Kabanata 15

2374 Words
The moment I entered my room, kaagad kong binagsak ang aking sarili sa kama. Pagod na pagod ang sistema ko... Gusto ko man'g matulog but thoughts are hunting me to death! Ipinikit ko ang aking mata at pinilit lituhin ang aking diwa para makatulog pero patuloy pa rin'g bumabalik iyong mga nalaman ko kanina, iyong mga narinig ko. Sa buong afternoon class ay lutang na lutang ako, maging dito ba naman sa bahay? Ralph's all over my mind and all! Halos lahat na bagay na nakikita ko mula kanina pa ay nakokonekta ko sa kanya! Maging pinto, phone, sasakyan, burger! Parang naging middle name ng lahat ng bagay sa paligid ko ay ang pangalang Ralph. Ugh! this is insane. Nandito lang ako sa kama't nakahiga habang pinagmamasdan ang kisame for almost 2 hours. Alas syete na ng gabi pero heto pa rin ako, naka-uniform at lahat. Ayokong tumayo! Ayokong may maikonekta na naman ako kay Ralph. Tumunog ang cellphone ko, may tumatawag. Ayoko sanang tingnan kung sino yun pero baka si papa iyon at mag patawag na naman ng search and rescue operation kapag hindi ko sinagot ang tawag n'ya. Last month kasi ay ginawa nya na 'yon. Hindi ko kasi nasagot ang tawag nya dahil naka silent mode ang cellphone ko at... Nag sk-skype kami sa laptop nun ni Ralp--Oh, shet. Bakit na naman ba napunta sa kanya ang topic? Ugh. Nabitawan ko ang phone ko nang makita ang caller ID. Bumilis kaagad ang t***k ng puso ko. I cleared my throat bago pinulot ang nalaglag kong cellphone. Nanginginig kong ni-tap ang accept. "H-hello," bigkas ko. Hindi maitago ang pangamba sa boses ko. Hindi ko alam pero natatakot akong marinig ang boses nya, baka... Baka... Lumala itong nararamdaman ko. "Done dinner?" Biglaang umakyat ang init at elektrisidad sa mukha ko. Bumilis ng triple ang t***k ng puso ko the moment I heard his voice. Medyo husky pa ang boses nya ngayon dahil kakatapos lang siguro ng training nila sa soccer. His voice sounded tired but what the heck? Bakit ang hot pakinggan? "Hindi pa, bababa na rin ako sa canteen," sabi ko at tumayo na kaagad sa kama. Hindi ko alam pero ang laki ng epekto ng boses nya ngayon sa akin, parang gusto ko kaagad maghaponan dahil lang do'n. "Good. But If you want I can fetch you there right now. Papunta akong Viex," and before I knew it... Nasa kotse nya na ako. Parang naging instant alipin ako ng mga salita nya, hindi ko makayang hindi-an ang bawat alok nya... And I think this is the real trouble now. "Why are so quiet?" Aniya na nagpalingon sa akin mula sa pagkakatingin sa labas. "Ano namang sasabihin ko?" Medyo natatawa kong sambit. I am trying to lift up the awkward atmosphere am feeling. Feeling ko kasi ako lang itong nakakaramdam ng awkwardness after his confession. Hindi man lang sya naiilang. Normal pa rin sya. Sya pa rin ang dating Ralph kaya naisip ko na baka kailangan ko rin'g umaktong propesyonal at kaswal. Siguro naman ay kaya ko iyon... "Anything. I want to hear all your thoughts. I don't like seeing you getting drown to your unsaid thoughts when I'm around. I want you to share everything that's bothering your pretty mind." Mahaba nyang litanya na nagpaawang na naman sa bibig ko. How could I act normal if he's like this? Tell me! How?! "You're not allowed to be quiet when you're with me. Speak. Even though I'm a man of few words I'll try my best to respond in your every thought." And again, I am left dumbfounded while looking at his eyes. He really knows how to slay everything! He knows how to slay my heartbeat! "B-bakit ka ganyan?" Those words suddenly blurted out from my mouth. Kumunot ang kanyang noo pero kalaunan ay ngumisi sya. "Just like this situation, you got the weirdest thoughts ever. I do not know what to respond. I don't know if you notice it but I always end up laughing as my response. I just don't know what to say..." He said while half laughing. Hindi ko magawang matawa. Hindi na naman ulit ako makaimik dahil sa sinabi nya. Bakit ba kasi ganito sya ka straight forward? At bakit rin kasi hindi pa ako nasasanay sa kanya?! "Bakit ba kasi kailangan mong maging ganyan?" I said out of frustration. Halos masubunutan ko na ang aking sarili dahil sa biglaan ko na lamang nararamdaman sa tuwing maririnig ang mga ganoong salita galing sa labi nya. "Anong ganyan?" Natatawa nyang wika. I rolled my eyes at him. "Ganyan! Mga salita mo! It brings uneasiness to me! Ugh!" I blurted out at umiwas ng tingin sa kanya. I heard him chuckled, napanguso na lamang ako. "What do you want? Those words are naturally coming out from me," aniya nang natatawa. Ibinaling ko kaagad ang tingin ko sa kanya and I glared at him. "Natural?! So, ganyan ka talaga sa lahat ng babae mo? Oh, wow! Mabuti't nagkaalaman na!" Then I turned my face at the window and crossed my arms. Inihintu nya ang kotse sa gilid ng daan. I felt his hand on my shoulders. Inialis ko naman kaagad iyon. "What I'm trying to say is, I said those words unconsciously, natural na lumalabas sa bibig ko. They were the words na ikaw lang ang nakarinig at makakarinig." He explained as he touches my hair and combed it with his fingers. I felt the shivers crawled down to my spine because of that. Nanindig ang mga balahibo ko and biglaan na lamang nagkagulo ang loob ko. May riot sa loob ko... May malaking away... Ang bibigat ng bawat t***k ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag ang sensasyong aking nadarama habang nasa buhok ko ang kanyang kamay, ang kanyang mainit na kamay. "T-totoo?" "I don't think you deserve to be lied on," and he smiled at me as I turned my face on him. Sa tingin ko ay hindi uubra ang aking mga kaartehan sa kanya. Sa huli ay ako pa rin naman ang susuko dahil sa kilig. Hays. "Wait," sambit nya at iniabot ang kanyang backpack sa backseat ng sasakyan. Binuksan nya ito at may kinuhang rectangle box doon. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang laman ng mga ganoong kahon. Nagsimulang manghina ang aking buong sistema habang binubuksan nya ito. There, I saw a silver necklace. Itinaas nya iyon at ipinakita ng klaro sa akin. The pendant is formed like a rose. May pulang diamante sa gitna nito. Sobrang ganda. "I bought this from Europe. I don't have plans on buying stuff  like this there but when I saw this, I remembered you," dahan-dahan nyang isinikop ang aking buhok at inilagay iyon sa aking kaliwang balikat upang mailagay nya ang kwintas. Masyado syang malapit. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. Napalaki ang mata ko nang makita ko nang malapitan ang kanyang leeg. Ang dami nyang moles. Sobrang dami. Para iyong mga bituin, sobrang gandang pagmasdan at nakakaingganyong hawakan. I've seen his neck before but ngayon, I felt a huge difference. Dati naman ay hindi naman ako gaano'ng apektado sa mga ganitong parte ng katawan nya pero ngayon... Lahat nalang napapansin ko't hinahangaan. Nabubuang na ata ako. "...kasing ganda mo kasi ang kwintas na 'to." Pagpapatuloy nya. Lumayo ito sa akin at pasimple kong ibinuga ang kanina ko pang pinapigilang hininga. Pinagpapawisan na naman akong malamig. "T-thank you," sambit ko nang hindi nakatingin sa kanya. "It suits you really well," aniya. Ngumiti na lamang ako. Pagkatapos naming mag hapunan sa Viex na halos iilang minuto lang dahil mag a-alas nwebe at curfew na ng dormitoryo ko ay inihatid nya rin kaagad ako pabalik sa dorm. Alas singko ng umaga pa lamang ay gumising na 'ko. There's no special reason, swear. Alas sais ay tumungo na ako sa school. Nakangiti kong tinahak ang daan papuntang school field. Mula sa malayo ay matatanaw mo na kaagad ang mga soccer players na nag d-drill na. Bigla na lamang nalusaw ang aking mga ngiti nang makita ko si Ralph kausap ang isang babae. Nagdalawang isip ako kung lalapit pa ba ako o hahanap nalang ng ibang lugar na pupuntahan. Kitang-kita mula rito kung paano nakangisi ang babae at abot langit ang saya habang kausap si Ralph. Ito namang si Ralph ay sumasagot din sa mga kung anong sinasabi ni girl! Ay ang landi, ah. Pumanhik ang daan ko papunta sa school gym. Nang makarinig ako ng ingay ng bola't sapatos mula sa loob ay mas binilisan ko ang paglalakad papasok dito. Hindi ko alam pero ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha. I pushed a smile before entering the gym. Wala pa'ng ni isang istudyanteng nanunuod sa kanila just like the usual kung hindi ang mga players lamang ang laman neto. Dulot na rin siguro sa kawalan ng presensya ng ibang tao dito bukod sa kanila ay napansin kaagad nila ang pagpasok ko. I waved at them. Nakita ko kaagad si Marcos na ang lapad ng ngiti sa akin. Inilaglag nya ang dala nyang bola at tumakbo papunta sa akin. "Hey," he casually said. Hindi ko alam kung naiilang ba ito o ano pero pinanatili nya ang isang dupang distansya namin. "Kanina pa kayo nandito?" "Ahm, yes. 4am." "Ahhh. Pawis na pawis, ah..." and I touched his shoulders. Naramdaman kong napatindig ito dahil sa paghawak ko kaya inialis ko rin kaagad ang kamay ko sa abaga nya. What's with him? "A-ah, Oo. Ang aga mo, ah." "Ang aga ko kasing nagising kanina at hindi ko type iyong mga ulam sa canteen namin kaya napag-isipan kong dito nalang mag breakfast," "Samahan na kita sa cafeteria. Tara," at bigla na lamang itong naglakad palabas ng gym. Wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. "E, paano ang training mo?" I asked him. "Kaya na nila yan." Nasabi nya lang 'yan dahil wala iyong coach nila. Magkasabay naming tinahak ang cafeteria. Mabuti naman at may bukas ng mga stores. He insisted na sya na raw ang magbayad ng pagkain ko and knowing him, kahit ano ko pang pilit na ako na, mas matigas ang ulo nya'n sakin, e, kaya ayun. Pinilit ko si Marcos na samahan nya na ako sa breakfast pero nakakain na raw sya. Para namang maniniwala ako, e, after training kaya sya nag b-breakfast. Nakalimutan nya atang halos isang b'wan din kaming nagkasama nun. Pagkatapos kong kumain ay sinamahan ko ulit sya sa school gym. May sasabihin lang daw sya sa teammates nya bago nya ako ihatid sa aking classroom. Mag ta-tatlong b'wan na ako dito pero halos araw-araw pa rin'g may naghahatid sa akin sa classroom. Ano ba tingin nila sakin? Baby? Kinausap din naman ako ng iilang basketball players, gano'n pa rin iyong trato nila sakin. Mababait at nahihiya pa rin. Inihatid nga talaga ako ni Marcos sa classroom. Nasa palapag na kami kung nasaan ang aking classroom nang makasalubong namin si... Ralph? Bakit may scarf na nakabalot sa mukha nya? Mukha syang muslim. Gusto ko sanang matawa pero naalala ko na naman iyong itsura nya habang may kalandutan kanina. Uminit na naman ang ulo ko. "Bakit ganyan ang mukha mo, Jimenez?" Natatawang sambit ni Marcos kay Ralph. Ni hindi man lang sya tinapunan ng tingin ni Ralph at diretso lang ang tingin sa akin. Nanlalamig na naman ako dahil sa mga titig nya. "Where did you go?" Bagkus ay tinanong ako nito. Seryoso ang mga titig nya sa akin. Unti-unti nitong hinihigop ang lakas ko. "Breakfast. With him." Mariin kong sabi. Pasalamat na lamang ako na hindi bumiyak ang boses ko. Nakita ko paano nanlambot ang mga tingin nya. Mas nanlambot ako sa aking nakita sa kanya. Naramdaman kong may sumikop sa aking puso. Nanlumo ang puso ko. Hindi ko naman ini-expect na ganun ka lakas ang epekto nun sa kanya. I mean, hindi ko naman intensyon na ipagdiinan iyong sinabi ko. At sa tingin ko wala namang mali dun. "Breakfast. With him." Wala namang sensitibo doon, ah. "Ikaw na maghatid sa kanya sa classroom nya. Alis na ako, Yet." Wika ni Marcos and tapped my shoulders. Napansin kong tumungo sa kamay ni Marcos na dumampi sa balikat ko ang tingin ni Ralph. Mas dumoble lamang ang panlulumo ko. Konsensyang konsensya na talaga ako. Bakit ba sya nagkakaganito? Dapat nga ako itong nag-iinarte, e. Ayoko sanang umalis si Marcos dahil hindi pa ako handang harapin si Ralph pero ayun nga, pumalag na. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko kay Ralph. Not that I don't have a reason pero dahil sa mga tingin nyang nakakapagpatikom sa bibig ko. Nanatiling nakatitig si Ralph sa akin nang hindi nagsasalita. Hindi ko rin magawang magsalita. Ano 'to? Staring game? Oo na! Alam ko nang talo ako. "Gutom kasi ako, hindi ako nakapag-breakfast sa dorm kaya nagpasama ako kay Marcos..." Panimula ko. Batid ko kasing wala syang planong magsalita. Ngunit hindi pa rin sya umimik. Nanatili lamang ang tingin nya sa akin. Napakatalim. Mahapding tingnan. "Kung wala kang sasabihin, mauuna na ako--" napahinto ako sa pagsasalita nang pwersahan nyang inialis ang scarf na nakabalot sa mukha nya. "I hate myself, too, for being this sensitive, Thea." Aniya at ibinagsak ang suot nya kaninang itim na scarf. Halos nahigop nun ang buong hininga ko. Literal na hindi ako makahinga dahil sa sinabi nya. Hindi ako makahinga pero ramdam na ramdam ko ang malalakas na tambol ng puso ko. Halos mabingi ako sa lakas nito. "f**k myself for being this selfish." And he walked away. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa bumaba ito sa hagdan. I left there wondering of what I've done. Inalala ko muli iyong sinabi nya kahapon... He wants me to stay away from other guys when he's around because he's too sensitive when it comes to someone he really likes. He's not being selfish, at all. He just asked me to be careful only when he's around dahil alam nyang napakasensitibo nya, in other words sobrang seloso nya. He just don't want to face jealousy that's why he asked me that. Ayaw nya lamang makita iyon sa sarili nyang mata, dahil alam nyang ganito ang mangyayari. This is how he reacts to jealousy. Crap. What have I done?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD