"Sinamahan ko nga lang sya sa kanyang trabaho," sabat ko sa paulit-ulit nyang tanong kung anong ginagawa ko kasama si Ralph. Kalmado syang magsalita pero pansin ang tensyon sa kanyang mga mata kaya sobrang tensyonado ako.
"Trabaho? Are you kidding?" matigas iyong pagkakasabi nya nun. "Oo nga. Bakit ayaw mo bang maniwala? We've been in their branches here in QC." Eksplenasyon ko. Inihinto nya ang sasakyan at tiningnan ako. Mabilis na gumapang ang kaba sa organs ko.
"That isn't his work, Thea." Madiin nyang sabi. Pasimple akong napakapit sa aking inuupuan ako. "Alam ko, dahil waiter sya." Pinilit kong maging kalma habang nagsasalita. Ayokong mapansin nya ang sobrang takot ko.
"Waiter?" at tinaas nya pa ang kabilang kilay nya. "I-in Viex Dine, d-diba?" I tried my best not to stutter, pero wala talaga. Ibang klaseng kaba ang dinudulot ng mga tingin nya sa mata ko.
"Sinabi nyang waiter sya?" pansin ko ang maliliit na tawa sa pagitan ng mga salita nya. "Well... He said madami syang ginagawa sa company, so I assume waiter sya na may mataas na rank?"
"Are you a fool? What makes you think na waiter si Jimenez? I mean, he looks like a trash pero he can't be a waiter. He's rich. Richer than you think." Sabi nya habang natatawa. Napaawang ang bibig ko. Kasama ko sya for hours at hindi talaga sumagi sa utak ko na mayaman sya. I mean... Yes, sobrang rich kid material sya. But heck! What is he doing with apron's on sa Viex Dine, and he even served me a meal!
"Kung hindi sya mayaman, why is he using a car like that?" dugtong nya nang naging seryoso na ang kanyang boses. Nakakunot pa rin ang noo ko.
"It's--It's from his friend. It's Tyler's car," I manage to answer. Hindi maalis-alis ang kunot sa noo ko. Magulo. Buong araw kong palihim na tinatawanan sya sa sobrang kaartehan dahil sabi ko waiter lang naman sya. Hindi naman sa pagiging judgemental... Pero sino ba naman na waiter ang ganyan kaarte diba? Mapapatawa ka talaga.
"Tyler? No. It's his car. We're in the same association, Thea. I know him since High School."
"SO WHY THE HECK IS HE WEARING APRON AND SERVING PEOPLE THEIR MEAL IN VIEX DINE?" hindi ko na napigilan ang boses ko sa pagtaas. Gulong-gulo na kasi talaga ang isip ko. This is one of the problems in my personality... I can't handle shocking moments, madalas akong nag bre-break down.
"It's his business. He can do whatever he wants," sabi nya, trying to calm me down.
"So, you mean the 7 branches na pinuntahan namin sa kanya iyon lahat?" tanong ko. I was trying my luck na nag jo-joke lang si Marcos. He can't be that rich. I've been on those resto and cafe, and Pete knows how huge and elegant those shops are. They serve expensive food. It's a big business. And It can't be his.
Hindi ako sinagot ni Marcos at pinaandar nalang ulit ang sasakyan. Tahimik kong in-absorb ang lahat nang nalaman. I've been so casual around him because I thought he's just like me, ordinary person. I find him funny kaya naging komportable ako sa kanya. Patago akong natatawa sa sobrang kaartehan nya at kung gaano sya ituring ng mga trabahante sa mga pinuntahan naming branches. Pero 'yon pala...
Napahawak ako sa aking noo. Bakit ba hindi man lang sumagi sa utak ko na may something sa pagtrato sa kanya? Masyado kong na enjoy ang tawanan ang bawat kaartehan at trato ng mga tao sa kanya na hindi ko man lang naisip na masyado na iyong malayo para lamang sa isang waiter? Ang bobo ko. Aish.
"Nasan tayo?" tanong ko nang mapansing wala kami sa building ng unit ni Papa. Nasa harap nga kami ng condominium pero hindi ito 'yong building ni Papa.
"Galit na galit si tito kanina so I took the responsibility. Sinabi kong sa'kin ka tutuloy," sagot nya. Pinagbuksan nya ako ng pinto kaya ka agad din naman ako lumabas.
"Sa condominium ka nakatira?" tanong ko sa kanya habang papasok kami sa building. Binati sya ng babaeng nasa front desk na tinanguan nya lang.
Pumasok kami sa elevator at pinindut nya ang 16.
Paano ako pinagkatiwala ni Papa sa isang lalaki? He isn't like this. Gano'n ba ka lakas ang tiwala nya kay Marcos? He's still a guy. He has hormones too. And I'm not ugly. Nakakainsulto naman 'yon.
Lumabas kami sa elevator na nakasunod lang ako sa kanya. He swiped his card at bumukas ang pinto ng unit nya. Sumunod ako sa pagpasok at pasimpleng pinagmasdan ang kanyang unit.
Malinis syang tao. Ni isang kalat ay wala akong makita. May flatscreen TV sya dito at mahabang sofa. I wonder kung may dinadala ba sya ditong kaibigan... O babae.
Centralized aircon din naman ang unit at elegante ang bawat bagay. Ang gwapong rich kid neto. Naupo ako sa sofa kung saan masisilip ko mula dito ang kusina. May double door ref sya at kumpleto ang kitchen utensils na naka sabit. May oven, gas stove, heater at lahat na. Mukhang kumpleto sya rito.
Naiwan ako sa sala dahil pumasok sya sa isang silid na palagay ko ay ang kwarto nya. Iisang kwarta lang ang meron sya, so ibig sabihin sa sofa nya ako patutulogin.
Tumayo ako at lumapit sa b****a ng terrace, binuksan ko ang glass door at maging ang puting kurtina. Naglakad ako papalapit sa railings ng terrace. Mula dito ay halos matatanaw mo ang buong lugar at ang sobrang gandang city lights. Masarap din sa pakiramdam ang ihip ng hangin.
Napasulyap ako sa aking kanan. Nasa tabi ko na sa Marcos. May glass of wine sya sa kaliwang kamay habang nakamasid sa labas. Pinagmasdan ko ang mukha nya. Palagi syang mukhang seryoso and it's really amazing how he looks perfect without even trying. Kahit anong titig ko pa siguro sa kanya, hindi sya mapapasulyap pabalik sa akin. Sino ba naman ako sa mata nya diba? Unang-una palang naman talaga alam ko nang wala akong epekto sa kanya, at ni kailanman ay wala akong may nakitang adoration sa mga mata nya habang tinitingnan ako. Ang laking epekto no'n sa akin... Lumaki akong nasa akin lahat ng atensyon. Lumaki akong ang tingin ng lahat ay napakaganda ko. Lumaki akong nasa tuktuk. Lumaki akong may kagalakan sa mga matang nakatitig sa akin... Pero sa kanya... Ni hindi nya ako magawang tingnan bilang isang babae...
Isa akong batang babae na inutosan syang bantayan. Ni walang issue sa kanya ang matulog sa iisang bubong kasama 'ko. Dahil nga isa lamang akong responsibiladad nya at wala nang iba pa.
"Bakit ka nakatingin sa akin?" nasindak ako sa biglaang pagtanong nya nang hindi man lang ako sinusulyapan. Agad akong napaiwas ng tingin.
"Wala." Sagot ko at lumayo ako ng konti sa kanya. "Nakapag dinner ka na?" tanong nya ulit.
Tatango na sana ako nang maalala kong hindi pa. Alas sais pa 'yong meryenda namin kanina at puro chichirya lang 'yong kinain ko sa sasakyan.
"May mga lulutuin ka ba dito?" Iyon na lamang ang nasabi ko at naunang pumasok sa loob. Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref. Andameng laman. Halos ayoko nang kumain ng kanin at chocolates na lamang ang gagalawin. Kumuha ako ng apat na itlog at ni-ready kaagad ang frying pan.
Napansin kong nasa loob na rin ng kusina si Marcos kaya mas binilisan ko ang pagluto. Inihain ko ang itlog sa gitna ng lamesa at humain na rin ako ng kanin. Naglagay ng dalawang pinggan at dalawang kubyertos.
"What makes you think na hindi pa ako nakakakain at this hour?" tanong nya ngunit umupo pa rin naman sa dining chair. Sumilip ako sa aking orasan. 11:26pm na.
"I just assume," sagot ko at umupo rin sa harap nya
"You're a headache. Tatlong oras akong naghintay sa harap ng building mo," mahina nyang bulong pero narinig ko pa rin. Napanguso nalang ako.
"Paano mo nalaman na wala ako sa dorm?" I managed to ask. Gusto ko lang malaman kung bakit nya ako hinintay do'n at nahuli pa akong kasama si Ralph.
"I have my ways on having an eye with my responsibility." Sagot nya na nag pa shut up sa akin. Hindi sa 'di ko naintindihan pero wala lang talaga akong masagot. I am his responsibility. Ibinilin ako ni Papa at inutosan sya ni tito na bantayan ako dito sa Era. Suma-total, pag may mangyaring masama sa akin... Partly, masisisi sya. I'm a minor demanding for freedom at ginustong mag dorm na walang kakilala sa Era kundi sya. Naiintindihan ko rin naman si Papa at tito.
Tahimik kaming kumain. Hindi ako nagsalita, gano'n rin naman sya.
"You can take a shower. May mga pambabaeng damit d'yan, nasa sofa." sinunod ko rin ka agad ang sinabi nya. Kinuha ko sa sofa iyong mga damit, syempre walang undies do'n. Magwawala siguro ako pag meron. May tuwalya rin syang nilagay.
Matapos kong mag shower ay sinuot ko iyong binigay nya. Hindi ko alam kung kay sinong damit 'to. Kay ate Shane siguro 'to or ni special someone nya. Mas pinili ko nalang ding h'wag isipin iyon.
Pinatulog nya ako sa kanyang kwarto at sya naman sa sala. Hindi na ako nag reklamo pa, ako pa ba ang magrereklamo? Sya na nga iyong nag offer sa mabango nyang kwarto, aayaw pa ba ako?
Ang ganda ng kwarto nya. Sobrang well-arranged. Napakalinis talaga nyang tao. Sobrang lambot rin ng kama nya.
Agad ko nang inihagis ang katawan ko sa kama at gumulong-gulong dito nang biglang bumukas ang pinto. Lumapit sya sa akin na nagpagulong sa akin papalayo at nahulog ako sa kama.
"Kukunin ko lang 'to," at pinakita nya ang isang gray na unan. Tutulongan nya pa sana akong tumayo pero kaagad na akong tumayo kahit ang kirot sa pwet ko ay hindi ko mailagay sa salita. Ngumiti ako ng pilit sa harap nya.
"Sige. Matutulog na ako. Goodnight." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Sobrang nanliit ako sa aking sarili habang nakatayo sa harap nya. Ngayon lang ako nagkapanahong ma realize iyon. Napakatangkad nya, kasing tangkad ata ni Ralph. Nasa 6'1 or 6'2 sila siguro. Habang ako? 5'5. They will absolutely tower beside me, pero ngayon ko lang iyon na realize.
Napaupo nalang din ako. Ang hirap nyang itingala. "Goodnight." Sambit nya at ngumiti sa akin. Naiwan ang tingin ko kung saan sya nakatayo kanina. Ngumiti sya sa akin. Paulit-ulit na nakikita ko ang ngiting iyon kahit nakalabas na sya ng kwarto.
Bakit sya ngumiti ng gano'n sa harap ko? Hindi ba nya alam na baka hindi ako makatulog dahil do'n. Napakagat ako sa aking labi at napatakip ang kamay ko doon. Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Inamoy-amoy ko rin iyong bed sheet nya. Amoy Marcos. Amoy langit.
And ayun nga, hindi nga ako nakatulog dahil do'n. Lumalandi na naman ako. I never felt this kind of crushing before. Halos gusto kong lumundag-lundag sa kama. Sobrang bilis rin ng t***k ng puso ko. Hindi rin maalis ang ngiti sa aking bibig.