"Sige na. Pumasok ka na, dito lang ako." At mahina ko na syang tinulak sa pinto. Nasa harap kami ngayon ng clinic kung nasaan daw si Faith. Hindi naman masabi ng nurse kung ano nga ba talaga ang nangyari kay Faith at sinabihan si Ralph na sya na mismo tumanong no'n kay Faith.
Dahan-dahang pinihit ni Ralph ang door knob at lumingon pa sa akin bago tuloyang pumasok sa loob. I smiled at him para malaman nyang okay lang talaga ako ditong maghintay.
I think Faith's case is really serious. I can sense it in the atmosphere we're having. Si Zarrah, Marcos, at ang nurse. They all made it sound like it's confidential.
Naupo ako sa upuang nandito sa hallway sa harap ng pinto ni Faith. Hindi ko alam pero gumagapang ang kaba at kalungkutan sa pagkatao ko. Naiinis ako. Naiinis ako sa aking sarili para maging gan'to ka sensitibo, ang buong akala ko'y si Ralph ang sobrang sensitibo sa aming dalawa... It turns out na ako rin pala.
I hate the fact na wala man lang ako magawa ngayon. Kung ibang babae siguro ito ay kanina pa ako nag-iinarte pero hindi, e. Si Faith 'to, ang ex nya. Sino ba naman ako, 'di ba? Kahit ano pa'ng deny ang gawin ni Ralph, katotohanan iyon. Crush ko lang naman sya pero bakit gan'to ako ka apektado?
Naramdaman ko ang panginginig ng aking kamay. Natatakot talaga ako, ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking puso. Ayokong isipin na pagkatapos ng usapan nila ay may mag bago. Ayokong isipin na malalayo si Ralph sa akin... Ayoko. Ayokong may mawala na naman'g importante sa buhay ko. Sa tingin ko'y sa pagkakataung ito ay hindi ko kakayaning may mawala pa sa akin. Lumaki ako sa hindi permamenteng mga bagay at tao, I don't want him to be part of it. Sawang-sawa na akong maiwan at maging 2nd option. Ralph is the only person who treated me the way I don't think I deserve. Sobra-sobra nyang ipinaramdam na espesyal ako, to the point I think it's an illegal treatment. A lost child like me shouldn't be tolerated and treated like that. I'm a lost child, I can't even determine kung sino ba ang totoong ako. Puro nalang pagtatago, pagpapanggap, at ka plastikan ang ginawa ko sa aking buhay. Sa kanya ko lang nailabas ang totoong ako. Ang Thea na hindi lang maganda kundi marunong rin'g tumawa. Tumawa ng totoo at maging masaya na walang kapalit na kalungkutan. Ang Thea na hindi na umiiyak gabi-gabi, ang Thea na hindi nagpapanggap. Without his awareness, he brought out the real me.
Maalala ang aking mga nakaraan ay nagdudulot ng sobrang pait sa nararamdaman ko. Pinunasan ko ang kumawalang butil ng luha sa aking mata. It feels different to tear up again. Iilang b'wan ko rin'g nakalimutang umiyak.
Napatayo kaagad ako nang bumukas ang pinto na nasa harap ko. Nakita ko si Ralph na inaalalayan si Faith sa paglalakad. Lumapit ako sa kanila at kinuha ang kaliwang kamay ni Faith upang tumulong sa paglalakad nito. May kung anong kumirot na naman sa puso ko nang ma realisa na nakahawak din pala si Ralph sa mabangong babaeng hawak ko rin ngayon. Napangiti ako ng mapait.
Isinakay sya namin sa kotse ni Ralph. Hindi ako umimik sa buong paglalakad namin papunta sa parking lot. Dadalhin pa sana sya ni Ralph sa backseat pero binuksan ko na kaagad ang passenger's seat. Dito sya. Doon na ako sa likod.
Napansin ko ang pag sulyap ni Ralph sa akin na wari ay gusto pa akong kausapin nang maipasok na namin si Faith sa loob ng kotse ngunit kaagad na rin akong pumasok sa backseat. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng ilang sa kanya ngayon.
Hinayaan ko silang mag-usap habang ako'y nanahimik lamang dito sa likod. Ni hindi ko magawang sulyapan si Ralph kahit sa front mirror man lang. Bakas sa boses ni Faith ang katamlayan pero masaya pa rin itong kinakausap si Ralph. Kadalasan ay hindi sya pinapansin ni Ralph, at sumasagot lang ng oo't hindi paminsan-minsan. Ang cold ng treatment ni Ralph sa kanya, kung ako ang nasa posisyon ni Faith ay baka nabagwisan ko na si Ralph kung ganito sya katahimik.
"Una mo na akong ihatid." Wika ko nang mapansin lumiko ito opposite ng way papunta sa dorm building ko.
"No." Mariing sagot ni Ralph at pinagpatuloy ang pag drive. Hindi ko alam pero I feel guilty, pagkatapos no'n ay hindi na ulit umimik si Faith. Mukhang tutul ito sa pag-una ng hatid sa kanya.
Huminto ang sasakyan sa harap ng condominium building. Hinintay kong maunang bumaba si Ralph upang pagbuksan ng pinto si Faith pero nanatili syang nakaupo. Nang mapansin ni Faith ang pananatili ni Ralph ay kusa na itong gumalaw at bumaba sa kotse. Kita pa rin ang panghihina sa bawat galaw nya.
"Thank you." Mapait na nakangiti ito kay Ralph. Hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin at isinirado na ang pinto ng sasakyan. Nga naman, hindi kami close. Hindi nga rin kami okay. Naalala ko pa 'yong unang banggaan namin, halatang galit na galit sya sa akin noon.
"You go here," malumanay nitong sabi at ipinatong ang kamay sa katabing upuan nya. Ayoko nang makipagtalunan pa sa kanya kaya sinunod ko na rin kaagad ang sinabi nya.
"Mag dinner muna tay--" "No. Pagod ako Ralph. Gusto ko nang umuwi." Putol ko sa kanya. Humarap na rin kaagad ako sa bintana. I feel uncomfortable.
Tahimik kaming dalawa sa buong byahe at huli ko nang napansin na hindi daan papuntang dorm ko ang tinatahak namin. Masyado akong nalunod sa aking mga naiisip kaya hindi ko kaagad iyon napansin. Inihinto nya ang sasakyan sa harap ng dagat. Oo, we are on a highway katabi ang dagat. Hindi ko alam kung anong lugar na ito.
Bumaba ito sa kotse at nakita ko kung paano nya sinapol ang kanyang noo at paggulo ng kanyang buhok. Mukha syang sobrang frustrated. I know this is something serious about Faith and maybe about me. Natatakot akong bumaba at tanongin sya. Ayokong malaman kung ano man 'yon.
My heart is aching so bad while watching him that frustrated. Hindi ko pa sya nakikita ng gan'to, mas gumapang lamang ang kaba sa akin.
Sobrang ganda ng gabi. Masisilip ko mula dito sa loob ng sasakyan ang kagandahan ng buwan na lumiliwag sa dagat at sa madilim na lugar na 'to. Ang dami rin ng mga bituin. The night is so perfect... Mas naiiyak lang ako dahil sa ganda nito. Dapat romantic scene 'to, e! Hindi kabwesitan scene! Nakakainis.
Padabog kong pinunasan ang lumandas na mga luha sa mukha ko. Naiinis ako sa pagiging gan'to kasensitibo all of a sudden. Hindi ko gusto ang iniisip ko...
After a couple of minutes I managed to get out of the car. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na ngayo'y seryosong nakatanaw sa dagat.
"Ang ganda dito," mahinahong sabi ko just to spill something. Hindi naman pwedeng tumahimik lang kami dito.
"This place makes me feel better," he said. Pasimple akong napalagok nang aking laway nang marinig ang boses nya. Naramdaman ko na naman ang panlalambot ng mata ko.
"Can't we just stay the same?" I suddenly asked. Bigla na lamang lumabas sa bibig ko iyon.
"I can. I can be consistent on you, Thea, but I don't know kung ikaw, kaya mo pa ba akong tanggapin..." And he looked at me. Nanatili lang ang tingin ko sa dagat. Sorrowness is slowly invading my soul. Unti-unting naging klaro ang mga konklusyong meron ako pero ayokong maniwala, ayoko.
"Don't let me know. H'wag mong sabihin sakin ang katotohanan... Reality is always been my killer. Let's hide it this time. I'll pretend I didn't hear anything. I'll pretend I am blind. Dito naman ako magaling, e, sa pag papanggap so kaya ko 'to Ralph. Immune na immue na ako." And my voice broke down. Tears started to fall. Naramdaman ko ang paghawak ni Ralph sa balikat ko at mahinang pagharap nya ng katawan ko sa kanya upang yakapin. Unti-unting nanginig ang katawan ko. Memories started rushing back in my head. Bad memories. Bad experiences.
"I am a messed up kid, Ralph. I don't think I can afford another loss. Masaya na ako ngayon with you, there, watching me grow. We both know I am too young but Ralph, I know the word permanent. All these years, I've been living with temporary things around me. This time, I know, I want you to stay with me. Watch me grow, be with me in every ways. You promised me that. You should take the responsibilities for making me feel this special. You should stay with me no matter what." And I hugged him back. Walang pigil ang pagbagsak ng luha ko. Walang katapusan. Walang kapaguran. My heart is beating crazily. Wala akong ibang marinig kundi ang malalakas kong hikbi sa dibdib ni Ralph.
"I won't say a word without my thumbmark on it. I am a man of my words, Thea." And I felt his lips against my head. He was hugging me so tight like he can't afford losing me. I like this feeling, it's giving me assurance.
"Years from now, you will be mine. So why would I let you go? You are my inspiration, my goal, my ambition, and my dream. Funny how you turned my whole world in a matter of months, right? Gano'n ka kalupit, bata." Bulong nya sa akin. The moment I heard it all, unti-unti na lamang pumiyok ang boses ko sa kakaiyak. Sumigaw ako nang sumigaw sa dibdib nya. Iyak ako nangiyak. I am so messed up right now and I won't mind showing my worst on Ralph. I won't mind staying here in his arms, for long.
***
"Thea, nandyan na si Ralph." Bulong ni Emy sa akin dahilan upang mapatayo kaagad ako. Iilang b'wan na ang nakakalipas pero gan'to pa rin kalakas ang epekto nya sa akin. Pagbilis ng pintig ng puso ko ay unti-unting nagiging natural nalang sa t'wing nakikita ko sya. As days passed on, Ralph became so special to me.
Unti-unti akong lumapit sa lalaking nakasandal na naman sa pinto ng classroom ko. Gustong-gusto kong nakikita ang mga ngiti n'yang yan. Ngiting abot langit. Sa pagdaan ng mga araw, crush na crush pa rin talaga nya ako.
"Hi, crush." Unang bungad ko sa kanya ng makalapit ako dito. Nakita ko paano na naman sya umiwas ng tingin, mukha syang high school student na kinikilig, e. Ang cute.
"December na and you're still into it." Natatawang sambit nito. Parang bata naman akong tumango sa kanya. Tumawa na lamang ito at nauna nang maglakad. Sumunod naman kaagad ako sa kanya.
"Few days from now I'll be turning 17. 1 more year and I'm not a minor anymore." Sabi ko at pumalakpak. Ralph just laughed at me.
"Bukas na ang finals nyo, hindi ba?" Tanong ko nang maalala ang interschool soccer finals, bukas na pala iyon.
"Yes. I reserved you a seat, doon ka umupo bukas para madali kitang mahagilap." He said. Natawa naman ako sa Filipino nya. Mukhang nasasanay na talaga sya gumamit ng Filipino.
"Sasabay nalang ako kila Tyler--" "No."
"Okay." Nakangiti kong sagot sa pag o-oppose nya. "Good," at ngumiti ito sa akin. Ang saya nya talaga sa t'wing sinusunod ko ang utos nya.
Nakaupo lang ako sa bench habang pinapanood ang training nila sa field. May frappe at donut ako sa dalawang kamay. Spoiled na spoiled ako ni Ralph pagdating sa pagkain. Sa t'wing hindi magtama ang schedule namin at may klase sya tuwing break ko ay pinapadalhan nya ako ng pagkain galing sa Viex. Nasanay nalang din ako sa biglang pagdating ng mga pagkain sa classroom. One time nga I asked him na padalhan ako ng mas maraming pagkain upang mai-share ko sa aking mga kaklase, masaya naman iyon'g tinanggap ng mga kaklase ko. Viex's food are no joke. Masasarap iyon, first class.
Nagulat ako sa pagsulpot ni Emy sa tabi ko, puno ito ng pawis na wari ay galing sa pagtakbo.
"Oh? Anyare sa'yo, chubs?" Natatawang tanong ko sa kanya. Hingal na hingal ito habang nakasandal sa bench.
"Bwisit na Tyler na 'yan! Pinahabol ba naman ako sa fangirls nya from other schools!" Hingal na hingal na sabi nya. Mas natawa lang ako nang agawin nya ang aking frappe at nag sip doon.
"Bakit ka naman nya ipapahabol?"
"Ako raw iyong hater nya na nag edit ng disgusting photos sa Internet, e, putragis! Hindi naman 'yon disgusting! Throwback pictures nya 'yon!" Naiinis nitong wika. Halos hindi na ma drawing ang mukha nya ngayon sa sobrang inis. Gulong-gulo ang buhok at sobrang pula nya na.
"Asan ba si Tyler?"
"Nakita ko sya sa labas ng school, sa eskinita d'yan sa kabilang kanto na ka meet-up ang mga fans kuno nya!"
"At bakit naka-abot ka naman do'n?"
"A-e, wala lang naman. Naglilibot lang ako. The moment he saw me tinuro nya agad ako sa mga kampon and then ayun! Hinabol nila ako! Bwesit, e! Kung hindi pa ako pumasok ulit dito sa school, e, hindi pa ako makakapalag sa paghahabol nila. Aish!"
"Bakit naman gagawin ni Tyler 'yon? Ang bait nya kaya."
"Duh! Mabait lang yan sa chicks 'no!" Iritado nitong bulyaw. Napatawa na lamang ako.
"Ayaw mo talaga kay Tyler? Ang guwapo kaya nya." At pinindot-pindot ko ang tagiliran ni Emy. Sa tagal kasi ng pagsasama namin ay ni minsan ay wala syang kinwentong crush nya sa akin. Baka this is the moment na.
"Crush ka d'yan! Asa!" Then she rolled her eyes. Ay! Ang arte, ah.
"May sinabi ba akong crush mo sya? Defensive ka, uy!" At mas tinawanan ko sya.
"Pretty face!" Sabay kaming napalingon sa lalaking sumigaw. Alam ko kung sino 'yon kaya mas napangisi ako.
Cool na cool si Tyler na naglalakad papalapit sa amin. He is wearing a leather jacket and shades. Mukhang galing nga sa fan meet-up.
"Oh, babs! Nandito ka!" At tinuro nya si Emy. Tinanaw ko naman kaagad ang reaction ni Emy. Pulang-pula sya!
I smell something fishy right here. Hmmm.