Kabanata 17

2046 Words
Masyadong mabilis ang mga pangyayari basta ang alam ko nandito na kami ngayon sa McDonalds. Ayaw nya man dito pero wala na rin syang nagawa because I miss McDo so much! Halos iilang b'wan na rin akong hindi nakadapo dito. He ordered me 2 chicken burgers dahil walang large burger dito and a bff fries. He ordered a large fries for himself, too. Masaya kong nilantakan ang mga pagkain and I swear to heavens! Busog na busog ako! Naubos ko silang lahat. Gano'n ako pagdating sa mga paborito ko. Hinayaan ko si Ralph na pagtawanan ako habang nakahawak ako sa aking t'yan. I feel so full and satisfied. "Thank you." Sabi ko sa kanya nang nakangiti. I am just so happy right now. It feels good breaking a rule just for a moment. It's been a while since I broke one. "Welcome." Nakangisi nitong sagot na halatang natatawa pa rin dahil sa pagkakaupo ko. "So, what's next? Ang haba pa ng gabi!" Masaya kong batid at tumayo na. Baka may ma form na fats sa t'yan ko, inaalaga-alagaan ko pa naman ang porma ng katawan ko. Hindi na rin kasi ako nakakasayaw, at hindi ako nakapag audition noong foundation day kaya ito, sariling sikap sa pag maintain ng katawan. "What are you looking at! Hindi na ako makakabalik sa dorm kung hindi mahuhuli ako." Nakangisi kong sagot. Duh! Minsan lang 'to, no! Susulitin ko na. "So, what do you want now? What do you expect for an underage this late? What else can you do?" Taas kilay nitong tanong sa akin. Sinamaan ko sya ng tingin. So, ayun na yun? He stole me just to have a McDo? Wow. "Edi, uuwi na nga lang." At patampo akong naglakad papuntang exit ng McDo. Sumunod rin naman sya. Naiinis talaga ako. Andame ko pa naman gustong gawin ngayong gabi hanggang madaling araw. Hindi ko sya kinausap hanggang sa pumasok kami sa kotse nya. Nakaharap lang ako sa bintana habang sya ay ramdam kong nakatitig lang sa akin. "Your mood switches every after 0.02 second," batid nito. Hindi ko pa rin sya pinansin at kinuha ko ang aking phone sa dala kong sling bag. "So, you want to attend the party?" Tanong nito. Pasimple akong ngumisi. Nakapagyupak nalang din ako ng rule, edi ito-todo ko na 'to. "Let's go, then." At haharap na sana sya sa manibela nang nag flash ang camera ng phone ko. Blurred! "Isa pa nga!" Wika ko at iniharap ulit ang phone sa kanya. "Tumingin ka sakin!" At mahina ko syang sinipa. "Don't!" reklamo nya at pilit na tinatakpan ang kanyang mukha. "Isa lang!" At kinuha ko ang kamay nya sa kanyang mukha. "Bakit ba?" Nakakuno't na ang noo nito. Napatawa na lamang ako. "Umayos ka nga. Sige na. Smile!" At tumingin ito sa camera nang hindi nakangiti. Okay na naman sana sakin, e, kaso nasilawan ata sya sa flash kaya tumingin ito sa baba.  "Ano ba yan!" Reklamo ko nang makita ang picture. Nakatingin ito sa baba at hindi naayos ang kanyang pagkakaupo. "You really are one of a kind," aniya at pinaandar na ang kotse. Ipo-post ko ito sa i********:. Bahala sya d'yan, kung sakali man ay ito ang pinakamakatarungang picture nya sa social media. Thank me later, Ralphnatics. 'He isn't tough enough to stop me' Iyon ang ini-caption ko sa picture, I attached it to f*******:. I even tagged him. Bahala sya d'yan. Sa buong byahe ay ang saya ko, kinakausap ko sya ng kung ano-ano habang sya naman ay ngumingisi lang. Sus, wala lang syang maisagot, e. "Andito na tayo?" Ang lapad ng ngiti ko habang tinatanaw ang funclub na kitang-kita na mula dito ang mga partylights at ang malakas na party music. Ang ingay-ingay ng mga tao sa loob. "Sinong bahay 'to? I didn't know that it's a pool party," sabi ko kay Ralph na may kung anong hinahalungkat sa kanyang dalang backpack. May inilabas syang itim na scarf. Ba't ang dami nya atang scarf? Ibinigay nya iyon sa akin. "A-anhin ko 'to?" "If you want to go inside, you wear that." At sya na mismo nagpatong ng scarf sa ulo ko. Ini-ayos nya pa iyon na hindi gaano ka-kita ang mukha ko. "Magmumuka akong muslim nito! Sobrang out of place na nga ako dito dahil sa jacket at pants kong suot tapos mag sca-scarf pa ako... Edi, balot na balot na talaga ako n'yan..." Mahabang litanya ko habang nangunguso. Wala naman'g mali sa mukha ko upang takpan, ah. "Okay, okay. Just stop pouting," at kinuha nya ang scarf sa ulo ko. Sabay kaming lumabas sa kotse. Nang makapasok kami sa maliit na gate ng funclub ay kaagad akong inihapit ni Ralph sa bewang. Wala naman akong planong takbohan sya, maka-akto 'to. Sinalubong kami ng napakalakas na music at ang magulong party lights. Ang daming tao! Halos lahat ay topless at naka-bikini lang! Sobrang out of place ako dito. Si Ralph kasi ay naka shorts so mukhang okay lang tingnan. E, ako? Gusto ko nalang tuloy magtago sa likod ni Ralph. "Do you see them attractive?" He suddenly asked while looking at some guys na nasa bar stools habang tinatahak namin ang daan papunta sa loob ng bahay kung nasaan siguro ang mga kaibigan nya. Nakita ko paano napabaling ang tingin ng mga tao sa amin. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa amin, e, napaka-eye sore ng damit ko. Ang iilang babae ay parang nakakita ng santo habang tinititigan si Ralph, nagnining-ning ang kanilang mga mata. Sobrang welcome si Ralph dito. Habang ako? High school student na nga naka conservative attire pa. "Magaganda ang katawan nila," sagot ko kay Ralph. Ibinaling nya ang kanyang tingin sa akin at kinunot ang kanyang noo. "What?" Sambit ko. "You're sixteen." Wika nya habang nakakunot ang noo sa akin. "So? I'm just stating facts." "You're challenging me, Thea." "Ha? Paano?" Tanong ko ngunit hindi na ito sumagot at pumasok kami sa bahay. Sinalubong kaagad kami ni Tyler na naka topless din habang may dala-dalang tequilla sa kanang kamay. "Pretty face! Nandito ka!" Imbis na si Ralph ang sinalubong nya ay sa akin kaagad sya lumapit. Mas inalapit lang ako ni Ralph sa kanya. "She's not here for you, asshole." Mariing bigkas ni Ralph na nagpaurong dito habang taas-taas ang dalawang kamay. "Oops! Chill, bro." Natatawang sambit nito. "Tara, ipapakilala ko kayo sa mga kabanda k---" "No need." Ralph interrupted Tyler. Napatawa na lamang si Tyler. "So, any drinks?" Alok na lamang ni Tyler sa amin. "Give her an underage drink," wika ni Ralph na nagpatawa ng malakas kay Tyler. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Pinagdidiinan nya talagang underage ako! Oo na! Ako na ang minor. "May drink ban'g ganon?" Naiinis kong sambit. "May iilang drinks na hindi nakakatama, pretty face." Sagot ni Tyler sa akin bago namaalam sa amin upang tumawag ng waiter. Andito rin pala ang iilang soccer team. Kinantyawan pa nga kami pero minura lamang sila ni Ralph. Nakaupo lang kami ni Ralph sa couch na nandito sa loob ng bahay. Kaninong bahay kaya 'to? "Tyler's f*****g funclub, he's a party freak so he bought this. He's insane." Sagot ni Ralph nang tinanong ko sya. "Masyadong abusadong rich kid." Suhestyon ko. Atleast si Ralph ginagamit ng tama ang pera nya, ito'ng si Tyler naman ay bumili ng ganito kalaking lugar just for partying. What a nonsense property. "Stop staring on naked guys," he said. "Appreciating the beauty of mankind" I answered while rolling my eyeballs at him. "What an answer." At hinubad ang kanyang jacke--"What are you doing?!" "You love appreciating beauty of mankind, right? Appreciate mine, too." And then he faced me shirtless. Hindi ko maibaba ang tingin ko sa leeg nya. I was stunned there looking straight in his eyes. "Are you gone mad?!" Bulyaw ko out of frustration. Inilibot ko ang aking tingin sa mga taong nandito sa loob ng bahay. May iilan pang mga babae na sumisilip na ngayon sa pinto. This is Ralph! And he is damn topless! Kulang nalang ay ilabas nila ang kanilang camera sa sobrang pagkakatitig kay Ralph. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa sobrang pag-iinit nito. Mas dumami pa ang mga taong pumapasok sa loob ng bahay, karamihan ay mga babaeng halatang si Ralph ang pakay. Mabilis kong iniabot ang jacket nyang inilaglag nya sa sahig at tinakip iyon sa katawan nya. Naiinis ako. Ayoko sa mga pares na mga matang nakatitig sa kanya. "What? I want to swim." He said while smirking. Pinaliit ko ang aking mata sa kanya "Then, ako rin." Matapang kong sabi. Nakita ko paano nagbago ang expression ng mata nya. "May extra bikini pa ba si Tyler dit---" "Ayoko na palang maligo," and then hinablot nya ang jacket sa kamay ko at kaagad na sinuot iyon. Napangisi ako. "Sus," "Ayan, naputol kaligayahan nyo." I said habang tinitingnan ang mga babaeng disappointed. Binelatan ko sila. What makes Ralph special among all the guys here? Well, being a successful entrepreneur is no joke in his young age, he is a mega rich kid, his skin is brighter than most of the girls, he got this intimidating aura among any other, his features represent a greek good, his body is everything and he's a total package. Every girl would want to be his girl and that flatters my heart even more. "Saan nga pala ako tutuloy ngayon?" I asked him. Kalmadong nakaupo ito sa sofa habang halos nakaakbay na sa akin dahil sa kamay nitong nakapatong sa ulohan ng sofa. "I have a condominium just right here. Doon ka, and ako naman ay sa bahay." He said. "Ano? Ako lang mag-isa sa condo mo? Ayoko! Samahan mo ko," and then ibinaba nya ang kanyang kamay at maayos na hinarap ako. "Masyadong maliit ang condo..." "Maliit sa mata mo," "Totoo. But if you want pwede tayo sa bahay. Maraming available rooms do'n." "Good AM, ser," bati sa kanya ng guard na nagbukas sa amin ng gate. Hindi na ako nagulat sa laki ng gate, syempre si Ralph 'to, e. Ang haba pa ng tatahakin papunta sa mismong mansyon ni Ralph. Mansyon dapat ang tawag dito, hindi bahay. "Is Raphaella's room prepared?" Tanong ni Ralph sa isang maid na sumalubong sa amin. Sya siguro ang tinawagan kanina ni Ralph, imposible namang gising pa sya ng ganitong oras. "Opo, ser." "Paki hatid po sya sa kwarto ni Raphaella. May iche-check lang ako sa opisina." And he tapped my shoulders bago lumayo sa amin. Napapa-Filipino sya ng straight dito, ah. "Nandito po, ma'am," at ngumiti ito sa akin. Sumunod naman ako sa kanya sa pag akyat sa pangalawang palapag. Inihatid nya ako sa kulay pulang pinto. "Bukas na po iyan, ma'am," nakangiti nitong sabi bago ito lumayo. Dahan-dahan kong pinihit ang door knob at pumasok sa loob. Napaawang nalang talaga ang bibig ko nang makita ang kabuohan ng kwarto. Automatic na umilaw ang chandelier at mga ilaw sa loob nang makapasok ako. Napaka-elegante ng kwarto nya! Halos kulay pula at puti lang ang makikita sa loob ng room. Sobrang lapad nito. Mas malapad pa sa classroom namin sa school. 60inches curved TV, double door fridge, walk-in closet, sobrang habang sofa at napakalaking kama. Hindi ko mapigilang hindi mainggit kay Raphaella. Lumapit ako sa fridge at binuksan ito. Ang daming laman! Hindi ba't nasa US sina Raphaella? Bakit puno ito? H'wag mong sabihing 5years na 'tong nandito? Gusto ko pa sanang kumuha ng toblerone pero baka expired na 'to. Napalingon ako nang biglang may tumunog na telepono. Nakita ko kaagad ang telepono na nasa side table katabi ng kama. Sinagot ko iyon. "Hello?" Wika ko. "I filled the fridge. You can get what you want there." It's Ralph. "Oo nga, e. Sige, Ralphy! Okay na okay lang ako dito!" At ibinaba ko ang telepono at tumakbo sa fridge. Kumuha ako ng tatlong toblerone at isang plastic ng kisses. Inilapag ko ang mga 'yon sa kama at pumunta naman sa CR. Oo na, expected ko na, kasing laki ng dorm room ko ang CR nya. Ang lapad, ah! Ano nagtatakbuhan sya dito habang naliligo? There's a bathtub, of course. I'm done. Sila na talaga ang mayaman. "Hindi ako papasok bukas. Ngayon lang naman ako a-absent." Wika ko habang kumakain ng chocolates at nanunuod ng cartoons.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD