PROLOGUE
WARNING: Reader's discretion is advised.
PROLOGUE
"Sir!" Napaangat ako ng ulo galing sa pagkakayuko dahil sa narinig.
My brows furrowed when someone suddenly barged into my office and my secretary was chasing him behind. Trying to stop him from going in.
"What are you doing here?" My eyes narrowed at the person who had just barged into my office.
"Marguerite, please talk to me," he said, pleadingly.
I smirked. "Why would I talk to someone like you?" Napahinto ito sa pag-akmang lapit sa akin sa narinig.
"I-I'm your boyfriend!" He stammered.
I raised one of my new trimmed eyebrows at him. "Correction, ex-boyfriend. Hindi naman halatang baliw na baliw ka sa akin at ang tagal mong maka move-on noh?"
Huminto ako sa pagkalikot sa laptop ko at sumandal sa upuan ko. Pinagkrus ko ang aking mga braso sa aking dibdib.
"B-Bakit ang dali mo lang balewalain ang ilang taon na pinagsamahan natin?" He asked. He looked at me with hurt in his eyes.
Hindi ko ito sinagot.
I yawned. I looked at my secretary. "Call the security guards. I don't want animals in my office," aniya ko.
She nodded as she yanked her phone from her pocket and dialed security.
I played my tongue while looking at him boredly. I shook my head in disappointment as I examined him from head to toe. He's helpless. Gano'n na ba siya ka baliw sa akin at parang wala na siyang planong magbihis at maligo? I can even smell him from here. Ang laki ng eyebags nito. Parang hindi natutulog. Parang adik.
He's Logan Reyes. My ex-boyfriend. Naghiwalay kami last year. Tatlong taon din kaming magkarelasyon. Naghiwalay kami pagkatapos kong mahuli ang gago na nakikipagtalik sa ibang babae. Sa ganda kong ito pinagpalit lang ako sa pangit?
Matapos niyang magloko magmamakaawa siya sa akin na balikan ko siya? Hindi gold tite niya para bigyan ko siya ng second chance. Once a cheater always a cheater.
Ilang minuto lang ay dumating na ang mga security guards na tinawag ng sekretarya ko.
Binati ako ng mga ito. Matipid akong ngumiti pabalik. Tinuro ko ang direksyon ni Logan.
"Drag him out of my office," utos ko sa seryosong boses.
Mabilis na lumapit kay Logan ang apat na security guards at hinawakan ito sa magkabilang braso.
"Sir, tara na po." One of the security said.
"No! Marguerite! Please talk to me!" Nagwawalang sigaw nito.
Nagpumiglas ito sa hawak ng mga securities. Nagmamakaawang tiningnan ako nito.
I raised one of my middle fingers at him. "f**k you, ampangit mo." I rolled my eyes. I signaled the security to get him out of my sight.
Wala itong nagawa nang posasan siya sa mga kamay at hinila palabas. Sumunod naman agad ang sekretarya ko sa kanila.
I sighed. Disturbo. Napatingin ako sa cellphone ko na nakalapag sa lamesa ng umilaw 'to. Napangiti ako ng mabasa ko ang isang message.
Kinuha ko ang cellphone ko at magre-reply na sana ako nang mapahinto ako.
"Mommy!" Bumukas ang pintuan at niluwa no'n ang anak kong may malaking ngiti sa labi habang papalapit sa akin. Her long, curly hair bounced as she walked closer to me.
I genuinely smiled at her. "Naveah, anak." Tumayo ako sa pagkakaupo at inantay na makalapit ito. Bahagya akong yumuko at ibinuka ang aking mga braso para yakapin ito.
"Give mommy a hug, baby," malambing na sabi ko sa anak ko.
She giggled and hugged me. "Wala ka bang klase, anak?" I asked her softly.
Lumayo ito sa pagka-kayakap sa akin at tiningnan ako sa mga mata. "Half day lang po kami! Kaya sabi ko kay Tito Harvey na punta ako rito," she said while pouting her cute lips.
I chuckled and ruffled her hair. I looked behind her. "Bakla! Sana naman tinawagan mo ako na pupunta kayo rito," sabi ko kay Harvey.
Maarte naman itong umirap sa akin. "Gaga ka, nag text kaya ako sa iyo," sabi niya sa akin sabay irap.
"Nag text ka nga pero late na," I said while crossing my arms over my chest.
"Halika na nga Naveah! Parang ayaw ng mommy mo na nandito tayo!" sabi niya sabay lapit kay Naveah at hinawakan ito sa pulso. Nalilito namang tiningnan ito ni Naveah.
"Po?" she innocently uttered.
Nagtatakang tiningnan ako ng anak ko.
"Tumahimik ka nga bakla!" masama kong tiningnan si Harvey na tumatawa lang. Tinampal ko ang kamay nito na nakahawak sa kamay ng anak ko.
Binalingan ko ng tingin si Naveah.
"Anak, don't listen to him, okay?" I gently said to my daughter.
She smiled at me and nodded.
"Nga pala... nakasalubong namin si Logan kanina. Anyare?" Harvey curiously asked me.
"He wants to talk to me," I replied, sighing.
"Hindi pa rin maka move-on? Ang tagal niyo ng hiwalay ah?" He asked.
I just shrugged my shoulders.
"Wala eh, iba kamandag ko," I confidently said and flipped my hair.
"Ang kapal!" He exclaimed.
I chuckled. I looked at my daughter. She's so cute so I pinched her nose.
She pouted. "Mommy..."
"What do you want to eat, anak?" I asked my daughter when I saw that it was already 12 pm.
"I want to eat lasagna po, Mommy," she answered.
I smiled at her. "Okay, we'll eat outside."
Dahil gustong kumain ni Naveah ng lasagna ay sa isang mamahaling Italian restaurant kami pumunta para kumain ng lunch.
Nakaupo kami ngayon at hinihintay na lang dumating ang mga pagkain na inorder namin. I just ordered grilled salmon with preserved lemon and green olives for myself. Lasagna naman kay Naveah habang si Harvey ay nag order ng fiorentina steak para sa kanya.
After about fifteen minutes, our food arrived, so we ate in silence.
"Mommy, malapit na po birthday ko..." Napahinto ako sa pagsubo sa kinakain ko ng biglang magsalita si Naveah.
"Ano ba gusto mo sa birthday mo anak?" I asked, smiling.
"I want a Daddy," she answered.
Nanlamig ako sa kinauupuan ko. Nagkatinginan kami ni Harvey.
I looked at my daughter and let out a heavy sigh.
Magsasalita na sana ako ng napako ang tingin ko sa isang direksyon. Para akong sinaksak sa dibdib sa nakita ko. Mabilis akong umiwas ng tingin sa direksyong iyon.
"Daddy ba kamo? I can be your daddy Naveah!" sabi ni Harvey sa anak ko.
Humigpit ang hawak ko sa kubyertos. Hindi ako mapakali habang sulyap nang sulyap sa direksyong iyon.
"Pero bakla po kayo eh, Ayaw ko po..." Nakangusong sagot ni Naveah.
"Ay ang arte ha! Ang bad mo sa akin Naveah! Bawal na bang maging Daddy ang bakla?"
"Hindi naman po..."
"Ah gano'n naman pala eh, bakit ayaw mo?"
"Baka kasi Daddy rin ang hanap mo. Paano na lang po ang real Dad ko? Baka po landiin mo lang kaya gusto mo maging Daddy ko! No!" Naveah exclaimed.
Natatawa ako habang nakikinig sa dalawa.
Harvey looked at me. "Marguerite, makakasabunot ako ng bata. Pigilan mo ako!" nanggigigil na asik sa akin ni Harvey.
"Subukan mo lang bakla ng makatikim ka ng sampal galing sa akin," I said while laughing.
"Speaking of daddy, Daddy mo ouh? Lapitan mo dali!" tiling sabi ni Harvey sabay turo sa direksyon na kanina ko pa tinitingnan.
My jaw dropped.
Mabilis naman itong nilingon ni Naveah at nanlalaki ang mga mata.
"Where po?" Naveah excitedly asked her Tito Harvey. Her eyes twinkled with delight.
"Harvey, stop it," I coldly said. I looked at my daughter and was about to say something when she was nowhere to be found. Mabilis kong nilibot ang paningin ko sa buong paligid.
Nataranta ako ng makita ko itong papalapit sa isang direksyon.
Napamura ako. "Tangina," mura ko. Masama kong tiningnan si Harvey na nag peace sign lang sa akin.
Tumayo ako sa kinau-upuan ko at hinabol si Naveah.
"Daddy raw po kita? Sabi ni Tito Harvey." Rinig kong sabi ng anak ko sa lalaking ngayo'y titig na titig sa kanya.
Nang makalapit ako kay Naveah ay mabilis ko siyang hinawakan sa pulso at hihilain na sana paalis ro'n nang mapahinto ako dahil sa baritono at seryosong boses na tumatawag sa akin.
"Long time no see, Marga..." bati ng isang boses na matagal ko ng hindi naririnig.
Unti-unti ko itong nilingon. Agad namang nagtama ang mata namin. I saw how he clenched his jaw tightly as he glanced at my daughter.
"You have a beautiful daughter..." He said while staring at my daughter.
I cleared my throat.
I smiled proudly. "Of course, nagmana sa akin." Malaking ngiting sabi ko.
Namana lahat ni Naveah sa akin. Malakas talaga ang genes ko. Sabi nga nila. Kung sino raw ang mas nasarapan sa pag gawa sa kanya daw magmamana ang anak niya. Kaya siguro kamukhang-kamukha ko ang anak ko.
"Love," tawag ng isang boses sa atensyon ko. Buong-buo ang boses nito at lalaking-lalaki. Ibang-iba sa kung paano ito makipag-usap kapag kami lang.
Mabilis nitong pinulupot sa bewang ko ang braso nang makalapit sa akin. Palihim akong umismid. Gago talaga. Anong love? Pinandilatan ko ito ng mata.
He just winked at me and kissed my cheeks kaya naman ay palihim ko itong kinurot.
"Kadiri ka gago," pekeng ngiting bulong ko kay Harvey. Inilapit niya ang bibig niya sa may tenga ko at bumulong pabalik.
"Ang arte ha, kala mo kung sinong maganda," he whispered back at me.
"Umayos ka nga," inis na bulong ko.
I cast a peek towards Tyrion, who is simply staring at us, emotionless.
"Daddy?" Napatingin kami sa isang cute na batang lalaki ng magsalita ito. Napatitig ako sa batang lalaki. Damn. Is this he's son...? The kid looks like him.
"Who are they, Honey?" a sweet voice asked.
Ohh. . .
I suddenly realized something.
Napatingin ako sa babaeng nagsalita. I scrutinized her. When she noticed me staring at her, she smiled shyly. Even if she's not wearing any make-up, she's still pretty. She has the face of an angel. She looked simple yet elegant.
"Just someone I used to know." Tyrion responded coldly.
Someone I used to know? I clenched my jaw.
"Mommy? Is he really my Dad?" tanong ni Naveah sa akin sabay hawak sa kamay ko kaya napabaling ang tingin ko sa kanya. Tiningnan ako nito sa mga mata. Kita ko sa mga mata nito ang pagkalito.
Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Harvey sa bewang ko. "Gaga, joke lang iyon kanina, may pamilya na ata, wag na nating gulohin. Tara na," Alanganing bulong ni Harvey sa akin.
So what? I silently said in my mind.
I smirked. Hindi ko binibitwan ang titig ko sa anak ko.
"Yes, anak. He's your Dad. Say hi to him and introduce yourself," kalmadong sagot ko sa anak ko.
My eyes narrowed at Tyrion.
Napasinghap naman ang kasama nitong babae.
"What are you talking about, Marguerite?" Tyrion seriously asked.
Ang titig nito ay tila tumagos sa aking kaluluwa.
"Honey?" basag na boses na tawag ng babae kay Tyrion.
"She's your daughter, Tyrion. Hindi man halata pero anak mo iyang nasa harapan mo," I said and smiled at him.
Napatingin ako sa kamay ng babae na nakahawak sa kamay ni Tyrion. Unti-unti itong bumibitaw sa hawak at naluluhang pinagmasdan ang anak ko.
I smirked.
Blanko ko lang silang pinagmasdan. Huminto ang tingin ko kay Tyrion.
So... you re-married ha?