Kabanata 2

1896 Words
"OH MY GOD! "OW!" "Masakit 'yon!" Nagsimulang magkagulo at magkumpulan ang lahat sa dalawa. Babawi sana si Jasteen nang pumagitna sila Raz. Hindi na ito nakaganti. "Damn, ang sakit, ah," sabi ni Jasteen habang hawak-hawak ang kanyang panga na natamaan. "f**k you! Subukan mong bastusin ulit ang girlfriend ko at hawak-hawakan ang kanyang kamay! Magkikita tayo sa impyerno!" galit ang muka at nanginginig ang kamao na sigaw ni Yuan. Nakakatakot ito magalit. Kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kanyang braso bago pa ito manuntok ulit. Ayaw na ayaw talaga niya ang ganoon. Masyado itong territorial. Lalo na pagdating sa ‘kin. Ngumisi lang ulit si Jasteen kaya mabilis siyang hinatak nila Raz palayo para hindi na lumala pa ang gulo. Pinilit kong pakalmahin si Yuan matapos ng nangyaring kaguluhan. Nilambing ko ito sa pamamagitan ng pagyakap at paghalik para lamang kumalma siya. "Han.. sana ‘di mo na lang pinatulan,” marahang pangaral ko sa kanya. Hindi ko kasi akalain na bigla itong manununtok. "Sorry, kumulo bigla dugo ko e. Nakulo na talaga dugo ko sa kanya noon pa," pag amin niya. "Kahit na, umiwas ka nalang,” medyo mariin nang pagkakasabi ko. Kailangan ko kasing ipakitang galit na ako para sumunod siya sa ‘kin. Panay ang paghingi niya ng tawad. “Sorry na, Han.. sorry..” Humalik siya sa pisngi ko para ako naman ang pakalmahin. Nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa ginawa niya. "Wag kang mag-alala, hindi ko na uulitin.. sorry," aniya. I nodded. Kung minsan ay napakaseloso niyang talaga. *** Nang sumunod na araw ay naggawa lang ako ng mga project at assignment dahil wala kaming pasok. Mas maaga akong naggagawa ng mga takdang gawain dahil ayokong nagagahol ako sa oras. Mahirap na. Ayokong manakit ang ulo ko sa paghahabol. Pagkatapos ko maggawa ay nagbasa nalang ako sa GoòdNovel. Tinuloy ko yung binabasa ko na His Dark Side. Habang natagal kasi nagiging exciting ang mga kaganapan. Nagbabasa pa rin ako ng novel nang dumating si Joshua para mang gulo. "Pinsan.. tingin ka rito.." sabi ni Joshua. Tumingin nga naman ako. Pagharap ko sa kanya ay saktong tumama sa noo ko yung hawak niyang Caterpillar. Halos manlaki ang mata ko at mapalundag ako sa kama dahil doon. "KYAAAHHHH! JOSHUAA NAMAN EHHH!" galit na galit kong pinagbabato siya ng mga gamit sa loob ng kwarto ko sa sobrang inis. Kengkoy talaga ito! Grrrr! "HAHAHAHA. Ang epic.. HAHAHAHA.." halos maiyak na siya sa sobrang inis katatawa. Samantalang ako pulang pula na ang muka sa galit. "Magsimula ka nang magdasal ngayon!" sabi ko saka ko siya sinugod at nag wrestling kaming dalawa. Pareho kasi kaming Black Belter kaya walang atang mananalo sa 'min. "Fùck you!!" singhal ko. Tawa pa rin siya nang tawa kahit pinipilipit ko na ang paa at kamay niya. "E-Easy l-lang.." aniya sa hirap na boses kaya binitawan ko na siya nang may biglang pumasok sa loob ng kwarto. "S-Sorry na pis.." pahabol ng gàgong si Joshua. "Nag-aaway nanaman kayong dalawa?" sabi ng isa ko pang pinsan—si Kathreen pala. Mag pipinsan kaming tatlo. Sa aming mag-pipinsan, si Kathreen at Joshua ang pinaka malapit sa 'kin. Nagkakasundo kasi kami minsan. At kami lang ang di nag kakalayo ang edad. "Tss! Gago kasi 'tong si Joshua e!" reklamo ko. Ngumuso lang si Kathreen. Habang nag pipigil ng tawa si Joshua. "H-Hindi naman ahh.." depensa nito kaya iniwan ko nalang sila sa loob at lumabas ako ng bahay. Dumiretso na lang ako sa may garden para magmuni-muni nang may biglang nagpop up sa phone ko. "Hi. I'm Khyla nga pala yung Secretary ng 4-Taurus Section. Miss President kailangan ka raw po rito sa school. Kay Miles ko po nakuha ang number niyo. May event daw pong gaganapin ngayong darating na buwan.." aniya. Kaya tumango ako. Shocks! Bakit ba ako natango katext ko naman? Nagreply nalang ako agad after 5mins. "Uhm sige. Just wait. 30mins lang andyan na ako," sagot ko sa kanya. Tinakbo ko na ang distansya ng Garden sa Mansion at mabilis na umakyat sa hagdan papuntang kwarto. Wala na roon ang mga pinsan ko. Inayos ko na yung gamit ko. Isinukbit ko na yung bag pack kong maliit at nag tungo sa paaralan. Ang bilis ng panahon, 4th Year na kami. Wala pa ring nagbago maliban sa pagiging Class Officer ko. I sighed. Habang naglalakad ay may lalaking sumabay sa ‘kin sa paglalakad. "Hi.." ngumiti ito. Yung ngiting tatak sa isip mo. Halos mapakurap ako nang makitang si Yuan pala 'yon. Dinala niya yung bag ko. Kinabahan ako bigla. Bumilis ang t***k ng puso ko roon. Hindi ko akalaing makakasabay ko ito at dadalhin pa ang bag ko. Dahil sobrang nakakaintimidate siya ay hindi ako nakapagsalita. Nakangiti lang siya habang naglalakad kami. "Sabi ko na, ang lakas ng pakiramdam kong aalis ka, mabuti nalang at balak kong pumunta sa inyo,” nakangiti niyang saad. Ang gwapo nitong ngumiti. Nakakainlove talaga. Sobrang ganda ng ngipin niya. Pantay pantay at napaka puti. Pang model ng close up yung ngiti niya. Napailing ako dahilan para makuha ko lalo ang atensyon niya. "Why?" tanong niya. Seryoso siya ngayon. Lalo lang akong kinakabahan sa kanya pagseryoso siya. "W-Wala.." nauutal kong sagot, damn it! Bakit nauutal pa ako? Kakahiya! "You sure?" aniya kaya tumango ako. Limang minuto bago ako makapagsalita nang maayos. "Bukas na ang punta natin sa mansion niyo di ba?" tanong ko sa kanya. "Yeah, susunduin kita bukas. Balak kong ipakilala ka na sa buong angkan ko,” aniya sa seryosong tinig. Kainis! Pakiramdam ko tuloy nag-iinit yung tenga ko. Nakakakilig! Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Nang makarating kami sa school ay dumiretso kami sa Student Council Office. Nagsimula na ang meeting nang bandang alas dos ng hapon. "Can we start the meeting?" tanong ko sa mga kasamahan namin. "Yes, Miss President," sabi ni Miles bilang sagot. Sumeryoso ako at tiningnan siya. Ngumiti naman siya sa ‘kin. Simula palang nang maging fourth year kami ay naging matino na ako. Matino means nag seryoso sa pag-aaral. I'm also the top 1 in our class. "So? Ang naisip ko ay gagawa tayo ng mga props para maging decorations ng school festival. Biglaan ito base sa sinabi ng Principal kanina kaya magiging rush ang lahat,” panimula ko kaya tumango sila Khyla. "Naisip ko lang pwede ba kayong umuwi ng late para masimulan na natin ang pag gagawa ng props?" tanong ko sakanila, tumango sila isa isa. "I have a great idea.." singit ni Miles. "Kami ni Khyla ang bibili ng mga kailangang materyales para makapagsimula na tayo mamaya. Since Red letter day ngayon lahat tayo free,” aniya. May point siya. Tutal pipirmahan lang naman ng mga magulang ang card. Pero sinabi na ng admin na walang pasok. "So? Ang decorations ay pag aaralan ko muna. Kung anong magandang gawin. Habang nabili pa sila Miles at Khyla,” sabi ko at naupo sa swivel chair. "I'll help you. Mag-umpisa tayo sa kulay. Ano bang kulay ang sinabi ng principal?" sabi ni Yuan. Kapag mahalaga ang usapan, pormal ito. "White, blue at green," tipid kong sabi. Tumango siya at inayos na ang mga naisip niyang ideya. Inilahad niya iyon lahat na sinang-ayunan naman ng lahat. Nagsimula na kaming mag gupit ng mga gagamitin. At bumili na sila Miles at Khyla ng kakailanganin namin. Pinag hahandaan talaga namin ang darating na Festival. Nagfocus nalang ako sa mga school works at pagde-decorate. Para naman hindi nakakahiya na ako ang President ng Student Council. We hang a lot of posters, murals, and paintings. At nang mag-gabi. We do Arabian Nights Themed Parties because it allows you to host a mysterious and luxurious evening theme with fantastic décor options that work particularly well for Bedouin tents and marquees or outside. One of our favourite décor options is ceiling draping and low seating to create an intimate atmosphere. We also use warm lighting to create an atmosphere and luxurious wall draping, street food carts and a small shisha lounge area outside to finish the look. Kinabukasan naman ay ang sa Music Festivals. It's all about the best music, bands, Camping and beer. Kaya we set up a music stage for a live band and tents. Maraming dumalo at naki-festival. Patingin-tingin lang ako sa paligid nang umalingawngaw ang boses ni Yuan habang hawak ang gitara. Nakatutok sa kanya ang spotlight habang nakangiting bumabati sa karamihan. "Good evening ladies and gentleman, I am Frich Yuan Guerrero the most handsome vocalist of Zeus Band. Welcome to our beloved University, and please enjoy the festival. I would like to perform I Cherish You wrote by my girlfriend Hershey,” aniya habang nakangiti. Wow, para sa ‘kin talaga? Kainis ‘to! Halos himatayin naman lahat sa sobrang gwapo niya. Napakalamig rin ng boses niya. Hindi pa man siya nagsisimula ay nagwawala na ang Crowd. "Kyaaaahhh!!! Napakagwapo mo Yuan!!!" "Waaahhhh!! Maririnig ko nanaman ang mala Diyos mong tinig!!" "C'mon! Bring it on! Excited na kong marinig ang gwapo mong boses, kanta na Yuaannnn!!!" "Shet! Ang gwapo!" Ilan lang yan sa sigawan ng mga naroon. Masaya ako para sa kanya dahil maraming humahanga rito. Nagsimula na siyang magstrum ng gitara habang nakatingin sa direction ko. "All I am, all I'll be is to be with you Everything in this world means nothing without you All that I'll ever need Is in your eyes Shining at me You give me the reason to be alive When you smile I can feel All my passion unfolding Your hand brushes mine And a thousand sensations embrace me wholeheartedly Hold my heart and never leave me 'cause I..." malamig na boses niya ang pumaibabaw sa paligid. Natahimik ang lahat at dinama ang maganda nitong boses. Ramdam na ramdam ko ang matinding kilig. Ganoon rin sila. "I cherish you everyday I will never stop loving you For the rest of my life you are always mine You don't have to think twice because I am yours I will love you always From the depths of my soul you have the control in my heart I've waited so long to say this to you If you're asking if I cherish you nor do I love you this much my answer is always I do..." Yuan sang while looking at me intently. Tumulo ang luha sa aking mata. Tila hinaplos ang aking puso roon. Napakasweet nito. "You make me realize how lucky I am since I found you out of the blue You are my everything... You are my eternity... I love you so much..." aniya, saka dinugtungan ng "Hershey ko.." sa dulo kaya naghiyawan ang lahat. Namumula akong ngumiti at nakaramdam ng matinding hiya nang tumapat na sa ‘kin ang spotlight. "You see her? She's my everything.." pagpapakilala ni Yuan sa ‘kin kaya halos mahimatay ako sa kilig pati ang mga naroon. "Ayieee!!!" "Kyaaahhh! Ang sweet!!" "Sana all may Yuan!" Sigawan ng mga tao. Mas lalo pa silang nagsisigaw nang bumaba si Yuan sa stage at nilapitan ako. Inabot niya sa 'kin ang hawak niyang bouquet of blue rose saka hinalikan ako sa noo. Nagharumentado naman ang puso ko sa sobrang kilig. Nahihiyang sumubsob ako sa dibdib nito. Niyakap niya naman ako lalo saka paulit ulit sinabi ang salitang, "Mahal kita.. mahal na mahal..." Napangiti ako at sinagot ang sinabi niya ng, "Mas mahal na mahal kita.. thank you sa bulaklak," nahihiyang sabi ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD