bc

The Billionaire's Unfulfilled Love

book_age18+
548
FOLLOW
4.3K
READ
billionaire
love-triangle
reincarnation/transmigration
HE
heir/heiress
tragedy
no-couple
mystery
loser
campus
secrets
like
intro-logo
Blurb

The love that has a huge gap and like heaven and earth. That's how Hershey Mae Mendoza describes her second love, Frich Yuan Lim Guerrero, the cousin of her ex-boyfriend-Alex. Hershey's family is just an ordinary family lives in the Province of Cavite. Yuan's family comes from a well known family of Billionaire's in China, so his family strongly objected to the love between the two.

For Yuan's parent, he should also stay with a rich woman which is contrary to Hershey's state of life, so it became a big obstacles for them.

The story of Hershey and Yuan began when Hershey had the opportunity to study in De La Salle University-Dasmariñas, one of the most famous school in the Philippines that only the rich can afford to study.

Hershey thought that Alex was his true love but she felt very sad and disappointed when she suffered a heart attack and chose to leave her and leave the country for his treatment.

They separated and there She met Yuan, Alex's cousin who was disappointed with her former love, Hani. Hershey's and Yuan's path crossed unexpectedly. They leaned on each other and  their love healed her broken hearts.

But the relationship that gradually developed only caused so many obstacles. Time and time again, fate made the two face the gap in their life status.

When the time passed, people and tragedy test the love they hold onto.

What if the love from the past suddenly return and ready to fight the present? Will they fight for their love? Will they continue to cling to a kind of love that is forbidden? Or they will just let each other have fun in the company of others?

chap-preview
Free preview
Prologue
Prologue Hershey Point Of View "Eto ang halagang limang bilyon! Iwan mo ang anak ko!" malakas na sigaw ng Mommy ni Yuan. Salubong ang manipis nitong kilay at gigil ang labi. "Ayoko po, walang katumbas na halaga ang pagmamahalan namin!" hindi ko mapigilang maluha at magtaas ng boses sa sobrang galit. Sobrang baba ng tingin nito sa'kin na halos isampal na sa pagmumuka ko ang isang bag na pera. "Hindi ba kailangan ng iyong ama magpagamot? Sobra sobra na iyan para sa dialysis!" mapagmataas itong tumingin sa'kin na may nanlilisik na mga mata. She's beautiful pero hindi ang ugali nito. Malayong malayo sa anak nila. "Huwag niyo pong idamay ang Papa ko, alam kong kailangan namin ng pera. Pero hindi ibig sabihin na tatanggapin ko ang perang 'yan. Magkaiba iyon, hindi pwedeng idamay ang pangangailangan sa tunay na pag ibig." diretsuhang sabi ko. "Wala akong pakielam! Kung tunay man ang pag ibig niyo sa isa't isa. Layuan mo ang anak ko! Kung ayaw mong idaan ko sa marahas na pamamaraan!" banta nito. Nanginig ako sa galit. Bakit may mga ganitong tao? Tuluyan ng tumulo ang luha kong kanina ko pang pinipigilan. Hindi pa rin pala sila kuntento na pinatalsik ako sa De LaSalle University-Dasmariñas. Gusto pa nilang ipamuka sa'kin na nangangailangan kami. I gritted my teeth. "Hindi ko po iiwan ang anak niyo..Hangga't hindi siya ang nagsasabi niyan sa'kin.. Hindi magbabago ang desisyon ko!" pagmamatigas ko. Sa galit nito ay nasampal ako nito ng sobrang lakas. Halos tumabingi ang aking muka sa lakas ng impact noon. Nangilid lalo ang luha sa mata ko. Sobrang sakit dahil buong puwersa ako nitong sinampal. Ni minsan, hindi pa ko nasasampal ng mama ko. Kaya sobrang sakit sa kalooban na ang gagawa noon ay ibang tao at nanay pa ng lalaking pinaka mamahal ko. Napahawak ako sa aking pisngi. Bigla itong namanhid at tila namaga. Pihadong mamumula ito. "You! Ginagalit mo talaga ako! Hindi ka nababagay sa anak ko! Yuan is rich! Walang wala ka sa kalingkingan nito. Nababagay lamang siya sa kapwa niya mayaman at may sinabi sa lipunan. Ang mga katulad mo ay nararapat lamang sa kapwa mo dukha!" diretsuhan nitong sikmat. Para akong sinaksak ng paulit ulit sa mga katagang binitawan nito. Sobra sobra ang pananapak nito sa aking pagkatao. "Hindi sukatan ang estado sa buhay para sa pagmamahalang totoo. Hindi kayang bilhin at suklian ng pera ang tunay na pag ibig." makahulugan kong tugon. Ngumisi ito, ngising nakakapanindig balahibo. "Sa antas ng pamumuhay naming maharlika, hindi mahalaga ang pag ibig. Ang benepisyo ng kapwa namin mayaman ang tinitimbang. Hindi ang pag ibig na panandalian lang. Hindi ka mapapakain ng pag ibig na yan!" saad nito sa mataas na boses. "Sa inyong maharlika, subalit hindi ganoon si Yuan. Tanggap niya kung ano at sino ako. Kaya naming magsikap para sa sarili namin nang hindi umaasa sa yamang meron kayo." "Ows? Sa tingin mo ba ay mapapakain mo si Yuan ng mga pagkain ng dukha? Ang halaga ng pagkain ni Yuan ay sinasahod lang ng iyong ama noong Civil Engineer pa siya! Wala kanang mapapagkuhanan ng pangtustos sa pagpapagamot sa kanya. Pinag aral ka niya sa magandang eskwelahan pero nagagawa mo siyang tiisin? Alam mong kailangan niya pang mabuhay at makina nalang ang makakapag pa-buhay sa kanya. Ang halaga ng pagpapadialysis ay hindi mo kayang tustusan lalo at estudyante ka lang. Mamili ka ngayon din!" aniya. Nanlumo ako sa sinabi nito. Tunay ngang kailangan ng aking ama magpagamot. Pero ayokong iwanan si Yuan. Hindi ko kaya. "Hindi ko po matatanggap ang pera niyo! kahit maghirap kami. Gagawa ako ng sarili kong paraan para sa Papa ko." umiiyak kong sagot rito. "Siguraduhin mo lang, dahil handa akong pahirapan ka hanggang sa lumuhod ka mismo sa aking harapan! Para lang hingiin ang perang ito." saad nito sa malumanay pero malamig na boses. Nakaramdam ako ng matinding kilabot roon. Umalis ito at naiwan akong tulala sa kawalan. Kasabay noon ang pagbagsak ng malakas na ulan. Hindi ko lubos maisip na aabot sa ganito ang pag iibigan namin. Hahamakin ang lahat para lang panindigan ang aming pag ibig. Hanggang kailan ko ba mapapanghawakan ang aking pangako? Ngayong bilang nalang sa daliri ang buhay ng aking ama? Magagawa ko pa ba ang mga pangarap naming dalawa? O hanggang dito nalang ang aking magiging pasya? Tila sinusuntok ang aking dibdib at tuluyan na itong nanikip. Dalawang beses akong napalunok dahil nagbabara na rin ang aking lalamunan. Gusto kong isigaw sa buong mundo kung bakit napaka unfair ng trato nito? Nawala sa'kin si Alex dahil may sakit ito sa puso at umalis para magpagamot. Ngayon naman ay si Yuan ang gusto nilang iwanan ko, dahil sa langit at lupa na estado ng pamumuhay namin. Hanggang kailan magiging hadlang ang estado ng pamumuhay sa dalawang pusong tunay na nagmamahalan? Paano na ang aking ama na ginawa ang lahat para lang makapasok ako sa magandang eskwelahan? Ang aking ama na ibinigay lahat sa'kin simula't sapul, hindi ako pinabayaan. Paulit ulit kong tinapik ang aking dibdib sa tindi ng sakit na nararamdaman. Parang ibig ko nalang mamatay sa dami ng problema. May kuya pa akong nasa kulungan dahil ginamit ang perang hindi sa kanya at pera ng kompanya. Higit sa lahat paano na ang aking kapatid na bunso na nag aaral sa Senior High? Sino ang magbibigay ng baon rito araw-araw gayong si Mama ay nasa bahay lang. Napasabunot nalang ako sa aking ulo. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Nagsimula na rin akong lamigin nang biglang tumigil ang pagpatak sa aking puwesto. Dalawang pares ng paa ang tumigil sa aking harapan. "Pasensya kana, kung hadlang ang buong angkan ko sa'tin. Gagawin ko ang lahat para sayo. Para sa pagmamahalan natin. Langit at lupa man ang agwat hinding hindi kita iiwan." malumanay na saad ni Yuan. Tila hinaplos nito ang nanlalamig kong puso. Ni-level niya ang kanyang katawan sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Huwag mo kong bibitawan, mangako ka." aniya sa seryosong boses. Tuluyan na akong napahagulgol sa bisig nito. At niyakap siya pabalik. Hindi ko magawang sagutin ang kanyang sinabi. Hindi ko magawang mangako. Para akong sinaksak sa mga salitang binitawan niya. Imbes na kilig ang dulot ay sakit na walang kapantay ang aking nararamdaman. Ang katapangan kong pinakita kanina ay tuluyan ng naglahong parang bula. "Bakit? Bakit ang hirap mong mahalin?" malungkot kong tanong sa pagod na boses.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook