"Ang aga natin, Thea, ah." Bungad ni Cedric sa akin nang makalapit ako sa kanila sa gitna ng field. Pansin kong medyo busy si Ralph habang kausap ang kanilang coach kaya hindi nya napansin ang pagdating ko.
"Oo nga, e. Sobrang busy si Captain, ah." Sabi ko at tinuro si Ralph na seryosong kinakausap pa rin ang coach nila.
"Dalawang b'wan rin kasi syang nawala at isa pa, soccer is life ang motto nya. Inuna pa nga ang field kesa sa mga professors nya." Natatawang sambit ni Boy na lumapit na rin sa amin. Napangiti naman ako. Pansin ko rin naman kung gaano nya ka mahal ang soccer, e. Obvious na obvious kaya.
"Scratch that," at bigla na lamang sumulpot si Tristan sa usapan at siniko pa talaga si Boy. "Inuna nya si Thea sa pagdating na pagdating nya. Hindi umattend ng training nung sabado at linggo para samahan si Thea sa outing ng kanyang klase. Isn't it amazing, dudes?" Aniya na wari ay tuwang-tuwa ito. Nailang naman ako sa kanyang sinabi habang sila naman ay todo tukso sa akin.
"Baka 'Thea is Life' na ang bagong motto ni boss," at nagsitawanan silang lahat. Napangiwi na lamang ako.
"Good Morning." Napangiti ako nang marinig ang kalmadong boses na iyon. Unti-unti itong lumapit sa amin dahilan upang mawala ang tawanan nila Cedric.
"Mas maganda ka pa sa umaga," mahinang dugtong nya habang nakatingin sa akin. Kaagad akong napaiwas ng tingin. Lumakas ng doble ang kaninang hiyawan nila. Si Ralph talaga! Pwede naman'g bumanat nang hindi sa harap ng team nya, 'di ba? And it sounded even more corny kasi of his tagalog. Pakiramdam ko tulay mukha na akong kamatis dahil sa pag-iinit ng mukha ko. Ang aga-aga pero ito na naman ako, pinagpapawisan na.
"Boss! Gumagaling ka na talaga!" Ani Noel habang tawang-tawa. Hindi ko maibalik ang tingin ko kay Ralph. Nakikita ko pa rin kasi sa peripheral vision ko na sa akin pa rin nakapukol ang mga tingin nya. Gusto kong hawakan ang dibdib ko kung okay pa ba ito, feeling ko kasi konting-konti nalang ay tatakas na sya sa rib cage ko.
"Kanina ka pa dito?" Imbis na pansinin nya ang kanyang mga teammates ay hindi sya sumagot sa mga ito at nasa akin pa rin ang kanyang atensyon. Naku naman, Ralph! Bakit ka ba ganito? Pinapahirapan mo ako, e!
"K-kakarating ko lang naman..." Sagot ko at pinilit na tingnan sya pero sumuko din ako after 2 seconds. Pakiramdam ko ay pag nagtagal pa ako sa pagtingin sa mata nya ay mailuwa ko na ang aking kaluluwa. Gano'n kalakas humigop ang kanyang mga tingin. Masyadong malalim.
Gustong-gusto ko nang mag mura kanina pa talaga! Ang lapit nya sa akin at amoy na amoy ko ang kanyang pabango. He is wearing a soccer jersey na bakat na sa kanyang katawan dahil pawis na pawis na ito. Sa tingin ko ay kaninang madaling araw pa sya narito. Hindi ko magawang i-explain kung paano mag-usok ang kanyang katawan. Ang pamumula ng kanyang balat at mukha ay nagdagdag sa kanyang appeal ngayon. He is smoking hot right now!
Hindi ko alam pero hindi ko talaga maiwasang hangaan LANG sya. Buong team naman kasi ng soccer ay masasabi mong pinagpala silang lahat sa appearance. Iyon'g aakalain mo talagang nasa requirements sa team nila ang pagkakaroon ng magandang visuals.
