Kabanata 5

2496 Words
Nang matapos ang kanilang conference ay bahagya na akong yumuko. Alam kong may 95% possibility na nakita talaga ako ni Marcos, but I'm still hoping na hindi. "Tara na," mahina kong sabi kay Ralph habang pasimpleng kinikirut ang tagiliran nya.  "May pinagtataguan ka?" tanong nya nang mapansing nakayuko ako at sobrang conscious sa paligid. "Sasabihin ko nalang mamaya. Sige na, alis na tayo." nangigigil na ako habang kinakausap sya.  Wala pang lumalabas sa conference room, may kung ano pa silang pinag-uusapan na talagang nagpaingay sa silid. Nagka grupo-grupo na din sila na I think base iyon sa team nila. Nakita ko si Marcos na nasa dulong part ng kanan namin habang nag-uusap sila ng kanyang teammates.  I wonder kung anong laro ang nilalaro nya, puro lalaki ang nandoon at ang tatangkad nilang lahat.  Nauna na akong tumayo na sumunod rin naman kaagad si Ralph. Tahimik kaming lumabas ng silid. Napa buga ako nang malakas na hininga.  "What is up with you?" natatawang tanong ni Ralph sa akin nang mapansin ang aking frustrations. "Kilala mo si Marcos Suarez?" tanong ko sa kanya. Tumango naman sya.  "Varsity player sya ng ano?" nagsimula na akong maglakad papalayo sa room habang nakasunod lang sya sa likod ko.  "Basketball team." Sagot nya naman, napatango-tango naman ako. "Bakit? Kaano-ano mo sya?" "Family friend. Nagulat lang ako na nando'n sya. Ibinilin kasi ako ni papa sa kanya," I explained. Sinabayan nya ako sa paglakad upang makausap ako ng mabuti. "Why would your dad left you to him? Baby ka ba?" nakangisi nyang sabi. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Sobrang taliwas ang attitude nya na pinapakita sa akin kesa sa Ralph na pinapakita nya sa ibang tao. Napaka seryoso nya kanina sa meeting at napapangisi lang 'pag kinakausap ko sya.  "Hindi! Wala kasi akong kakilala dito sa Era kaya ayun ibinilin ako sa kanya pero ayun nga, hindi na ulit kami nagkausap, ni text man lang." Agad akong nalungkot sa aking nasabi. Two weeks rin'g hindi ko sya nakita at hindi tinext. Hindi ko man maamin, e, ang lakas talaga ng epekto nung ginawa nya sa akin noong gabing 'yon. Pakiramdam ko nawala iyong self esteem ko ng isang linggo.  "LQ?" at hinarang nya pa talaga ang mukha nya sa akin. He's doing the idiotic smile again. Sinamaan ko sya ng tingin at inalis ang mukha nya sa harap ko. "Anong LQ ka d'yan?" "You look disappointed and sad," sabi nya na nag pahinto sa akin sa paglalakad. "It's like you are story telling your unfortunate love story, which is not very suitable to you, na 16 years old pa lamang," pagpapatuloy nya habang nakangisi. What is his problem with my age ba? "Hindi ko sya boyfriend." Sagot ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad. "Okay." Iyon lang lamang ang naitugon nya.  "So, san tayo pupunta ngayon?" I asked him nang makalabas kami sa building. Nakapamulsa sya nang aking nilingon, nakatinging bahagya sa kaliwa na tila'y nag-iisip. Mas lumiwanag ang kanyang kutis dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanya, at mas dumagdag pa iyong itim na shirt at cap nya upang mas lumiwanag sya. He is a head turner. Lahat nang napapadaan ay napapalingon sa kanya. Ang ilan ay sinamaan pa ako ng tingin because I'm standing beside him. Oh, well? What was that? "Actually, wala talaga akong maisip," at tumingin sya sa akin at ngumisi. Feeling ko talaga, sinasadya nyang ngumiti palagi dahil alam nyang cute sya do'n.  "Gusto mo lang ata akong isama sa conference nyo, e, may pa gala-gala ka pang nalalaman kanina." At tinaasan ko sya ng kilay. Bahagya itong tumawa. "May gagawin dapat ako ngayon, e," sabi nya, "Ano?" "May checking of branches ako," nakangisi nyang sabi. "So?" sagot ko. "Gusto mong sumama?" anyaya nya with his weird smile, marami syang weird make faces. "San ba yan?" tanong ko at sinuklay ang aking buhok gamit ang daliri. Medyo messy na sya. "Gusto mong mag bihis muna before proceeding there, or?" tanong nya at inialis nya ang suot nyang cap at inayos ang kanyang buhok. Hindi ko alam pero detalyadong na record ng utak ko ang ginawa nya sa malimit na panahon.  Parang biglang humina ang ikot ng mundo. Straight ang buhok nya, hindi kahabaan pero pwede pang masabunutan. Hindi sya nanglalagay ng hair gel or any wax dahil malaya nya iyong nagulo at nai-ayos. Nakakahanga lang dahil kahit nga walang gel ay nai-ayos nya iyon. Mas maganda pa ata buhok nya sa akin, e. "Oy!" sita nya sa akin at ni-snap pa ang kanyang finger sa harap ko. Agad akong nainis sa aking sarili nang makita ang ngisi nya. "Uuwi muna ako sa dorm, maliligo lang ako." Sabi ko at umiwas ng tingin. Nagiging hobby ko na ata ang ipahiya ang sarili ko these past few days.  "Sige ba," at mas nainis pa ako dahil bakas sa boses nya ang pang-aasar. Nauna na akong naglakad ng pigilan nya ako "Wait lang, may dadating na sasakyan," sabi nya. Nakakapasok ba ang Uber or taxi sa loob ng University? "Alam mo, ang bongga mong waiter." Sabi ko habang nakangiwi, napatawa naman sya.  Hindi nga sya nagkamali, may dumating nga na... HONDA UNVEILS 2016! Grabe! Napa-awang talaga ang bibig ko. Kulay blue sya at sobrang gandang tingnan. Mahilig talaga ako sa mga kotse kaya alam ko ang brand ng sasakyang nasa harap namin. I bet hindi ito 'yong sinasabi ni Ralph na darating na sasakyan kaya nanatili akong nakatayo habang namamangha sa sasakyan. "Dude," bumukas ang pintuan ng sasakyan at may lumabas na lalaki. Naka shades sya at moreno. He got the looks. Ang lapad ng ngiti nya kay... kay Ralph?  Inihagis nya kay Ralph ang susi ng sasakyan na mas lalong nagpalaki ng mata ko. Bakit ang swerte ng lalaking ito? Ang yaman naman ng kaibigan nya or kung kaano-ano nya man itong lalaki.  "Natapos na sya?" tanong ni Ralph at lumapit sa kotse. Hinawakan nya ang glass window. So hindi lang pala sya waiter? Tagapag-ayos rin pala ng sasakyan.  "Bulletproof na 'yan, bro," nakangising sabi ng morenong lalaki. Nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay napatingin din sya sa akin. Nginitian nya ako at gano'n rin naman ang ginawa ko.  "Sino 'to, bro?" tanong nya kay Ralph pointing at me. He can just ask my name. Tss.  "Ah, yan? 16 years old palang yan, dude." Sagot ni Ralph na hindi ko alam kung anong connect sa tanong ni moreno.  "Woah! I didn't ask for her age!" natatawang sabi ni moreno. Humarap sya sa akin at inabot ang kanyang kamay. "Hi! I'm Tyler." Pagpapakilala nya habang ang lapad ng ngiti sa akin. Inabot ko ang kamay nya at "I'm Thea." Ngumiti rin naman ako sa kanya.  "Totoo ba ang sinabi nya'ng 16 years old ka palang?" tanong ni Tyler. Hindi ko talaga alam kung ano ka laki ang problema ni Ralph sa edad ko. "Uhm, yeah?" and I awkwardly smiled.  "You don't look like a teenager. You look matured." And he takes off his shades at mas inilapit ang mukha nya sa akin, he looked at me from head to t--- Bigla akong hinila ni Ralph at sapilitang ipinasok sa loob ng kotse. Ni hindi ko na nalingon pa si Tyler.  "Aray naman!" reklamo ko ng ibinagsak nya ako sa passenger's seat.  Hinampas ko kaagad sya ng makapasok sya sa driver's seat. Ang bastos ng ginawa nya. Parang brat na richkid, e hindi naman.  "Asan 'yong dorm building mo?" tanong nya na lamang at hindi na lumaban pa sa hampas ko. Kahit hindi sya ngumingiti ay alam kong ngising-ngisi na sya sa kaloob-looban nya.  Tinuro ko sa kanya ang way papuntang dorm ko at nang makarating nga ay agad na akong lumabas. Lumabas rin agad sya sa kotse. Susunod pa sana sya ng "Bawal ang lalaki sa dorm." Sabi ko, tumango lang sya at "Alam ko. Sa cafeteria lang ako." At mas nauna pa syang pumasok ng building. Ang sobrang bongga talaga ng waiter na 'to. Hindi ko mapigilang 'di mapangisi.  Sumunod ako sa kanyang pagpasok sa building at dumiretso na sa stairs upang umakyat.  Promise, ginawa ko talaga ang lahat para bilisan ang pagligo at pag-ayos but still, I don't think my best was enough. Sobrang nakabusangot si Ralph nang maabutan ko sya sa cafeteria. Mainit pa naman dito at crowded. Napansin ko ring halos na sa kanya lahat ng atensyon ng mga babae dito.  "Ang guwapo talaga ni Ralph," rinig ko pang bulong ng isang babae sa kasama nya habang nakatanaw kay Ralph.  Tumayo sya ng makita nya ako at lumabas na kaagad ng cafeteria. I wonder kung anong ginawa nya sa halos isang oras na nag-aayos ako. Sana sa sasakyan nalang sya nag hintay. May freedom sya dun at may aircon pa.  "Grabe, sobrang bilis mo ha," litanya nya at pinaandar na ang sasakyan. Napatawa naman ako ngunit hindi nya ako pinansin. "So, saan ang unang branch?" I'm trying to boost up the atmosphere. Sobrang tahimik. After all, newly met strangers pa rin naman kami.  "Coffee shop, in front of the school," sagot nya nang hindi ako nililingon. "Coffee shop? Akala ko resto lang?" "Did I ever say na resto lang?" at sinilip nya lang ako for a second at ibinalik na rin ulit ang tingin sa harap. Hindi ko naman dapat pinapansin ito e, pero bakit halos pumutok ang mga ugat nya sa kamay habang nakahawak sa manibela? Natural ba 'yan? Hindi naman kasi mukhang nag e-exert talaga sya ng force, e. Ang laki din ng biceps nya. Matikas talaga ang katawan nya kahit nung unang kita ko palang sa kanya. Kaso hindi naman talaga iyon ang binibigyan ko ng pansin, sa mukha talaga ako nag ba-base. Hindi ko talaga mapigilang hindi i-describe ang isang magandang mankind, but I won't let them notice it. But, these past days mukhang nababali ata iyong prinsipyo kong iyon. Napapadalas akong na o-overwhelm ng lantaran na hindi ako naa-aware.  Ayun nga, pinuntahan namin ang coffee shop at may kinuha lang syang mga papel. Feeling ko, mataas iyong ranggo nya sa kanyang pinagtra-trabahoan. Maka-sir naman kasi sila with matching yuko pa. Pagkatapos sa coffee shop ay may sumunod pang tatlong resto at dalawang coffee shops. Meron daw kasi silang pitong branches dito sa QC at iyon nga ang inilibot namin na inabot kami ng alas dyes. Tinext ko na rin si papa na okay lang ako para h'wag syang mag-alala, pero pagkatapos ko syang ma text ay agad din'g na dead batt ang phone ko. Hindi naman kami nag tatagal sa isang brench since papel lang naman ang kinukuha at may kung ano lang syang ibinibilin sa branch manager, ang sobrang nagpatagal lang talaga samin ay ang byahe. At nag meryenda kami nang mga alas sais sa isang coffee shop at marami syang pagkain sa kotse kaya hindi kami nagutom. Marami na rin kaming napag-usapan at naging mas komportable na isa't isa.  Hindi sya gaano kadaldal, sobrang daldal ko lang talaga kaya nahahawa sya. Tahimik syang tao, kung hindi ako magsasalita, hindi rin sya magsasalita. Nakakahawa lang talaga siguro iyong tawa ko. Maarte syang tao na from time to time ay binabalaan nya akong h'wag ikalat iyong mga supot ng curls kong kinakain, e hindi ko naman talaga ugali ang makalat. Atsaka, hindi kanya itong kotse kaya siguro sobrang maingat sya. Mabilis rin pala syang magmaneho, aba kung hindi siguro inabot na kami ng madaling araw bago nya ako maihatid sa dorm.  Nang makarating kami sa harap ng dorm building, nagulat ako nang makitang halos patay na ang ilaw ng bawat palapag. Wala na ring mga taong gumagala sa paligid. Agad akong napababa at lumapit sa entrance. "Oh, gosh!" bulyaw ko ng makitang nakasarado na ang gate at naka-kandado. Nilingon ko si Ralph na nakasandal sa sasakyan.  "Sarado na..." sabi ko. Nangingiyak na ako while trying to open the lock. "Kahit anong gawin mo hindi mo yan mabubuksan," pag che-cheer nya sa akin. "What am I gonna do?" halos tadyakan ko na ang gate. Hindi maaaring hindi ako matulog dito ngayong gabi. Baka tumawag si Papa sa landlady at itanong kung nandun ako. Malaking problema iyon. Baka hindi nya na ako payagang mag dorm.  "Ano pa? Find a place to spend the night." Kalmado nyang sabi. "Alam mo ba ang sinasabi mo?" balik kong tanong sa kanya.  "You don't have any choice, except if you are willing to yell so they could open the gate for you. As much as I know, all the dorms surrounding the school has a curfew. It's 9 ata." Sabi nya na kaagad na ikinasugod ko sa kanya "BAKIT DI MO SINABI?"  "I thought you already know about it and plans to sleep in some place that's why you seem to be unbothered kanina," sobrang kalmado nya talaga na ang sarap nya nang suntokin.  "Saan naman ako mag ste-stay, aber? Gosh! I'm---" "Thea," dahan-dahan kong binaling ang tingin ko sa kaliwa kung saan nanggagaling ang boses. Madilim na sa kantong 'to, pero dahil sa maputi nyang kutis ay nakilala ko kaagad sya. "M-marcos..." sambit ko.  Naglakad sya papalapit sa akin, papalapit sa amin. "Bakit ngayon ka lang?" tanong nya sa akin. He was staring straight to my eyes. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko at sobra akong kinakabahan sa presensya nya sa harap ko. "M-may pinuntahan kami," sagot ko with my stuttering voice. Gosh, wala syang alam kung anong kaba ang ibinibigay nya sa akin. "With someone you just met?" at halos mapayuko ako sa takot dahil sa mga tingin nya. His voice remained calm but his presence... He always have this kind of presence.  "You know me, Suarez." Mas nabulabog ako sa biglaang pagsabat ni Ralph na nasa harap namin at nakasandal parin sa sasakyan. He still looks cool there habang ako sobrang nanginginig na.  "I just know your name, Jimenez," dahan-dahan kong inilagay ang kamay ko sa aking bibig. Silang dalawa na ngayon ang nagkakatitigan. Mapapansin mo talaga ang tension sa pagitan nila. Ganun ba talaga ang mga lalaki? Why can't they just be cool to each other? Mas dumagdag lang 'yon sa kaba ko, e.  "Do you really think ipapahamak ko ang alaga mo? We're friends." at lumabas iyong nakakainis nyang ngisi. Oh, come on Ralph! Not this time. Magkasing tangkad sila na halos isang guting lang ako sa pagitan nila.  "How can I know?" at ngumisi rin si Marcos. Ano ba ang problema nila? Bakit parang sila 'yong mag-aaway, e ako naman ang issue dito? "We're in front of a minor, Suarez." Pagbabanta ni Ralph habang nakangisi. And by that, ibinalik ni Marcos ang tingin sa akin.  "You'll go with me. Ihahatid kita kay tito," at agad nyang hinawakan ang palapulsuhan ko and he dragged me to his car. Hindi ako makareklamo o maka kibo man lang. Natatakot ako sa kanya.  Mabilis nyang pinaandar ang kanyang kotse na halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Pasimple akong nanalangin na sana ay magbago ang isip nya at hindi nya nalang ako ihatid kay Papa. I'm in a real trouble now. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD