Kabanata 18

1887 Words
"You are such a heavy sleeper. I have been calling you nonstop." Nakabusangot na sabi ni Ralph. Naka sando lamang sya at naka shorts. Nahihirapan tuloy akong tingnan sya, ang hirap mag focus lang sa mata nya gayun pa't nakaka-ingganyong tingnan ang hindi pantay nyang kutis sa katawan. Akala ko maputi na sya may ikakaputi pa pala 'tong mukong na 'to. "What's for breakfast?" Tanong ko at nauna nang bumaba sa hagdan. Feel na feel ko talagang mag stay sa mansyon nya "Ang aga naman ng breakfast mo," he sarcastically said. Hindi ko na lamang sya pinansin. Ang lapad ng receiving area nila! At ang tagal pa bago makarating sa kanilang kusina and dining area. Kung hindi lang lumabas ang isang maid mula sa isang silid at nakasuot ng apron ay hindi ko pa malalaman na iyon ang kusina. Ang daming silid sa paligid kasi. Pumasok na kaagad ako sa dining area at dumapo sa lamesa. Alas dyes na ng umaga, iilang oras nalang ay lunch na kaya gutom na gutom na ako. Napa-"Wow!" na lamang talaga ako nang masilip ang mga pagkain. Ang dami-dami! Halos sampung putahi at ang dami rin'g dessert. Expected ko na naman'g may chef sina Ralph, sa laki ba naman ng mansyon na 'to? "Kain na tayo!" Masaya kong wika at nauna nang umupo sa dining chair. Ang haba ng dining table nila kung umupo ka sa magkabilaang upuan ay feeling ko'y wala nang sense ang pagsasama nyo sa isang kainan. Natatawang umupo si Ralph sa harap ko. Natural talagang nagsisigawan ang aura nya na mayaman sya. 'Yong maiinsecure ka talaga sa kayamanan. And I wonder bakit nga ba hindi ako naiintimidate sa kanya? I should act politely infront of him pero ang ginagawa ko ay kabaliktaran... Sya pa nga ito'ng ginagawa kong alipin sa lahat ng gusto ko, e. Gusto ko sanang makaramdam ng guilt pero hindi talaga ako na gi-guilty, e. Ang saya ko ngang ginagano'n sya. Ralph's just so special for me, hindi ko kayang magpaka-formal sa harap nya kahit nga noon'g unang interaction namin, e, ang casual ko na sa kanya. I feel comfortable with him. "Food is love," mahinang sabi nito habang pinapanood akong kumakain. Ngumiti lamang ako sa kanya. "Alam mo tumaba ka," wika pa nito. Napahintu naman ako sa pag-nguya. "But, it suits you. Nagkalaman ng konti ang cheeks mo and I like seeing you enjoying the food. Your happiness looks very genuine when you're engaged into food." Mahabang sabi nito at sumubo ng spinach. Kahit sa pag kain man lang ay nandya'n pa rin ang RK vibes, e. Poise na poise. "Siguro ay kailangan ko na talagang bumalik sa pagsasayaw." I said in between munching. I even get a chance to pout. "Don't tell me you'll join cheerleading..." sabi nito na hindi man lang nag tunog tanong. I pouted even more. "Bakit bawal ba ako do'n?" "You'll wear skirts," at sumubo ulit ng lettuce. Veggies lang 'yong makikita sa plato nya. Their juice is very organic. Sobrang healthy ng sini-serve dito. "So? Not a big deal." "Thea," bigkas nya at ibinagsak ang kanyang hawak na tinidor sa lamesa. Napaayos kaagad ako ng pagkakaupo dahil sa gulat at kilabot nang umalingawngaw ang ingay nito sa buong silid. "You're so possesive! Oo na. Hindi na ako sasali." Reklamo ko nang makaget-over ako sa ginawa nya. "Here, listen to me. Ayokong masakal ka, and as far as possible I want you to enjoy your teenage life but I am a jerk, I know. Sorry." At yumuko ito. Kumunot naman ang noo ko sa kanya. "You can do what you want, just nevermind me. Every time I'm about to oppose in your decision, shut me off." Mahaba nyang eksplenasyon. Hindi ko na napigilang matawa sa kanya. Nag dra-drama na naman ulit sya. Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ako o matatawa. "Why're you laughing?" Nakakunot noon'g tanong nito. He's really serious. "Ang drama mo kasi," natatawa kong sabat. Tinaasan nya naman ako ng kilay. Bakit ba gan'to ka Ralph? He takes me real seriously. "Listen to me, Ralphy. Buong puso kong susundin ang mga utos mo hindi dahil napipilitan ako o ano man. Susundin kita with all my heart. I don't like taking orders from other people but yeah, susunod ako sa'yo." Nakangiti kong sabi. I don't know where I got those words, it just naturally came out from my mouth. Tama nga si Ralph, when you really like someone, flowery words will naturally came out from your mouth unconsciously. Nakita ko paano lumambot ang mga tingin nya sa akin at halos matanaw ko na ang mga ngiti sa mga mata nya. And for the first time, umiwas si Ralph ng tingin sa akin. Did he just--? "Kinikilig ka?!" I loudly asked out of amazement. Mas umiwas ito ng tingin at nakita ko paano kumorte ang patagong ngiti sa bibig nya. OMG! Ralph is so cute. Sobrang pula nya sa buong mukha, maging taenga, leeg, at dibdib nya. Ganito kalakas ang epekto nun sa kanya? This sight is... Priceless. "Stop staring at me." Mariing sabi nito na bakas pa rin ang pagkalumanay ng boses nya. Kinikilig talaga sya! "Ayoko nga. Ang cute mo kaya!" Bulyaw ko at inilabas ang phone ko sa bulsa. Pinicturan ko sya ng ilang beses habang sya naman ay todo takip ng mukha nya. Hindi naman sya makahawak or makalapit sa akin dahil sa hindi ko malamang dahilan. "Ayoko ngang pumasok. First absent ko palang 'to, kalma!" Sabi ko habang masayang naka indian-seat sa kama at nanunuod ng cartoons. Enjoy na enjoy ko talaga ang mga kabobohang cartoons tulad ng Tom and Jerry at Oggie and the cockroaches. Nakaupo lang si Ralph sa mahabang sofa habang pinapanood ako. Hindi ko na mabilang ang naubos kong chocolates. Napa-CR na nga ako kanina, e, dahil sa sobrang chocolates. "May mga damit d'yan si Raphaella, if you want to take a shower, go on." He said na nagpangiti sa akin. Kanina ko pa gustong maligo pero baka maisipan ni Ralph na pauwiin ako para makapagligo kaya hindi ko nalang sinabi. "Laters," sagot ko. "What time do you plan to go home?" "Depende. Nakapagtext na naman din ako kay papa at sinabi kong kay Emy ako natulog dahil may output kaming ginawa, hehe," "You lied?" "It's not wrong to break a rule just sometimes." At ngumisi ako sa kanya. Napa-cross arms naman sya sakin. "You really are such a minor." Wika nito habang naiiling. "Minor pero crush na crush mo. Sus! H'wag me." Sabi ko at binelatan sya. Napataas ang kabilang bahagi ng bibig nya. "Kinikilig ka nga sa'kin, e." Pagpapatuloy ko pa na mas lalong nagparamdam sa kanya ng uneasiness. It's revenge time for Thea! Ikaw nalang palagi ang pinapakilig nya so let him feel the awkwardness you're feeling every time, too. "Minor ka naman talaga. You're sixteen." Kalmadong bulyaw nito kahit bakas na ang pamumula sa kanyang mukha. "Sixteen nga pero type na type mo. Okay, fine." At tumawa ako ng malakas. Naramdaman ko na lamang ang paghampas ng throw pillow sa likod ko. Mahina lang naman iyon. "Shut it already." Wika pa nito habang napipikit na. Napaka-hopeless ng pamumula nya dahil hindi nya man lang iyon mapigil-pigilan. Mas lumakas lamang ang tawa ko. "H'wag mo masyadong isipin ang damit ko Ralphy baka hindi ka makapag-concentrate sa pag-eehersisyo." Natatawa kong sambit bago lumabas sa kotse nya. May gym schedule kasi sya ngayon. May gym equipments naman sya sa kanilang mansyon pero pagkatapos daw kasi nito ay di-diretso sya sa soccer team. Inihapit nya na naman ako papalapit sa kanya nang makapasok kami sa loob, e, iilan lang naman ang tao sa loob dahil may pasok ang lahat. Exclusive for school varsities lang kasi ito. We spent 2 hours there bago tumungo sa Era. Dumiretso kami sa conference room dahil may meeting daw sya, not minding the outfits we're wearing. Nagreklamo pa nga si Ralph dahil sa pagkakatali ng buhok ko dahil reveal daw ang buong leeg ko, wala naman akong makitang kalaswaan doon at ang sexy daw nung suot ko, e, naka leggings at jacket naman ako. Fitted kasi ang leggings, of course! And medyo maliit iyong jacket. This is Raphaella's clothes na suprisingly ay kasya sa akin kahit nung 12 years old pa daw sya nito. I expect malaking babae si Raphaella. Ang laking tao kaya ni Ralph. Naalala ko tuloy ang unang beses na nagkasama kami ni Ralph, parang ang tagal na nun, e, halos tatlong b'wan pa lang naman ang nakakalipas. Pumasok kami sa conference room and katulad na katulad din ng dati ang aming nadatnan. Nandito ang lahat ng varsity ng school. Bumaling ang tingin sa amin ng lahat ng estudyanteng nasa loob maging ang speaker na nasa gitna. Imbis na mahiya ako ay mas napangiti ako, nangyari na naman ulit 'to. Pumwesto na naman ulit kami sa mga pinakadulong upuan at nakita ko kaagad ang basketball team sa kanan namin at ang soccer team sa harap namin. The soccer and basketball team both smiled at me. Ngumiti din naman ako sa kanila. Nang makita ko si Marcos ay mas lalong lumapad ang ngiti ko. He is half smiling at me while his left arm is on Zarrah's shoulder. I waved at Zarrah nang ngumiti ito sakin. "And for the sponsor of our food for the whole season, of course, the soccer team. Ralph Jimenez will lay his magical hands on it." Nakangiting sabi ng speaker sa gitna at inilahad pa ang kamay kay Ralph. Binigyan lamang sya ng tango ni Ralph. Ang dami nilang diniscuss, nakapanglumbaba lang ako the whole time at kinakausap si Ralph pa minsan-minsan ng kung ano-anong naiisip at nakikita ko sa loob. Sumasagot naman sya at paminsan-minsan ay tinatawanan lamang ako. Ang daming ka etchusang nangyari. Ipinakilala ang mga bagong salta sa association at ang mga bagong team captains. Sobrang bagot na bagot na ako pero hindi naman pwedeng i-interrupt si Ralph gayun pa't alam ko na na captain sya ng soccer team, unlike dati na wala akong alam kaya walang pag-aatubaling hinatak ko sya palabas ng conference. Nang matapos ang napakahabang kaartehan ng mga varsities ay natapos rin, sa wakas! Sumabay kami sa paglabas ng lahat, maingay, magulo pero elegante silang lahat gumalaw. RK vibes everywhere. "Kamusta ka na, Yet?" Nakangising tanong ni Marcos nang makalabas kami ng conference room. Nakapalupot ang kamay ni Zarrah sa braso nito. Ang sweet nilang tingnan. "Always okay ako." Nakangisi ko rin'g sagot. "Ahh." Yun lang ang naisabi nya at sumulyap kay Ralph na nasa tabi ko. Hindi pa rin ba sila okay? "Faith's on the clinic, Ralph." Seryosong sabi ni Zarrah kay Ralph. Napalingon naman agad ako kay Ralph. Seryoso ang tingin nito kay Zarrah. They know each other? At anong kinalaman ni Zarrah kay Faith? "Why?" Kalmadong tanong ni Ralph habang nasa bulsa ang dalawang kamay. "Go to her. She needs you." Zarrah said bago hinatak si Marcos papalayo. Napakunot ang noo ko at ibinalik ulit ang tingin kay Ralph. Naalala ko 'yong usapan namin ni Marcos at Tyler dati sa cafeteria. Mukhang takot noon si Tyler na aminin'g ex ni Ralph si Faith, and Marcos admitted it. Totoo ba talaga 'yon? And bakit kailangan ni Faith si Ralph? Anong kinalaman ni Ralph sa pagkaka-clinic nya? Hindi ko alam pero iba ang kutob ko dito, e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD