Dahan-dahan akong umahon sa kama nang nakangiti. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko kahit na halos dalawang oras lang iyong tulog ko. More or like, inabangan ko nalang ang pagsikat ng araw. Sinilip ko ang sarili ko sa salamin nya dito sa loob ng kwarto. Nakalong-sleeves ako at shorts. Masyadong mahaba ang aking suot kaya halos hindi na matanaw ang aking shorts. Inayos ko ang buhok ko at hinawakan ang aking pisngi. Nando'n pa rin ang ngiti sa labi ko. Inilibot ko ulit ang aking tingin sa kwarto at napapikit habang sinisinghap ang napakabangong amoy ng kwartong ito.
Unti-unti kong pinihit ang door knob at inayos ang pagkakatayo bago tuloyang lumabas sa silid. Naamoy ko kaagad ang amoy galing sa kusina. Mas lumapad lang ang ngiti ko at agad nang dumapo sa doon.
"Anong niluluto mo?" nakangiti kong tanong sa kanya at sinilip iyong nasa frying pan. Gumigisa sya ng garlic at onion. Sobrang bango. Nakita kong may bacon na rin sa mesa.
"Magluluto lang ako ng itlog," sagot nya at nilagyan ng kamatis ang frying pan. Agad akong napalundag at napakapit kay Marcos nang may pumisik na mantika sa akin.
"Seriously?" wika ni Marcos habang nakahawak sa slotted turner at hindi nakatingin sa akin. Halos nakayakap na ako sa kanya galing sa likod at napakalapit ng mukha ko sa kanya.
"Sorry." Agad akong napakalas sa pagkakayakap sa kanya at napatalikod. I am super embarrassed right now na gusto ko na lamang tumakbo palayo. Bakit ko nga ba sya niyakap? Shet. Ang over naman kung dahil lang 'yon sa pumisik na mantika. Kasalanan 'to ng mga pinang-iimagine ko kagabi, e!
At kasalanan nya rin! Bakit ba kasi napakabango nya! Iyong tipong amoy na iniingganyo kang yakapin at kagatin. It's a manly scent pero napakasweet nyang amoyin. Sobrang refreshing sa ilong.
Ano bang nangyayari sa katawan ko ngayon? Bakit parang may sariling desisyon na sya? Nakaka-stress na, ha.
Napa-upo ako sa sofa at nanuod na lamang ng TV. Ayoko nang bumalik sa kusina. Dito nalang ako forever.
"Halika na dito," tawag ni Marcos sa akin. Napa-ayos ako ng upo at nagdalawang isip kung lalapit ba ulit doon. Gumagapang ang hiya sa every fiber na meron ako sa aking katawan. Hindi ko alam kung paano umaktong normal pagkatapos ko syang yakapin without proper reason.
Naglakad ako papalapit sa kusina nang nakayuko. Nang nasa loob na ako ay dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko. Nakita kong nakatingin si Marcos sa akin habang naka kunot ang noo. Napa-ayos ako ng aking pagkakatayo and I cleared my throat.
"Ako na," at kinuha ko iyong pinggan sa kamay nya at ako na ang pumwesto nun sa lamesa.
Pagkatapos naming kumain na walang imikan ay nag presenta akong mag hugas ng pinggan. Habang naghuhugas ay hindi ko maiwasang isipin iyong kahihiyan kong ginawa. Bakit ko ba sya niyakap? Sobrang pahalata na talaga ako.
Pagkatapos kong maghugas ay dumiretso ako sa kwarto upang kunin doon ang aking mga suot kahapon. Papunta na sana ako ng banyo upang maligo nang mahagip ng mata ko si Marcos na nasa terrace. Nakabukas ang glass door at kurtina. He is having a coffee. He looks good in white shirt, prominent yung kakisigan ng katawan nya. He is an athlete kaya maganda ang built ng katawan nya, gano'n rin naman si Ralph.
Napagtanto kong napakarami palang similarities ni Marcos at Ralph. Parehas silang malinis, maputi, matangkad, athletic, gwapo, at somehow sa attitude. Tahimik rin naman si Ralph at ganun rin si Marcos. Suplado at smart observer. Parehas rin silang sobrang bata ang tingin sa akin. Pero hindi gano'n kalala iyong kay Ralph... Somehow, I can see my worth on Ralph's eyes. I can see my vision in his eyes. While on Marcos? He can't even look straight at my eyes, how can I observe it clearly?
Pumasok na ako sa banyo at naglinis ng katawan. Pagkatapos kong mag-ayos ay nadatnan ko si Marcos sa sofa habang nanunuod ng TV. Pasimple akong napanguso nang mamangha na naman ulit sa anking kagandahan nya.
Unti-unti akong lumapit sa kanya at naupo sa isang couch katabi ng sofa. "Pwede humiram ng charger?" tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang kasi naalala na hanggang ngayon ay hindi pa ako nakaka-kontak kay Papa.
"Ihahatid na kita pauwi. No need to charge." Bagkus ay iyon ang sinagot nya. Umiwas ako ng tingin sa kanya at ngumuso ulit sa inis. Tumayo sya at pumasok sa kanyang kwarto. I crossed my arms at napasimangot. Hindi naman sa gusto ko pang tumagal dito--I mean, his place is really good. Ang bango-bango pa. Sino ba ang ayaw mag stay dito, diba? At isa pa... Sya si Marcos. Marcos Suarez. Sya iyong makakasama mo dito, magrereklamo ka pa ba?
Lumabas sya ng kwarto na nakasuot na ng leather jacket at puting cap. Kahit sa simpleng porma ay kumikinang sya sa mata ko.
Kinuha nya iyong car keys nya sa center table at nauna nang maglakad palabas ng kwarto kaya wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Sobrang suplado nya na nakakainis na minsan. Napahawak ako sa bibig ko habang katabi sya sa elevator. Hindi pala nakakainis... Nakangiti ako, e.
Inihatid nga nya ako sa dormitory na kinalungkot ko talaga. I pushed a smile before bidding my farewell to him. Napasimangot ako nang umalis na ang kanyang kotse. I can smell his shower gel in my skin kaya mas lalo lang akong nalungkot. Okay sana kung medyo tumagal pa ako do'n.
Pumasok akong dormitory at agad na in-explain sa landlady na natulog ako sa bahay ng kaibigan. Mabuti naman at hindi sya masyadong istrikto kaya hindi na humaba ang usapan.
"Are you busy?" basa ko sa mensahe ni Ralph sa f*******:. Napangiwi na naman ako nang maalala ang kahihiyan ko kahapon. Bakit ko ba sya pinagkamalan na waiter? Sobrang nahihiya na tuloy ako sa kanya.
Nag dalawang isip pa akong itap iyong call pero nagawa ko rin.
"Uhm.. Hello," unang sabi ko nung tinanggap nya na ang tawag.
"Magandang umaga, binibini," bakas sa boses nya ang pang-iinis. Ang aga-aga, e.
"So, hindi ka talaga waiter?" straight to the point kong litanya. Gusto ko nang humingi ng tawad sa mga inasal ko kahapon. 'Yong mga moments na inaasar ko sya na ang sobrang arte, e, waiter lang naman sya and for making fun of him in my mind.
"Ano?" natatawa nyang sabi. Napa-buntong hininga ako.
"I thought isa kang waiter... I'm sorry..." nasa mahinang boses kong sabi. Narinig ko naman syang tumawa sa kabilang linya. What is his problem?
"It's okay. That's not a big deal. Maybe, I really look like a waiter in your eyes," natatawa nyang sabi na sobrang nag pa guilty sa akin. Nakaka-insulto naman talaga iyon. Parang ang pangit pangit ng tingin ko sa kanya... Hays.
"No no no! I just assumed kasi ikaw iyong nag serve sa akin and nung tinanong kita, sabi mo nagtra-trabaho ka nga do'n. So it's partly your fault." I am pouting while saying it.
"Yes, partly. But seriously, it's not a big thing. You don't need to feel sorry." At tumawa na naman sya. I am imagining his face right now. Hindi talaga sya palatawa sa ibang tao as I've observed kahapon, sa akin lang talaga. Somehow, I feel flattered.
"Bilang pambawi... Do you have a schedule today?" tanong ko at inabot iyong pink cap ko at shades sa side table. I want more adventures. Ayokong mag mukmuk dito sa dorm for the whole day.
"Well... I am going to the gym and soccer training," nanlumo ako sa sinabi nya pero napag isip-isipan ko rin'g pwede ko naman syang panoorin while doing stuff. I'm sure I will be entertained sa gym or mag gym na rin ako and sa soccer training naman... Hindi ko pa nae-experience manood no'n so it will be fun for me.
"How about samahan kita sa buong araw? hehe..." I know I sounded like a cute little girl while saying those. But hell, gusto ko talagang sumama sa kanya.
"If that's what you want... Then, be it." Napangiti ako sa kanyang tugon. Magkakasundo talaga kami ng sobra ni Ralph. He's the right example of a go to the flow kind of person, na gano'n rin naman ako. We really match each other.
"Fetch me after 10 minutes. Sasama ako sa gym." Nakangisi kong sabi
"Are you sure?" batid sa boses nya ang pang a-under estimate sa akin.
"Why not? I'm not a kid." Sabi ko at pinatay na ang tawag. Kaagad akong nag hanap ng damit na nababagay sa gym.
"Pinahintay mo na naman ako," wika ni Ralph nang makapasok ako sa kotse nya.
"Sorry," wika ko at naglagay ng seat belt. Pagkatapos ang halos kalahating oras ay nakapag settle rin ako sa black racer back top at black legging na ito ang suot ko.
"So, saang gym tayo?" masaya kong tugon. Halos buwan na rin kasing hindi ako nakakapagsayaw at exercise kaya excited na excited ako.
"Just nearby," sagot nya. Napangiti ako. I never enrolled myself in a gym. Nasa bahay lang ako palaging nag e-exerice--dancing, sit ups, and other stuff.
Nang i-park nya ang sasakyan ay tinanaw ko kaagad ang building na nasa harap namin. Mas lumapad ang ngiti ko at lumabas kaagad sa kotse.
Lumabas si Ralph sa kotse na may hawak na dalawang gatorade sa kanyang kamay. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso nya. "Tara na po hehe," sabi ko sa kanya. Dahan-dahan nyang ibinalin ang tingin sa akin at tumawa, sinamaan ko sya ng tingin at hinatak na papasok.
Sa pagpasok namin sa loob ay agad akong nasindak sa mga titig na ipinukol sa akin. Mas napakapit ako kay Ralph.
Napahinto ang iilan sa kanilang ginagawa nang matanaw kami--Nang matanaw si Ralph. Ang iilang babae ay napatayo at napangiti. Nang madapo naman ang tingin nila sa akin ay naalis rin kaagad ang kanilang mga ngisi.
Napangiti na lamang ako nang mapansin si Tyler na papalapit sa amin. I smiled at him, and I don't know how to describe the smile he gave me.
"Dude," and he bumped his shoulder to Ralph's chest. Malakas iyon kaya napabitaw ako kay Ralph.
"Hi, pretty face," bati nya sa akin and he gestured me to give my hands on him, ibinigay ko naman pero nang tangkang hahalikan nya na iyon ay tinulak sya papalayo ni Ralph.
"Sixteen years old." Sabi nya kay Tyler at hinatak ako papalapit sa front desk ng gym. I silently laughed.
Hindi ko na binigyang atensyon iyong pinag-uusapan nila ng babaeng nasa frontdesk bagkus ay inilibot ko nalang ang aking tingin sa loob netong gym. Halos puro bagets ang nasa loob neto, mukhang exclusive for varsity players lamang 'to. Nakakamangha rin 'yong built ng mga katawan nila, mapa-babae man o lalaki.
"Are you really sure?" bulong ni Ralph sa akin habang papalayo na kami sa front desk. May iilang kinausap sya at iba naman ay tinawag lang ang pangalan nya. I can see adoration in every girls eyes habang dumadaan sya.
"Grabe ka naman maka-underestimate sa akin." Sabi ko habang tinatanaw syang mag stretching. Nag stretching na rin naman ako sa tabi nya. Sumasayaw ako kaya alam ko paano mag stretching.
Pagkatapos naming mag warm-up ay kaagad na syang pumwesto sa weights at ako naman sa Treadmill Running Machine na nasa tabi rin naman nya.
"Wala ba silang instructor dito?" tanong ko. I can see how his arms flex habang tinataas-baba nya ang weights. Napatikhim ako nang mahina.
"You are not enrolled here," sagot nya. Napalunok ako nang mapansin ang isang butil ng pawis na pumatak galing sa noo nya. Mas gumwapo sya sa paningin ko habang tinatanaw syang nag eehersisyo. Inalis ko ang tingin sa kanya at nag focus sa pag eehersisyo.
"Pretty face," napatingin ako sa aking kaliwa kung saan nanggaling ang boses. Inihinto ko kaagad ang Treadmill nang makita si Tyler. Kinuha ko ang aking towel na inilagay ko kanina sa tabing lamesa at pinunasan ang aking pawis, ibinaba ko rin ang aking earphones bago sya hinarap.
"Nice to meet you," wika nya at ini-abot ang kamay nya sa akin. Napatawa ako ng kaunti at tinanggap ang kamay nya.
Nagulat ako nang magsilapitan ang mga lalaki sa amin at sunod-sunod na tinanggap ang kamay ko habang ipinapakilala ang kanilang pangalan. Tila ba'y nag-uunahan pa sila. Napatawa nalang ako habang tinatanggap ang mga kamay nila.
"I'm Thea," pagpapakilala ko sa kanilang lahat. Halos wala akong maalala sa mga pangalan nila sa sobrang bilis ng pangyayari. Halos ma suffocate ako dahil napapalibutan nila ako at ang lalapad pa nila at ang tatangkad. Ghad.
"Bago ka rito, Thea?" tanong nung isa na halos lumuwa na ang kanyang eyeballs habang nakatitig sa akin. "Uhm, yes. Turning Grade 11," sagot ko. Sabay-sabay silang nagulat at nagsilabasan ang mga violent reactions na ikinatawa ko.
"She's sixteen," natatawang sabat naman ni Tyler. Napangisi lang ako sa kanya.
"You don't look like a teen for Shakespeare's sake!" bulyaw pa ng isa. "I am sixteen." Wika ko naman.
"Ang ganda mo," narinig kong sabi ng isa. Nahiya naman ako nang super light lang.
"Thanks?" nakangiwi kong sagot. "You're Ralph's girlfriend?" tanong ni Tyler. Kaagad akong umiling. Napansin ko ang mga pasimpleng sikohan at ngiti nila.
"Can I take your number?"
"Do you want some coffee after this?"
"Are you free for dinner?"
"San ka nag st-stay?"
Napangiwi ako sa mga sunod-sunod na tanong nila. Halos ilagay ko na ang aking kamay sa taenga.
"She's not for order," mahina pero ma authoridad na sabi ni Ralph na hindi ko namalayan nakabalik na pala mula sa CR. Napangiti ako nang makita syang papalapit sa amin. Kaagad na binigyan sya ng daan ng mga lalaking nasa harap ko. He looks like a god there habang naglalakad papalapit sa akin.
"She's sixteen," at hinawakan nya ang palapulsahan ko at hinatak palayo doon, palayo sa mga lalaki.
"Ang gulo nila, no?" sabi ko habang papalabas kami sa building. Pinagbuksan nya ako ng pinto sa sasakyan at kaagad naman akong pumasok.
"Wala akong maalala sa mga pangalan nila. Gosh." Sabi ko nang makapasok sya sa loob ng sasakyan.
"Do you think they will get rid of you if I didn't come back sooner," tanong nya na hindi naman tunog tanong. Sinimulan nya nang paandarin ang sasakyan.
"Of course?"
"They are jerks among all the jerks." He said. Napangiwi naman ako. Ang over naman.
Pumasok kami sa University at diniretso nya ang sasakyan sa parking lot sa harap ng Soccer field. Natanaw ko kaagad iyong mga teammates nya na nasa field na. Napangiti ako.
Lumapit kami sa field nang nakasunod lang ako kay Ralph. Pansin ko iyong mga tingin na ipinukol sa akin ng mga teammates nya. Nag-iisang babae ako dito.
Nakita ko kung paano nila akong sinilip sa likod ni Ralph. Halos magtago na kasi ako sa likod nya habang nakasunod.
"Good afternoon, Captain!" bati sa kanya ng isang lalaki na may mga towel sa abaga at dalawang isang litrong gatorade sa magkabilaang kamay. Gulong-gulo ang kanyang buhok at gusot din ang damit. Hindi naman sya mukhang player pero naka jersey sya.
"Everyone's here?" tanong ni Ralph. Napayuko ako nang mapansing halos nasa akin lahat ng atensyon nila. Walang sumagot kay Ralph.
"Sino sya, Ralph?" tanong nung isa at lumapit sa amin. Moreno, guwapo, matangkad, at malapad ang katawan. Not bad.
Again, don't make me wrong. It is just my nature to appreciate the beauty of mankind.
"Sixteen years old." Sabat ni Ralph. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili kong sipain sya. Kahapon pa sya, ha! Ang laki ng problema nya sa edad ko!
"I am Thea. His friend," at ngumiti ako sa kanya. Gusto ko sanang i-abot ang kamay ko sa kanya pero dahil nasa tabi ko si Ralph, hindi ko gagawin iyon. Baka hatakin nya na naman ako palayo.
"I didn't know may ganito ka pala kagandang kaibigan, Ralph." Ngumiti sya ng matamis sa akin. Binigyan ko lamang sya ng tipid na ngiti.
"Let's start earlier since everyone's here," wika ni Ralph at sinenyasan akong lumayo sa field. Tumango naman ako at naupo sa di kalayuang bench. Pansin ko ang nga tingin ng mga players sa akin. Iilang ulit na rin silang pinagalitan dahil sinisipa nila ang bola sa gawi ko na hindi naman dapat sinisipa papunta dito dahil nasa kabilang banda ang goal. Napausog ako sa bench nang mapansing papunta na naman sa akin ang bola. Napabuntong-hininga ako.
Hinabol ng lalaking maputi at masasabi kong may itsura rin naman ang bola na nasa harap ko na. Kukunin ko na sana ang bola nang hawakan nya ang kamay ko--ang bola para kunin. Kaagad kong inialis ang kamay ko sa bola.
"I'm Cedric," he said. Umupo naman ako ulit sa bench. "Thea," sabi ko't ngumiti sa kanya ng pilit.
"f*****g Maxwell! Bilisan mo!" rinig kong bulyaw ni Ralph. Kumindat si Cedric sa akin bago tumalikod.
Ang buong akala ko'y magiging masaya ang panonood ko dito pero mukhang na-stress lang ako sa buong training nila. Napahawak ako sa aking ulo at minasahe iyon.
Nakita kong tumingin si Ralph sa akin, ang sama-sama ng tingin nya. Ano?! Wala naman akong kasalanan, ah.