"Bonggacious ka talaga'ng bagsat ka! Pina-absent mo pa talaga kami para salubongin ka, no? Aba matinde! Artista!" Bungad ni Yshane sa akin nang makapasok kami sa kwarto nya. Kaagad ko naman'g inilagay sa isang dulo ang maleta ko't napaupo sa kama. Ngumiti ako ng pilit sa kanila. "Dito muna ako mag st-stay sa inyo Ysh, ah..." Wika ko at unti-unting hinubad ang suot kong sapatos. "O'nga, alam na nina Mama at duh! May dala ka kayang pizza kanina, alam mo naman ang mga 'yon... Mga patay gutom." Saad nya habang naiiling. Napangiti na lamang ako. "Mukhang hindi ka ata okay, ah." At lumapit si Eliza sa akin at sinapo ang noo ko. "Normal temp." Sambit nya at naupo na lamang sa tabi ko. "Anong nangyari?" Seryoso nyang tanong. Napangiti na naman ako ng pilit at napayuko. Hindi ko alam kung paano