Pinili kong manuod sa kanilang paglalaro mula sa malayo. Gusto ko kasing titigan lang nang titigan si Ralph at hindi ko iyon magagawa sa malapitan dahil baka mapansin nya at kung ano pa ang isipin.
Kahit sa malayo ay pansin na pansin sya dahil sa anking tangkad at maputlang kulay. Mestisong lalaki talaga si Ralph. Naikwento nya rin sa akin noong nakaraang araw sa phone call nang nasa Europe pa sya na he tried to tan his skin daw. Iilang ulit nya ginawa iyon dahil he thinks it's not manly daw magkaroon ng ganyang kaputing balat but he failed, namumula lang daw sya. Kahit anong gawin nya, 'yon na sya, e. And I think he's cuter that way. His skin suits him very well.
When the bell rang sa high school building ay tumayo kaagad ako. Nakita kong kaagad namang napahinto si Ralph sa kanyang ginagawa at tumakbo papalapit sa akin. As I watched him running towards me... Bigla na lamang humina ang ikot ng mundo ko. Totoo pala talaga iyon. Ang buong akala ko'y sa mga movies at drama lang iyon nangyayari pero totoo sya! Detilyado kong napagmasdan paano umalon ang kanyang buhok habang tumatakbo. I can clearly see how his muscles flex habang papalapit sya. Ang pagpatak ng kanyang pawis ay malinaw ko rin'g napagmasdan.
Naramdaman ko paano nanikip ang dibdib ko sa aking nadarama. Masyado bang mabilis upang maramdaman ito? Masyado bang maaga parang magkaro'n ako ng ganitong attraction kay Ralph?
"Hindi mo naman akong kailangan ihatid pa," wika ko nang mapansin ang mga tinginan sa kanya ng mga high school girls na nadadaanan namin habang tinatahak namin ang daan papunta sa aking classroom. Naiinis ako sa tuwing may tumitili at kinikilig na babae habang pinagmamasdan sya. He is in his hottest state kaya! Pawis na pawis and his fitted jersey... Hayyy.
"Just let me do this, okay? This is what I want." He replied. Hindi na lamang ako sumagot pa. Mas inintindi ko iyong nagnanasa sa kanya ngayon kesa sa nakakakilig nyang sinabi. I didn't know that I can be this possessive...
Napabuga ako ng malakas na hininga nang makarating na nga kami sa aking classroom. Nagsingitian ang buong klase nang makita sya, nakita ko namang ngumiti rin si Ralph sa kanila.
"Thanks. Sige, balik ka na dun," sabi ko na nginitian na lamang nya. Tatalikod na sana sya sa akin nang hawakan ko ang balikat nya. Oh, shet. Andito na naman ang kuryente.
"Hm?" Taas kilay nyang sambit.
"Run. Please tumakbo ka pabalik sa field. H'wag na h'wag kang titigil kahit sino pa man ang tumawag sa'yo, okay? Kung pwede lang sana na takpan mo ang mukha't katawan mo habang naglalakad dito ay gawin mo pero dahil wala ka na namang scarf na dala, so tumakbo ka. Humanda ka talaga sakin pag may marinig akong may pinansin kang SHS student." Mariin kong sabi sa kanya. He listened to me carefully pero nang matapos akong magsalita ay sumilay ang nakakalokong ngiti nya. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Do you really think I am into high school girls?" Aniya na pinagdiinan talaga ang high school student.
"A-aba, malay ko!"
"Do you seriously think somebody could be prettier than you in this building?" He said while smiling at me. Aba at! Akala nya ba'y kikiligin ako?!
"Hoy, Ralph Jimenez! So ibig sabihin sa building lang namin? E, sa college? Naku, Ralph, ah. Naiinis ako." And I crossed my arms. Naku naman talaga! Hindi ko ugali ang mag rant tungkol sa ganda pero pinipilit talaga ako nitong si Ralph, e!
"Did I ever say that? I'll go now, your teacher's here," he playfully said. Sinamaan ko sya ng tingin and pouted.
"Oh, come on! Stop doing that! Babalik pa ako sa field," he said and acted like he's frustrated. Napatawa ako ng kaunti.
"O sya, sige na. Papasok na ako. Ang sinabi ko, ah! Tumakbo ka. Sige nga, mauna ka nang umalis..."
"What? You go in now." At mahina nya akong tinulak sa classroom. Nagmatigas naman ako.
"Ayaw, Thea. Gusto Thea ikaw muna takbo alis." I said while sounding like a child and pouting. Naigulo nya ang kanyang buhok while looking at my expression. "Why do you have to be this cute?" He said between sighs.
"Okay, okay. Heto na oh," at bahagya na syang humarap sa likod pero nasa akin pa rin ang tingin. "Go!" And I gestured my hand.
"See you later," aniya bago kumaripas palayo. Ginawa nya nga ang sinabi ko, tumakbo sya ng napakabilis.
I won't be able to be with you in your break, I still have a class. I asked someone in Viex to deliver you food. Please do not do anything stupid. See you later!
Bahagya akong napatawa nang mabasa ang mensahe ni Ralph. Nagtampo kasi ako once sa kanya dahil ang liit ng mga reply nya and his reason is tinatamad daw syang mag type, he prefer calls daw. That day, I just wanna test kung hahabaan nya ba ang reply nya para mawala lamang ang tampo ko sa kanya pero he did. Mula no'n ay parang MMK na sya kung mag text or chat sa akin. Good boy.
Yes, boss!
I replied.
Maya-maya pa ay dumating si Celine upang ibigay sa akin ang ini-utos ni Ralph sa kanya. Nakangiti kong tinanggap iyon.
"How to be you, po?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Emy sa tabi ko while looking at the large burger and strawberry na nakalagay sa paper bag na may nakalagay na 'Viex Cafe' Maging ang lalagyan ng juice ay may tatak din naman at maging ang mga tissue.
Nagpaalam kaagad si Celine sa akin dahil may klase pa raw sya, humingi naman ako ng pasensya sa kanya nang malamang sa kalagitnaan ng klase pa sya inutosan ni Ralph. Si Ralph talaga.
"Hatiin natin 'to?" Ambang hahatiin ko na sana ang burger nang pinigilan ako ni Emy. "Gustong-gusto ko ang burger ng Viex pero nasa diet ako, e," she said and pushed a smile. Napatawa naman ako. "Seriously?"
"Oo. Kaya, sa'yo na yan," at lumayo ito sa akin. Para na rin siguro makalayo sa temptasyon. Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at nagsimulang kumain. Mabuti nga rin 'yon kay Emy, medyo mataba na rin kasi talaga sya at nakakasira na iyon sa postura nya. Maganda naman talaga sya despite her being chubby.
Sinundo ako ni Ralph ng lunch upang sabay na raw kaming kumain sa Viex Dine. May iche-check din daw sya do'n. Sobrang busy-ing studyante ni Ralph kaya hindi ko maiwasang mapahanga sa kanya. Paano nya napagsasabay ang soccer, studies, and Business? Pakiramdam ko ay halos wala na syang tulog. Konting-konti nalang din naman makaka-graduate na rin sya kaya konting tiis nalang din.
And I was thinking... May pamilya pa kaya si Ralph or kapatid? I mean, ni minsan kasi ay hindi nya iyon naikwento sa akin. He said he is staying in a house raw dito lang sa QC, he didn't mention that he is living with his family.
Nang makabalik ito galing sa kinausap nyang branch manager ay kaagad ko na syang tinanong.
"I do have 2 siblings. Two girls. Raphaella, who's in 8th grade and Raphaine in grade school," aniya nang nakangiti. Napangiti naman ako. I can see love in his eyes while talking about his siblings.
"Nasaan sila nakatira ngayon?"
"They are all in States with Mom and Dad." He said still smiling. How can he smile? Sya lang ang natitira dito... Nasa ibang bansa ang buong pamilya nya. Nalungkot ako sa aking narinig. Saan sya nag sh-share ng mga problema nya if his family is not here? Is he just like me? Malungkot ang buhay?
"Bakit ayaw mong sumunod sa kanila do'n?" I asked. Hindi maitago ang pait sa mga salita ko.
"Why would I? I am happy here. I am happy in managing my own business and nandito si soccer. My life's here." He replied while genuinely smiling. Masaya nga sya rito pero didn't he miss them? Kasi ako, kahit ilang b'wan pa lang akong nandito miss na miss ko na ang pamilya ko, e.
"Do you visit them every summer or?"
"Yes, of course. Every long holiday break. I cannot go home every summer because of soccer training," at napatango-tango ako habang nagsasalita sya. He is so tough. He is here alone pero nagawa nyang palaguin ang kanyang itinayong negosyo. Ralph is not just a typical guy. He is a man with dreams and goals na hindi ko alam kung ano pa ba ang gusto nya, e, nasa kanya na naman ang lahat. He's one of the youngest successful entrepreneurs in the Philippines. Ano pa ba'ng gusto nyang maabot in his current state?
"I will be staying here for the rest of my life. Philippines is what I consider my home. Without or with my family, this is my home. This is where the things I love are located...This is where you are..." Aniya in his serious tone and expression. Hindi ko magawang pumalag sa mga tingin nya. Parang nai-kandado nya na ako dito... Oh, gosh.
"Let me get this straight, Thea... I know you're too young to hear this but I just can't let you go. I know this is being selfish and you don't deserve this... You're young, a minor to be exact but I'm dead serious on you. I just can't let you go..." Diretso nyang sabi. For a moment naputol ang paghinga ko sa sinabi nya. He is now holding my hands in the table. I can see how serious he is while saying those. And I'm afraid...
"I know you may think that it is too soon for me to like you this much already but I do. The first time I saw you infront of the Registrar---I hate to say this but that was what they call love at first f*****g sight... For the first time in my life I asked a girl her f*******: name which is really a bullshit question because I could've just asked your phone number for you obviously look young. That f*****g moment I knew... This 16-year-old girl will mean so much for me..."
I can't speak. I am looking straight in his intense eyes. He is speaking with his heart and I can't just interrupt it.
"I don't plan to tell you this. I tried to act like an older brother to you but I always end up failing. I knew you noticed it." He then bit his lower lips as he continues, "Your beauty is irresistible, I hope you're aware of that. In every video calls and calls we had, the space you're occupying in my mind is getting larger. I let it be that huge for I don't know reason. I am completely aware about this corrupting minor law but still, I tolerated my demons. My weakness..."
Naramdaman ko paano nanlambot ang buong katawan ko...
"I am saying this right now not because I want to ask for your hand, but just to let you know that I so damn like you now, Thea. I am informing you for you to respect it. To avoid getting close to any boys when I'm around, because I am so damn sensetive when it comes to someone I really like! I am not asking for a reciprocation from you, I just want you to... Respect it. I know you're a teenager and needs to enjoy her teenage life but just don't do it when I'm around. Don't let me know that you're sick, you're hurt, you like someone else... Don't let me know that because Shakespeare knows how fast I can run back to you."
My tears began to burst. I don't know how to absorb it all...
"Do you understand me? Does it make any sense? Ha? I really like you so take care of yourself for me. Nandito lang ako palagi para sayo kahit anong taboy pa ang gawin mo sakin dahil gusto kita, okay? You need to respect my feelings. I am very sorry for feeling this way pero nandito na, e. I can't do anything about it anymore. I will just be here, watching you grow as a lady. I will wait for you till you're ready. Let me do this, okay?" And he touched my face to wipe away my tears.
"We don't need to rush things, Thea. And I'm sorry for this mess. I don't like seeing you get hurt. I want to watch you grow everyday, I want to be your guide in your every way. Just let me. Let me be there always..." He continued while looking at me. He sounded so serious and genuine. I cannot take everything inside my system...
Dahan-dahan akong napatango sa kanya. I can feel how my body trembles as my tears kept on falling. I can't stop it. I am stunned and I do not know how to respond...