Kabanata 1

1417 Words
Sa paglipas ng dalawang taon na pagkabigo. Sa pag-aakalang si Alex na ang makakatuluyan ko. Nakilala ko si Yuan, ang pinsan ni Alex na nagbukas ulit ng aking puso at binuo ito mula sa pagkakadurog. Naging maayos ang aming relasyon at mas nakilala ang isa't isa. Subalit hindi payag ang mga magulang ni Yuan na maging kasintahan niya ako dahil mula siya sa angkan ng pinakamayaman sa China, samantalang ako ay mula lamang sa ordinaryong pamilya. May lupa pero walang magagarang sasakyan at malalaking negosyo. Simple at ‘di kabilang sa mga bigating tao. Bagay na labis na ikinalulungkot ko. Napakahirap talaga kapag malaki ang agwat niyo sa buhay, langit siya at lupa lang ako. Pero hindi siya pumayag na humadlang ang estado niya bilang bilyonaryo at tagapagmana para mahalin ako. Bagay na ipinagpapasalamat ko. Aminado akong nahirapan akong mag move on kay Alex noon. Pero meron akong Yuan na ginagawa lahat para sa ‘kin. Kaya kahit hindi katanggap-tanggap na maiwanan at masaktan, unti-unti kong natutunan na pakawalan yung mga bagay at bitawan yun para hindi na ko masaktan. Sometimes it’s very hard to move on, but once you do, you’ll realize it’s the best decision you’ve ever made. No matter why things are changing, we need to be able to let go and move on. Some people believe holding on and hanging in there are signs of great strength. However, there are times when it takes much more strength to know when to let go and then do it. Because if you’re brave enough to say goodbye, life will reward you with a new hello. I really love Alex before. Kaya naiiyak ako. Dahil masakit. May mga ala-alang pilit kong kinakalimutan pero bumabalik. Until Yuan teaches me how to love myself. Doon ko tuluyang nabitawan ang alaala ng kahapon. Ang pag-ibig na hindi natupad dahil maling tao ang aking minahal. Sa isang napakagandang lugar sa Pilipinas matatagpuan ang probinsya ng Cavite. Dito ako lumaki at nag-kaisip pero sa Manila ako ipinanganak. Lumipat kami rito ng aming pamilya noong limang taong gulang pa lamang ako. Sa bahay na malaki ng Lolo at Lola ko kami nanirahan kasama ang aking magulang at tatlong kapatid na lalaki. My father is a Civil Engineer samantalang house wife naman si Mama. Nasa Brunei si Papa at si Mama lang ang kasama namin. Lumaki ako kasama ng aking mga pinsan. Labing pitong taong gulang na ako ngayon at nag aaral sa De La Salle University-Dasmariñas bilang college student. Kasama ko ang aking kaibigan na si Miles Mourte-Kenshin. Sabay kami laging napasok araw araw. "Hershey! Tara na't pumasok. May gagawin pa tayo sa school. Dali!" Naririnig ko ang sigaw ni Miles. Pero heto pa rin ako at nagsusuklay ng buhok. Kainis kasing buhok to. Sobrang haba na naman kakapagupit ko lang, ah. "Oo na sandali!" sigaw ko, dahil maiinis nanaman 'yon kapag hindi ako sumagot. Pagkatapos ng anim na minutong pagsusuklay at pag-aayos ng sarili, bumaba na ako. Nakita ko siyang pabalik-balik sa may sala. Di mapakali sa sobrang pagka-inip kakahintay. Ngumisi ako. Hay nako! Magbubunganga nanaman siya. "Ano ka ba naman HERSHEY?! Kanina pa ko naghihintay sayo. Malelate na tayo e. Pambihira ka talaga. Tara na nga!" Hinila niya na ako. Natatawa lang ako habang nagpapahila sa kanya. Kahit kailan talaga ang bungangera nitong si Miles. Dinaig pa si mama. Kaloka! "Anong oras na?! Nako! Yare na naman tayo sa teacher natin pag ‘di tayo nakapagpasa ng homework. Oo nga at lagi tayong may gawang homework, kaso lagi naman tayong late! Jusmiyo! Bago pa naman ipasa 'yon, dapat wala pa si Sir. Kaso heto at late na naman nga tayo. Hay nakooo! Ikaw talagaa! Napaka pasaway mo! Kung hindi lang kita best friend. Iniwanan na talaga kita lagi," nakasimangot nitong sermon. "Ano?!" painosente kong tanong. Alam ko naman kasing hindi niya ko matitiis. Tumawa nalang ako ng hindi siya nakasagot. Magfi-first year college na kami. Pero pasaway pa rin ako. Matalino naman ako pero pasaway lang talaga. Napalingon ako sa paligid. Habang pinakikinggan ang walang katapusang buntong hininga ni Miles. I smirked. Maaga siyang tatandang dalaga sa ‘kin. Napalingon ako sa kanya nang bigla siyang magsalita. "Nakarating na tayo sa school. Bilis!" Isinwype na namin yung ID namin at dali-daling tumakbo papasok. Halos pagalitan na nga kami ni Manong Guard dahil ipinagbabawal sa Campus ang pagtakbo lalo na at paakyat ng hagdan. Laging punuan ang elevator kaya napilitan kaming maghagdan. Pang 8th floor pa naman ang room ng fourth year. "Para ka na namang kabayo.." pang aasar ko kay Miles. Awtomatikong ngumuso siya at umirap. Tapos tinawanan ko lang siya. Hawak kamay kaming natakbo. Halos lahat ng estudyante napapatingin sa ‘min. Halos lahat nakukuha namin ang atensyon. Ganyan ang epekto naming dalawa pag magkasama. "Di ba si Hershey at Miles 'yon? Ang ganda nila sobra!" "Grabe ang sexy ni Miles! At ang cute talaga ni Hershey kahit maliit siya ang lakas ng dating!" Ilan lang yan sa madalas kong marinig na sinasabi ng mga lalaki kapag dadaan kami ni Miles. Nakasanayan na rin naming huwag pansinin ang mga ito. Natigilan kami dahil nagkukumpulan sa may hallway ang mga babae. May mga nakaabang pa sa gilid. Lahat sila parang excited at tila binudburan ng asin. Tumaas agad ang kilay ko roon. "Anong meron?" takang tanong ni Miles. Nagkibit balikat lang ako. Napatigil ulit ako sa paglalakad nang may dalawang pares ng sapatos akong nakitang humarang at huminto sa aking harapan. "KYAAAHHH! Ayan na siya guys!" "Hayyyy! Nakakahimatay ang Kagwapuhan!" "Parang gusto ko nalang maging sahig! Okay lang kahit apak apakan niya ko! Shet! Ang gwapo!" Nang i-angat ko ang aking paningin ay bumungad sa ‘kin ang guwapong muka ni Yuan. Si Frich Yuan Lim-Guerrero, may matangos na ilong, maputi, may perpektong hugis ng muka, kissable ang lips, itim na itim ang mata, may pagka-badboy looks. Humingi siya ng paumanhin. Siya ang number 1 sa pinakasikat sa buong Campus. Isang kilalang bilyonaryo, napakayaman ng kanilang pamilya. Half Chinese siya kaya ang lakas ng dating nito. May-ari sila ng napakaraming businesses sa iba't ibang sulok ng mundo. Shìt! Kahit Boyfriend ko na ito. Nakaka-intimidate talaga pag kaharap mo na siya! Sobrang guwapo kasi nito! Pakiramdam ko tuloy ay kusang nalalaglag ang panty ko! "Grabe ang guwapo niya talaga!" "Mapapa sana all ka nalang talaga kapag may ganyan kagwapo at kayaman ang boyfriend mo! OMG!" "Sabay tayong mag lunch mamaya, Han. Susunduin kita sa classroom mo, ah?" aniya sa seryosong tinig. Hindi ako agad nakasagot dahil na-sstarstruck talaga ko kapag kaharap ko siya. Nakakahiya! Masyado bang obvious na patay na patay ako sakanya? Geez! "Okay. Hihintayin kita," nakangiti kong sabi kalaunan. Kinuha niya ang bag ko kahit malapit na naman kami sa classroom. Hinatid niya ko roon. Panay naman ang siko sa 'kin ni Miles dahil mas kinikilig ang bruha pati ang ibang tao kesa sa 'kin. Humalik pa siya sa noo ko bago magpaalam. "See you later, huwag masyadong makipag close sa mga kaklase mong panget," masungit nitong sabi. Napakaseloso talaga. Napailing nalang ako sa kapraningan nito. Pag-alis ni Yuan, pumasok na kami ni Miles sa loob. "Damn it!" Pagpasok namin sa loob, wala ng teacher. Napatingin kami sa mga kaklase namin. Umirap agad si Kristelle. Kahit kailan talaga ang maldita niya, akala mo kung sinong napakaganda. Di ko nalang ito pinansin. “Nakaalis na ba si Sir?” tanong ni Miles kay Jasteen. Isa sa heartthrob ng Campus. May pagkaplayboy si Jasteen, binigyan niya ng nakakalokong ngiti si Miles bago sinagot ang tanong nito. "Late na naman kayo? Pasalamat ka, wala tayong teacher ngayon. May inaasikaso daw si Sir outside the country," sagot nito kaya nilagpasan nalang siya ni Miles at naupo sa may silya. Bago pa ko maglakad, hinawakan ni Jasteen ang kamay ko. "What?" nakakunot ang noo ko nang lingunin ko siya. “Wala," aniya, pagkatapos ay binitawan na rin niya ako. Kaya lang saktong dating ‘yon ni Yuan. Nakita niya ‘yon kaya mabilis itong humakbang papunta sa kinaroroonan namin. Kinuwelyuhan niya si Jasteen at salubong ang kilay na sinikmatan ang lalaki. "Gago ka, ah! Bakit may paghawak-hawak ka pa sa kamay ng girlfriend ko?! Hindi mo ba alam na akin siya?!" igting ang pangang sikmat ni Yuan kay Jasteen. Ngumisi lang ang huli na parang nang-aasar pa kaya nakatikim siya ng malakas na suntok sa muka galing kay Yuan. Napasinghap ako roon. Agad akong dumalo kay Yuan para awatin ito. "OH MY GOD! "OW!" "Masakit 'yon!" Nagsimulang magkagulo at magkumpulan ang lahat sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD