Kabanata 3

1301 Words
Present Time... Lumipas ang isang araw na busy pa rin kami sa pagde-decorate ng school. "Naayos na ba yung decorations ng stage?" tanong ko kay Yuan. Tumango siya bilang tugon. Habang abala ako sa pag checheck ng mga decorations na ikinakabit sa may dingding ng gymnasium. Abala rin si Yuan sa pagtingin sakin. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginagawa niya. Lalo na at center of attraction siya. Gwapo talaga siya. Mala Greek Gods ang itsura niya. Sa sobrang gwapo niya nga panty dropper ang pang asar sakanya ni Joshua. "isn't staring rude?" masungit kong sabi. Nakakainis kasi e. Nakaka-distract. Aywow! Hershey ikaw pa ang may ganang madistract d'yan. Bwisit na konsensya naman 'to! Nang gugulo pa. Tsk. "sorry na. Ang ganda mo kasi. Di ko mapigilan." nakangiti nitong saad. Inirapan ko lang siya. Napaka bolero talaga. "playboy." sabi ko naman kaya sumimangot siya agad. Lihim akong napangiti. "I'm telling the truth. You're beautiful." nagkibit balikat nalang ako. Nanahimik naman siya at inasikaso yung mga naglalagay ng tent sa labas ng gymn. "Sinasabi mo lang 'yan kasi girlfriend mo ko e." nakasimangot kong sabi. Matamis itong ngumiti bago sumagot. "No, you capture my heart since then." Napanatag ang loob ko kaya lang dumating ang grupo nila Rj. Ang kilalang good-looking-badboy ng Campus. Para na silang F4 kasama pa yung pinsan kong kengkoy na pinag lihi sa labanos. Para ng Labanos sa sobrang puti. "nakikita mo ba ang nakikita ko?" kinikilig na sabi ni Khyla. Nagulat ako sa biglaang pag sulpot niya. Dahilan para mapaatras ako. "Ano ba naman 'yan? Magsabi ka naman. Takte. Para kang kabute bigla bigla nalang nasulpot.." sabi ko rito. Ngingiti ngiti siya at kunwari'y nag gugupit ng mga decors. Sinaway ko naman siya. "sorry na..he-he.." aniya, buti maganda ka kaso nga lang engot ka. Hays. "KHYLA! Wag mong gupitin 'yan! Ano kaba namaann?! Tabi-tabingi yung gupit mo ng letters. Mygad!" sabi ko. Kaya nagulantang siya. Namutla siya bigla. "s**t! Sorry! Mygosh! Paano na 'to?" mangiyak ngiyak niyang inayos ang gusot na ginawa niya. "Ako na.." sabi ko sa kanya, s**t! Kailangan kong kumalma. Mainitin ang ulo ko kaya kailangan ko talagang ikalma ang sarili ko para walang gulo. "its okay. Akin na." sabi ko sakanya, ni-ruler ko yung cartolina at mabuti nalang naayos ko siya. "Gosh! Akala ko di mo na maayos. Salamat! Sorry ulit. Miss President. Hindi ako nag iingat." sabi niya. Nginitian ko lang siya. Saktong dating naman ni Joshua sa side namin para mang bwisit. "Hi pinsan kong maganda." mapang asar nitong bati. "Maganda mo muka mo. Nako Joshua, kung may balak ka nanamang kalokohan wag dito. Busy ako at mahalaga lahat ng ginagawa namin dito." kontra ko na agad, nag didikit kami ng stickers sa pader nang biglang gulatin ni Joshua yung may hawak ng hagdan, kung saan nakatapak ang dalawa kong paa. Hindi nako nakapag salita sa gulat nang bigla akong ma-out balanced at bumagsak sa bisig ni Yuan. Ang bilis ng t***k ng puso ko roon.. Buong akala ko ay sa sahig ako babagsak! Pihadong mababalian ako kung nagkataon. Natahimik lahat ng nasa gymnasium. Tipong pinag halong kaba at gulat. "Ayieeee!" "Grabe ah! Nag ala-Flash si Yuan masalo ka lang!" natatawang sambit ni Joshua. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman magawang magalit ni Yuan rito. Imbes magalit ay nadagdagan pa nga ng kilig. "Thank you, Han." sabi ko sa kanya ng namumula. "Ayos lang basta sa'kin ka mahulog wag sa iba.." mapang akit nitong saad. Double meaning yun ah! Galawang Hokage talaga ito! "Uhm.." natameme naman ako dahil kinilig at nahihiya sa mga nakasaksi. "Buti nalang nung nahulog ka nasalo agad kita. Kundi siguradong masasaktan ka.." malambing na dugtong niya pa. "AYIEEEE!" hiyawan ng mga nandoon. Pumalakpak pa talaga sila. "loko.. Salamat.." nakangiting sabi ko rito, agad niya naman akong ibinaba. Saka sinabihan si Joshua na wag na iyong uulitin. "uuwi kana ba?" tanong ni Yuan. Tumango ako kaya siya nanaman ang kasama ko nag lalakad kami palabas. Natigilan ako nang makita ko siyang huminto sa kotse niyang Porsche. "yeah. Nakikita mo naman e." sabi ko saka ngumuso. He laughs mockingly. "sungit. Can I have your h--" hindi na niya naituloy nang biglang may motor na sumulpot at nawalan iyon ng control. Muntik na akong masagasaan! Kung hindi niya pa ako hinila palapit sa kanya papunta sa may tabi siguradong nasagasaan na ako. Ang kaso...napayakap ako sa kanya ng wala sa oras. Nakaramdam ako ng kaba at hiya na may kasamang matinding kilig kaya bigla ko siyang naitulak. Kumalabog ng todo ang puso ko nang mag tama ang mga mata namin. Para akong nahi-hipnotismo sa mga mata niya. Agad akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Natawa siya sa ginawa ko. Hinatid niya ko sa Bahay at humalik sa pisngi ko bago siya nagpaalam paalis. Pagdating ko sa bahay dumiretso ako agad sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit at nahiga sa kama. Hindi ko makalimutan yung nangyari kanina. Kaya nag pagulong gulong ako sa kama na parang baliw. Kinikilig ako! Akala ko sa w*****d at dreame ko lang mararanasan ang kiligin. Pero grabe! Nakakakilig ng todo. Nakakahiya lang talaga. Geez! Tinuloy ko nalang ang pagbabasa ko ng Novel. Nasa part na ko na namatay sila Rome at Czarist tapos hiniling ni Cza kay Lord na bigyan siya ng chance na ituloy ang pag iibigan nila ni Rome sa Next life. Nagka totoo iyon at nag kita sila ulit. Sa katauhan ni Jillian at Xavier. Nabuo ulit ang kanilang love story. Grabe nakaka kilig talaga. Lalo na nung nag inuman sila tapos may nangyari sakanila. Gosh! Nakaka kilig. Nang ligaw sa kanya si Xavier at nag selos ito dahil dumating si Prinsipe Jimuel ang Crown Prince ng kaharian ng Espanya. Nagka gusto iyon kay Jillian. Pero tumigil rin dahil alam niyang si Heneral Xavier ang gusto nito. Nag paubaya nalang siya. Naging close sila Jillian at Heneral Xavier. Kaya lang nahuli sila ng Tatay ni Jillian kaya nagalit ito sakanila. At pinarusahan sila pareho. Nasa part na ko nang kuwento na iyon nang may kumatok sa aking kwarto. "Anak, luto na ang adobo at kanin. Tara na kumain." tawag sakin ni Mama mula sa labas ng pintuan. Kaya binack ko na muna ang phone ko. Ginabi na pala ako. Nakita ko ang oras. Alas siyete na ng gabi. Oras na ng hapunan.. Kaya pala nagugutom na rin ako. I sighed. "Sige po. Lalabas na ko." sabi ko kay mama at lumabas na. Sabay kaming bumaba at kumain. Nandoon na si Prince at sabay kaming tatlo kumain. Wala sila kuya nasa trabaho sila pareho sa Manila. After kumain ay kinausap ko si Miles. Tungkol sa susuotin niya sa Festival. Tinawag naman ako ni mama para kunin ang chocolate na bigay sa'min ng kapitbahay. Kinuha ko iyon at kinain habang nagbabasa. Dumating ang araw na pinaka kinakakaba ko. Sinundo ako ni Yuan sa Bahay. Nag mano siya kay mama at saka dumiretso sa aking silid. Hindi pa ako nakakabihis pero naka ligo na 'ko. "Hindi ako makapag decide, Han. Ang pangit ng mga casual dress ko." Nakasimangot kong sumbong rito. "I know, kaya nga binilhan kita ng isusuot. Here, kunin mo. Bagay sayo 'yan." aniya sa seryosong tinig. Nahihiya akong humawak sa box na dala niya. May laman iyong beige na casual dress. Bagay ito sa'kin nang humarap ako sa salamin. Nagtungo ako agad sa Rest Room para mag bihis. Namangha siya sa suot ko nang makita niya ko. "Beautiful.." aniya. Ngumiti lang ako ng tipid saka naglahad ng kamay sa kanya. Saka kami umalis. Nagpaalam lang kami kay Mama. Nakarating kami sa Mansion ng mga Lim-Guerrero. Napakalaki at napakalawak noon. Bigla akong nang liit sa aking sarili. Lalo na nang salubungin kami ng sampung naka itim na tuxedo. Nag bigay galang ito kay Yuan sa pamamagitan ng pag yuko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD