Kabanata 4

1833 Words
Napakaraming tao sa Mansion nila. Sa suot palang ng mga ito alam mong nagsusumigaw ng karangyaan. Malayong malayo sa estado ng aming pamumuhay. Napahigpit ang kapit ko sa kamay ni Yuan. Napansin niya rin na namamasa na ang aking palad. "Chill. Huwag kang kabahan. Kasama mo 'ko." seryosong sabi niya. Huminga ako ng malalim para ikalma ang aking sarili. "Sige." Pagpasok namin sa loob, napansin ko agad ang nagmamahalang muwebles at gintong kagamitan. Iniwas ko ang aking tingin roon. At dumiretso kasama si Yuan hanggang makarating kami sa kanilang Dining Hall. Nag lingunan ang mga naroon. Bumalik ang nerbiyos na nararamdaman ko kanina pa, lalo na nang mapanuri nila akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Ayoko pa naman sa lahat ay iyong minamaliit ako. Yuan greeted them with a big smile. Samantalang nahihiya akong ngumiti. Hawak kamay kaming lumapit sa kanila at pinakilala ako nito. "Ma, Pa. Si Hershey po, girlfriend ko." aniya sa malumanay na boses. Hindi kumibo ang Tatay ni Yuan pero ramdam kong hindi ako nito gusto. Para akong sinaksak ng punyal roon lalo na nang mag salita ang Mommy niya. "Gēn tā fēnshǒu ba, wǒ bù xǐhuān tā!" mataas ang boses na sabi ng Mommy niya. Natigilan ako roon. "Nǐ dàodǐ zài shuō shénme, mā?! Bù! Wǒ ài tā!" galit na sagot ni Yuan. Nangilid ang luha sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng pag guhit sa aking puso at tila umakyat ang acid sa aking lalamunan. I am hurt. Napahiya ako sa mga kamag anak niya. "Hindi ba alam ng babaeng 'yan na si Yuan ang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya Lim at Guerrero?! She looks so dumb and weird, huh?" bulong ng isa sa tiyahin ni Yuan, si Miss Feng Chi. Habang nanlilisik ang matang nakatingin sa'kin. "For sure, she knew? kaya nga siya kapit maigi sa pinsan ko. Kasi kayamanan lang ni Yuan ang gusto nito." maarteng sabi ni Luo Yi. Isang sikat na modelo sa China at Actress. "Yuan, I thought She's just your Slave or your maid? My apology." nakangising sabi ni Yuyu. One of the most beautiful young star in China. Madalas siyang makita sa mga Historical Drama at Xianxia Historical Romance. Napayuko ako sa samu't saring sinasabi nila tungkol sa'kin. Napakasakit sa puso at tainga makarinig ng ganoon. Tinapak tapakan nila ang aking pagkatao. "I don't want her to be my daughter in law, malaking kahihiyan iyon sa Business Industry. Marami tayong connections at ayokong madismaya sila, I want to have someone who can stay with the same energy and status with you. Not a trash! Dump her now!" baritonong boses ng Ama ni Yuan ang umalingawngaw sa buong dining hall. Para akong binuhusan ng tubig roon. Habang nakatulala sa kanilang lahat. They look at me with so much disgust and annoyance. "She don't deserve you, son. Just give her at least 5 Billion pesos so She can leave without saying that we are ruthless." mataray na sambit ng Mama ni Yuan. Nakagat ko ang aking ibabang labi sa gigil at sakit na nararamdaman. Tuluyan ng gumuho ang aking mundo sa sinabing iyon ng kanyang ina.. Galit na sinigawan ni Yuan ang mga ito. "Enough! Don't judge her! I really love her!" mariing sabi nito. Dahil sa matinding pagkapahiya. Binitawan ko ang kamay ni Yuan at saka nag lakad ng mabilis palayo roon. Hanggang sa tumakbo na 'ko makalayo lang. Nang makalayo ay, tuluyan ng bumagsak ang luha na kanina ko pang pinipigilan. Sumunod sa'kin si Yuan hanggang sa makarating kami sa Park. Mainit nang hapon na iyon. Kaya naisipan kong magpahangin sa Park para ikalma ang aking sarili. Napakahirap pala kapag ayaw sayo ng magulang ng lalaking mahal mo. Nang lumapit si Yuan sa'kin. "Sorry! Sa sinabi ni Mama.." saad nito. Hindi ako agad naka sagot. Nag unahan sa pag patak ang aking luha nang marinig ko ang pag hingi niya ng tawad. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Naka upo kami sa ilalim ng mango tree habang pinapanood ang mga white dove na malayang nalipad at nababa sa may gilid ng lake. I sighed. "T-Tama siguro ang mama mo, hiwalayan mo na kaya ako?" sagot ko sa kanya habang umiiyak. Bumitaw siya sa pagkaka-yakap bago siya sumagot. "what did you say?" tanong niya kaya natameme ako sa mga titig niya. May halong galit doon. Ang hugis almonds niyang mga mata. Lalong nagkulay itim ang mga iyon sa tuwing magagalit siya. "w-wala.." nauutal kong sagot. "no. Repeat what you'd say.." utos niya. Umiling ako. Nagulat nalang ako nang bigla niya kong hinalikan sa noo. "don't say that, Once in a while I've been serious in my entire life. I really did. But it's never been appreciated.. Kaya ayokong mawala ka sa'kin, sayo ko natagpuan yung pagmamahal na hindi kayang tumbasan o higitan ninuman, pera man o tao." aniya sa seryosong tono Kumalabog ang puso ko sa kilig. Nagharumentado iyon at namula ako sa sinabi niya. Hinalikan niya ang aking labi. "Huwag mo silang intindihin. Ako ang mag mamahal sayo hindi sila." dugtong niya pa. Tumango ako. Biyernes nang magsimula ang Party. Nakasuot ako ng simpleng itim na fitted dress nang marinig ko ang boses ni Joshua. "pinsan! Tara na dito!" tinakbo ni Joshua ang distansya namin at hinigit ako papunta sa grupo nila. Pinaupo niya ko sa tabi nila ni Hogan, ngumiti sa'kin si Hogan at nakipagkuwentuhan sa'min sila Rj at Raz. "Hi, Miss President.." bati ni Raz. Ngumiti ako ng tipid bago sumagot. "Hello." hinarangan siya ni Rj, ito ang kilalang badboy sa kanila. "ako muna tol. Ang daldal mo masyado e." saway nito. Parang siya di madaldal. Pambihira talaga ang mga to. "kamusta?" saad ni Rj habang nakapatong ang dalawang paa sa mesa at naka ekis ang braso. Bossy masyado talaga gumalaw 'to. "I'm fine." sagot ko, napalingon ako kay Miles at Joshua na may sariling mundo. Close na sila agad? School festival ngayon. Kaya kapansin pansin ang mga tao. Nagkaroon ng Party ngayong gabi dahil kasama iyon sa event. Biglang tumugtog yung kanta na sinulat ko na Itinakda ng Panahon. Sumikat na talaga iyon. Kaloka! "Can I have your hand?" biglang singit ni Yuan. Nagulat ako nang bigla itong sumulpot kung saan. Napatitig tuloy sakanya sila Raz at Rj. "Whoa.." manghang kantiyaw ng mga naroon. Kasabay noon ang pag play ng kantang ako mismo ang nag compose. Salamat saiyong pagpapahalaga puso ko'y iyo sinta Wag mo sanang balewalain ang pag ibig ko na habang buhay iaalay sayo kung paano ba? puso nating pinag iisa higpit na hawak ang kamay na para bang ayaw na kitang mawalay O giliw ko, ikaw lang ang nag iisa halik mo ang hanap sa tuwina Nakatayo siya habang nakalahad ang kamay sa'kin. Nagtinginan ang mga tao. Nasa mismong Party kaya kami. Seriously? Pero kahit na naangal na ang utak ko. Kusang gumalaw ang mga kamay ko at hinawakan ang kamay niya. Dahilan para mag hiyawan ang mga tao. Awkward akong napangiti at tumayo. Dinala niya ako sa gitna. Sana ay pang habang buhay kitang kasama Ikaw lang at ako mag kayakap pagkat ikaw lang sinta ang nais kong makasama Sana ay di mo isipin na ika'y ipagpapalit dahil sa lahat, ikaw lang ang gustong mahalin Wag ng mangamba, sinta dahil habang buhay kitang mamahalin Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko habang nakapatong ang kamay ko sa may balikat niya. Ang hirap niyang abutin. Masyado siyang matangkad samantalang cute size lang ako. Hustisya. Sobrang gwapo pa ng lalaki na ito. Todo hiyawan ang mga nandoon. Natili na sila Miles. Bigla ring tumayo si Joshua at inaya siya. "Did you know how Happy I am? Coz I'll be able to hold your hand.." aniya sa malambing na boses umiling ako pero napangiti nadin ako. Bigla niyang inilapit ang bibig niya sa tenga ko. "I'll tell you the reason.." aniya. He smiled. Muli ay nagkita tayo at mahigpit na hawak ang kamay sa bawat araw puso'y sayo sana'y wag nang mawalay O giliw ko, ikaw lang ang nag iisa halik mo ang hanap sa tuwina at kahit na mag iba ang ikot ng mundo, ikaw parin ang mahal ko at kahit kailan di mag babago Naiiling nalang sila Raz at Rj. Nag okay sign pa si Rj nang makitang nakatingin ako. Binalik ko agad ang mga mata ko kay Yuan na di ata nag sasawang titigan ako. "Coz you're like a rose.." aniya. Kaya bumilis ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko nakalutang ako. There's a lot of butterflies in my stomach. Nakaka inlove talaga ang isang Frich Yuan Lim-Guerrero. "I was a secondyear student ng maagaw mo ang atensyon ko. Naglalaro ka ng basketball that time. Ang galing mo." maligaya nitong compliment sa akin. Ngumiti ako. Kahit babae kasi ako ay marunong akong mag basketball. kahit na lumipas pa ang ilang araw, buwan at taon pag ibig ko sayo'y di magbabago maglaho man ang mga bituin sa langit basta ayokong sayo'y mawalay at gaya ng agos sa ilog patuloy lang kitang mamahalin at hinihiling sa maykapal ika'y gabayan Nagkuwento siya tungkol sa mga nagustuhan niya sa'kin. paulit ulit man tayong mag away kahit ilang beses man tayong mag hiwalay tadhana na mismo ang mag babalik sa'ting dalawa sa pagkat tayo'y itinakda ng panahon Oh, Mahal ko kapit ka lang sa'king kamay at wag na wag bibitaw habang buhay tayong mag sasama, dahil puso natin pinag iisa sa bawat araw ika'y kapiling "and I love you..noon pa man. Hanggang ngayon." aniya kaya natameme ako. Sobrang nabigla ako sa huli niyang sinabi. Akala ko last words na niya 'yon. Nagka mali ako. Kasi may karugtong pa. "Can I give my smiles to you? Coz since then you already have my heart with you.." sweet nitong sabi. Ayoko sanang maniwala pero. Hindi man ako ang kaunahang minahal niya. Nagustuhan niya. Never akong may nabalitaang may babae siya o may nililigawan siya o nagugustuhan. Simula nang maging kami. Kaya pinili kong maniwala. "totoo?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Namumula ko sigurado. Grabe. Nag ririgodon talaga ang puso ko. At tila may mga paruparo na nalipad sa tiyan ko. "Yeah. Can I have you for the rest of my life?" tanong niya. Kaya napalingon ako sa paligid. Halos mahimatay na ang mga babaeng nagkaka gusto sa kanya. At todo giggles si Miles na may kasama pang pag tango. "seryoso ka?" tanong ko. Nginitian niya lang ako at hinalikan sa noo. Ano bang meron sa noo ko? "Hmm. Ano bang meron sa noo ko at kinikiss mo?" sabi ko. Amp. "Muka na bang landingan ng eroplano?" dugtong ko. Naka simangot kong sabi. Nag tawanan naman lahat. Pati siya ay natawa nadin. "sira. That's a sign that I'm sincere and serious. So?" aniya. "Oo na. Pumapayag na ako." nakanguso kong sabi. Nakakahiya e. Puro talaga ko kalokohan. Hays. Nagtatalon siya sa tuwa. "Huwag kanang bibitaw. At pabayaan mo na sila mama, mahal na mahal kita." buong puso niyang sinabi. I smiled at him. "Okay, mas mahal na mahal kita." nakangiti kong tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD