"Uy! Anyare sayo? Bakit mukhang hindi ka mapakali d'yan?" Wika ni Emy sa akin habang nagka-copy kami ng notes na nasa pisara. Kanina pa kasi ako hinto nang hinto sa pagsusulat. Every minute kasi ay naalala ko si Ralph. Ang mga sinabi nya, ang mukha nya kanina, ang kanyang mga tingin. Sino ba naman ang magkakaron ng peace of mind pagkatapos marining ang mga iyon...
"W-wala," sambit ko at pinagpatuloy ulit ang pagsusulat.
Hays. Bakit ba kasi ang tagal ng dismissal? Hindi ko kasi sya nakita nung break at lunch kanina. Sabi ng mga teammates nyang pinagtanongan ko, pagkatapos daw nyang umalis kaninang umaga para hanapin ako ay hindi na raw ulit ito bumalik sa field. Mas nag-alala lang tuloy ako. Wala talagang mas aarte pa kay Ralph, pinanganak na ngang richkid, sobrang sensitibo pa. Hindi ko tuloy alam anong gagawin. Kanina ko pa sya tini-text, e. Every hour ay tumatawag ako pero nakapatay ata ang phone nya. Asan kaya sya ngayon? Nasa klase ba sya or lumabas ng campus? Naku naman.
Nang matapos ang last period namin ay kaagad na akong nag-ayos upang lumabas ng classroom. Wala na akong pakealam kung may mga sasabihin pa ba ang aming adviser basta kelangan ko na talagang hanapin si Ralph.
Hawak-hawak ang kanyang black scarf kanina ay inilibot ko ang campus. Di bale nang mag mukha akong naliligaw na bata sa college building mahanap ko lang talaga si Ralph.
"Pretty face!" Tawag ni Tyler sa akin habang kumakaway. Napangiti naman ako nang makita sya. He's Ralph's friend, baka alam nya kung ano ang klase nito or baka magkaklase pa nga sila ni Ralph.
Lalapit na sana ako sa kanya nang tumakbo ito papunta sa akin. Iniwan nya iyong mga kausap nyang lalaki na todo ngiti ngayon sa akin. Ang we-weird ng mga college boys.
"Hi, Tyler!" Masiglang bati ko sa kanya. Lumapad ang ngiti nito na halos hindi na kita ang kanyang mata. Ang tangkad-tangkad rin nitong si Tyler. Gwapo, moreno, makisig... Tall, dark, and handsome, sya iyon.
"Ba't ka nadapo dito? May hinahanap ka?" Aniya. Napansin nya ata ang pagsilip ko sa mga classroom.
"Ah, Oo. Nakita mo ba si Ralph?"
"Si Ralph? Uhm... Not sure. Pero baka pumasok sa klase... namin," he awkwardly said at napakamot sya sa kanyang batok. Napataas ang kilay ko sa kanya habang nangingisi.
"Hindi ka pumasok?" Tanong ko. Mukhang wala naman syang importanteng ginagawa dito, e. Parang may pinagtri-tripan lang ata sila ng kanyang barkada.
"You know, there are times in our life that we need to unwind. I'm pretty tired from our battle of the bands earlier. And I have a free credit for this day." Nakangiti nitong sagot. Napangiti rin naman ako. Atleast he's not that bulakbol pala.
"Battle of the bands?"
"Yeah. Congratulate me, we won." Kalmado nitong sabi na bakas iyong pagka-proud sa kanyang sarili. Napapalakpak naman ako for my amazement. "Aba, ang galing! Congratulations! Ano position mo?"
"Vocalist," nakangiti pa rin nitong sagot. Palangisi talaga 'tong si Tyler, e. Ang cute nya kaya.
"Grabe! Tatahimik-tahimik ka lang pala d'yan! E, bukalista ka pala. Edi sana ay nakapanuod ako kahit sa gig nyo man lang." At hinampas ko ng mahina ang balikat nya. Napansin ko ang pagkagulat sa mukha nya nang dumampi ang kamay ko sa katawan nya. Abno talaga.
"I tried inviting you once but Ralph's a great manipulator. He controls everything with his bare-left hand. You should watch him shoot, he controls bullets like they are his employees." He said while smirking. Napakunot ang noo ko sa aking narinig. Anong ibig sabihin nun? Ang gulo, ah.
"You mean guns?" I asked and he nodded.
"He's a great shooter. Greater than you can imagine. There are a lot of things you didn't know about Ralph. Go, discover it yourself," and he tapped my shoulders. Napaawang ang bibig ko sa kanyang mga sinabi.
Sino si Ralph? Serial killer ba sya or ano? Bakit sabi ni Tyler sobrang galing nya sa baril? Bakit kailangan nya ang baril? Why is he good at it? Bakit sabi ni Tyler ang dami ko pang hindi alam kay Ralph? Isn't he just a normal rich kid? Kaya ba halos lahat ng tao ay takot sa presensya nya? I can still remember how people treat him with respect always... Hindi lang mga empleyado nya, maging ang mga nakakasalamuha naming mga estudyante...
Wala sa wisyo akong naglalakad ngayon papunta sa tinuro ni Tyler na classroom nila. Hindi nya na raw ako masasamahan dahil kailangan nya pang i-arrange iyong victory party nila mamaya. Okay lang din naman sa akin ang puntahan si Ralph nang mag-isa.
Nang makita ko sa pinto ng isang room ang numerong sinabi ni Tyler ay napahinga ako ng malalim. Dapat siguro ay h'wag ko munang isipin ang mga sinabi ni Tyler. Baka nagloloko lang 'yon. Malokong tao naman kasi talaga si Tyler, baka napagtrippan lang ako.
Timing naman nang sumilip ako sa kanilang silid ay nag dismiss ang kanilang professor. Pumwesto ako sa lugar kung saan makikita kaagad ako ng mga lalabas sa pinto. Nakita ko paano sumulyap sa akin ang mga lalaking kaklase ni Ralph. Nainis ako sa ilan na sumipol pa. Hindi naman ako naka bikini rito pero kung makatingin naman sila ay parang hubad't lahat ako.
Halos maubos na ang laman ng classroom pero wala pa rin'g Ralph na lumabas. Napanguso na lamang ako. Pagod na rin kasi ako kakalibot sa campus. I was about to walkaway nang lumabas ang taong hinahanap ko sa pinto ng silid. May backpack ito na naka sabit sa kaliwang balikat nya. He is looking at me intensely. Napalagok ako sa sariling laway.
"Why're you here?" Tanong nito at tuloyang lumapit sa akin.
"I'm sorry." Diretsong bigkas ko't napayuko. Hindi ako naiiyak pero lubos na nalulungkot ang puso ko. I didn't mean to make him feel bad...
"Ba't ka nag so-sorry?"
"For... For earlier. I forgot about your sensitivity--"
"No. That wasn't your fault at all. Don't look at me that way again," at tinuro nya ang aking matang nalulungkot na nakatitig sa kanya.
"It hits my ego." And then he forcefully get off my bag from my shoulders and he wore it in his right shoulder. "At hindi mo dapat ako hinanap," he said while looking straight in my eyes.
"Because you know, I'll run after you always, ako ang tatakbo papunta sa'yo. You should never run towards a man. You don't deserve that." And he started walking and gestured me to follow him.
Tahimik ako sa buong paglalakad namin papunta sa kanyang kotseng iiba na naman. Halos every week ay iba-iba ang ginagamit nya. Oh, edi sya na mayaman.
"A-attend ka sa party nina Tyler mamaya?" Sa wakas ay nagawa ko rin'g magsalita. I was just curious kung pupunta ba sya since he's Tyler's friend.
"Do you want me to go there?" Balik tanong nya nang hindi man lang ako sinusulyapan at diretso lang ang tingin sa daan. He's cuter with uniform on, he looks like a smart, handsome, school boy.
"Bakit ako tinatanong mo n'yan? It's your decision."
"I want you to decide for me."
Napaawang na naman ang bibig ko sa sinabi nya. Kinikilig na naman ako. Hindi ko na talaga alam anong gagawin kay Ralph.
Napaisip ako... Kung dadalo sya, syempre masasayahan si Tyler dahil sa presensya ng kanyang kaibigan. Maii-enjoy din ni Ralph ang party dahil nasa tamang edad na naman ito. He's 21 na kaya. But... Hindi ko rin maiwasang isipan ang mga posibilidad na mangyari sa party. Madaming babae do'n. Nasa legal age na mga babae. Magaganda't sexy na college girls. Nanlumo ako sa aking naisip.
"Ah, I-I don't know..." Sambit ko at napatingin sa bintana. Ang hirap naman'g mag desisyon...
"I won't come, then." He said na nagpalingon sa akin sa kanya. "What?" Bigkas ko. Is he crazy? Bakit nasa sakin ang desisyon? It's his life.
"I also have something to do." Dahilan nito. Napakunot na lamang ang noo ko sa ginawa n'yang desisyon. I mean, he's 21, he should enjoy his life being in his young legal age. Masaya kaya ang mga party, gayun pa't victory party iyon ng isang banda at kaibigan nya pa. Kung pwede nga lang ako sumama ay gu-gustohin ko, e, but my age won't allow me.
"It's 6:30. San ka pa pupunta?" I asked him. Anyhow, pabor din naman ako sa ideyang hindi sya pupunta sa party. I mean, madaming girls dun. And I am now aware kung gaano ako ka selosa when it comes to someone na nagpakita sa akin ng motibo. I expect so much from them, they should be careful, take care of me, deal with me... They should take a stand for what they've told me. They confessed and I will expect.
"Business," sagot nya at ipinarada ang sasakyan sa harap ng dorm ko. Dali-dali syang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Naamoy ko na naman ulit ang pabango nya. Gosh.
"I'll text you," wika nya bago pumasok ulit sa kotse nya. Ngumiti lamang ako. Pinanood kong umalis ang kotse nya bago pumanhik papasok sa building. Ngayon ko lang napansin na yakap-yakap ko pa rin pala ang scarf nya, nakalimutan kong isauli 'to kanina sa kanya. Nawala ata sa isip ko sa rami ng naisip ko kanina.
Napangiti na lamang ako nang maalala iyong panahon na tinanong ko sya kung may scarf ba syang dala dahil naiinis ako sa mga nagnanasa sa kanya sa Viex Cafe maging sa mga high school students sa t'wing hinahatid nya ako sa aking classroom. Hindi ko naman ini-expect na he'll take it seriously.
10pm ko na natapos ang lahat kong homeworks kaya ngayon ko lang nai-check ang phone ko. Ang daming mensahe. There are some from my Bacolod friends and family at ang iilan ay mga group message ng mga kaklase ko. Binuksan ko kaagad ang thread ni Ralph nang makitang may mga mensahe ito.
'Eat ka na po.'
'Done dinner?'
'Uy busy ka?'
'I am with my friends right now.'
At ang last na mensahe ay picture.
Napangiti na lamang ako sa selfie nito. Napapadalas na ang pagseselfie nya ngayon, 'yon nga lang ay sa akin nya lang pinapakita. Wala syang ni isang selfie sa social media accounts nya. Puro nakatalikod ang mga picture nya sa f*******: at iyong background nya lang talaga ang pinapakita nya sa madla. Hay, naku.
'Bakit ka na naka mask?'
'I don't like the smell in here.'
'Anong amoy? Bakit nasan ka?'
'Firing range'
'Ahh. Anong ginagawa mo dyan?'
'Shooting. Nyways, have you eaten?'
'Yep. Ikaw?'
'After this.'
'It's almost 11!'
'Sorry. I'll go now to eat.'
Maya-maya pa ay nakatanggap ulit ako ng mensahe galing sa kanya. Isang picture.
'I didn't know na mahilig ka pala sa japanese foods'
'Mom's half Japanese. So, yes'
His father's half American and his mother is half Japanese. Sabi ko na nga bang ang daming mix na genes sa kanya, e. That made his features perfect. American-Japanese-Filipino Genes. He got his eyes from Japanese Genes sa pagiging medyo singkit at ang pagkakabrown naman ng eyes nya ay maaaring American or Filipino. His white skin is from his Japanese genes, and ang pagiging matangkad at makisig nito ay dahil sa dugong Amerikano nya. Sobrang perfect ang pagkakamix ng genes nya kaya ganito ka guwapo ang resulta. Ang gaganda siguro ng mga kapatid nyang babae, no?
'Ahhh kaya pala.'
Ralph's calling...
"Matutulog ka na?" Bungad nya nang sinagot ko ang tawag.
"Hindi pa naman. Bakit?"
"Nothing. I just wanna hear your sleepy voice." Malumanay nitong sabi. Napapikit na naman ako. Pinapakilig na naman nya ako.
"So, okay na?" Wika ko habang pinipigilan ang kilig. Kahit ang simpleng paghinga nya na naririnig ko ay nagpapakilig sa akin. Crush ko na talaga 'tong si Ralph.
"You hungry?" He suddenly asked.
"Nakapag-dinner na ako." Sagot ko. Hindi naman talaga ako nabubusog, e. Kung hahayaan ko lamang ang sarili ko sa pagkain, e, baka mataba na ako ngayon. Palagi kasi akong gutom.
"Want to have some burger and fries?" And when he mentioned it... Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. They're my faves.
"It's pass 9. Hindi na ako makakalabas..." I said na hindi maitago ang pagkadismaya sa boses ko. Gusto ko talagang kumain ng mga no'n kaso wala sya sa canteen sa ibaba.
"We can find a way if you really want."
"E, san naman ako matutulog pagkatapos?"
"It's not wrong to break a rule sometimes. And I can assure you, everything will be fine. Trust me, Thea."
Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama at inabot ang aking jacket at isinuot iyon. Pinalitan ko din ang aking pajamas ng track pants. Kinuha ko ang aking sombrero at glasses. Wala na akong ibang naiisip ngayon kundi ang lumabas sa building na ito at sumama kay Ralph.
Sumama sa kanya at kumain ng burger at fries.