busog, e. "You know what, ang ga-gago nyo." Ralph suddenly said. Napatawa naman ako. "Ano na naman yan, boss?" natatawang tanong nung morenong gwapo. "First time in the history na hindi nyo ako pinagastos! And f**k it! I reserved the f*****g bar already tapos mga putangina nyo mag di-dinner lang pala kayo dito sa Viex?! Just what the f**k, assholes. What the fuck." He said na nagpasalampak sa amin sa tawa. Napahawak na ako sa aking tyan sa kakatawa. Ang haba nung sinabi nya at andameng curses! Which is not very Ralph. Mukhang nagulat nga rin ang mga teammates nya kaya hindi mapigil ang tawa. Umaalingawngaw ang mga tawa namin sa buong resto dahilan upang mapunta sa amin lahat ng atensyon ng mga customers. "Stop laughing, bitches." Iritadong wika ni Ralph and he wave his middle finger in the air. "Tama naman si boss, e. Napapagastos kaya yan'g si Boss, Thea, nang 20k para sa monthly out." Saad nung lalaking kung tawagin nila ay si Boy. Sya 'yong pinagtutulongan at utos-utosan nila sa team. "Boy! Tumahimik ka nga!" at hinagisan sya nung towel ng isang player. Mas lalo lang kaming napapatawa dahil sa binibigay na ekspresyon ni Ralph. "Won't let these assholes touch you, even just the tip of your hair." Wika ni Ralph na ikinatigil ko sa aking pagtawa. Maging ang ilan ay natahimik rin. Halos malusaw ako sa lalim ng kanyang tingin sa aking mga mata. Sa sobrang lalim ay nakakapanghina na ito. "You don't deserve assholes." straight forward nyang sabi at inialis ang tingin sa akin. Naiwan akong nakatunganga sa kanya. I can't hear anything. Those words aren't new to my ears... But... Tahimik ako sa buong byahe namin papunta sa dorm ko. Paulit-ulit na nag pla-play iyong sinabi nya sa akin. Paano nya nasabi iyon without hesitation and while looking straight in my eyes? Confessions are not new to me. But this one is just quite different. Masyado akong naging komportable sa kanya without thinking na baka may gusto sya sa akin... Masyado akong kampante. Shouldn't I trust him starting now? "Those words meant nothing. Don't think too much about it." He said. Napalingon ako sa kanya. Diretso ang tingin nya sa daan. "I know my team more than anyone else, so when I said they are assholes, they are." Pagpapatuloy nya pa. Hindi ko na namalayan na nasa harap na bala kami ng dormitoryo ko. "If you're thinking I like you the way all men do... Well, I don't." Wika nya at ngumiti sa akin. IIlang segundo din akong natigil at inintindi lahat nyang sinabi. Unti-unting akong ngumiti sa kanya at binuksan ang pinto ng kotse. "Thank you for being different among all of them." Sabi ko at isinirado ang pinto. Nakangiti kong tinahak papasok ang dormitoryo. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maging magalak dahil sa narinig. Kahit kasi kakakilala ko pa lamang kay Ralph ay naging sobrang komportable na ako sa kanya sa hindi malamang dahilan. Sya ang kauna-unahan kong kaibigan dito, sya iyong kauna-unahang nagpangiti sa akin dito. Ayokong matapos iyong pagkakaibigan namin na kakasimula pa lamang dahil lang sa may gusto sya sa akin. Laking pasasalamat ko talaga dahil sobrang taas ng standard ni Ralph na sa palagay ko ay kailanman hindi ko maaabot. For the first time in my life, I am grateful that I can't meet someone's standard. Nakakapanibago. And... It feels good. ** "Opo! Nakapag-ayos na ho ako," sagot ko kay Papa sa telepono habang sinusuot ang aking sapatos. Unang araw ngayon ng klase. I don't know what to feel right now, should I be nervous or excited? Hindi ko mawari ang dapat kong maramdaman. "Paparating na raw si Marcos, Ayet. Magpakabait ka sa klase, ha!" napatawa naman ako sa sinabi ni papa at kaagad nang kinuha ang bag ko sa table at isinuot iyon. Inayos ko ulit ang aking repleksyon sa salamin. "Opo, Pa." Iyon na lamang ang nasagot ko sa kanya at kaagad ring namaalam upang bumaba. "Magandang umaga!" bati ko sa mga dormmates kong nadatnan sa living room. Ibinati rin naman nila ako pabalik. "School na po ako." Nakangiti kong sabi sa landlady bago lumabas sa pinto at tinahak ang stairs pababa. Puno ang cafeteria ngayon kahit ang aga-aga dahil na rin siguro sa pasokan na naman ulit. Lumabas ako ng Building at naghintay sa pagdating ni Marcos. Si Marcos kasi iyong maghahatid sa akin ngayon sa school dahil may importanteng meeting si Papa't tita na dadaluhan. Okay lang naman sa akin, wala namang dapat na ika-reklamo doon. Napangiti ako nang matanaw ang kotse ni Marcos at kumaway dito. Lumapit ako sa kotse at ibinaba nya naman ang window upang tanawin ako. He looks so cute and cool with uniform on and shades. He smiled at me and "Pasok ka na," he said. Kaagad naman akong dumapo sa kabilang pinto at pumasok sa passenger's seat. "You look good," sabi nya habang nakangiti na talaga namang nagpayanig sa katawang lupa ko. Pasimple akong napakapit sa aking kinauupuan. "Thanks. Ikaw rin," yun na lamang ang nasagot ko at inayos ulit ang aking buhok. I cleared my throat and seated properly. Heto na naman tayo, nagiging hindi na naman ako komportable. Ibang klase talaga iyong dinudulot ng presensya ni Marcos! Halos kapusin na ngayon ako dito ng hininga. Shet, Ayet. "Got your schedule, Yet?" he asked. Mas napakapit ako sa aking kinauupuan and cleared my throat again bago nagsalita "U-uhm, yep!" "Are you nervous? You're sweating," sabi nya pa na feeling ko ay mas nagbigay ng tensyon sa akin. Bakit kailangan nya ba iyong punahin? "N-no... Maybe, yes?" nauutal kong sagot na talaga namang tunog bobo. Ano bang nainom ni Marcos at naging pala-ngiti ito ngayon? Parang mapapaihi tuloy ako nang wala sa oras. Tumawa sya ng maliit na SHET BEH! Bakit ang hot? Dumapo kaagad ang kamay ko sa aircon at inayos iyon sa gawi ko. Kanina lang ay feeling fresh na fresh ako, pero ngayon, bakit gusto ko na ulit maligo? "Maybe, natural lang naman ang kabahan pero I know you can do this. You were born to slay everything, right?" wika nya na nagpaawang sa bibig ko. Halos hindi na ako makahinga. Ang bango-bango na nga nya, sasamahan nya pa ng mababangong salita! Sus maryusep! Baka ma sinus ako dito. "That is your f*******: bio." Natatawa nyang dugtong. Pasimple akong tumingin sa bintana at pumikit ng mariin. Did he just stalk me? Gosh, this is so much to take. "Text me pag break mo." Sabi nya bago lumabas sa kotse upang pagbuksan ako ng pinto sa kabila. Hindi ko alam pero hindi ko magawang ngumiti sa kanya. Ni hindi nga ako makatingin ng diretso sa mata nya ngayon. Ang akala ko'y iiwanan nya na ako pero hindi, nakisabay sya sa paglalakad ko. "Do you even know where your room is?" he asked. Gumapang na naman ang kaba sa katawan ko sa tuwing naririnig ko ang boses nya. This crushing of mine towards him is exaggerating! "Nasa highschool building, sy-syempre." I said. Tumawa na naman sya. Oh, please... stop. "Okay, of course." He said habang natatawa pa rin. Why is he acting like this all of the sudden? Hinatid nya nga ako sa aking room na nagpalingon sa mga kaklase ko sa pinto. I smiled bitterly at them at ibinalik ang tingin kay Marcos na seryosong pinagmamasdan ang room ko. "You can go now, may klase ka pa." Sabi ko sa kanya. Inilipat nya ang kanyang tingin sa akin, and God knows how my system rumbled because of it. Masyado syang malapit. Mas bumilis ang kanina ko pang mabilis na tumitibok na puso. Halos marinig ko na nga ito at baka naririnig na rin iyon ni Marcos sa sobrang lakas. "Text me." He said and patted my head bago ako tinalikuran at naglakad papalayo. Lahat ng nadadaanan nya ay napapalingon sa kanya. He is wearing a college uniform and of course, he is Marcos. The head turner Marcos. Pumasok ako sa aking room at nginitian ang lahat. May iilang ngumiti rin pabalik at ang iilan naman ay hindi ako pinansin. I am expecting this. Sa pag-upo ko ay kaagad na lumapit ang isang babae habang nakangiti ng malapad sa akin. "Hi! I'm Emy!" at inilahad nya kaagad ang kamay nya sa akin. Napangiti naman ako at tinanggap ang kamay nya. She's chubby and she's very cute! "I'm Thea," nagagalak kong sabi. Kumikinang ang mata nya habang nakatitig sa akin. "Ang ganda mo, Thea," straight forward nyang saad na nagpatawa sa akin. "Thank you." "Kaano-ano mo si kuya Marcos?" tanong nya at inilipat ang bag nya sa katabing upuan ko, at umupo doon. "Ah, wala. Kaibigan." I said. Naalala ko na naman iyong mga ngiti nya. Hays. "Hala! Ang ganda mo talaga!" she exaggeratedly said habang nakapanglumbaba sa harap ko. Wari ay sinusuri ang mukha ko. "And you have this 'oh-so-heavy' aura! Ang ganda mo'y hindi makatarungan! Grabe!" pasigaw nyang sabi dahilan upang mapalingon ang karamihan sa amin. Kaagad naman akong nahiya. Ngumiti ako ng pilit sa kanila. Halos ngumiti naman silang lahat pabalik sa akin. "Saan ka nanggaling? Transferee ka dito, at sure ako d'yan! Hindi maaaring taga Era ka at hindi ko nakilala. Sobrang ganda mo upang hindi makilala sa buong campus!" pagpapatuloy nya pa. Sobrang nahihiya na talaga ako, ang iilan kasi ay nakikinig na rin sa mga sinasabi nya. "Ay baliw. I'm from Bacolod," at ginulo ko ang buhok ni Emy. Ang cute-cute nya, maging iyong bunganga nya ang cute rin, sobrang daldal. Pero seryoso, I like her. "Akala ko kanina ikaw na iyong pinalit ni kuya Marcos kay Ate Zarrah, e." Sabi nya habang nakatitig pa rin sa mukha ko. Nagulat naman ako sa sinabi nya. Anong pinalit? Wait nga lang... "H-hindi, ah. Bakit sila ba? Nag break?" sabi ko na hindi maitago iyong kuryusidad. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang meron sa kanila. I just know that Zarrah is really special to him. Ang obvious naman kasi nun. "Aba, Oo! 4 years na kaya sila, and then last two days ata, ayun, nag break. Akala nga ng buong campus ay sila na iyong magpapatunay na may forever, e." Sabi nya na parang hinayang na hinayang pa. So, exclusive talaga ang kanilang relasyon sa public? Bakit hindi ko alam? "Bakit daw nag break?" tanong ko ulit. Hindi ko ugali ang pagiging chismosa pero ibang usapan ito ngayon. This is about him, this is about Marcos. "Pagkatapos ng break up wala nang iba pang masagap sa mga social accounts nila. Deleted na rin lahat ng pictures at posts nila na magkasama. Wala ka talagang makukuhang clue bakit sila nag-break. Sobrang perfect kaya nila." She's pouting while saying it. Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napayuko. He just confirmed my friend request sa f*******: kahapon. So, that's why when I stalked him yesterday ay walang bakas ng kahit na anong relasyong meron sya. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa nalaman. Yes, he is my crush but I am not like other girls. I don't enjoy things one sided. Ayokong nagpapakasaya dahil sa break up nila na alam ko'y nasasaktan si Marcos. Napabuntong-hininga ako. "You don't know about this?" tanong ni Emy. Umiling ako sa kanya bilang tugon. Kung kakagaling nya lang pala sa break up, e, bakit ang ganda ng mood nya kanina? He's smiling at me, talking, at hinatid pa ako. He doesn't look like hurt or sad at all... Or maybe... Hindi ko lang napansin dahil hindi ako makatingin ng diretso sa mata nya kanina. Isa lang iyong nasisigurado ko... Nasasaktan sya ngayon. Malungkot sya. He can't be happy and fine, 4 years silang magkasama or more. Nakita ko kung gaano ka importante si Zarrah sa kanya. I saw it with my own eyes, he loves Zarrah more than anything else. You can obviously see it in his eyes the way he looks at her. I can still remember how sad I am that night... Nakita ko kasing hindi na sa sakin ang atensyon nya... And that's very childish of me. I can still remember how I wish that I am Zarrah that night. That is so pathetic of me. Gano'n kalakas ang epekto ni Zarrah sa kanya.. It is to that point. So, he can't be just fine right now. He is hurting, he's badly hurting. Ang tanga ko upang hindi mapansin iyon kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD